webnovel

Chapter 7: Underground X

***

Villaine's POV

Nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas ng kwarto ko. Kinusot ko ang mga mata ko tsaka nag-inat at tumayo. Hindi na ako pumasok sa panghapon kong klase dahil nakakatamad. Mabubwiset lang din ako. Pagtingin ko sa bedside table, 6:15pm na. Medyo mahaba pala tulog ko.

Binuksan ko ang pintuan at ng matignan kung sino ang mga istorbo.

"Anak! Kamusta ka??" sabay yakap sakin ni Mommy but I remained still.

Surprise. Surprise. Andito rin si Dad. Wow ah.

Umalis ako sa pagkakayakap. "What brings you here? Naisipan nyong umuwi pa at teka, ano nga po ang tinawag niyo sakin? 'Anak'? Good thing you still remembered."

"Villaine! Wag kang bastos sa Mommy mo!" suway sakin ni Dad. Nilingon ko siya at kunyari shocked pa pagkakita ko sa kanya.

"Oh hey Dad! Andiyan ka rin pala! I missed you both! Ganun ba dapat Dad? Well, bullshit."

Napangiwi ako sa sampal ni Mommy bago ngumisi at tinignan siya mata sa mata. I saw the flash of regret in her eyes right away.

"That doesn't hurt. I am invincible. Mom." tsaka ako nagmadaling pumasok sa kwarto ko slamming it hard and locked the damn door. They tried to knock pero di ko pinansin. Hindi na ako magpapaapekto. I am not weak. Never. Pero nakakabanas lang talaga. When was the last time I saw them? 5 years ago? At nakita ko pa nung nauwi ako galing school at paalis na naman sila. Then that's it, until now. 9 years ago, I begged them to stay or to take me with them dahil magpapakabait nako pero ang sabi nila:

"This is for your own good Villaine. We have to do this. Magpakabait ka na sana dito. Goodbye."

I cried a lot that time. Alone. Kasi kahit madami kaming katulong, sa murang edad ko, niisa ayaw sakin because--- of who I am. Well now, all I can say is.

Fuck them all.

***

Nagbihis ako ng itim na corset type na fitted top, black ripped skinny jeans, boots at itim na jacket na naka-fold hanggang siko. I scanned my reflection in the mirror. Sometimes, I don't want to look at my own self. Madalas kasi, nalulusaw ako sa sarili kong mga mata. It's like there's something else behind it. Napailing ako at kinuha na ang susi ng ducati ko at wallet.

Both my parents asked where I was going pero hindi ko sila pinansin. Wala silang karapatan in the first place. Sumampa ako sa bike ko at isinuot ang itim kong helmet at nagpaharurot na. I have to calm my nerves. Gusto kong mailabas ang lahat ng inis ko nitong mga nakaraang araw.

Deretso akong pumasok ako sa La Constantine Bar and Casino patungo sa VIP area. Without knocking, I went into the door and there I saw two people sucking each other's faces. Napataas ang kilay ko.

"Ang papanget talaga ng mga tipo mo Constantine." bored kong comment na ikinatigil nilang dalawa. The girl looked at me with anger in her eyes.

"My dear Zixovia. Ang tagal mong hindi nagpakita."

I rolled my eyes. "I was here last last week you idiot."

"But still, I missed the most beautiful girl I know." then he winked.

"Wait babe, akala ko ba ako ang pinakamaganda?? And not this---- bitch?"

Pareho kaming natawa sa sinabi ng babae. Pathetic. Akala niya maiinsulto niya ako. I considered that a compliment. Kulang pa nga.

"Why the hell are you laughing?!" galit na tanong niya.

"Your face. Mas nakakatawa pa kasi sa clown." I insulted her.

"You-----" tapos dali-dali siyang sumugod sakin and in the corner of my eye, Constantine is just watching my next move. He knows it alright.

Isang hakbang nalang ang lapit ng babae, I raised my right arm and gripped it firmly around her neck taking her off guard before I threw her to the side. Napaupo siya sa lakas ng impact sa tama niya sa pader. Nanlaki ang mga mata niya bago nagmadaling tumayo at lalakad na sana paalis ng... pinatid ko siya kaya nasubsob siya sa sahig. I laughed.

"Y-You.. evil monster!" and then she's gone. I heard a clap.

"Walang kupas Prinsesa ko."

"Where's your asshole of a brother?"

"UX. Ramdam raw niyang darating ka and he was right. Madaming naghahamon ngayon." I grinned at the news. Nangangati na rin ang mga kamay ko.

"Let's go then."

Third Person's POV

Paliko-liko sila sa casino hanggang narating na nila ang tila puting pader lang. Inilabas nina Villaine at Constantine ang kanilang identity cards at tumapat sa maliit na camerang lumabas para mai-scan.

"Access granted. Welcome to Underground X." sabay bukas nito at pumasok ang dalawa. Spiral stair case ito papunta sa baba kung saan ginaganap ang iilang illegal na bagay na naging legal para sa mga makapangyarihan at mayayaman.

Underground X is a haven for delinquents. Dito, may specific na lugar para mag drugs, manigarilyo, uminom, mag-sex, at ang pagdanak ng dugo.

Villaine and Constantine immediately spotted Night Perseus Hunter, ang kapatid ni Constantine Velpecula Hunter. Ang dalawang magkapatid na lalaki o mas kilala bilang 'Miletem Brothers'. Miletem is a Latin word for 'Knight'. Agad na tumayo si Night at bahagyang yumuko kay Villaine kasama pa ang pag gestura ng isang prinsipe.

"My Andromeda." malamig pero swabeng pagbati ni Night. He calls her that dahil ang ibig sabihin ng 'Perseus' ay rescuer of Andromeda, the daughter of Queen Cassiopeia.

"Shut up Perseus. Give me a fight. Gusto kong makakita ng ibang dugo ngayong gabi. 'Yung madami."

"As you wish, Princess."

Night's POV

Ang ganda niya talaga kahit kailan. Walang kupas. Lumapit ako kay Geovani, ang lister at nagsisilbing breaker ng Effusus Aíma, na ang ibig sabihin ay 'Shed Blood'. Isang circular arena kung saan nagaganap ang labanan. Ang nagsisilbing pader na pinalibot ng arena ay isang bulletproof na transparent glass para makikita ng klaro ang labanan. 15 minutes lang dapat ang maximum ng labanan. Don't kill. That's the only rule but somehow in this world, it is inevitable. Underground X will not be held responsible if anyone dies fighting. Ang sino mang papasok sa mundong ito, ay alam dapat ang delikadong mundong pinasok niya.

"Zixovia's fight. Give me your best fighter on the list."

"I have Fermont Levim. Walang nakakatagal sa kanya ng limang minuto, no loses. Rank A."

"Bring it."

Bumalik ako kina Stan at Zix tsaka ko sila sinabihan tungkol sa laban. I saw the spark of excitement in her eyes right away. "Let's go." sambit nito at nauna na. Nagkatinginan kami ng kapatid ko at nagkibit balikat. Alam na naman kasi namin ang magiging resulta nito. Alam na alam.

***

Third Person's POV

Everyone in Underground X anticipates every fight of Villaine Zixovia at ganun din sa Militem brothers dahil sa taglay nilang lakas at galing, not to mention, they do not show any mercy during their fights. Not the slightest. The crowd cheered loudly nung pumasok na si Villaine sa Effusus Aíma. The metal door locked right away. Hinding-hindi ito mabubuksan hangga't hindi humilata at malala ang isa sa maglalaban.

There in the center stood a young man, Fermont Levim. Tall and very buff. Sobrang angas ng mukha nito habang nakangisi ng mapanloko kay Villaine. Kulay pula at ginto ang kanyang buhok at puno ng tattoo ang magkabilang braso.

"Do you really think you can defeat me, little Zixovia?"

"Kahit nakapikit, hihilata ka na naliligo sa sarili mong dugo." she stared devilishly at him that he almost flinched with her words pero di niya pinahalata.

'Tatlong minuto. Makakakita ako ng maraming pula'. isip-isip ni Villaine.

Hanggang sa narinig na nila ang boses ni Geovani, tanda na simula na ng laban.

Agad na umatake si Fermont ng suntok na siyang sinalo ni Villaine ang kamao at inikot ito para sana ibagsak sa lupa si Fermont pero nakabawi ito sa pagsipa kay Villaine ng malakas pero hindi man lang siya napaupo, napaatras lang ng kaonti. Kumunot ang noo ni Fermont at hindi na niya namalayang pasalubong sa sikmura niya ang kaliwang paa ni Villaine na siyang ikinabagsak agad ng lalaki. Hinila ni Villaine ang isang paa nito palapit sa kanya, tsaka niya pabagsak na siniko ang mukha ni Fermont. Dumaloy ang dugo sa ilong at labi nito.

Tila umapoy ang mga mata ni Villaine sa nasaksihan. Re-recover sana si Fermont pero hindi siya nabigyan ng pagkakataon dahil hindi nag-aksaya si Villaine sa pagtayo at tinapakan ng madiin ang kanang tuhod ni Fermont para hindi ito makatayo. Nabalian agad siya ng buto.

"Crack." she said smirking.

"ARRGHH!!" ungol ng lalaki sa sakit.

Dalawang minuto na ang lumipas.

Villaine dragged him forcefully by gripping his hair before he strangled him and cornered him to the wall and punched him numerous times gamit ang kabilang kamao.

And her final straw.

Binitawan niya si Fermont na agad bumagsak sa sahig at sinuntok ng napakalakas ang bulletproof glass. Nag crack ito sa pangatlong tama at nakakuha si Villaine ng matulis na bubog mula doon.

"Game Over." sambit nito bago ipinadaanan ng matulis na tungki ng bubog ang tiyan ni Fermont. Slashed. Umagos ang dugo. Madaming dugo. Just as she wished.

"And the winner is no other than, Villaine Zixovia!!" anunsyo ni Geovani.

The crowd cheered once again. Matapos ang naganap na labanan, maraming bumati pero hindi niya pinansin niisa. Malaking pera na naman ang kanyang napanalunan sa tatlong minutong away.

Deretso ang tatlo sa mini-bar doon at uminom. Si Constantine naman ay nagsisigarilyo habang may kaakbay na babae.

Nilibot ni Villaine ang tingin sa kanyang palibot bago ilipat sa duguan niyang kamay bago napakuyom.

How she loves this kind of life.

To be continued...