webnovel

Talk Back and You're Dead!

Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang karibal niya sa academics na si Audrey. Pero nagulo ang buhay niya nang makilala niya si TOP, isang notorious na gang leader sa lugar nila. At dahil sa isang pagkakamali na dapat niyang pag-bayaran, masasangkot siya sa maraming gulo. Makabalik pa kaya sa dati niyang buhay si Samantha o habangbuhay na siyang masasama sa gulo na dala ni TOP?

AlesanaMarie · Urban
Not enough ratings
126 Chs

Chapter Two

Natahimik ang lahat at hinintay ang reaksyon ng lalaki. Hinawakan niya ang pisngi niya at...

Matalim siyang tumingin sa akin. INAKUPOOOO!!!! Hindi ako nakagalaw agad. Napako ako habang nakatingin sa umaapoy sa galit niyang mga mata. Pakiramdam ko nasusunog ako sa titig niya palang!

"Sam! Bakit mo ginawa yun?!" narinig ko na tanong ni Michie na halatang nagpa-panic.

Bago pa ako makasagot ay hinila na niya ako at tumakbo kami palayo sa dalawa. Nilingon ko naman yung lalaki na nasampal ko. Ack! Sana hindi nalang ako lumingon. Mukhang magkakaron ako ng nightmare mamaya. Isang bangungot kung saan cho-chop-chopin niya ako nang buhay. Nang makalayo na kami ni Michie, hinihingal kaming tumigil. Nakita ko sina China at Maggie na may hawak na cellphone at tumatawa. Lumapit kami ni Michie sa magkapatid at sabay-sabay kaming lumabas ng mall.

"Michie, bakit tayo umalis kaagad? Dapat gumanti ka rin!" sabi ko.

"Oh my God! Sam, ang galing mo!" sabi ni China sabay yakap sa akin.

"Yeah, hindi ko alam na ang tapang mo pala. Nakakatakot kaya 'yung lalaki kanina," komento ni Maggie.

"Huh? Uhh. Oo nga eh, nainis lang ako kanina," naguguluhan ako sa dalawang adik na 'to.

"Eeeeh, sana hindi tayo matandaan," bulong ni Michie habang tumitingin sa paligid na parang kinakabahan.

"I think we should get out of here," sabi ni China na tumitingin sa paligid.

"Oo tama, sibat na tayo," sagot ni Maggie.

Sina China at Maggie ay magkapatid at pinsan ni Michie. They're pretty, medyo crazy nga lang. Pero parang mas weird sila ngayon. Ano kaya ang meron?

Umuwi na kami sa bahay naming tatlo. Nasa iisa kaming bahay. Bahay ko ito actually pero hinayaan ko na rin silang makitira kasama ko. Wala rin kasi akong kasama maliban sa Yaya ko. Nasa ibang bansa kasi ang mga magulang ko para asikasuhin ang negosyo.

Nang makapahinga kami saglit ay sinabi na nila sa akin kung ano ang totoong nangyari sa mall at kung sino ang lalaking inaaway ni Michie na sinampal ko.

"WHAAAAAT?!!!" reaksyon ko nang matapos ang magulong kwento nila. Hindi ako makapaniwala sa kalokohan ng tatlong 'to. Ngayon alam ko na kung bakit 'Crazy Trios' ang tawag sa kanila. BUT NOT THIS CRAZY!

Hindi totoo na boyfriend ni Michie ang lalaki na sinampal ko sa mall. In fact, hindi nila kilala kung sino ang lalaki na sinampal ko. It was just a stupid dare!

"Yeah, it was just a dare..." ulit ni China. "Dapat talaga pagkatapos ng mga sinabi ni Michie eh tatakbo na siya palayo."

"Wala sa plano na dadating ka Sammy," bulong ni Maggie na pinapanuod na ngayon sa laptop niya ang eksena sa mall.

"Sammy, sorry. Hindi naman kasi namin alam na bigla kang magpapakita," hinging paumanhin ni Michie sa akin.

Dumbfounded. Napatulala nalang ako at ni-replay sa isip ko ang mga nangyari. Sinampal ko siya! Nanakit ako ng isang inosenteng tao sa pag-aakalang niloloko niya ang bestfriend ko. Ano'ng kasalanan ko at nakarma ako ng ganito?! Nakakahiya! Gusto kong lamunin na ako ng sahig ngayon. Nakakahiya ako! Oh my God! Nakakahiya ako!

"Sammy, yung bibig mo baka pasukan ng langaw," sabi ni China na medyo natatawa.

Tinignan ko siya nang masama. Sa panahon na ito nagawa pa niyang magbiro? Hindi ba nila alam kung gaano kalaki ang problema na naidulot ng laro nila?!

"ARGH! Shizleberry! Bakit naman sa lahat ng dare na maiisip nyo eh yun pa ang pinagawa ninyo kay Michie?" tanong ko.

"Eh kasi masaya?" taas-kilay na sagot ni China.

"Yeah! At nakakatuwa yung reaksyon nung lalaki. Hahaha!" sabi ni Maggie.

"Oo nga! At pati narin dahil sa gwapo yung lalaki!" segunda ni China.

Nag-high five pa silang dalawa na parang isa 'yung brilliant idea. Crazy Duo!

"At ano naman ang kinalaman ng pagiging gwapo ng isang lalaki sa isang DARE?"

"Aww. C'mon Sam, gusto lang namin silang mag-break ng girlfriend niya," amin ni Maggie.

"Gusto ninyong manira ng relasyon?!" hindi makapaniwalang tanong ko. "Kailan pa kayo naging ganyan?"

"Dahil sayang lang ang gwapong nilalang na 'yon sa katulad ni Hershey!" sabi ni China. "Isa siyang playgirl! Mang-aagaw ng boyfriend! Talanding babae! At mas maganda ako sa kanya!"

"Wow Chinz hindi ko alam na ganyan ka parin ka-bitter sa relasyon nyo ni.. ano nga ulit pangalan ng ex mo?" tanong ni Maggie.

"Malay ko, nag-reformat na ako eh," sagot ni China. "Once a mang-aagaw always a mang-aagaw! Buti nga sa babaeng 'yon! Napahiya siya! Hahaha!"

"I'm dead! Paano kung namukhaan ako? Hindi na ako makakapunta sa mall," sabi ko at nag-collapse na ako sa kama. "Nakakahiya ako kanina! Shiz!"

"Don't worry, I'm sure hindi na kayo mag-kikita non," sabi sakin ni China.

"Oo nga, sa laki ba naman ng mall Sammy?" sabi ni Michie.

"KYAAA!" sigaw ni Maggie habang nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa kanyang laptop.

"Ano 'yon?!" sabay na sabi naming tatlo.

Tumingin sa akin si Maggie na namimilog ang mga mata.

"Kailangan mo 'tong makita," sabi sa akin ni Maggie.

Nakalagay lang naman sa YouTube ang nangyaring eskandalo sa mall. At may 1,000 views na siya ngayon kahit kanina lang nakuha. May mga nakalagay na comments sa ibaba. At ang pinakanakakatakot na comment sa lahat ay: 'F*CK!!! IF I SEE YOU AGAIN, YOU'RE DEAD!!!'

"Sino ang nag-upload niyan sa youtube?" maiiyak na sabi ko.

"Don't look at me, I didn't do it!" paliwanag ni Maggie.

Paano na ako ngayon nito? Nakaramdam ako ng sobrang kaba. Hindi ko alam na sa ganitong paraan na pala matatapos ang mapayapa kong buhay. Huhu. Kung alam ko lang, sana bumili na ako ng cheese fries kanina. Huhu.