webnovel
#ROMANCE
#COMEDY
#DEVIL
#SMUT
#TAGALOG

Teach Me (Sexy Monster Series #2)

Kung marami ang kinain ng sistema ng K-pop, mayroon din tinatawag na kinain ng sistema ng “porn”. Ito ay si Apple Dimaculangan, bente-anyos na geeky pero nuknukan ng curious sa mga makamundong bagay. Certified Birheng Maria sa modernong taon. Kung nabubuhay siguro si Maria Clara at uso nang internet noong panahon ng mga Kastila, malamang bestfriend sila ni Apple. Sabi kasi nila, `yung mga tao na wala pang experience sila raw ang mas malaki ang kuryosidad. Kung may “Kupido” para sa soulmates, mayroon din tinatawag na “Sex Demon” upang buhayin ang makamundong pagnanasa sa kalooban ng mga tao. Isa na roon si Levi—ang Top one agent sa SEX Inc. Gwapo to the highest level, sobrang sexy to the highest level times one hundred, at mapanukso to the highest level times one thousand! When the virgin meets the Sex Demon, nabuo ang isang misyon: maging ganap na babae si Apple at maibuka ang kanyang bulaklak. Levi will guide Apple on her journey how to embrace her sexuality. Para sa birhen, dating birhen at feeling birhen! Tara na at samahan niyo si Apple sa masaya, malandi at puro kaberdehang kwento na magpapangiti at magpapa-WET sa inyong... ...mga mata sa kakatawa! Uy iba ang inisip mo, aminin! Genre: Romantic-comedy, Fantasy, Smut Disclaimer: This story contains explicit content not suitable for young readers [R-18] Philippine Copyrights 2019 Anj Gee "Anj Gee Novels" Grim Reaper Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Bite Me- Completed Teach Me- Completed Mate with Me- TBA ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like my page: facebook.com/AnjGeeWrites

AnjGee · Urban
Not enough ratings
50 Chs
#ROMANCE
#COMEDY
#DEVIL
#SMUT
#TAGALOG

Comfort room [1]

"OH MY GOSH Marie! Totoo ba? Binigay mo na ang V-Card mo sa kanya?"

Napatuwid ako nang upo nang marinig ang kwentuhan ng mga nagkukumpulan kong kaklaseng mga babae sa likuran.

"Ano'ng pakiramdam? Masakit ba talaga? Sabi nila masakit daw 'pag first time eh," narinig kong tanong ni Jaimie.

Bahagya ko silang nilingon.

"Syempre masakit yun kasi nasugatan ka. Ako kaya nung first time namin ni Vince talagang umiyak ako sa sobrang sakit," dagdag ni Kaitie.

"K-kasi...nagsimula yun nung bigla na lang niya akong hinalikan. Madiin sa lips," panimula ni Marie na may namumulang pisngi.

Mabilis na nag flash sa isipan ko ang unang halik na natikman ko kay Levi at bilg akong nanigas ako sa kinauupuan.

"Tapos, bumaba yung halik niya sa leeg ko pababa sa balikat ko. Yung kamay niya pumasok sa blouse ko..."

Sunud-sunud na pumasok ulit sa isipan ko ang mga ginawa ni Levi kagabi sa "lesson" daw namin. Yung mga halik niya sa leeg ko, mga haplos niya sa balat ko.

Shocks! Biglang uminit ang pakiramdam ko, pinapagpawisan ako bigla. Summer na ba?

"Hindi ko na masyadong maalala yung mga sumunod na nangyari eh. Para kasi akong nawala sa sarili. Nagulat na lang ako na nakahubad na yung mga damit namin at nakapatong na siya sa'kin. Tas ayun, pinasok na niya. Para akong mahihimatay sa sakit!" nalukot pa ang mukha ni Marie.

Dinig na dinig ang malakas na tiliian ng mga babae sa buong classroom.

Naisip ko bigla. Anu nga kaya ang mangyayari kung ipagpapatuloy namin ni Levi ang mga "lessons" namin? Malaki kaya ang possibility na doon din ang kababagsakan ko? Darating ba kami sa puntong iyon? O dapat kay Kyle ko gagawin yun?

Parang bigla tuloy ako natakot. What if masyado pala talagang masakit? Kakayanin ko ba? Yung mga napapanood ko kasi sa porn parang enjoy na enjoy sila sa ginagawa nila.

I really wonder kung ano kaya talaga'ng pakiramdam nang... alam mo na.

"Ok ka lang Apple? Bakit namumula ka dyan may sakit ka ba?"

Bumalik ako sa realidad nang magsalita si Erin. Tulala akong napalingon sa kanya. Kanina pa pala sila nakatungangang dalawa ni Sam pero ako itong nakarating ng outer space ang diwa.

Bakit ba kasi nawala sa isip ko na kasama ko mga pala sila mula pa kanina? Anu ba 'tong nangyayari sa'kin at para akong laging nawawala sa sarili!

Si Levi kasi eh! Kasalanan ng demonyong yun!

"O-okay lang ako. Ma.. m-mainit lang kasi ngayon," pagdadahilan ko na lang.

Nasa mukha nila pareho ang pagtataka.

"Ang lamig kaya ng aircon," ngumunguso si Erin.

Si Sam hindi naman maitago ang mapanudyong ngisi sa labi. Shit na malagkit! Ganoon na ba talaga ako ka-obvious tignan? Lumalabas ba sa mukha ko ang mga words na iniisip ko at kanina pa nila nababasa?

Nagmadali akong tumayo at nagpaalam na pupunta ng CR. Nararamdaman ko talaga na kasing pula ng kamatis ang buong pagmumukha ko. Pagpasok ko ng comfort room ay mabilis akong naghilamos. Tinangal ko ang dalawang unang butones ng blouse na suot para makahinga ng maayos dahil para akong kinukulang sa hangin. Pinaypay paypay ko pa ang kamay sa sarili.

Ang init talaga!

"Feels hot?"

Napatalon ako nang biglang lumitaw si Levi sa likuran ko.

"Levi! Bakit ka nandito? Baka may makakita sa'yo!" mabilis akong nagpanic at sumilip sa pintuan at paligid ng buong CR.

Kampanteng humalukipkip lang si Levi saka umupo sa ibabaw ng lababo. He's wearing a black tokong shorts, slip on sneakers and white polo na nakatiklop ang sleeve hangang sa siko. Nakabukas ang tatlong butones kaya sumisilip ang dibdib niya. His curly blonde hair is messy na mukhang parang kakagising lang. Pero hindi yun nakabawas sa tikas ng mapang akit na demonyo. Instead, he even looked hotter with a laid back aura.

Juice ko Lord! Lalo tuloy uminit!

"Come here babe," binuka ni Levi ang dalawang kamay habang may nakakalokong ngisi.

Ayan na naman siya sa mga ngiti niyang laging may tinatagong meaning!

Napalunok ako sabay silip ulit sa pintuan. I'm worried na anytime ay baka may pumasok na ibang babae. Anu na lang iisipin nila kapag nakita nila si Levi dito?

"Levi… umalis ka na dito! Girls comfort room 'to! Baka may makakita sa'yo," madiin kong sabi.

Umiling-iling siya, "No worries. I can sense if someone's coming. Now come here, I hate waiting."

Napabuntong hininga ako. Anu pa ba'ng magagawa ko? Eh sa nakakatemp naman talagang lumapit sa kanya.

Nakalaklak ata ang demonyong ito ng isang swimming pool ng tukso at bawat sabihin niya ay napapasunod ako na parang tuta. O ganito talaga ang mga sex demons? They have this alluring and tempting aura that's hard to resist? Ugh!!!

I just found myself slowly walking towards him. Last two steps at hindi na nakapag antay si Levi kaya siya na ang humigit sa akin. Sa gulat ko ay mabilis niyang kinulong ang bewang ko sa mga braso niya sabay pinulupot ang dalawang legs sa katawan ko.

And I'm very aware how our bodies glued together.

"L-levi…" angal ko sa nanliliit na boses. Nag-i-init na ang magkabila kong pisngi.

"Hmm what? You don't want to know the third step?"

That caught my full attention. Napanguso ako pero hindi pa rin tumitingin sa mga mata ni Levi dahil nahihiya ako. Instead, I looked down and played my fingers so that I can distract myself with the fact that he smells so good.

"Syempre gusto..."

Levi playfully chuckled. Haist! Why does he have to be so sexy even when he's laughing? Seriously #JusticePlease

Hello happy Friday! Enjoy the updates :)

Paboto po ng powerstones if you like the novel and pa-rate na rin po ng chapters :)

AnjGeecreators' thoughts