webnovel

Chapter 1

Crayon Cruz. Siya ang pinakasikat sa aming paaralan. Maraming mga babae ang pinapaibig at pinapaiyak. Isang lalaking hindi mo kailanman papangaraping makilala. I do not hate him but I despise someone like him.

''Hoy, Trisha Kate! Earth 'to! Nakatulala ka naman.'' Nakangiting saway sa akin ng aking bestfriend na si Kim. Sabay tingin sa direksyon kung saan nakapokus ang aking mga mata.

''I see.'' Nakaismid niyang sabi. Tila kuha na niya ang iniisip ko sa ngayon.

''I really cannot stop myself from despising that guy.'' Nakasimangot kung sabi sa kawalan.

''Yeah, I understand.'' aniya at seryoso akong tinitigan bago nagpatuloy. ''However, kung di mo siya mapapatawad, malaki ang chance na malalayo tayo sa isa't isa.'' aniya at umupo sa aking tabi.

Nakita ko ang biglang pagseryoso sa masayahing mukha ng aking bestfriend.

''I know right.'' kibit-balikat kung tugon. Of course, alam ko ang ibig niyang sabihin.

Si Crayon ang nakakatandang kapatid ni Kim. He is already 22 years old pero still on his fourth-year college like us. Babaero kasi at napaka happy-go-lucky type of guy. He is 2 years older than us. Ewan, pero kung gaano ko kakinaiinisan ang kuya niya siya namang pinakagusto ko kay Kim. She is the sister that I never had.

Nasa ganoon akong pag-iisip nang biglang lumingon sa aming kinaroroonan si Crayon. Nasa pinakadulong upuan kami ng gym pero kitang-kita ko ang nakakalokong ngisi niya sa amin habang dinidribble ang bola.

''Tara na.'' aya ko kay Kim.

''Nakita na niya tayo, no?'' nakangising tanong niya sa akin.

Hindi ako sumagot at mabilis na lamang na umalis sa aming inuupuan. Nakita ko pa ang pagkaway ni Crayon sa amin bago shinoot yung bola. I rolled my eyes.

'Hay nako, si kuya talaga. Ayeeh.'' nakangiting ani ni Kim sa aking likuran.

''Stop it.'' saway ko sa kanya. ''What?'' makulit at painosenteng tanong ng kaibigan ko.

''Kim, I am serious. Do not try to ship him to me. Nakakairita.''

''Lol. I am not.'' pairap na sabi niya. Ngunit nakita ko pa rin ang ngiti at tila natutuwang kislap ng kanyang mga mata sa naging reaksyon ko.

Napapikit ako nang may biglang sumagi sa aking isipan. It's Kisha Kate's memories.

''Best, you have to move on. I know na masakit pa rin ang nangyari sa twin mo ng dahil sa kuya ko. Pero you have to admit na hindi naman lahat ng iyon ay kasalanan niya.'' Kalmadong pahayag ni Kim. Matiim siyang nakatingin sa akin na tila binibigyan pa ako ng oras na alalahanin ang buong pangyayari.

''I know.'' Nakatiim-bagang pag-amin ko.

Oo. Inaamin ko na hindi lang si Crayon ang dapat sisihin sa nangyari noon. My twin has her own fault too. Pero ang maling iyon lang naman ay ang mahalin ng lubusan ang gagong lalaking iyon.

Should I stop this feeling of despising him? Mariin akong napakagat-labi bago tiningnan ang aking kaibigan. I should do something to find the truth.

''Kim, can you do me a favor?'' Bahala na.

Halata ang pagkabigla sa kanyang magandang mukha sa naging tanong ko.

''S-Sure. What is it?'' aniya ng makabawi mula sa pagkabigla.

I moved closer to her and whispered something in her left ear.

''Fine.'' She nonchalantly agreed.

Creation is hard, cheer me up!

drose31creators' thoughts