10 years later...
''Mommy!!!'' Napabalikwas ako ng bangon sa narinig.
''Mine, what's wrong?''
''Kumakatok na ang kambal.''
''Hmm. Sayang gusto ko pa sanang...''
Hindi na natapos pa ni Crayon ang sasabihin dahil binuksan na ng aming dalawang makukulit na anghel ang aming kwarto.
''Daddy! Mommy! We have good news for both of you! Wake up na.'' Si Mikai at Mary na excited na lumapit sa amin.
Sumampa kaagad ang mga ito sa aming malaking kama.
''Baby, sleepy pa si mommy nyo. Si daddy na lang kulitin nyo.''
Si Crayon na bumangon at isa-isang niyakap ang mga anak namin.
''Dad, di pede.'' Simangot na saad ni Mikai.
''Why? What's the matter? Ano bang good news yan?'' Nakangiting tanong ni Crayon sa mga bata. Agad namang bumaba sa kama ang mga ito at may ipinakita sa ama.
''Look.'' Si Mary na may ibinigay kay Crayon na isang papel.
''What?! Totoo ba ito?'' Gulat na tanong ni Crayon.
''Ano yan, daddy?'' takang-tanong ko.
Nagkatinginan ang tatlo at sabay silang sumagot sa akin.
''Kim is pregnant.''
''Tita is having a baby. We have a playmate na!''
Talaga?
''Seryoso?'' Gulat din ako.
Pero mas nagulat ako nang biglang bumungad sa aming harapan sina Kim at Adam.
''Happy birthday, best!'' Si Kim na hawak ang pregnancy test niya at masayang bumati sa akin.
Oo nga pala, today is our birthday with Kisha.
''Happy birthday to you, Trish.'' si Adam na ngumiti rin.
''Happy birthday, mommy!'' Sabay na bati ng aming kambal.
''Happy birthday, mine.'' Si Crayon na may kinuha sa likuran ni Adam.
A bouquet of flowers!
Gosh! Na surprise ako. It is a double celebration and I bet pinlano itong lahat ng aking bestfriend at ng aking asawa na marahan akong itinayo mula sa kama.
''Okay, ba ang greeting namin, sayo mine?''
Naluha ako at tumango.
''Thank you, asawa ko. Also, congratulations best and Adam. It is a double celebration, guys!'' masayang anunsiyo ko.
''Galing namin mag-acting dad, no?'' sina Mikai at Mary na yumakap sa dad nila.
''Good job, twins!'' aniya at binuhat ang mga bata.
Masaya kaming kumain sa labas ng araw na iyon. Kinagabihan ay naghanda rin kami ng simple na party.
''Best, congrats talaga. Nabigla ako. I thought hindi talaga kayo magkakasundo ni Adam.''
Nasa terrace kami ngayon ni Kim at pinagmamasdan ang mga bisita sa baba na masayang kumakain at ang iba naman ay nagkakaraoke pa sa aming hardin.
''Oo, rin best. Akala ko rin hindi ko siya gusto dati. Ang yabang kasi saka suplado. Pero best, ang sarap niya. Haha.''
''Gagi. Ikaw talaga, Kim. Napakakulit mo talaga.''
''Pero seryoso best, I love him na talaga. He's the best frenemy.'' aniya at natawa sa sinabi.
Parang aso at pusa kasi ang mga ito noon. Kaya nakakagulat na bigla na lamang naging sila at magkakaanak pa. Parang kami lang ni Crayon, dati. The twist is, palaging sweet at maloko sa akin ang asawa ko samantalang seryoso at napakasuplado naman ni Adam kay Kim.
''Best, thank you.'' ani ko at niyakap ang aking bestfriend slash sister-in-law.
''Naman, oh. Thank you rin best, kasi minahal mo ang kuya ko. Also, thank you for giving him chance to love you.''
Napangiti kami sa isa't isa at mahigpit kong niyakap ang aking kaibigan. Isang kaibigan na parang kapatid ko na rin. I am so lucky to have someone like her in my life. Thank you, lord.