webnovel

Chapter 20

"WHAT?!?"naibulalas ni Danelle. Naalarma siya sa huling sinabi ni Dexter. "May kasamang iba?" Seryoso ba ito?

"At itatanggi mo pa gayong kitang-kita ng dalawang mata ko."

"Hindi ko alam iyang sinasabi mo."

Nagtagis ito ng bagang. "Don't be such a denial queen, Danelle. Kitang-kita ko ang pagyayakapan ninyong dalawa. Sino ba iyon at ganoon na lamang kadali para sayo na tanggihan ang alok ko na makipag-usap sayo?"

Ilang sandali ring siyang nag-isip. Inalala niya kung saan at kailan nangyari ang sinabi nito. At sa puntong iyon, naisip niya ang kapatid na si Rexel. Napahalakhak na lamang siya.

"Sige, pagtawanan mo lang ako. Alam mo bang halos magwala na ako sa sobrang selos 'nun? Hindi ko matanggap na nakahanap ka na agad ng kapalit ko. Ang sabi mo pa naman kaya mong maghintay hanggang sa makapagdesisyon ako. Isa iyon sa dahilan kung bakit nagkasakit ako ngayon."

"Really?"

"True."

"You are so funny," natatawang sabi niya. "Kapatid ko, pinagseselosan mo? Come on!"

"Kapatid mo?"

"Si Kuya Rexel, ang kapatid ko sa ama. Hindi ko alam na dumating na pala siya. Binigla niya ako. Gusto niyang magkita kami bago siya bumalik ng Korea."

"Oh." Napakamot ito sa batok. "A-Ang buong akala ko kasi lalake mo iyon."

"Shut up, Dexter. Nagseselos ka sa walang tamang lugar. Alam mo naman na ikaw lang ang lalake sa buhay ko. Wala na sana ako ngayon sa harapan mo kung nakahanap na ako ng iba." Ningitian niya ito. "Kasalanan mo rin kasi hindi ka nagtatanong."

Hinawakan nito ang mga kamay niya. "Well, maybe because the feeling is mutual." Hinaplos nito ang mukha niya. "Thank you for not letting go."

"I will never leave you, I promise."

Niyakap siya nito ng mahigpit. Napayakap na rin siya. Sobrang namiss niya ang pakiramdam na ito. Para bang wala ng dahilan para mamroblema pa siya.

*** *** ***

MATAMANG PINAGMAMASDAN

nito sina Dexter at Danelle na noon ay nasa balkonahe. Hindi maikubli ang galit nito sa mukha habang nakatingin sa dalawa mula sa may hindi kalayuan. Nasa harapan ng condominium ito, nakakubli sa isang malaking puno na naroon.

Kung bakit ba kasi hindi ito nakakahanap ng magandang tiyempo. Kung sana walang nagbabantay kay Danelle, magiging madali lamang para rito na malapitan ito. He's been following her for so long at naghihintay lamang ng tamang pagkakataon. Pero kailangan niyang dumestansiya rito isang kilometro ang layo. Isang maling galaw niya lang, alam niyang mabubulilyaso ang mga plano niya.

Matapos ubusin ang isang stick ng sigarilyo ay muling nagsindi ng isa pa si Aljune. Nakakapagod ang magtago. Pero hindi siya titigil hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya. Maliban sa pagnanasa niya kay Danelle, nakatanim ang galit sa buong pagkatao ng lalake para kay Dexter.

Hindi naging maganda ang takbo ng buhay niya magmula noong pumasok siya sa pamilya ng nga Lenares. Very controlling and over protective sa lahat ng aspeto niya sa buhay. At nasasakal siya. Pakiramdam niya ay pinanghahawakan ng mga ito ang desisyon sa buhay niya.

For him, Dexter is a threat. Sa lahat ng bagay ay nakikialam ito. Sinisisi niya ito kung bakit maaga siyang nagkapamilya at maagang nagkaroon ng responsibilidad. Noong mabuntis niys si Kendra, pupwede niya namang takasan iyon at talikuran. Ngunit si Dexter ang siyang gumawa ng paraan upang akuin niya ang responsibilidad bilang isang ama. At kinamumuhian niya ito.

Isinusumpa ko, Dexter. Sisiguradohin kong malulugmok ka habambuhay sa kalungkutan. Kukunin ko lahat sayo at wala akong ititira. Kukunin ko si Danelle sayo!

Gustong-gusto niya si Danelle. Unang kita niya pa lang rito ay isang bagay lang ang nakakatak sa isipan niya. Ang maging sa kanya ang dalaga. Ngunit nang malaman niyang nauugnay ito kay Dexter ay hindi niya matanggap. Kung pumalpak man siya dati, sisiguradohin niyang hinding-hindi na sa pagkakataong ito.

Magpakasaya ka hanggat kaya ko pa. Kapag dumating ang tamang araw na maisakatuparan ko ang plano ko, luluha ka ng dugo.

Nang makita ang sasakyang paparating ay agad na itinago nito ang sarili sa madilim na bahagi ng lugar na kinaroroonan. Huminto iyon sa tapat ng building. Nakita niyang bumaba ang kapatid na si Max.

Maging si Max ay hindi pabor sa kanya. Kaagaw niya rin ito sa lahat ng bagay. Maging atensiyon ng mga magulang ay nahihirapan siyang kunin. Alam niyang ampon lamang siya. Pero magpaganoon pa man, gusto niyang mahalin rin siya ng mga ito bilang tunay na anak na kailanman ay hindi niya naramdaman.

Kung susugod siya ngayon alam niyang wala siyang kalaban-laban. Alam niya ang abilidad ni Max at Dexter. Kaya minabuti niyang maghintay upang magkaroon ng pagkakataong makapaghanda.

Lumingon-lingon si Max sa paligid. Naninigurado ito. Pagkatapos ay tuluyan na itong pumasok sa loob ng gusali.

Itinapon niya ang sigarilyo sa lupa at tinapakan iyon. Muli niyang tiningnan sina Dexter at Danelle na nandoon pa rin sa balcony hanggang sa mga sandaling ito. Isinuot niya ang hood ng jacket upang maikubli ang mukha. Pagkuwa'y saka lamang umalis.

Kapag nagtagal pa siya, baka mapansin ng mga ito na may nagmamasid.

*** *** ***

ONE YEAR LATER.

Masakit na masakit ang ulo ni Danelle. Pakiramdam niya ay babaliktad na ang sikmura niya. Kaya ba ayaw na ayaw niyang bumibiyahe ng malayo lalo na at nag-eeroplano siya. Hindi maiwasang sumama ang pakiramdam niya.

Pagdating niya ng arrival area at matapos kunin ang luggage ay naisipan niyang maupo muna sandali sa may bench. Umiikot na talaga ang paningin niya. Kung hindi lang dahil sa pakiusap ng ina niya at kung hindi lang rin niya ito namimiss ng sobra ay hindi siya pumuntang America.

But of course, hindi siya nanatili rion ng isang taon. Isang linggo lamang ang hiningi niyang leave. Pero kung iisiping mabuti, napakabilis ng takbo ng panahon. Isang taon o mahigit, at naging maayos ang takbo ng buhay niya kasama si Dexter. She's never been this happy. Everything is fulfilling. It's all worth the tears and pain. It's all worth waiting.

Paglapag ng eroplano sa San Ferrer Airport ay sobrang excitement ang siyang agad na sumalubong sa kanya. Muli niya ng makikita at makakasama ang nobyo niya. Well, yes. Officially, sila na ni Dexter. Ang Facebook status niyang 'Single' sa mahabang panahon ay napalitan na rin sa wakas. At binahaan ng napakaraming comments and likes ang new status niyang 'In a Relationship with Dexter Lenares'.

Napasilip siya sa relos niya. Alas singko na ng hapon. Dala-dala ang bagahe ay lumabas na siya ng airport. Sa labas niya na lamang hihintayin ang sundo niya.

"Where are you?" Hindi na siya nakapaghintay kaya tinawagan niya na lamang ito.

"We'll be there in ten minutes. Nasiraan kasi ako ng sasakyan. Kailangan ko pang hintayin si Max. Pero papunta na kami riyan. Why, my angel? Hindi na makapaghintay?"

"Well, sinisiguro ko lang na makakarating ka."

"Papunta na nga po."

"I'll be waiting. I'll wait for you here outside."

"Outside?" Tumaas ang boses nito. "Bakit lumabas ka ng airport?"

Pinaikot niya ang mga mata. "I'll be fine. Besides, walang mangyayari sa akin rito, okay?"

"Kahit na, Danelle. Huwag kang masyadong kampante. Wait for us."

"Okay."

Hindi pa rin nawawala ang tensiyon sa kanilang lahat kahit mahigit isang taon na ang nakalipas. Three months ago ay nagawang pasokin ni Aljune ang bahay nila ni Kendra ng hindi man lang namamalayan ng mga nagbabantay rito. Aljune is quick and fast according to Dexter. Para itong kidlat.

Kung nagawa mang pumalpak ni Aljune sa pinaplano nito sa kanya dati at sa planong pagkuha ng anak nito, baka sa pagkakataong ito ay magtagumpay na ito. Everyone of the family knows Aljune's ability. Lalo na at dumaan rin ito sa training kasama nila Dexter.

Naikwento ni Dexter sa kanya, all of them were taught to fight in defense at ilan pang mga kinakailangang matutunan ng mga ito. It's a must lalo na at kilala ang angkan sa larangang ng malalaking negosyo. Kailangang maging handa ng bawat isa sa mga posibilidad. Maraming kakumpetensiya, maraming babala, maraming pananakot, maraming panganib, at maraming kaaway. Kaya lahat ng estilo ng diskarte sa buhay ay alam na ng mga ito.

Maliban sa construction, agricultural, manufacturing businesses, mas nakilala ang angkan sa pagkakaroon ng malakas at matibay na ahensiya ng Secret Service kung saan galing si Max. Although hindi lahat pinili maging isang Secret Service Agent ng Lenares Secret Service Agency, baon ng mga ito ang kaalaman nila at kasanayan.

And Aljune was once one of them. Kaya naman ganito na lamang ang takot nila dahil unti-unti na itong kumikilos. Kaya hanggat maaari kailangan nilang mag-triple ingat sa pagkakataong ito.

"Hi, Danelle! "

Napaintad siya sa sobrang pagkabigla ng may bigla na lamang humapit sa bewang niya. Napatingala siya sa lalakeng katabi. Nakasumbrero ito, nakasuot ng salamin at nakasuot ng hoody jacket na itim. Napatitig siya sa mukha nito. Although makapal ang balbas nito, hindi siya nagkakamali. Kilala niya kung sino ito. Si Aljune!

"Surprised?"

Tatakbohan niya sana ito ngunit hinigpitan nito ang pagkakahapit sa kanya. "Don't even think about it," anito. Napalunok siya ng maramdaman ang isang matigas na bagay na nakatutok sa tagiliran niya. "Or else, I'll shoot you dead."

"W-Why are you doing this?"

"You will know. Lakad!"

Sabay silang naglakad nito patungo sa nakaparadang taxi sa unahan nila.

"Open the door."

Nanginginig ang kamay na binuksan niya ang pinto. Itinulak siya nito papasok. Pagkatapos ay sumunod ito at naupo sa tabi niya.

Napatingin siya sa baril na hawak-hawak nito na noon ay nakatutok pa rin sa kanya. Kinakabahan na siyang talaga.

"Saan tayo, boss? " tanong ng taxi driver.

"Just drive," ani Aljune.

Napakibit balikat ang lalake at pinatakbo na lamang ang sasakyan paalis ng airport.

"How's life, Danelle? Did you miss me?" Tinanggal nito ang salamin.

Hindi siya sumagot.

"Give me your phone." Inilahad nito ang palad sa kanya.

"I-I don't have it."

Ngunit hindi siya pinaniwalaan nito. Hinila siya nito papalapit rito at kinapkapan sa magkabilang paa niya. Natunton nito ang kinaroroonan ng cellphone niya at agad na dinukot iyon sa bulsa ng pantalon niya.

Tiningnan nito iyon. "Missed calls from your boyfriend." Ipinakita pa nito iyon sa kanya.

Nanggigigil na napatingin siya rito. "Give me that!" Gusto niyang agawin ito rito ngunit agad na inilayo nito iyon sa kanya. Pinilit niyang kunin iyon. Ngunit naging mapangahas sa kanya si Aljune. Itinulak siya nito at tumama ang likuran niya sa pinto ng kotse.

"Shut up!" sigaw nito sa kanya. Kinuha nito ang sim card at binali. Pagkatapos ay itinapon iyon at ang cellphone niya palabas ng bintana.

Galit na napatingin siya rito. "How could you, Aljune? Ano bang naging kasalanan ko sayo, ha? Bakit mo ba ginagawa 'to?"

"I said shut up! Kapag hindi ka pa tumahimik ikaw ang susunod kong itatapon palabas!"

Nanahimik na siya at napaiyak na lamang. Napatingin siya sa rear view mirror. Nahuli niyang nakatingin sa kanila ang driver. May ideya siguro ito sa mga nangyayari ngunit minabuti nito ang huwag na lamang makialam.

Wala siyang ideya kung saan sila pupunta. Makalipas ang halos isang oras na biyahe ay nakarating sila sa isang lugar kung saan alam niyang nasa pinakadulo na ng San Ferrer. Napakatahimik, halos walang katao-tao, at nabibilang lamang ang mga naninirahan rito.

Bumaba na ng sasakyan si Aljune. Pagkuway hinawakan siya nito sa braso at hinila pababa na rin. Umikot sila sa.likuran ng sasakyan at pumunta sa driver.

"Ikaw!" sabi ni Aljune at walang pasabing itinutok nito ang baril sa ulo nito.

Nanginginig na itinaas ng lalake ang mga kamay. Kitang-kita sa mukha nito ang takot. Maging siya man ay natakot rin sa ginawang iyon ni Aljune.

"Wala kang nakita at wala kang nalalaman. Manahimik ka kung ayaw mong balikan kita at habambuhay ng patatahimikin."

"O-Oo, boss!"

Dumukot ng pera si Aljune mula sa bulsa ng pantalon nito at inihagis iyon rito. Nasundan niya na lamang ng tingin ang sasakyan na tumatakbo papalayo sa kinaroroonan nila.

"Let's go!" Hawak pa rin nito ng mahigpit sa braso.

Panay ang paglingon niya habang tinatahak nila ang isang maliit na daan papasok sa isang liblib na lugar. Nagbabasakaling may tao. Ngunit mukhang pabor ang panahon kay Aljune. Walang katao-tao sa lugar at madilim na.

Where the hell are we? Hindi niya alam. Ang tanging alam niya ay nasa malaking panganib ang buhay niya.

Makalipas ang ilang sandali ay may nakita siyang liwanag sa may hindi kalayuan. At habang papalapit sila ay napagtanto niyang isang bahay iyon. Nagsitindigan ang balahibo niya sa katawan ng maramdaman ang pagdampi ng malamig na hangin sa balat niya. At sa ilang hakbang pa ay naramdaman niyang iba na ang siyang tinatapakan niya. Buhangin!

Nasa tabing dagat kami? Ano ang lugar na ito?

Hindi siya binitawan nito hanggang makarating sila sa bahay na iyon. Matapos buksan nito ang pinto ay itinulak siya nito papasok sa loob.

Naniningkit ang mga matang binalingan niya ito. "Ano ba talaga ang gusto mong mangyari, Aljune? Hindi ka ba talaga titigil, ha?"

"Nagsisimula pa lang ako, Danelle. Bakit gusto mo na tumigil ako?" Napatawa ito. Tinanggal nito ang sumbrero at inihagis iyon sa sofa na nandoon.

Habang pinagmamasdan niya ang hetsura nito ay nag-iiba ang paningin niya. Parang isang mukha ng demonyo ang nakikita niya.

Napasulyap siya sa nakabukas na pinto. May pagkakataon siyang takasan ito. Naging mabilis ang kilos niya. Itinulak niya ito ng buong lakas. Natumba si Aljune sa sahig. At bago pa man ito makabangon ay mabilis na tinakbo niya ang pinto hanggang makalabas siya ng bahay.

"Danelle!"

Hindi niya na binigyang pansin pa ang pagtawag nito. Mas lalo niyang binilisan ang takbo niya. Kahit nahihirapan siya dahil humabaon ang mga paa niya sa buhangin ay kinaya niya at nagsumikap siya.

Ngunit sadyang mabilis rin si Aljune at nagawa siya nitong abutan. Hinawakan siya nito sa kamay upang pigilan siya ngunit nagpumiglas siya. At sa pagpupumiglas niya ay nawalan siya ng kontrol at natumba siya. Sabay silang bumagsak ni Aljune sa buhanginan.

"You think you can outrun me, Danelle?"anito habang hawak ang dalawang kamay niya.

Nakipaglaban siya. Pinagsisipa at pinagtutulak niya ito upang makawala siya. Buong pwersang pinihit siya nito at pinadapa. Pinulupot nito ang mga kamay niya sa likuran niya.

"Let me go! Ano ba?!?"

Hindi siya nito pinakinggan. Tumayo si Aljune at hinila siya nito patayo.

"Saklolo! Tulungan niyo ako! Saklolo!" Halos maputol na ang ugat niya sa leeg. Patuloy siya sa pagpupumiglas. "Bitawan ko ako hayop ka!" Tumili siya ng malakas.

Hindi niya alam kung saan ito kumukuha ng lakas ngunit nagawa nitong hawakan ang dalawang kamay niya sa likuran niya gamit lamang ang isang kamay nito. Pinihit siya nito paharap rito. Napaiyak siya ng hilahin nito ang buhok niya pababa upang maiangat ang mukha niya.

"You can shout, you can scream, I really don't care," anito. "Do whatever you want, Danelle. But just so you know, no one's going to hear you and no one's going to help you."

Binitawan na nito ang buhok niya at kinaladkad pabalik ng bahay. Pagkapasok sa loob ay isinara na nito ang pinto. Dinala siya nito sa isang silid na nandoon. Kumuha ito ng pantali at mahigpit na tinalian ang mga kamay niya na nasa likuran niya. Itinulak siya nito at napasubsob siya sa paanan ng kama. Kumuha pa ito ng isa pang pantali at sunod na tinalian ang mga paa niya.

"There," sabi nito pagkatapos. Tiningnan siya nito. "I don't want to do this pero pinipilit mo ako. Kung makikipag-cooperate ka lang ng maayos, wala tayong magiging problema."

"Why, Aljune?" naiiyak niyang tanong. "Ano ba ang naging kasalanan ko sayo at kailangan mong gawin sa akin 'to?"

Kinuha nito ang silyang nakasuksok sa ilalim ng study table at hinila iyon. Ipinuwesto nito ang silya sa harapan niya. Dumukot ito ng isang kaha ng sigarilyo at lighter sa bulsa ng jacket nito. Kumuha ito ng isang stick at sinindihan iyon. Hinubad nito ang jacket at inihagis sa ibabaw ng kama kasama ang kaha ng sigarilyo at lighter.

Naupo na ito. "Actually, wala ka namang kasalanan," sabi na nito habang nakaipit ang sigarilyo sa mga labi nito.

"Then why are you doing this?"

"Dahil gusto kong makitang nahihirapan si Dexter."

Kumunot ang noo niya.

Ibinuga nito ang usok. "Of all, siya pa ang napili mo."

"Ano ba iyang mga pinagsasabi mo, Aljune?"

"You know how much I like you, Danelle. At maging si Dexter alam rin ang tungkol dito. Pero dahil na rin mapili ka at mas pinili mo siya, gagawin ko ang lahat mapasaakin ka lang."

"Nasisiraan ka na ba talaga ng bait, Aljune? May asawa ka at anak na babae. Hindi mo man lang ba sila naisip?"

"I really don't care about Kendra and that child. In the very first place pagkakamali lang naman ang lahat. Nabuntis ko lang siya, that's all. Napilitan lang naman akong pakasalan siya dahil iyon ang gustong mangyari ng pamilya at ni Dexter.

"Kontrabida na sa buhay ko si Dexter. Kakumpetensiya ko siya sa lahat ng bagay. It's his fault kung bakit maaga akong nagkaroon ng responsibilidad sa buhay. Palagi niyang nilalason ang isip ng mga magulang ko, palagi niyang sinusumbong sa mga ito ang mga ginagawa ko at kulang na lang panghawakan niya ang buhay ko. At hindi ako masaya sa pamilyang napasokan ko. Wanna know why? Dahil iniisip nilang lahat na sila ang nagmamay-ari sa mundong ito."

Hindi niya ito maintindihan. "At bakit ako nasali sa problema mo sa pamilya mo?"

"Because I badly want you. At ako iyong tipo na hindi tumitigil hanggat hindi ko nakukuha ang gusto ko. Well, para sa kaalaman mo rin, hindi lang naman ako ang nagdedesisyon sa bagay na ito. You know, hindi ganoon kadali ang kumilos na nag-iisa. I need a little help sometimes. At pareho lang naman kasi kami ng gusto. Ang mabawi ang kailangang mabawi."

"I-I don't understand."

"You will, in time."

Ibig sabihin ba nito may kasabwat si Aljune? Pero sino?

Matapos maubos ang sigarilyo ay tumayo na ito. Lumapit ito sa kinaroroonan ng ashtray. Nilingon siya nito muli.

"Mahirap ba akong magustohan, Danelle?" tanong nito sa kanya.

"Oo," derektang sagot niya. "Dahil wala kang puso. At ano sa tingin mo ang makukuha mo sa ginagawa mong ito, Aljune? Mas lalo mo lang pinapabigat ang kaso mo."

"Wala akong pakialam kahit isampa pa ng ang lahat ng kaso sa akin sa mundong ito. Besides, they can't catch me. Kapag sa oras na nakuha ko na ang gusto ko, and that would be you, lilisanin ko na ang Pilipinas."

Napailing-iling siya. "You are insane! You can never have me, Aljune. Never!"

Nagtagis ito ng bagang. "Really?" Humakbang ito palapit sa kanya. "Hindi mo pa talaga alam kung ano ang kaya kong gawin."

Alam niya. Alam na alam niya ang pagkahalang ng bituka nito. At hindi niya maintindihan kung bakit nagagawa niyang labanan ito ngayon.

"You are a challenge, Danelle. Kay tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito, ang masolo kita. Kung pumalpak ako dati, hinding-hindi na ngayon."

Hinawakan siya nito sa magkabilang braso niya at binuhat patayo.

"You are going to be mine now," sabi nito at itinulak siya.

Bumagsak siya sa ibabaw ng kama. At bago siya nakabawi ay dinaganan na siya nito.

"Get of off me, you bastard!" Napaiyak siya. Wala siyang kalaban-laban lalo na at nakatali ang mga kamay niya at mga paa.

"That's it, fight. I want this to be this tough and rough."

Shit! Please, Lord! Pakinggan niyo sana ako ngayon.

Hinaplos nito ang pisngi niya. "Just the way I want it."

Buong tapang na tiningnan niya ito. "You want me? Then go ahead. Do as you please, Aljune. Pero ito lang sinisiguro ko sayo, maari mong makuha ang katawan ko, pero hinding-hindi ang puso ko. I will never going to love you. And no one's ever gonna love you. Alam mo kung bakit? Dahil hindi ka karapat dapat mahalin!"

"Ang dami mong sinasabi."

Napasigaw na lamang siya ng paghahalikan nito ang leeg niya. Panay ang pagpupumiglas niya.

"I don't want your damn love, Danelle," anas nito. "I just want you!" Pinihit siya nito patalikod at idinagan ang buong bigat sa kanya. Nakadapa na siya ngayon at mas lalong hindi siya makagalaw.

Oh no! Hindi ako nakakapayag! Nagsisisigaw na siya.

Tinakpan ni Aljune ang bibig niya sa palad nito. Hinila nito ang buhok niya. "Shut the f--ck up! Kanina pa ako nagtitimpi sa ingay mo!"

Natigilan silang pareho ng biglang tumunog ang cellphone ni Aljune.

"Shit!" Naiinis na umalis ito sa pagkakadagan sa kanya. Hinablot nito ang jacket at kinuha ang cellphone sa bulsa.

Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong hininga at humaba ng kama.

Dali-daling kumilos siya. Umikot paharap at kahit nahihirapan ay nagawa niyang umalis sa ibabaw ng kama. Umiiyak at humihingal na nanatili siyang nakaupo sa sahig sa may gilid ng kama.

"Let's do this sone other time," sabi na lamang nito at sinagot na ang tawag. "Yes?"

Nasundan niya ito ng tingin habang patungong pintuan. Pagkuway tuluyan na itong lumabas ng kwarto at pabagsak na isinara ang pinto.

Masakit na masakit na ang mga kamay niya sa higpit ng tali. Napalingon-lingon siya. Naghahanap ng pupwedeng magamit matanggal lamang ang tali niya sa mga kamay. Umusod siya patungo sa bedside table at binuksan ang drawer gamit ang bibig niya. Ngunit walang kahit na ano mula doon.

May ilan pang drawers na nandoon. Pinilit niyang tumayo. At ng magtagumpay ay patalon-talon na tinungo niya ang kabilang bahagi ng kama at binuksan ang drawers ng patalikod.

"Damn it!" Wala siyang mahanap. Pero maaga pa para sumuko siya.

"What do you want me to do? Kanina pa kami nandirito. I'm bored, okay?"

Napatingin siya agad sa pinto ng marinig si Aljune. Dahan-dahan, tinungo niya ang pinto sa ganoong paraan pa rin. Idinikit niya ang mukha sa pinto upang marinig si Aljune.

"I don't care! Tawagin nila ang buong angkan para hanapin ako I really don't care, Amber!"

Amber? Kausap nito si Amber? Why? Naisip niya na marahil kasama nito sa Amber sa pagpaplano ng lahat ng ito. Pero bakit?

"I just want her. At kapag ako nabagot aalis ako at isasama ko si Danelle palayo rito. Ang usapan natin, kapag nakuha ko na siya ay tatapusin na natin ang lahat ng ito."

Magkasabwat nga sila! Hindi siya makapaniwala.

"Alright! Alright! Ikaw na ang siyang bahala kay Dexter."

Napapikit siya. I can't believe this. Para lang makuha ng mga ito ang gusto ay nakipagsabwatan ang mga 'to sa isa't isa. How desperate!

Bago pa man matapos ang usapan ng mga ito at bumalik si Aljune ay umalis na siya roon. Ipagdarasal niya na lamang na sana matunton nila Dexter ang kinaroroonan niya.