webnovel

Chapter 16: New look ng mga Shadows

Ang plano na sinabi ni Buttler ay mag hihintay sila na tulog na ang mga tao sa labas ng gate at saka sila lalabas at pagpapa-patayin silang lahat. Kaya naghintay sila ng ilang oras at nang nakita nila na halos lahat ng tao ay tulog na, saka sila palihim na lumabas at pumunta sa iba't ibang direksyon. Ang mga Ghost Servant ay pumasok sa mga iba't ibang tent at nang nasaloob na sila, sumanib sila sa mga natutulog na tao at kumuha sila ng espada at sinaksak nila ang sarili nila.

Ang mga Shadows naman ay kinontrol ang mga anino ng mga natutulog na tao at winasak nila ang mga ulo nila sa pamamagitan ng pagkontrol sa anino na palibotan ang mga ulo nila at dorogin ito. Ang mga Metal Giants naman, dahil malalaki sila at hinde sila pweding magpakita sa labas kasi kitang kita sila at sa pag lakad palang maririnig na agad sila ng mga tao, kaya nasa ilalim lang sila ng lupa. Kinontrol nila ang mga bakal sa paligid saka nila ito ginawang matalim at gamit ang mga ito, tinosok nila ang mga ulo ng mga taong natutulog dito.

Ang gabi na ito ay matatawag na Bloody Night. Madaming dugo ang umagos ngayun.

Wala pang isang oras ay tanging si Lord Dennis nalamang ang natitirang buhay sa mga taong pumunta dito. Ngayun na naubos na nila ang mga tao, naglabasan na ang mga Metal Giants at ang mga Shadows pati ang mga Ghost Servants sa pag tatago. "May natitira pang isa, diba sya ang pinono ng mga taong ito? Kung ganun dapat pahirapan muna natin sya bago sya mamatay. Para magbayad sya sa pag estorbo sa Goddess natin." Sabi ni Metal 1.

"Tama, at para magbayad yan dahil ako pa tuloy ang napagbontongan ng galit ni Madam Farrah hayysss." Sabi ni Buttler. Pumunta ang mga Metal Giants sa paligid ng tent ni Lord Dennis at hinila ito papataas at nakita nila ang mahimbing na natutulog na si Lord Dennis. Nakahubad sya at walang soot kaya pagkakita palang sakanya ng mga Metal Giants gusto na agad nila syang pag pira-pirasohin. Nakakadiri ang itchura ng katawan nya, ang taba taba pa at puno ng buhok ang katawan nya para bang gorrilla.

Lumapit si Buttler kay Lord Dennis at...

Pak!!!

Sinampal ni Buttler si Lord Dennis ng napaka lakas at tumalsik ito. "Yan ang ganti ko, kung hinde dahil sayo hinde sana ako papatalsikin ni Madam Farrah ng napalakas." Sabi ni Buttler. Pagtalsik ni Lord Dennis bigla syang nagising sa sakit at napatayo sya bigla at hinawakan ang namamaga at wasak na nyang pisngi. "Sinyong nyag lyakas lyoob na syampalin ako!?" Pabolol na sabi ni Lord Dennis. Pero nang nakita nya na ang mga nasa harapan nya, muntikan na syang himatayin.

Nakita nyang may mga higanteng bakal na nakatingin sakanya at may mga higanteng aso rin na gawa sa kahoy at may napakaraming multo na lumilipad lipad sa taas at nakatingin din sakanyan na para bang gusto syang kainin at nakita rin nya ang mga taong anino na mga walang mata. Nanginginig na sya sa takot, at pa bigla syang napa atras nang nakita nya na may isang multo na papalapit sakanya.

"Wa..wag kang lumapit! Lumayo ka! Tulong! Tulong! May gustong pumatay saakin! Lumabas kayo jan! Patayin nyo sila!" Sigaw ni Lord Dennis sa mga tauhan nya na nasa tent. "Hahahah! Wag kanang mag aksaya ng boses mo, hinde kana nila maririnig. Pinatay nanamin sila." Sabi ni Buttler habang papalapit kay Lord Dennis. Natumba si Lord Dennis sa takot at na ehi na.

Binago ni Buttler ang itchura nya at naging nakakatakot ang mukha nya. Wala syang mga mata, tanging ang makikita mo lamang kapag tumingin ka dito ay mga butas na puno ng dugo. Ang ilong nya ay wala na at kitang kita na ang buto ng mukha nya. Ngumanga si Buttler ng napaka laki at sa bibig nya maraming lumabas na mga ood, mga insekto, mga ahas at pumunta kay Lord Dennis.

Si Lord Dennis naman, bagama't nakita na papalapit sakanya ang mga ito ay hinde na nakagalaw dahil sa takot na kinain na ang isipan nya. Nahulog na sya sa pinaka malalim na at walang hanggang takot. Ang nagagawa nalang ni Lord Dennis ngayun ay manginig at mangisay sa lupa habang pinapalibotan ng mga ahas at ng mga insekto pati mga ood.

"Hahahah, yan ang matatawag kong pananakot. Galing mo Buttler." Sabi ni Shadow 1 sa papalapit na Buttler. "Hehehe para yun lang. Matagal kona yun ginagawa kaya professional na ako dun." Sabi ni Buttler habang bumabalik sa maayus ang mukha nya. "Anong gagawin natin sa mga bangkay na ito? Hinde naman pweding iwanan nalang natin sila dito. Papangit ang lugar kapag iniwan natin sila dito." Sabi ni Buttler.

"Kami na bahala dito. Masarap ang mga tao na pampataba sa amin." Sabi ng apat na higanteng aso. "Buti naman kung ganun. Metal Giants, kayo na bahala sa pag alis ng mga tents na ito. At yung iba pwede na kayong bumalik sa loob." Sabi ni Shadow 1. Isa isa, kinain ng mga higanteng aso ang mga tao at sa kada kain nila mas lumalaki pa sila. Ang mga Metal Giants naman ay naghukay ng butas at inilagay ang mga tents.

"Papasok na kami, kayo nalang bahal mag linis ng iba dito." Sabi ni Metal 1 at tulad ng iba ay pumasok na rin sya sa loob. "Sige mga kapatid, kumain lang tayo para lumaki pa tayo hahahah." Nagtatawanan ang mga higanteng aso habang kinakain nila ang mga katawan ng mga tao.

"Mukhang totoo ang sinabi ng tauhan ko. Dapat kona itong ereport kay Lord Joven." Habang kumakain ang apat na higanteng aso, hinde nila napansin na sa malayo ay meroong taong nakatingin sakanila. Pumunta sya dito para makita ang napabalitang gintong Mansion at nagulat sya sa nakita nya kaya dali dali syang umalis para pumunta sa Headquarters ng Red Skull Gang. "Lord Joven, maniwala po kayo. Totoo po ang sinasabi ko, merong madaming multo doon na lumilipad at may sampung bakal na tao saka may mga apat na higanteng aso na gawa sa kahoy, kinakain pa nga nila ang mga taong pinatay nila at saka may mga taong anino din sakanila."

"Satingin ko Lord Joven, ang sinabi ng tauhan ko na nakita nya nang pumunta sya sa Headquarters nila Lord Eron ay ang mga bakal na taong nakita ko." Sabi ni Murin, ang tauhan ni Lord Joven. "Hmm? Kung totoo nga ang sinasabi mo, kailangan nating maghanda sa kung anong posibleng mangyari. Pero alam mo Murin, pwede nating subukan na isali sila sa Red Skull Gang. Isipin mo kapag sumali sila saatin, pwede na nating gawin lahat ng gustohin natin dito. Walang makakapigil saatin."

"At madali nalang para saatin na wasakin ang ibang Gang dito sa Juperia. Baka nga makapunta pa tayo sa Kingdome at doon mamuno sa pamamagitan nila." Sabi ni Lord Joven habang iniisip ang mga yun. "Pero Lord Jovin, mga halimaw po sila. Pano naman po natin sila mapapasali dito sa Red Skull Gang?" Tanong ni Murin. "Yan Murin ay problima moba. Umalis kana at wag kang babalik hanggat hinde mo sila napapasali. Dali!" Sigaw ni Lord Joven.

Pag alis ni Murin sa Headquarters ng Red Skull Gang, pumunta muna sya sa isang bar. "Sya nakaisip na pasalihin ang mga halimaw na yun sa Red Skull Gang tapos ako pa ang pag iisipin nya kung pano ko sila mapapasali. Para namang ganun lang yun kadali." Hinampas nya ang lamesa na nasa harap nya at nag order ng beer at uminom nalang nang uminom magdamag kaysa isipin pa kung pano nya mapapasali ang mga Ghost Servants ni Farrah at ang mga Shadows, Metal Giants, at ang apat na higanteng aso nya.

---------------

Sa loob ng Mansion

"That hurtsssssss!!!!!!"

Umaga na at nagising nanaman si Farrah na ang sumalobong sakanya ay ang sakit ng ulo. "Ano bayan, matagal pa siguro bago ako masanay dito." Lumabas si Farrah sa kwarto nya at nakita nya sa harap nya ang isang multo na nakaluhod sa harap nya. "Magandang umaga po Goddess, nakahanda napo ang pagkain nyo. Sundan nyo lang po ako." Sabi ng multo at lumipad ito papunta sa hagdan pababa. Sumonod agad si Farrah kasi kahapon, simula umaga hanggang gabi ay wala pa syang kain.

Dahil nga busy sa pag aayus ng bahay nakalimutan ni Farrah na kumain. Dinala si Farrah sa isang malaking lamesa na puno ng mga masasarap at mababangong pagkain. "Magandang umaga Madam Farrah. Kumusta po ang tulog nyo?" Tanong ni Buttler kay Farrah pero wala syang natanggap na sagot kasi bigla ni Farrah sinunggaban ang mga pagkain sa lamesa at dali dali syang kumain. Halatang halata sakanya na gutom na gutom na sya.

Pagkalipas ng ilang minuto na kakain, naubos na ni Farrah ang kalahati sa mga nakahanda sa mesa. Kahit gusto nya pang kumain, hinde na kakayanin ng tyan nya at baka sumabog na ito sa pagkabusog nya. "Buttler, sino ang nagluto nito? Ang sarap ha." Sabi ni Farrah habang hinihimas ang malaki na nyang tyan dahil sa dami ng nakain nya. "Madam Farrah, ang nagluto po nyan ay ang napaka galing po naming chief na si Romeo. Noong nabubuhay pa sya, palaging sya ang gusto ni Haring Edgar na magluto para sakanya. Sikat na sikat sya dito sa Juperia." Sabi ni Buttler.

"Ahhh ganun ba. Sabihin monalang na nagustohan ko ang luto nya. Pag may oras ako magpapatoro ako sakanyang magluto sabihin mo ha." Sabi ni Farrah. "Opo Madam Farrah." Pagkasabi nya nito, nag bow sya at umalis na papunta sa kusina. Si Farrah naman ay tinawag ang mga Shadows. "Shadows, samahan nyo ako. Bibili ako ng mga damit ko at kailangan ko ng mga tagabitbit kaso kung ganyan ang itchura nyo mahihirapan tayo nyan." Tumingin si Farrah sa mga itchura ng mga Shadows at sinabi.

"Buttler! Pumunta ka dito." Tawag ni Farra. "Tawagin mo ang pinaka magaling gumawa ng disguise sa mga multo mo. Kailangan ko ng disguise para sa mga Shadows ko para magmukha silang tao. Dapat mabilis ha, mga Shadows sumama kayo sakanya." Sabi ni Farrah. "Opo Madam Farrah, masusunod po." Mabilis naman na umalis si Buttler kasama ang mga Shadows.

Pagkatapos ng 30 minutes na pag hihintay ni Farrah, dumating na din sa wakas ang mga Shadows na hinde na kulay black ang katawan tulad dati at walang damit. Ngayun may balat na sila at magaganda ang mga soot nilang mga black na damit, bumagay sa itchura nila. Kung nasa dating mundo sila ni Farrah pwede na silang magtayo ng isang boyband. Sa itchura palang nila, artistahin na. Ang popogi at mukha pang mga korean kpop star.

"Pasenya na Madam Farrah, wala kaming damit dito na maayus poro sira sira. Tanging yan lang ang nakita namin at may mga kunting sira pa yan pero hinde naman po masyadong halata." Sabi ni Buttler. "Ok na yan. Bagay naman sakanila. Tara na, aalis na tayo. Gusto konang palitan ang damit ko.