webnovel

Talk Back and You're Dead!

Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang karibal niya sa academics na si Audrey. Pero nagulo ang buhay niya nang makilala niya si TOP, isang notorious na gang leader sa lugar nila. At dahil sa isang pagkakamali na dapat niyang pag-bayaran, masasangkot siya sa maraming gulo. Makabalik pa kaya sa dati niyang buhay si Samantha o habangbuhay na siyang masasama sa gulo na dala ni TOP?

AlesanaMarie · Urban
Not enough ratings
126 Chs

Chapter Thirty-Four

Dumiretso ako sa office ni Vice Principal pagkatapos ng klase katulad ng bilin nya. Nakaupo sya sa kanyang swivel chair at may mga papeles na binabasa sa kanyang table.

"Have a sit Ms Perez," sabi nya.

Umupo ako sa silya na nasa kabilang side ng kanyang table.

"Ms Perez, ano ang masasabi mo tungkol kay Ms Sta Maria?"

"Average."

"Ang sabi ni Ms Concepcion, palagi daw syang nakadikit sa'yo?"

"Yes, pero hindi naman kami masyadong nag-uusap."

"Si Ms Sta Maria, ang heiress ng Carmel Clothing Line. Pero bago iyon nanggaling sya sa isang ampunan. Gusto mo bang malaman ang buong kwento?" tanong nya sa akin.

"Not really, it's none of my business anyway."

"Oh, I forgot. You're not the nosy type," she laughed.

Err. Ang weird ni Vice Principal ngayon.

"I have a very special task for you Ms Perez."

"What task?"

"A very simple one."

"And what's in it for me?"

Ngumiti nang makahulugan si Vice Principal.

"How about your freedom?"

***Canteen

Hindi ko talaga alam kung bakit ako pumayag sa deal namin ni VP. What was she up to? Bakit sa'kin pa nya ibinigay ang task na 'yon? Kinuha ko ang tray at pumunta sa usual table ko. Hmm. Wala pa ang new student na yon. Bahala na nga.

Naalala ko ang task na sinabi sakin ni Vice Principal.

"You have to teach Ms. Sta Maria everything that you've learned in this school. And I'm giving you exactly fifteen days to finish it."

Fifteen days?! Paano ko naman magagawa 'yon?

"SAMMY!!!" may sumigaw at kasabay non ay bumukas ang mag-asawang pinto ng canteen.

Ang new student. Hinihingal na tinignan nya ang paligid at nang mapatingin sya sa direksyon ko ngumiti sya at muling tumakbo.

*SPLAT!*

Bigla syang humalik sa sahig.

"HAHAHAHA!!!" nagtawanan ang lahat ng kumakain at nakatingin sa kanya.

"Ilang frog ang nahuli mo? Hahaha!" tanong ni Audrey at tumawa kasama ng kanyang mga kaibigan. Sa tingin ko, sya ang pumatid.

"Wala, ang bilis mo kasi nakapag-morph. Hindi tuloy kita nahuli. Next time nalang," tumayo sa sahig ang new student.

"What did you just say?!" tanong ni Audrey na tumayo mula sa kanyang silya.

Tumayo rin ang mga kaibigan nya at pinaligiran ang new student. Nakaramdam ako ng away at kahit papaano pakiramdam ko dapat akong makialam.

"Audrey that's enough leave her alone," tumayo ako mula sa upuan ko at nilapitan ang new student. Hinila ko sya palapit sa akin.

Nagulat silang lahat sa ginawa ko. Hindi naman kasi ako nakikialam sa mga nangyayaring pam-bubully ni Audrey sa iba. Ang hindi ko maintindihan kay Audrey, lahat nang lumalapit sa akin inaaway nya.

"Yeah Audrey, leave our dear cousin alone."

Napalingon ako sa may pinto at nakita ang dalawang babae. Yung isa may dalawang buns sa ulo. Bigla kong naalala ang Street Fighter na si Chun Li. Yung isa naman maiksi ang buhok.

"Stay out of this! This is none of your business!" sabi ni Audrey.

"Didn't you hear us the first time? That's our cousin and she's our business," Chun Li said.

"I can do whatever the hell I want—" hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi ni Audrey.

"I said that's enough Audrey!" I said. She's such a pain in the butt.

"W-What? You're siding with these two idiots? Oh, no, make that three!"

"No, I'm not siding with anyone. You tripped her, you started it Audrey," mariin kong sabi.

Hindi sya umimik pero nakikita ko na nagagalit sya.

"Audrey," tawag ko sa kanya.

"What?!" she snapped.

"You know what."

"You expect me to say sorry?!"

"I expect you to do the right thing."

"Fine! I'm sorry! Happy?!" she walked out with her friends trailing after her.

Pagkatapos mag-walk out ni Audrey biglang nag-cheer ang mga estudyante. Parang kanina lang nakikitawa rin kayo with Audrey ngayon sya na ang pinagtatawanan nyo. Ang labo.

Bumalik na ako sa table ko. Lumapit ang tatlo - ang new student at ang magkapatid - sa table ko.

"Sammy! Gusto nga pala kitang ipakilala sa mga pinsan ko, sina Maggie at China!"

"Hi I'm Maggie!" sabi ng babaeng maiksi ang buhok.

"And I'm China!" sabi ng kamukha ni Chun Li, ang babaeng may dalawang buns sa ulo.

Tumango lang ako sa kanila. Tinitigan ako ng magkapatid. Actually kilala ko naman talaga sila. Ang Dela Vega sisters. May ari sila ng pinakamalaking Hacienda sa Pilipinas. Sikat sila sa school na ito sa tawag na Crazy Duo. Magulo kasi sila at weirdo. Ngayon mukhang magiging Crazy Trios na sila.

"May problema ba sa mukha ko?" ang tagal nilang nakatitig sa'kin.

"Wow!" sabi ni China, bigla nyang kinurot ang pisngi ko.

"Ang ganda!" sabi naman ni Maggie, hinigit nya ang buhok ko at pinagmasdan.

Aray! Ang pisngi ko! Ang buhok ko!

"WAAAH!! Anong ginagawa nyo kay Sammy?!" nagpapanic na tanong ng new student. Tinanggal nya ang mga kamay ng mga pinsan nya sakin.

"OOPPS!" sabay na sabi ng dalawa.

"Hwag nyong inspeksyunin si Sammy nang ganon! Hindi sya damit!"

"Sorry," Maggie, naka-pout ang bottom lip with trebling effect, big eyes at sniff effect. Ang infamous puppy-dog-eyes technique.

"Ngayon lang kasi kami nakalapit ng ganito kay Samantha kaya nilulubos na namin," – China.

"Pagpasensyahan mo na sila Sammy," tumingin sya sa'kin nang matagal.

After five minutes nakatitig parin sa'kin ang new student pati na rin ang magkapatid. Papaalis na sana ako nang bigla nya akong niyakap. Ano ba ang problema ng isang ito?! Then out of nowhere tatlo na silang pumuputol sa supply ko ng hangin. Need.To.Breathe!

Ang gulo! Ang weirdo! Ano ba itong nangyayari sa araw ko ngayon?! Please! Sana naman matapos na ang araw na ito at nang makalayo na ako sa kanilang tatlo!