webnovel

Una

"MATA"

"Nay? Maganda po ba? " tanong ko kay nanay habang akay-akay nya ako sa likod nya

"Oo nak! Iba-iba yung kulay ng mga ilaw."

Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Sana nakikita ko din yung nakikita ni nanay. Sana nakikita ko rin ang magagandang tanawin na natatanaw nila.

"Nay, tara na po. Alis na tayo"

Kahit anong kwento naman ni nanay na maganda yung paligid wala pa rin. Naiinggit lang ako.

"Sige. Malapit lang naman to sa bahay natin e."narinig kong sabi ni nanay. Nag umpisa na syang maglakad habang bitbit nya ako sa likuran nya. Pabigat talaga ako. Wala na nga akong makita, pilay pa ako. Ano na lang ba ang silbi ko sa mundo?

"Nay? Kailan ko kaya makikita lahat ng nakikita mo? " tanong ko habang naglalakad pa rin kami.

"H-hindi ko rin alam anak. Wala din naman tayong pera para maoperahan ka. "

Kung mayaman lang siguro kami. Kung sa ibang pamilya lang siguro ako napunta.

"Nay di ba may trabaho ka naman? Wala ka pa bang ipon? Para maoperahan ako? "Tanong ko habang ibinababa nya ako galing sa likod nya. Nandito na siguro kami sa bahay. Naririnig ko na ang mga gamit namin na nababangga ni nanay.

"Mag iipon ako anak. Maooperahan ka din" sabi nya habang kinakapa ang mukha ko.

"Pero namumulot ka lang naman ng basura" reklamo ko habang inaalis ang kamay nya sa aking mukha.

Narinig ko ang buntong hininga nya.

Lumipas ang mga araw at lagi na lang busy si nanay. Sabi nya nag iipon daw sya ng pampaopera ko.

May narinig akong kalampag at laglagan ng baso namin. Andyan na si nanay

"May magandang balita ako sayo nak! "Naririnig ko pa ang paghingal nya habang nagsasalita.

"Ano yun nay? "Tanong ko sa kanya habang nakapikit. Pumikit o dumilat man ako ay pareho lang naman. Pareho lang naman na wala akong nakikita.

"Maooperahan ka na anak! "Masayang sabi nya

Napadilat ako bigla. Naramdaman ko ang excitement at saya.

"Salamat nay! "Kinapa kapa ko sya bago sya niyakap ng mahigpit.

Hindi ko alam na yun na pala ang huli. Yun na pala ang huling yakap na magagawa ko sa kanya.

Nagsakripisyo si nanay. Binenta nya ang kidney nya para may pambayad sa pagpapaopera sa akin. Pero di na kinaya ng katawan nya ang operasyon. Binawian kaagad sya ng buhay. Hindi ko man lang nakita ang mga mata ng nanay ko. Hindi ko man lang nalaman na bulag din pala s'yang katulad ko.