webnovel

Taming the Bad Boy Mortal

PRUDENCE Morningstar is a half mortal and a half witch. After her father’s death, she and her mother decided to live in a new town to start a new life, for them to be able to move on. Iniisip nila na maaaring maging paraan nila ito para makapagsimula ulit. Her mother enrolled her in a mortal school–Riverhills High School. While roaming around the school rooms, she stumbled with a boy filled of rudeness personality, as she describes him. That was the first time she encountered the person that will change her life. His name is Hoqur Black. A mortal who gave her another chance to love, chance to have hope, and learn to find out when he told her that she was the reason why he was able to change his attitude towards people. Give-and-take cycle were both benefits the two. They used to hate each other. Pero totoo rin pala ang kasabihan na “The more you hate, the deeper you fall.” Hindi naging madali kay Prudence ang pamuhin ang katulad ni Hoqur dahil sa ayaw niyang gamitin ang taglay niyang kapangyarihan at kaalaman sa mahika. She broke her own promise after asking for guidance from his dad when she visited her father’s burial. Technically, it wasn’t breaking her own promise, she derived from her own conclusion after asking for guidance. But she casted a spell to him when she realized that it is impossible for her to tame a guy like Hoqur. A spell that would only work for a day and night, but it will be broken when the midnight comes.

GenZRizal · Fantasy
Not enough ratings
11 Chs

LiveRary

SECOND DAY OF SCHOOL

PAGKAPASOK ko sa loob ng school building, habang naglalakad ako sa gitna ng hallway kung saan halos nagmumukhang may gambling doon sa unahan. They're blocking the way to my room. Paano na ako makakaraan kung hindi sila aalis sa daan? There's no other way around to pass them.

Ano ba kasi ang mayro'n at parang may celebrity yatang dumalaw sa paaralang ito? Sa pagkakatanda ko ay wala namang nabanggit ang teacher namin tungkol dito. O, baka hindi lang ako nakikinig nang mabuti kahapon dahil sa nangyari.

I guess I don't have any choice but to take a peek. Nakipagsiksikan na rin ako sa sobrang kitid at bakante na daan para lang makapunta sa harapan. Wala na akong paki kung may matapakan man o matamaan sa ginagawa ko. Eh, kung ma-late ako? Ano ang sasabihin ko? Na-late ako marahil ay may gulong nangyaya–The hell?

Ito lang pala ang dahilan kung bakit nagkakagulo ang mga mag-aaral dito!

"Please, Hoqur. I love you. At kahit ilang beses mo man akong ipagtabuyan nang paulit-ulit, ayos lang. Kasi alam ko that deep in your heart, you still love me, right?" Her voice broke after saying the last word.

Who the hell is that stupid girl? Nagawa niya talagang ipahiya ang sarili niya para sa taong tulad ni Hoqur? She deserves more than him. Gosh, mabuti na lang at galit ang una naming encounter. I don't know what to do to myself if I have done the same thing as this girl kneeling in front of that . . . undeserving, disrespectful, and maybe a heartless guy.

Oh, Dark Lord, natatandaan ko na naman ang scenario no'ng sa convenience store kami. Why am I thinking about him? Thinking if he's that good hearted person or . . . The hell I care by the way.

Hindi ko na sila pinansin. Dumaan ako sa gilid nila at dumiretso sa aking silid. What a waste of time.

After my morning class, I decided to go to the school library to make some catching up studying. Nasa kalagitnaan na kasi ako ng school year no'ng lumipat ako rito. Actually, second semester na nila. Kaya kailangan kong humabol para hindi ako mahuli sa klase.

Kung spell books and magic lang sana ang pag-aaralan ko, sigurado akong madali ko lang itong matutunan. Hays. I don't get the logic here, studying in a mortal school, doing what? Studying things that I possibly won't use it in my daily living. This is so much like a mortal thingy.

"Good afternoon, Miss Prudence," a familiar voice rang my ears. Hindi ko agad nakita kung sino ang nagsalita kasi abala ako sa paghahanap ng school ID ko sa loob ng backpack ko. "Naliligaw ka yata. Lucky for you, I can pinpoint the way out of here . . ."

Got it! And just like I expected . . .

"Miss Prudence." Nakangiti pa siya.

Ano kaya ang problema ng taong ito at parang isang weird na stalker. No, hindi pala 'parang'. Weird talaga. Wait, is he really stalking me?

"Are you stalking me–What is it again? Angel or evil?" I giggled in a fancy way. Tumawa ako nang marahan sabay tinakpan ang bibig ko gamit ang dalawang fingers sa gitna ng kamay ko. "Oh, sorry. Nakalimutan ko kasi."

"It's Angel," tila galit niyang sagot.

Talo ka, girl?

"So, ano nga ang ginagawa mo rito?" dagdag pa niya.

"Ikaw, ano ang ginagawa mo rito?"

"I am the school librarian," sobrang proud niyang sabi.

Pero paano siya naging isang school librarian kung isa pa siyang student? Is that possible? Hindi ko rin namalayan na nagtagpo na pala ang aking mga kilay sa gitna, giving a curious look at him.

"I know, you're curious and you're also thinking that a student like me became the school librarian, right?"

So, he's a mind reader now.

Hindi na niya ako binigyan ng time para makapagsalita nang magsalita siya. "The mysterious story behind that is . . ."

Anong mysterious ang pinagsasabi niya? Kung ano-ano na lang talaga ang lumalabas sa bibig ng weird na nilalang na 'to.

Biglang dumating ang isang matandang babae. She's a teacher here based on her uniform. I guess this is the real school librarian. Or maybe, kasama niya rito. "Angel, thank you for your time. Puwede ka nang kumain."

"Ah, eh," napakamot pa siya ng batok, "You're welcome, Mrs. Egos. Kapag kailangan n'yo po ulit ako, ipatawag n'yo lang po ako. I'm glad to help." He smiled.

Huli ka balbon! Akala yata ng taong 'to . . . I guess he's not that bad after all. Matulungin din pala ang nilalang na 'to.

Lumabas siya mula sa circulation desk nang nakangiti, at tumingin sa akin na tila nahihiya yata.

"Oh, ikaw ba ang bagong student dito?" the librarian asked while she fixed her eyeglasses with her index finger.

Paano niya nalaman? Baka siguro ay natanggap na niya ang list of names kung saan ilalagay niya rin sa system ng library. Pero bakit naman niya ako kilala? Am I that famous because I transferred here in a middle of semester?

Nakatayong tumabi sa akin si Angel habang hinihintay niya yata kaming matapos mag-usap ng librarian.

"Yes po. Bakit n'yo po na tanong?" I asked her politely.

"Wala lang. Hindi kasi kami nagkaroon ng chance na makilala ka no'ng nagpunta kami sa bahay n'yo," sagot niya, at halatang hindi pa nawawala sa kaniyang nerbiyos ang katuwaan sa mga oras na nando'n siya sa bahay namin.

"Ano po 'yon? Nagpunta kayo sa bahay?" I don't have any idea that she was at my home.

"Yes, didn't your mother tell you about my first visit with Mrs. August at your house?" napakunot-noo niyang sabi.

"Hindi po. Maybe, she was just busy and forgot to tell me about it."

"Maybe. Anyways, I have to go back to work. See you around, Prudence," she said with a wide smile. What a charming lady she is.

Aktong paalis na sana ako nang hablutin na naman ni Angel ang kamay ko papunta sa isang section ng mga bookshelves. Bakit ba ang hilig niyang manghila? Subalit bago pa man niya ako madala kung saan niya ako balak dalhin ay pinigilan ko siya, binawi ko ang kamay ko at tumayo nang masama ang tingin sa kaniya.

"Can you please stop doing this? Kulang na lang at ipapa-guidance na talaga kita!" inis ko ng sabi sa kaniya.

Saka ko na lang namalayan na nakatingin na pala halos lahat ng mga estudyante rito sa loob ng library. Napalakas pala ang boses ko? Tsk, napahiya pa tuloy ako marahil sa nilalang na 'to. Palagi na lang akong naiinis sa tuwing kasama ko siya. Magkaka-high blood yata ako nito kapag hindi ako dumistansiya sa kaniya.

Wait? Ako didistansiya sa kaniya? Siya dapat ang dumistansiya sa akin. Hindi ko naman ginusto na parating magkasalubong ang aming landas.

Mas lalo tuloy akong nainis sa kaniya nang nakangisi lang siya. What is he thinking? If I can just use my power and . . . Natandaan ko tuloy kung ano'ng nangyari no'ng huli kong nagamit ang gift ko.

Kung sasayangin ko pa ang oras ko sa nilalang na 'to, masasayang lang talaga ang oras ko. So, I decided to find the way out of the library. Hinayaan ko na lang siyang nakatayo habang nakangisi roon. Para siyang may plema sa utak.

Nasa pintuan na sana ako nang may kakaibang pakiramdam akong naramdaman mula sa sa gilid ko. Napalingon ako sa gilid at may nakita akong isang hagdan papunta sa itaas. Bakit hindi ko 'to napansin kanina pagkapasok ko rito?

Lumingon na muna ako sa loob ng library bago tinahak ang hagdan. Tiningnan ko lang si Angel dahil baka nakasunod na naman 'yon sa akin. Punong-puno na ako sa kaniya. Mabuti naman at hindi ko na nakita ang pagmumukha niya.

Dahan-dahan kong tinahak ang hagdan patungo sa itaas. Kailangan kong mag-ingat upang hindi makagawa ng nakaw-atensyon sa mga estudyanteng abala sa pagbabasa o pag-aaral nila. Ayaw ko na maulit 'yong nagyari kanina. Kapag nangyari pa siguro 'yon ulit, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, baka magamit ko pa ang kapangyarihan ko at . . . Bakit ko na naman ba 'yon iniisip, eh, hindi ko na 'yon gagamitin.

Wala namang pinagkaiba sa ibaba ang nandito sa itaas, puro bookshelves, study single and long table, set of computers, and students na abala sa pag-aaral.

Nilakad ko pa ang kahabaan ng silid. Balak kong puntahan ang pinalikod ng silid at baka makahanap ako ng hiding spot, which means my comfort zone. I can't be with those people.

Napabuntong-hininga na lang ako nang sobrang lalim habang paupo ako sa isang silya sa pinakadulo ng silid. Left corner. Ipinatong ko ang aking ulo sa mesa nang nakatingin sa right corner. Napagtanto kong may dalawang study table lang pala sa banda rito. Isa sa akin at isa sa kabila.

Then I saw a young fine-looking guy, sitting on a chair just like mine. Hindi ko nakikita ang kabuuan ng kaniyang pagmumukha marahil natatabunan ito ng librong hawak niya. Sino kaya siya at parang pamilyar sa aking mga mata ang kaniyang hairstyle.

Agaw pansin din ang mga babaeng mag-aaral sa likod ng isang bookshelf na malapit sa kinaroroonan ng lalaki. Imposibleng hindi niya napapansin ang mga ito sa sobrang kati ng mga katawan. Kulang na lang yata at sumigaw sila sa kilig.

The hell? Siya lang pala 'yon? Ano ba ang mayro'n sa lalaking 'yan at sobrang nababaliw sila rito. Si Hoqur lang pala. Nakita ko kasi ang mukha niya nang ilipat niya sa next page ang binabasang libro.

Ano kaya ang binabasa niya at tila sobrang nakatuon siya rito? Bakit ko naman iniisip at tinanong sa aking sarili kung ano ang binabasa niya, eh–Just stop, Prudence! The hell I care. I need to get home and bath myself with goat milk and lot of aroma candles around me. Kailangan ko ng fresh of mind. Nahahaluan na ng toxicity ang utak ko. Ito ba ang effect ng paaralang ito sa akin.

Dali-dali akong tumayo at tinungo ang hagdan upang umuwi na muna. Wala akong paki kung magka-cutting class ako. Hindi ko feel ang pumasok mamaya sa klase. Mawawala lang ako sa focus sa kakaisip ng mga bagay-bagay na hindi makatutulong sa pagmo-move on ko. Kahit wala naman talaga akong plano na mag-move on.

I miss you so much, Dad.

"BAKIT ba kasi ayaw mong pumasok sa afternoon class mo, eh, 'di ba, napag-usapan na natin ang tungkol dito?" wika ni Mommy habang tinutulungan niya akong inaayos ang mga candles sa paligid ng bathtub ko.

"Mom, I just don't feel it, okay. Gusto kong umuwi and . . . maligo," sagot ko sa kaniya habang sinisindihan ang mga kandila.

"Bakit ka pa uuwi, eh, may shower room naman sa school n'yo, ah."

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Mommy ang tungkol sa mga rason ko at ma-convince siya na ayaw ko muna talaga pumasok ngayong hapon. Alam kong nasasaktan ko na naman siya sa ginagawa ko. Iisipin din niya na gumagawa lang ako ng rason para hindi mag-aral sa iisang mortal school–Which is true.

Kaya nilapitan ko siya habang nakaluhod, pareho na kaming nakaluhod sa sahid. Hindi naman masakit dahil may grey rugs naman. Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay at tiningnan siya sa mga mata.

"Mom, I'm sorry. It's just . . . I'm not yet ready to move on. And I don't feel like talking to anyone or to everyone except you and Tito Hinubis would make my heart feel good."

"I know, darling, but . . . I want you to try harder. Alam ko kung ano ang nararamdaman mo pero gusto kong malaman mo na nandito lang ako. Hinding-hindi kita iiwang mag-isa, okay? We can figure this out . . ." She touched my face and caresses it softly, "together."

Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya. I love this feeling. So, comforting and it feels safe just her hands around me. Sana nandito si Daddy.