webnovel

TELL ME YOUR NAME (Filipino)

A STORY OF CHOICE. WHAT WILL YOU DO IF FATE MADE YOU CHOOSE BETWEEN THE PERSON YOU LOVED (mahal mo) and THE PERSON WHO LOVED YOU THE MOST (mas mahal ka)? Who will you choose? A STORY OF DRAMA. WHAT WILL YOU DO IF THE PERSON YOU GAVE YOUR TRUST IS THE ONE WHO REALLY WANTED TO KILL YOU? A STORY OF ACTION. IF YOU LEARN TO FIGHT, WILL YOU ALSO BE ABLE TO FIGHT FOR YOUR LOVE? OR WOULD JUST LET GO? A STORY OF LOVE. Isang pagmamahal na walang hinihinging katumbas. Isang pagmamahal na handang maghintay. Isang pagmamahal na handang magsakripisyo. WARNING: Still on edit but I'll try my best to finish this up in order for me to make this story better :)

MissKc_21 · Teen
Not enough ratings
127 Chs

SANTOS ACADEMY

Bumaba na ako ng kotse at pumasok na nang main gate. After two days of rest, minabuti ko nang pumasok sa SA since may school obligations pa akong naiwan. Classroom president kasi ako and I was assigned by the Supreme Government -Vice Gov. na magprepare ng program para sa upcoming school activity this month.

"Aikka, wh_what happened?" ask ni Misy.

She's my classmate and classroom secretary. Kilala bilang gossiper ng classroom namin but most guys adore her and I don't know why.

"someone tried to kill me" tanging sabi ko.

Because I know na tinatanong lang n'ya iyon, not because she's worried but para may maichismis siya sa kanyang mga kaibigan na ako rin ang paboritong topic sa mga pagkikita nila.

Tss. I really don't understand why most people love talking behind my back. I mean, ano bang kasalanan ko sa kanila?

"Really? if that's true, then sino naman iyon?"

"I don't know" binilisan ko na ang paglalakad para makaiwas na rin sa mga tanong niya.

After 15 minutes, nakarating na rin ako sa Room A, classroom namin.

"Ouch" me when something hit my forehead.

Peacock! Kapapasok ko pa lang ng school, stress na agad ako. I really hate them talaga!

"Sorry" sabi nung guy na malapit sa pinto while smiling. Halata namang sinadya nya eh! Gusto ko sana siyang gantihan kaso medyo masakit pa talaga ang braso ko dahil sa nangyari.

"Anong.. nangyari dyan?" tanong naman ni Jotham. Ang nerd kong kaklase.

"Sa tingin mo?" irap kong sabi.

Bwiset kasi talaga. Kakabalik ko pa nga lang dito sa SA, ganito na agad ang maabutan ko. Sumasakit na nga ang tenga ko sa ingay ng mga babae kong kaklase na kanina pa tili ng tili at halos mapigtas na ang litid sa loob ng lalamunan nila sa kakasigaw, dumagdag pa 'tong isang lalaki sa pinto na ewan ko kung ano ang trip at bigla na lang nambabato ng kung anu-ano. Kainis! Kailan ba matatahimik ang buhay ko sa academy na ito?!!!

"Hey, sino ang may gawa niyan sa iyo? okay ka lang?" Jotham.

"Do I look okay?" pagsusuplada ko.

"Pasensya na if nagtanong ako" him in a soft voice.

Shocks!

Sorry but wala talaga ako sa mood this time.

Pinilit kong pakalmahin muna ang aking sarili at kinuha ko na ang aking libro not until someone grabbed my hand.

"Hey you, stupid!"

Tiningnan ko kung sino iyon, si Jenna. Isa pa ito. Ewan ko kung ano na naman ba ang problema niya.

"Di ba I told you na huwag ka nang papasok dito?" tinaasan niya ako ng kilay.

"Oo sinabi mo iyon, so what?"

Nagsmirk siya tapos kumuha siya ng bottled water from somebody. Parang alam ko na ang susunod na mangyayari.

At ibinuhos na nga niya ang tubig sa akin. Okay, wow!

"Jenna!" hinigit ni Jotham ang kamay ng bruha.

"Bitawan mo ako Nerdy, kung ayaw mong matulad sa katabi mo" Jenna while smiling.

"Hindi iyan tama Jenna, pede kitang isumbong sa SAO, you are bullying her"

Tiningnan siya ng masama nito. Tapos tinanggal niya ang nakahawak na kamay ni Jotham bago niya ito sampalin.

That girl is a witch. Malaki na nga ang kanyang bibig, dinagdagan pa niya nang kahabaan ng sungay!

"Baka nakakalimutan mo, ako ang anak ng may-ari nitong school." she smiled tapos umalis na at bumalik sa kanyang upuan kasama ang mga alagad niya.

Nadamay pa tuloy si Jotham. Kasi naman eh.

"Eto, magpalit ka" Jotham said habang iniooffer sa akin yung PE t-shirt nya.

"Ayos ka lang?" ask ko.

Dapat kasi hindi na siya nakisali eh, nasanay na naman din kasi ako sa pambubully ng babaeng iyon. Hanggang ngayon kasi, hindi niya matanggap na mas nalalamangan ko siya pagdating sa academics. Hindi naman ako ang top 1 pero pasok naman ako sa top 3 while her, nasa top 10. Pasalamat nga siya at naawa ang teachers sa kanya at isiniksik siya sa top 10.

Puro pagpapaganda at pagpapafamous lang naman kasi ang inatupag niyan simula noong 3rd year high school pa kami. Simula kasi nang dumating sa buhay niya 'yung rumored boyfriend n'ya eh naging ganon na siya. Well, kung sino man iyon, I don't care. Marami pa akong mas dapat problemahin kaysa sa walang kwentang bagay na iyon.

"Aikka...nakikinig ka ba?" Jotham.

"Ah, may sinasabi ka pala. Sorry, ano nga ulit iyon?"

"Sabi ko, magbihis ka na kasi baka magkasakit ka pa. Huwag mo na akong alalahanin" then, ibinigay niya sa akin ang kanyang t-shirt.

I appreciated his goodness. Mabait naman talaga ang nerd na iyon eh. Sa lahat ng classmates ko, siya lang ang medyo normal.

----

Sa cr...

Shocks! As in basa talaga pati ang bra ko. Magkakasakit talaga ako ng di oras eh!

"Ouch.....aray"

Wait, parang may naririnig akong di kaaya-aya. Ewan ko kung saan galing ang ingay na iyon.

"Stop it, ayoko na" girl na para bang hinahabol ng hininga.

"Di ba ito ang gusto mo? ibuka mo pa"

Namulagat ang aking mga mata dahil sa king narinig. Shocks! ang aga-aga naman ata para gumawa sila ng milagro...dito pa talaga sa cr banda huh? Mababaliw na ata ako sa mga estudyante dito sa school!

"Aray, hinaan mo naman at masakit"

Tinakpan ko ang aking mga tenga at daling lumabas ng cr. Sa aking pagmamadali, nasapid tuloy ako at nadapa.

Peacock.

"Teka, ano iyon?" boses ng lalaki.

Then nakita kong lumabas sa stock room ang girl na tila ba nagulat sa presensya ko.

"Miss, anong ginagawa mo dyan?"

Lumabas naman 'yung lalaki.

Teka, he looks familiar.

"Vice gov.? anong_ginagawa nyo doon?" me.

Akala ko ba bakla si Jordan pero, what?!!! I can't believe it. Magugunaw na ba ang mundo dahil sa mga nangyayari ngayon? Nagiging speechless na talaga ako.

"Oh Ms. Montero, ah...ayos ka lang?" him.

"Do you know her, kailan pa?" sabi nung girl na parang nagseselos.

"Ah, Ms. Montero si Elaine pala, bff ko...Elaine, si Aikka Montero" ipinakilala nya ako sa bff nya daw. Hindi ako naniniwala.... sa mga narinig at nakita ko? No way! Hmp.

"Aikka Montero? anak ba siya nung may-ari ng Montero Prime Holdings?"

"Ah, yes" sabi ni Jordan.

"Really? pwedeng makipagkaibigan sa iyo, as in bffs na rin?"

"Wait, no" me.

"No? why?"

"I just don't want to make friends with someone doing that thing early in the morning" me.

"Huh?" her in a question mark reaction.

"Ah! so you mean doon sa stock room? Mali ka nang iniisip girl, look at me, kaya ko ba gawin ang nakakadiring bagay na iyon? I mean eew!" defensive namang sabi niJordan.

"Huwag ka na ngang magpanggap Jordan, narinig ko ang lahat. Alam kong lalaki ka" me.

Ayoko nang magtimpi pa, kanina pa ako sukang-suka sa pakikipag-usap sa kanila after ng mga narinig ko. Shocks! my baby ears, nakarinig ng mga di kaaya-ayang ungol.

"How dare you Ms. Montero, inapakan mo ang dangal ko, bawiin mo lahat ng sinabi mo"

No way, why should I?

"Hahahahaha, nakakatawa kayong panuorin." sabi naman ni Elaine.

Bah, nagenjoy pa talaga siya sa eksena namin ah.

"Elaine, iexplain mo nga sa babaeng ito ang nangyari para di niya ako pag-isipan ng ganon!"

"Ms. Montero, ganito kasi iyon.... 'yung mga narinig mo, kalimutan mo na iyon kasi wala naman talagang nangyayari sa amin doon sa loob. Matagal ko na nga pinapanalangin iyon kaso baklesh talaga itong bff ko."

"Eh kung ganoon, ano ba kasing ginagawa nyo doon sa stock room?"

"May hinahanap kasi kami doon, related yun sa preparation niyo para sa Acquaintance kaso may biglang tumama sa ngipin ko kaya nauga ito ng sobra. Ipinabubunot ko kay Jordan eh kaso itong baklesh na ito, hindi marunong. Ipakita mo nga sa kanya yung sinulid"

"Here" ipinakita nya. Kanina nya pa pala hawak iyon.

"You!" hinampas ko si Jordan. Baklang ito, kanina pa sya hawak ng hawak sa akin habang nasa kamay niya pala 'yung sinulid na may dugo pa dahil sa ngipin.

"Why? ako dapat ang gumawa n'yan sa iyo"

"Anong why ka dyan? kadiri ka!" dali na akong umalis.

I want to be far from them kasi baka mahawaan pa ako ng mga kalokohan nila.

After I finish this up, I'll make some revisions and even editing. So for now, please be considerate for some typing errors. Thanks and have a nice day! Feel free to comment for impovement on my story. Labyu guys!

MissKc_21creators' thoughts