webnovel

Levi’s secret

SA ISANG malapit na coffee shop kami nagpunta. Humihigop si Selena ng mocha latte habang sopistikada ang pagkakaupo sa harapan ko. Nakatitig lang ako sa kanya habang 'di pinapansin ang inorder kong kape.

Binaba ni Selena ang coffee mug sa lamesa saka tumingin sa'kin. "I'm pretty sure this is about Levi. Nagkita na ba kayo ulit?"

Naningkit ang mata ko. She knows something.

"Oo. Kliyente namin ang kumpanya nila."

Tumaas ang isang kilay niya at sumandal sa upuan. "I see, it looks like he's enjoying his new life as a human."

Nag-isang guhit ang kilay ko, "Human?"

Umismid si Selena habang nakahalukipkip. "So hindi niya pa pala sinabi sa'yo? Tsk! Kahit kailan talaga 'yan sa Levi, pagdating sa'yo nagiging tanga. Sinayang na nga niya ang maganda at successful niyang career bilang Top Agent sa Sex. Incorporation para lang sa'yo pero anung nangyari? He still ended up empty handed. May boyfriend ka na diba?"

Napatanga ako sa lahat ng narinig. Umalis si Levi sa kumpanya na pinagtatrabuhan niya noon? Naging human? Hindi ko maintindihan.

"Sabi ko naman kasi sa kanya noon. Wala siyang mapapala sa katulad mong lampa. Hindi ka naman kagandahan kaya anu bang nagustuhan sa'yo ni Levi? Hmp! Sinayang niya lang lahat ng meron siya, even sacrificing his own immortality as a demon, tapos ano?" tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, "You just dumped him again like what you did before."

Mabilis na nag-init ang ulo ko sa huling narinig. "Excuse me, pero nakita ko kayong naghahalikan ni Levi."

Tumawa siya na para bang ngayon niya lang naalala ang kalandiang ginawa niya. "Oo nga pala. I kissed him but he just pushed me away. Urgh! I really don't understand anu bang nakita niya sa'yo! Di hamak naman na mas malaki ang boobs ko!"

Nainsulto ako sa sinabi niya at yumuko sa dibdib kong kasing flat ng lamesa. Tapos tinignan ko ang malago niyang cleavage na parang sumisilip na puwet ng bata sa suot niyang tube.

Aray ah! Sakit nun!

Tumikhim ako at inayos ang sarili bago ulit humarap sa kanya.

"Sabi mo naging human si Levi? Anung nangyari? Umalis siya kumpanya niyo?"

"Duh! Di ka ba nakikinig, sinabi ko na nga diba?" umikot ang mata niya at naiinis na umismid. Napanganga ako sa mga kilos ni Selena ngayon, samantalang noong college ay sobrang hinahangan ko pa naman siya. Pero ito pala ang totoong ugali niya.

"Levi tried to resigned three years ago. Syempre nagalit si Big Boss dahil nga Top Agent ng kumpanya namin si Levi. But he still insisted kasi gusto niyang maging human para lang makasama ka. Sa huli, napapayag niya si Big Boss, but only on one condition, he needs to deliver 1 Billion sales. Isipin mo na lang kung gaano karaming tao ang kailangang i-devirginize ni Levi para lang pakawalan siya ni Big Boss. It took him years to do that.

"And voila! He was able to do it. Pinakawalan na siya ni Big Boss at naging ganap na siyang human sa katauhan ni Mr.Morgan."

Pumalumbaba ito at ngumuso. "But too bad. You're in a relationship. I'm sure hindi mo magagawang saktan ang boyfriend mo para lang piliin si Levi diba? You're not that heartless to break someone's heart, right, sweetie?"

Naninikip ang dibdib ko sa lahat ng nalaman. Levi sacrificed his true nature just for me. But all I did was to pushed him away. Anu na ang gagawin ko? Kung pipiliin ko si Levi, masasaktan ko si Kyle. But Levi sacrificed so much for me even his own immortality as a sex demon.

But Kyle don't deserve to get hurt.

Muli akong tumingin kay Selena. Everything she has done was all part of the past. At kahit bitch pa rin ang attitude niya sa'kin ay nagpapasalamat pa rin ako dahil sinabi niya sa'kin kung anu ang totoo.

Tumayo ako, "Pinapatawad na kita sa mga kasalanan ginawa mo sa'kin. And thank you for telling me the truth. Bye!"

Napanganga siya na parang di makapaniwala sa mga sinabi ko.

"Did I asked for your forgiveness?" maarte niyang tinaas ang kilay.

Maliit akong ngumiti at iniwanan na siya.

Next chapter