webnovel

Tamer: Widerverse Academy

Amira Everleigh's life in the colorless land of 'Death Land' changes when a shining black stone keeps on showing inside of her mind. Amira Everleigh went to the Widerverse to learn magic and become stronger for her to see the whole half of the world she's living in.

MagicImpulsivity · Fantasy
Not enough ratings
1 Chs

Chapter 1- Leaving The Death Land

{Third-person}

Elementacia.

Mundo na mayroong mahika.

Dahil sa pagkakaroon nito ng mahika, maraming naging ganid at pangahas. Naging resulta ito ng mga hindi pagkakaintindihan, alitan, patayan, digmaan at pagkawasak.

Upang mabalanse ang mundong ito na sadyang napalaki, ito ay nahati sa dalawang bahagi.

Ang 'Grand Wall', ang bagay na siyang naghahati sa dalawang magkabilang bahagi ng mundo ng Elementacia.

Ang Grand wall ay gawa sa mana. Walang hangganan ang taas nito ganon din ang lalim ng pagkakabaon nito sa Elementacia. Ang mga mahihinang nilalang na hahawak dito ay maaaring mamatay dahil hihigupin nito ang mana na nasa katawan mo.

Hindi pinapayagan ng Grand Wall na magkita ang magkabilang partido.

Widerverse at Asteromagus. Ito ang tinawag ng mga mananaliksik noon sa dalawang magkabilang bahagi ng mundo ng Elementacia.

Hindi masisilayan ng taga Widerverse ang mundong ginagawalan ng mga taga Asteromagus. Ganon din ang Asteromagus, hindi nila masisilayan ang mundong ginagawalan ng mga taga Widerverse.

Sapagkat, kung mayroong mang nilalang na nagagawang lagpasan ang Grand Wall, ang lugar na kanilang makikita sa kabilang bahagi ay lugar na walang kulay. Lahat ay 'Black and White'.

Hinding-hindi magagawang magkita ng dalawang bahagi dahil pareho mang nasa iisang mundo ang mga ito, iba ang kalahati ng kanilang nakagisnan na mundo, magkaiba pero parehong Black and White na lugar.

Ang Mana ng dalawang bahagi ng Elementacia ang siyang naging dahilan.

Ilan sa mga taga Widerverse na nagawang lagpasan ang Grand Wall ay nasilayan ang mistulang walang kabuhay-buhay na kabilang bahagi ng mundo nila.

Sa takot ng ilan na mamatay kapag tumawid ulit sila sa Grand Wall pabalik sa Widerverse ay baka sila'y mamatay. Kaya naman, nanirahan sila sa 'Death Land', ang Black And White na lugar. Malawak na lupain, pero walang dagat o dagat, ngunit mayroong ilog at iba pang mga anyong tubig.

Ang mga naligaw sa Death Land, ay bumuo ng kanilang sibilisasyon sa lugar na walang kulay.

Normal na pamumuhay, malayo sa puno ng mahika na Widerverse ang naging buhay ng mga mamamayan sa Death Land.

Kabilang si Amira Everleigh sa mga mamamayan sa Death Land, na masayang namumuhay kasama ang kaniyang mama.

Ngunit hindi niya inaasahan, isang araw, darating ang panahon na siya, ay aalis sa Death Land upang masilayan ang ganda at kapangitan ng Widerverse.

*****

{Amira}

"Hello Ma! I'm home na po!" Bati ko sa mama ko pagkarating ko sa terrace ng bahay namin galing akong talon. I skipped school today.

Nagtanggal ako ng sapatos ko na nilagay ko sa lalagyan na nasa terrace namin. Pumasok ako sa bahay para magmano sa mama ko na nakita kong nagluluto sa kusina.

"Kaawaan ka ng may kapal anak." Sabi ni mama sa akin.

Na-uhaw naman ako kakalakad, kaya binuksan ko yung ref at kumuha ng boteng may lamang tubig na malamig. After drinking, I immediately went to my room.

Habang humahakbang ako sa hagdanan, sumakit ang aking ulo. May biglang lumabas na imahe ng itim na makinang na bato sa aking isipan. Nagtagal ito ng ilang segundo bago tuluyang nawala sa aking isipan. Kasabay nito ang pag-kalma ng ulo ko, hindi na masakit.

"Anak? Anong nangyari? Ayos ka lang ba?" Alalang tanong sa akin ni mama na pinuntahan ako sa may hagdanan.

Hindi ko namalayan na nakaluhod na pala ako. Inalalayan akong tumayo ni mama, tinulungan niya ako sa paghakbang sa hagdanan patungo sa kwarto ko.

"Ma, salamat po. Siguro po pagod lang po ito. Naglibot po kasi ako kanina sa may talon." Sabi ko kay mama saka ako humiga sa malambot kong kama.

"Magpahinga kana muna, kumain ka kapag okay kana ha?" Bilin pa ni mama sa akin bago isarado ang pinto ng kwarto ko.

Bumuntong hininga ako nang hindi ako makatulog. Akala ko pagod lang ang biglaang pagsakit ng ulo ko, hindi pala. Napalingon ako sa study table ko, nakita ko ang nag-iisang letrato namin ni Alzack sa maliit na frame.

Kinuha ko ito at pinagmasdan. This image of the two us is nostalgic. We were 12 years old when this picture was captured by Hayley. They were my Childhood Best friends.

Kahit na ngayong 16 years old na ako, silang dalawa lamang ang naging close sa buong buhay ko. Masyado kasing seryoso sa mga buhay nila ang mga nagiging kaklase ko sa school kaya nahihirapan akong makakuha ng kaibigan sa kanila.

"I should sleep, I need to rest, I need to follow mama's advise.." Sabi ko na niyakap ang litrato na hawak ko. Pinikit ko ang mga mata ko, pinilit kong matulog.

*****

Kinabukasan, maaga akong nagising. In the end nakatulog nga ako kahapon nang hindi kumakain ng hapunan. Buti na lang talaga at hindi ako sinermonan ni mama dahil sa ginawa ko.

Nagready ako para sa school. Naligo, nagtoothbrush at nagbihis tsaka diretso sa kusina para mag almusal. Sosyalan ang datingan ng almusal ko ngayong umaga na ito.

Fried Chicken with matching sweet sauce. Yummy! Agad ko itong kinain. Then get my bag at lumabas sa bahay papuntang school. Syempre, binigyan ng ako ng kiss ni mama sa cheek ko bago ako umalis sa bahay. Laging ginagawa ni mama sa akin iyon. Hindi ako sanay kapag hindi ako kiniss ng mama ko sa cheek bago pumasok sa school, source of inspiration ko iyon 'noh.

"Yuhu! Besty?" Tawag sa akin ng bestfriend ko na si Hayley. Boses pa lang nitong babae na ito makikila kona agad na siya.

Nakangite akong lumapit sa kaniya. Nakatambay kasi siya sa isang tindahan, malamang bumili ng makakain. Hindi kasi mahilig mag almusal ang babaitang ito.

"Oh besty? Tinapay na naman?" Tanong ko sa kaniya. Nag thumbs-up naman siya sa akin saka bumuntong hininga.

"What do you expect?" Tanong niya pabalik. Napatawa nalang ako sa kaniya saka kami nagsabay sa paglakad paalis sa tindahan. She was my classmate too besides from being my besty. Siya ang source ko sa subject namin na Math.

"Besty? Parang positive ka ata ngayon?" Pansin niya sa akin. Wow inferness!

"Talaga Hayley? Ginaganahan lang ako ngayong araw na ito. I don't know why?" Sabi ko sa kaniya. Tinapik naman niya ako sa likuran ko. The heck! Masakit kang tumapik besty.

"Lagi ka namang ginaganahan eh, hindi para mag-aral. Kundi para kumuha ng panibagong fantasy book sa library!" Sabi niya.

"Takte alam na alam mo ah!" Sabi ko sa kaniya na ikina-tawa niya. Loka-loka talaga 'to.

Nakarating na kami sa school. Diretso akong umupo sa desk ko na may naka-tagong libro sa ilalim. Kinuha ko ito at binasa dahil may free time pa.

"You really all do when there's still time before class was reading fantasy books!" Sabi ni Besty Hayley sa akin. Sinara ko naman ang libro na binabasa ko at pinukpok ng mahina sa ulo niya.

"Hahaha! Matagal munang alam ehh, nagtatanong kapa!" Angal ko.

"Bakit ba masyado kang obsessed sa mga fantasy stories? Kahit na tinuturuan tayo ng Magic dito, wala pading panama sa magic lessons sa Widerverse. Isa pa, you're not a Mana User or even a Magic Wielder..." Sabi niya na ikinanguso ko.

"Dun ka nga, nasa magandang part na ako. Naglalaban na si Tsubi at Xancus sa kasalukuyang chapter na binabasa ko." Angal ko sa kaniya na ikina-tawa niya. It's not like I'm a non Magic Wielder or non Mana User...I think I'm a big time late bloomer.

"Uy best...andito na si Sir!" Sabi niya sa akin na siyang aking ikina-inis. Tinago ko ang libro sa ilalim ng desk ko.

"Good morning class!" Bati ng teacher namin na kakapasok lang sa classroom.

"Good Morning Sir!" Bati namin lahat sa kaniya.

Nagsimula ang class namin. Grabe, nakaka antok. Mathematics, mahina ako sa numbers ehh... Hindi ako papasa kung wala akong Hayley na source sa subject na ito...

Siguro mga kalahating oras na ang na nakalipas nang mag-simula ang klase namin, biglang sumakit na naman ang ulo ko. Kasabay nito ang muling pagpapakita sa isipan ko ng imahe ng itim na makinang na bato. Sa pagkakataon na ito ay kuminang ito ng napaka-kinang.

"Ms. Everleigh! Ms. Everleigh!" Tawag sa akin ng teacher namin. I came back to my senses. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Tanong ng sir namin sa akin.

Nagtatawanan ang mga kaklase ko sa akin dahil hindi ko namalayan na nakatayo pala ako at nakatakip ang mga kamay ko sa mata ko. This is extreme embarrassment, huhu!

"Si-Sir! P-pasensya na po kayo." Sabi ko sa sir namin, agad akong umupo at yumuko sa kahihiyan. Tsk! Ano ba kasing pumasok sa isip ko at nagawa ko iyon?

"Hoy! Ano bang nangyayari sa iyo?" Bulong na tanong naman sa akin ni Hayley na katabi ko.

"Ewan. May lumabas na image sa isip ko. Isang makinang na itim na bato. Para bang, tinatawag ako nito." I explained to her. Tumawa naman siya ng mahina.

"Fantasy Story pa more!" Aniya na hindi naniniwala sa sinabi ko. Tsk!

"Ayaw mong maniwala? Edi 'wag!" Sabi ko sa kaniya.

"3 years ng wala dito si Alzack Cardell, kahit na wala na siya nasa sayo pa din yung sakit na binigay niya ahh...yung sakit na ini-imagine na pati kayo katulad ng mga nababasa niyong may super powers din kayo, samantalang pareho kayong hindi Mana User at Magic Wielder." Sabi niya pa sa akin na mas lalo kong iki-nainis.

Kinurot ko siya sa tagiliran niya para tumigil siya sa katatawa niya. Bilib din ako sa babaitang ito, kaya niyang kontrolin ang boses ng pagtawa niya. Para lang bumubulong na tumatawa.

Nacurious naman ako sa itim na bato na nag-pakita sa isipan ko. Pangalawang beses na itong nangyari, kahapon at ngayon. Para akong inuudyok ng itim na bato na iyon na alamin ang patungkol sa kaniya.

Mabilis lang na dumaloy ng oras, parang hangin lang na dumaan saglit tapos biglang nawala...

Sabay kaming naglakad pa-uwi ni Hayley gaya ng dati naming ginagawa. Syempre habang naglalakad kami pauwi ay may kinakain kaming snacks.

"Girl? May balita kana ba kay Alzack?'' Biglang tanong niya sa akin. Napa-kamot naman ako sa ulo ko dahil hindi na nagparamdam si Alzack sa akin. Hindi ko naman siya masisisi, we're living in separate domains. He's in Widerverse I'm here in the colorless Death Land.

"Nakalimutan na ata tayo 'nun eh..." Sabi ko kay Hayley saka ako bumuntong hininga.

"Hindi naman siguro, siguro abala lang yung tao. Hindi siya ganong klaseng tao kasi Amira. Kilala mo si Alzack, hardworking yun masyado eh..." Sabi niya sa akin na tinapik-tapik pa ang likuran ko. Alam kong pinapa-gaan niya lang ang loob ko. "Mahirap nga talagang makipag-communicate sa mga taong nasa Widerverse..."

Alzack is safe when he and his father cross the Grand Wall. I feel that he is safe, because his father is a strong Magic Wielder.

"Pero laptrip ka kaninang first subject!" Biglang singit niya sa nangyari kanina saka tumawa nang napaka-lakas.

*****

Naghiwalay kami ng landas kalaunan nang nasa harapan na siya ng bahay nila. "See you tomorrow besty!" Nakangiteng sabi niya. Pinahabulan niya pa ako ng yakap bago siya pumasok sa gate ng kanilang bakuran.

Nag-patuloy naman ako sa paglakad ko pauwi. Lumiko ako sa isang kanto. Pag-liko ay may nakita akong ale na naka-handusay sa kalsada. Walang masyado na dumadaan dito kaya wala talagang makakakita sa ale na ito na natumba.

Tumakbo ako palapit sa kaniya. Nakadapa siyang naka-higa kaya itiniyaya ko siya. Akala ko ketchup lang na baka binili niya ang nasa kalsada, 'yun pala dugo dahil nakapa-sangsang.

"Ale! Naku. Ang daming dugo. Sandali lang po, tatawag ako ng tulong." Sabi ko sa ale na ito na ang daming dugo ang tumutulo sa may tiyan niya. Nanlaban siguro siya sa mga sumubok na holdapin siya kaya siya pinagsasaksak.

Shit!

Nataranta na ako. Umuubo at parang nahihirapan na sa paghinga ang ale na ito. Nauubusan na siya ng dugo. Nakapikit na lamang ang mga mata niya.

"Everleigh! There's nothing in this world, a 'Tamer' can't do!" Biglang may boses na kumausap sa akin.

"Who are you?" Tanong ko na pasigaw habang lumilingon-lingon sa paligid ko, hinahanap kung sino man ang nagsalita na iyon. The black shiny stone image showed up to my mind again.

This time, mas grabe ang sakit ng ulo ko. "Amira Everleigh, come back to Widerverse.." kumausap ulit ito sa akin.

Anong comeback ang sinasabi ng bato na ito sa akin? I'm born in this Death Land.

"Tigilan mo ako. Tumahimik ka, ano kaba talaga, anong kailangan mo sa akin." Sabi ko pero hindi ako nito sinagot at tuluyan nang tumigil sa pagpapakita sa isipan ko.

To my surprise, nawala na si Ale sa aking harapan. Lumingon ako sa likuran ko, nakatayo na siya. Wala ng sugat, pero kumikinang na ang kaniyang buong katawan. Napaka-kinang na siyang nakakasilaw.

Am I imagining things? This can't be real right?

"Ale!" Medyo nanghinayang kong sabi sa ale na tahimik lang.

Ngumite lang ito sa akin at tuluyang nagliwanag ang buong katawan lalo at kalaunan ay naging bola ito ng liwanag na nagpaikot ikot muna sa ere bago ito dumukit sa dibdib ko at pumasok.

I don't understand what happen, I feel like I'm losing my self, I need to consult my mother about this.

Umuwi ako sa amin. Hingal ako dahil tumakbo ako. Diretso ako sa kwarto ni mama kung saan parang alam niyang darating ako.

"Dumating kana din sa wakas." Sabi niya sa akin. Napakagat ako sa ilalim ng labi ko sa narinig sa kaniya. Alam niya nga na darating ako.

"Ma! Can I please know what is happening? What's the deal with this Black Shiny Stone that pops into my mind?" Tanong ko agad kay mama.

Bumuntong hininga siya saka tumayo sa kama niyang inuupuan niya saka lumapit sa akin. "Look for yourself, the answer to your questions." Aniya na yinakap ako at hinimas ang ulo ko.

Biglang may mga alaala na pumasok sa isipan ko. Ala-ala patungkol sa kung paano niya ako nakita at inalagaan na parang tunay niyang anak.

"I am a person that in Widerverse, people considers as a Magic Lord, ginusto kong tumira sa lupain ng Death Land para palakihin ka. Bago kita nakita, ilang taon akong nagpalaboy-laboy kung saan-saan sa Widerverse, hanggang sa isang araw, nadaanan ko ang isang kaharian na mukhang nawasak dahil sa digmaan. Naghanap ako ng mga natitirang buhay, ngunit ikaw lamang ang aking nakita. Walong taon ka pa lamang noon Amira. Binago ko sa Amira Everleigh ang iyong pangalan dahil sa isang mabigat na lihim ng iyong pagkatao na hindi ko maaaring sabihin, hindi mo maaaring malaman na siyang bumura sa alaala mo. Kinupkop kita at sinama sa aking paglalakbay, nakatagpo ko ang katulad kong Magic Lord na si DIANNEE. Isa siyang masamang Magic Lord na bumuo ng kaniyang grupo na layuning kolektahin ang 7 Magic Crystals. Sa kadahilanan na nais niyang wasakin ang Grand Wall upang pagharian hindi lamang ang Widerverse 'kundi pati na ang Asteromagus. I'm lucky to escape death, and went here in Death Land with you. I raise you as a normal person, but destiny keeps on calling you. Maybe that Black Shiny Stone has something to deal with this. Yun lang ang masasabi ko sa iyo ngayon anak." Pagkwento ni mama sa akin. Humigpit pa ang yakap niya sa akin at umiyak.

Hindi ako maka-paniwala sa narinig ko sa kaniya. Hindi siya ang tipo na magsisinungaling kaya alam kong totoo ang mga sinabi niya.

"Are you saying ma na Magic Wielder ako?" Tanong ko.

"Oo anak, isa kang Magic Wielder..." Sagot niya sa tanong ko.

"Then what's this secret about me that I can't afford to know?" Tanong ko bakasakali sa kaniya na sagutin niya.

"Hindi ko pwedeng sabihin sa iyo, mapapahamak ka. But, if you really want to know it badly, going back to Widerverse is your only choice. Hindi kita mapipigilan kung gusto mo talagang malaman kung sino ka." Sabi ni mama sa akin na aking ikinalungkot. "You choose your fate, that's inevitable."

"Kung pupunta po ba ako doon makakasama ko po ba kayo?" Tanong ko ulit pero umiling siya sa akin.

"Teka ma, bakit po hindi pwede?"

"Mamamatay ako pag sumama ako sa iyo sa Widerverse. What happened between me and Diannee had weakened me. If I'll go with you now, my Mana is still recovering, the Grand Wall will erase my existence..." Paliwanag ni mama sa akin.

"I understand. Kung patuloy ako na mananatili dito sa mundong ito baka may hindi magandang mangyare. Tama poba? I must immediately go to this Widerverse place you are saying ma." Sabi ko. I don't know why I said this but it's like the right words to say.

"I'm gonna let you go back, but promise me that you will not tell anyone about this. Hindi mo maaaring sabihin na gusto mong maaalala, malaman ang tunay na pagkatao mo. Dahil nasa paligid lang si Diannee, handang umatake." Babala niya sa akin. "You must not also reveal that you came from this Death Land.

*****

I wake up early this day. My last day here on this land. Mamayang hapon ang alis ko sabi ni mama. May kakilala daw siya na tutulong sa akin na makarating sa Widerverse ng ligtas. Hindi pa din ako makapaniwala sa sinabi niya sa akin pero iyon naman ang katotohanan. Wala akong ibang magagawa kundi tanggapin ang katotohanan.

Since it's my last chance to be here, I took a stroll. Nilibot ko ang buong bayan namin saka kinain ang mga pambato na pagkain dito. There's a lot of things I will miss in this colorless land.

I can't say my goodbye to Hayley. It gives pain inside me if I say goodbye to her. Lalo na't marami kaming pinangarap na gawin ng babae na iyon. Siguradong madudurog ang puso niya kapag nalaman niya na umalis ako. Pero hindi ko siya magagawang harapin, ayokong makita siya na nasasaktan sa aking gagawing pagpapaalam.

Matapos kong maglibot-libot, nagsawa ako. Umuwi na ako sa amin dahil mas lalo akong malulungkot kapag hindi pa ako ngayon umalis, baka tuluyan ko nang gustuhin na manatili na lang dito.

When I went inside, may kausap na lalaki si mama na aking narinig. (Siya na kaya ang sinasabi ni mama na lalaking kakilala niya?) Wirdong tanong ko sa sarile ko.

"Perfect timing! Buti naman at nandito kana." Nagmano ako kay mama saka umupo sa tabi niya. Kaharap namin ang lalaki sa kabilang sofa nakaupo.

"Siya na po ba ang sinasabi mo ma?" Tanong ko na ikinatango ni mama sa akin.

"Baby! This is Moyashi. Si Moyashi ay iniligtas ko noon sa kamay ng mga alagad ni Diannee, kaya ngayon tinutulungan niya ako. Anak, kailangan mo nang bumalik Widerverse. Sabi ni Moyashi ay makaka-habol kapa sa Enrollment sa academy ng bayan na tinutuluyan niya." Sabi ni Mama.

"You need to enroll in a Magic Academy. Kailangan mong mapalabas ang buong kapangyarihan mo na siyang tatalo kay Diannee. Kung gusto mong iligtas ang mama mo, gagawin mo iyon!" Sabi nitong lalaki na pinakilala ni mama na Moyashi.

"What do you mean by that?" Tanong ko sa kaniya. Hinawakan naman ni mama ang mga kamay ko. "Am I really the one needed to defeat Diannee?"

"Gusto ka lang niyang lumakas anak." Sabi naman ni mama sa akin.

"Of course you are...Tamers are rare, Amira Everleigh. The Mana of Tamers can permanently destroy a soul of a person...Diannee can be revived again after death because her soul was not being damaged. You are the only Tamer that I can feel the strength coming from you. Also, Diannee have been hunting the Tamers for quite a while now. Maybe there are only 3 or 5 of you Tamers alive in Widerverse."

I was shocked to hear this Moyashi person's explanation.

"Mama! The fact na iiwan kita dito at lalayo ako sa piling mo, masakit mama!" Sabi ko kay mama na agad siyang niyakap. Yumakap siya pabalik sa akin.

"Napaka buti mong anak! Baby Amira, ipangako mo na lalakas ka. Ipangako mo na babalikan mo ako dito. Hihintayin kita anak!" Sabi ni mama sa akin. Kumawala siya sa pagka-yakap sa akin.

"Moyashi! Take care of my daughter!" Sabi ni mama.

"Mag iimpake na po! Naniniwala ako sa iyo mama. May tiwala ako sa iyo. Pinapangako ko. Ililigtas kita dito. Babalik ako balang araw mama." Sabi ko. Tumakbo ako at umakyat papunta sa kwarto ko.

Nag-impake ako, naglagay sa malaking bag ko ng sampung pares ng damit. Sapatos, towel, Make ups.

Nang matapos ako, bumaba agad ako dala ang mga gamit ko. Ano kayang  klaseng lugar ang Widerverse na pupuntahan namin. Excited and kabado at the same time na akong malaman ang makulay na lugar na pupuntahan ko.

"Are you ready?" Tanong sa akin ng lalaki este si Moyashi.

Tumingin naman ako saglit kay mama at tumango. Lumapit naman siya sa akin at kiniss ang chick ko.

"Mag iingat ka anak!" Bilin niya. Lumapit naman sa akin ang Moyashi na ito at hinawakan ako sa ulo. Para akong nahilo dahil nagliwanag ang buong katawan naming dalawa saka kami napalibutan ng rainbow color na paligid bigla.

Itutuloy.

Author's Note; The Refrigerator that Amira Everleigh open to get drinking water is not electrical. It is a container powered by a cooling magic crystal.