webnovel

Chapter 1

NAKAAWANG ang mga labi ni Danelle habang papasok sila ng mga kasamahang intern sa loob ng Lenares Group Inc., ang kilalang construction company sa loob at labas ng San Ferrer na may mahigit labing pitong palapag. Ito ang araw ng orientation nilang mag-o-OJT. And she couldn't actually believe she's finally here.

Bihira lamang tumatanggap ng interns ang kompanya lalo na kapag end of the school year na. At kung tatanggap man, piling-pili lamang at limitado hanggang kinse. At she's lucky dahil napabilang siya sa kinseng Marketing Students na mananatili ng twenty days sa internship na ito sa isa sa pinakamalaki at kilalang kompanya sa loob at labas ng San Ferrer.

San Ferrer is a well known town. May kalakihan ang bayan and capable of making big establishments. At hindi magtatagal, ang kilalang bayan ay magiging kilalang siyudad na rin. At ang pamilya ng Lenares ay siyang kilala bilang may maraming negosyo ng lugar at maging sa ilang panig na rin ng rehiyon. Kilala din sila sa pagiging matulungin. Nagbibigay sila ng scholarship grants sa lahat ng unibersidad ng bayan at sa ibang piling paaralan sa ibang lugar. At maliban diyan, isa rin sila sa mga nagbibigay donasyon sa ilang charity ng bansa. Ang mga Lenares ang siyang dahilan kung bakit naging kilala ang San Ferrer being one of the most developed towns of the region.

Para kay Danelle, matatawag niyang accomplishment ang maging number one sa Interns List na ang Lenares Group Inc. ang mismong pumili. And this was based on the GPA kung saan siya ang palaging top.

Dinala sila ng assigned secretary sa conference area ng Marketing Department habang hinihintay na dumating ang Department Head na siyang mag-o-orient sa kanila.

"She'll be here in a minute," sabi nito sa kanila. "You want something to drink?"

"Yes, Ma'am, please, " ang sabi ng isa sa kasamahan niya.

"Okay."

Hindi maiwasang mamangha siya sa malawak na conference area. It's like they're sitting one kilometer away from the U-form table na nasa gitna. Sinusulit niya ang pagkakataong maupo sa malambot na leather swivel chair. Ang sarap sa pakiramdam na mapabilang sa kompanyang 'to. At maging isa sa mga big bosses.

"This is so cool!" At hindi pa naging kuntento ang kaibigan at roommate niyang si Carla ay humiga ito sa ibabaw ng mesang pinapalibutan nila.

"Stop it!" Kahit papaano ay kinakabahan siya. "Baka may makakita sayo at isumbong tayo. Tiyak katapusan na ng maliligayang araw natin."

At nakinig naman si Carla at bumaba na. Naupo ito sa upuang katabi sa kanya. "Ang sarap siguro ng feeling na maging employee dito 'no?"

Binalingan niya ang kaibigan.

"Balita ko ay mababait ang mga Lenares," sabi pa nito. "Kaya marami ang nag-aaply kapag may hiring at marami ang nagtatagal sa trabaho."

"They just probably know how to treat their people well," aniya. "Kung ganoon ang relationship mo sa mga tauhan mo, then, rest assured they will be devoted to their work and to you as their boss."

"Nakilala mo na ba si Dexter Lenares?"

No. But she heard so much about this man. Ang knight and shining armour ng ilang kababaihan. Aaminin niya, attractive si Dexter Lenares. And appealing at the same time. Nakikita niya lamang ito sa billboards, sa telebisyon, newspapers and magazines but she feels something weird inside her sa tuwing napapatingin siya sa mga mata nito. Larawan pa lang nakakatolero na, paano na lang kapag kaharap niya na at humihinga?

"I'm dying to meet him."

Kumunot ang noong napatitig siya kay Carla. Kinikilig ang gaga!

Ilang sandali pay bumalik ang assigned secretary. "Mrs. Vhivian will be late for about ten minutes. Hindi pa kasi natatapos ang meeting niya sa kabilang department. So, makakapaghintay pa kayo?"

"No problem, Ma'am," aniya.

Yes, Mrs. Vhivian Lenares Robles, ang magandang head ng Marketing Department ang mag-o-orient sa kanila. For sometimes, hinihiling niya na sana sa department siya ni Dexter Lenares mapunta. But it's impossible.

"I need help from some of you. Hindi ko madadala lahat ang drinks ninyo. Bakit wala kayong kasamang lalake sa grupo ninyo? "

Lahat sila ay napakibit balikat na lamang.

"Ako na lang ang tutulong," boluntaryo niya at tumayo na.

Sumunod siya sa babae hanggang dirty kitchen. Nakahanda na ang dalawang trays ng inumin nila. At may dalawang trays din ng deserts.

"If it's alright with you, tumawag ka pa ng dalawa mong kasamahan to take these."

"Sure Ma'am. No problem." Kinuha niya ang isang tray ng inumin at tinungo ang pintuan ng dirty kitchen. Maliban sa nahihirapan siya sa pagbitbit ng tray, nahihirapan rin siya sa pagkilos dahil sa sapatos na suot niyang may four inches ang taas ng heels. Kung bakit ba kasi ito pa ang napili niyang suotin.

Just want to make sure na hindi siya matisod o madulas dahil sa kumikinang na tiles sa hallway, kailangan niyang bagalan ang bawat kilos niya. When she managed to open the door, patalikod siyang lumabas ng pintuan. And to her surprised, in an instant, sa pagharap niya ay bigla na lamang may bumunggo sa kanya.

Napapikit na lamang siya nang bumagsak sa sahig ang tray at ang porcelain glasses. Kumalat ang ingay sa buong lugar na siyang dahilan upang mapatingin sa kinaroroonann niya ang mga nandoon.

Oh my God! Such an embarrassment to someone like her na isang intern. Hindi pa nga siya nakaagsimula, palpak na!

Nanginginig ang buo niyang katawan at nanatiling nakayuko lamang. She finds it difficult to raise her head this time. And she just can't.

"Are you alright, Miss?"

Natauhan siya bigla nang may humawak sa balikat niya.

"Are you alright?" ang pag-ulit sa tanong na iyon ay narinig niya.

"Miss Salvan!" Ang assigned secretary ay nagtatatakbong lumapit sa kanya. "What happened? "

"I-I----" Hindi niya alam kung ano ang siyang sasabihin. Gusto niya ng umiyak.

"It's alright, Helen," sabi ng lalaki.

" I am really sorry, Sir Dexter."

Sir Dexter? Agad na rumehestro sa utak niya ang pangalang iyon. At nang tingnan niya ang lalaking nasa harapan niya, she was shocked! It's obviously and definitely Dexter Lenares!

Napatingin siya sa tuxedo na suot nito. It was ruined! Nabasa iyon ng juice at siya ang dahilan. Napayuko na lamang siya sa kahihiyan.

"Are you okay?"

Hindi niya pa pala nasasagot ang tanong nitong kanina pa inuulit.

"I-I'm..." She cleared her throat. Parang walang salitang lumalabas sa bibig. "I'm sorry." Agad siyang yumuko upang pulitin ang mga nagkalat na piraso ng porcelain glasses.

"No, leave it!"

Natigilan siya nang bigla siya nitong hawakan sa braso niya. Parang may kung anong kuryente ang biglang dumaloy sa buong katawan niya ng mga sandaling iyon. Hindi niya maiwasang mapatitig ng deretso sa mga mata nito. And he's also staring at her!

Oh gosh! He is a real heartthrob! Ang siyang sigaw niya na lamang sa isip.

Inilalayan siya nito sa pagtayo. "We'll call someone to clean this mess," anito habang nakahawak pa rin sa braso niya. "Are you okay?"

Napalunok siya. "I-I'm fine," aniya.

"No, you're not. "

"H-Huh?"

Bumitaw ito sa pagkakahawak sa braso niya at ilang sandali lang ay nakahawak na ito sa kamay niya. Itinaas nito iyon at ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang makita ang umaagos na dugo mula sa palad niya.

Paano siya nasugatan? Hindi man lang niya namalayan iyon at wala rin siyang nararamdamang sakit.

"Helen, take her to the company's clinic. Kailangang malinis ang sugat niya and for us to be sure that she'll be fine."

"Yes, Sir."

"N-No need," sabi niya. "Ayos lang ako. Wala 'to."

"I insist," sabi pa nito habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya. "You need to be checked up. You are here inside our company and we are responsible for you safety."

At wala na siyang nagawa pa. Nasundan niya na lamang ng tingin si Dexter Lenares na papalayo sa kinatatayuan niya.

Napabuntong hininga siya. A breathtaking moment she could ever imagine. Hindi niya lubos akalaing makakaharap niya ito at sa ganoong paraan pa. Despite of her clumsiness, nagawa pa rin nito ang harapin siya at bigyan siya ng concern.

"Let's go, Miss Salvan," ani Helen at sinamahan siya nito sa kinaroroonann ng clinic.

*** *** ***

HE CAN'T get him out of her mind. Nasa kalagitnaan sila ng orientation pero lumilipad ang isip niya. The way Dexter Lenares looked at her. Nakakatunaw! Hindi siya sigurado kung iyon ang tamang term na maidi-describe niya. Pero iyon ang naramdaman niya ng mga sandaling iyon.

To some, kung may kailangan mang iwasan sa mga lalaking Lenares, iyon ay ang mga titig ng mga ito. Mostly agad nahuhulog ang loob sa pamamagitan lamang ng mga nakakahipnotismong tingin at titig. At naging biktima na ba siya?

Stop it, Danelle! Huwag kang ilusyunada! Huwag mong bigyan ng kahulugan ang mga titig na iyon!

Napabuntong hininga siya at umayos sa pag-upo. Napatingin siya kay Vhivian Robles na nagsasalita sa gitna. Pansamantalang nakinig siya...oo pansamantala lamang. Dahil nawawala na naman siya sa sariling katinuan.

Hinawakan niya ang braso niya kung saan kanina ay nakahawak si Dexter Lenares. At she can still feel the sensation brought by it. Nagsitindigan ang mga balahibo niya sa katawan. She's wearing a long sleeve blouse and a leather suit pero bakit nararamdaman niya ang palad nito sa braso niya? Alright! You're going way too far this time. Enough! At nagfocus na lamang siya sa discussion.

Matapos ang mahigit isa at kalahating oras sa pakikinig at pag-upo, natapos na rin ang orientation nila. Nilapitan siya ni Carla. "Okay ka lang ba?" Nababahalang tanong nito at napatingin sa kamay niyang nakabenda.

"I'm good," nakangiting saad niya sa kaibigan.

"Miss Salvan?"

Napatayo siya nang lapitan siya ni Vhivian. "Yes, Ma'am?"

"How's your hand?"

"Getting better. "

"That's good. Bago ka umalis ay kailangan mo munang dumaan muli sa clinic. The doctor in charged will going to check you up again. Just in case. And for your safety as well. "

Iyon nga ang sinabi sa kanya ng doktor na gumamot sa sugat niya sa kamay kanina. She's actually okay pero kung makapag-react ang mga ito ay para bang natuhog ng tubo ang kamay niya. But she really do appreciate everything this company is doing. Everyone in here are respectful and deserving to be respected.

Magkasama silang tumungo ni Carla sa clinic. Pinalitan ng doktor ang bandages niya matapos linisin mulu. Pagkuway inabutan siya nito ng gamot.

"Antibiotics and amoxicillin. Read the prescription. You're fine, Miss Salvan. No need to worry, okay?"

In the very first place, hindi siya ang nag-aalala. It was Dexter Lenares's idea na papuntahin siya rito. Just to stop the bleeding, that's more than enough. Pero hihigit pa pala doon ang mangyayari sa isang maliit na sugat lamang.

"Thanks, Doc."

"Pleasures mine, Miss Salvan."

Tumayo siya at nilapitan si Carla.

"Siya nga pala, Miss Salvan."

Binalingan niya muli ito.

"Bago ko makalimutan, pinapapunta ka ni Mr. Lenares sa opisina niya after here. He wanted to see you and talk to you."

He wanted to see me and talk to me? Tama ba ang narinig niya. "B-Bakit?"

"Mas mabuting siya ang tanungin mo. Sasamahan ka ni Helen sa opisina niya."

"Okay. Thank you."

Kinakabahan siya habang patungo sila sa kinaroroonann ng opisina ni Dexter Lenares. She should be excited because she's going to see this man again. Pero hindi iyon ang naramdaman niya. She is definitely tensed, shaking, nervous and...shy?

But why?

Naalala niya ang ganapan earlier. Nakakahiya ngang talaga! At malamang iyon ang dahilan kung bakit gusto siya nitong makita at makausap. To discuss about it? And what will be her consequence? Maaalis siya sa pagiging intern ng kompanya? Nagpaiwan si Carla sa waiting area sa ground floor. And now, at this very moment, nasa fourth floor sila ng building kung nasaan ang opisina nito and she's shaking and freezing.

Tatlong beses na kinatok ni Helen ang pinto bago nito binuksan iyon at pumasok. "Miss Salvan is here, Sir Dexter, " ang sabi ng babae.

"Come on in."

Nanginginig ang mga tuhod na humakbang siya papasok sa loob ng opisina nito. And one thing's for sure, nakatitig na naman siya sa lalaking ito!

Ang kanina ay suot nitong tuxedo ay napalitan ng isang leather jacket na itim. Nagpalit ito dahil narumihan niya iyon!

"Thanks, Helen. You can leave now."

Narinig niya ang hakbang ng babae papalayo. Napaintad siya nang marinig ang pagsara ng pinto.

"You don't want to stand there for long, right?" tanong nito sa kanya. "Maupo ka, Miss Salvan. Please..."

Humakbang siya papalapit sa visitors chair na nakaharap sa mesa nito. It's such an awkward feeling lalo na at nakaupo siya kaharap nito. She doesn't even know what to do kasi nakoconsious rin siya at the same time. She's wearing a one inch above the knee skirt for heaven's sake! And it'll be very informal to cross her legs. She has no choice but to close them together so tight.

Hindi naman siguro ako bubusohan nito, ang siyang naisip niya na lamang.

"Do you want something to drink?" he offered. "Coffee, tea, juice?"

Sunod-sunod ang pag-iling niya. "No, thank you." Ayaw ko na magkamali uli lalo na at kaharap kita.

"Oh. You don't want to spill anything again?" And he's teasing her this time.

"About what happened, I'm deeply sorry, Mister Lenares. Hindi kasi nakita habang papalabas ako ng dirty kitchen and I---"

"Don't worry about it," putol nito sa sasabihin niya. "It's fine. It's my fault. Hindi rin kasi kita napansin. Ako dapat ang siyang hihingi ng despensa sayo. I'm sorry."

"But---"

"I mean it. I'm sorry. Nasugatan ka pa. How's your hand?"

Itinaas niya ang kamay. "Much better."

"Kung sakaling may mararamdaman kang pamamaga or any signs of infection, just call me."

Call him? Nagiging doktor na rin ba siya at the same time?

"Just call me para masamahan kita kay Doctor Juario." He is referring to the company's doctor.

"I am actually fine. Wala 'to, Mister Lenares. Parang tusok lang nga karayom 'to."

"Kahit na. Mas mabuti na iyong nakakasiguro tayo."

Tayo? Damn! He is such a mind blowing guy!

"How was the orientation? " pag-iiba nito sa usapan.

"Good, " derektang sagot niya.

Nakita niyang bahagyang kumunot ang noo nito sa sagot niya.

"I mean, great," dugtong niya. But it seems like he is looking for more convincing answer from her. "It turned out really great. I mean, mas naiintindihan namin ang kahalagahan ng Lenares Group Inc. through it's mission and vision. And..." Ano ba itong mga pinagsasabi niya?

"What's the company's mission and vision? " tanong pa nito.

Napalunok siya. "Is this the reason why you called me here?" lakas loob na tanong niya.

Biglang natawa si Dexter. "I was just kidding, " anito. "You don't have to answer that."

"Oh."

"I wanted to know if you're okay kaya kita pinapunta rito. And I wanted to see you as well."

Parang hinaplos ang puso niya sa narinig.

"I guess I'm going to see you more often, Miss Salvan. Kailan kayo magsisimula?"

"N-Next week."

"I see."

Agad siyang umiwas ng tingin ng tingnan siya nito. Naasiwa siyang talaga sa mga titig nito. At wala siyang kontrol sa sarili niya na huwag maging obvious.

"You look so tensed, " anito.

"W-What?"

"Hindi ka ba komportable na kausap at kaharap ako, Miss Salvan? "

At nahahalata na nga siya nito. "Y-Yes," wala sa isip na sagot niya. "I mean, no! Yes!" Tumahimik siya at nakagat ang pang-ibabang labi niya. Ano ba ang nangyayari sa kanya?

"Just say it," sabi nito. "It's alright."

"Hindi lang ako sanay na kaharap ang isang Dexter Lenares, " pagtatapat niya. "It makes me uneasy."

"Uneasy? Why?"

Because you are so damn handsome! "I-I am not used to it."

"Masanay ka na, Miss Salvan. Dahil may posibilidad na araw-araw mo na akong makikita."

Napangiti siya. She don't want to spoil the moment pero kapag nagtagal pa siya ay baka kung saan pa humantong ang usapang ito. "I have to go, Mister Lenares, " aniya at tumayo na.

"Why?" Napatayo na rin ito at humakbang papalapit sa kanya. And oh, he is now wearing jeans and converse.

"Dahil may naghihintay sa akin sa baba."

"Ahhh."

"It's so nice meeting you, Mister Dexter Lenares. "

"Pleasure's all been mine, Miss Salvan."

Nang ilahad nito ang palad upang makipagkamay sa kanya ay hindi siya nagdalawang isip na tanggapin iyon. And this feeling again. Hindi niya lubusang maintindihan kung bakit kailangang magreact ng ganoon ang katawan niya.

Ano ba ang meron sa lalaking ito?