webnovel

Talk Back and You're Dead!

Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang karibal niya sa academics na si Audrey. Pero nagulo ang buhay niya nang makilala niya si TOP, isang notorious na gang leader sa lugar nila. At dahil sa isang pagkakamali na dapat niyang pag-bayaran, masasangkot siya sa maraming gulo. Makabalik pa kaya sa dati niyang buhay si Samantha o habangbuhay na siyang masasama sa gulo na dala ni TOP?

AlesanaMarie · Urban
Not enough ratings
126 Chs

Chapter Thirty-Five

"Chin up, chest out, stomach in, now walk," pinanuod ko si Michie habang naglalakad nang may libro sa ulo.

Sa loob ng tatlong araw nagkaroon kami ng mga extra classes. Three hours minsan inaabot ng five hours ang session namin. Ang hirap nya turuan pero halata ko naman na gusto nya talagang matuto. Hindi ko parin alam kung anong kalalabasan nito after three weeks.

"Good, now lets proceed to Tea Ceremony," umupo kami sa table kung saan may tea set.

"Wow! Grabe kakapagod naman buti may drinks! *gulp.gulp* ahhh..." ininom ni Michie ang tea nya ng isang lagukan lang at pinunasan nya ang bibig nya gamit ang likod ng palad nya.

"Michie! Ilang beses ko bang sasabihin na mali yan?!"

"S-Sorry Sammy!" sabi nya. "Hwag ka nang magalit please?"

"Ulitin natin," sabi ko at inayos ang tea set. Nilagyan ko ulit ng tea ang cup nya.

"Okay!"

Makalipas ang tatlong oras natapos din kami. Nakakapagod naman mag-turo. Lumabas na ako ng school grounds at naglakad pauwi. Actually ako lang talaga ang hindi nakatira sa isang dorm. Meron akong sariling bahay na sampung minuto ang layo sa school kung lalakarin.

Teka parang may sumusunod sakin ah.

Lakad~ Lakad~ Lakad~

Lingon~ wala naman~

Lakad~ Lakad~ Lakad~

Lingon~ wala naman~

Lakad~ Lakad~ Lakad~

Lingon~

May nakita akong anino! Nagtago sa poste ng ilaw!

Oh Shiz! Pepper Spray! Check! Kinuha ko ang pepper spray sa bulsa ko at hinawakan ng mahigpit.

Lakad~ Lakad~ Lakad~

*Thump.Thump.Thump.*

Palapit nang palapit ang yabag ng taong sumusunod sakin. Hwag lang syang magkakamaling humawak sa'kin.

*Thump.Thump.Thump*

*Tap!*

May humawak sa balikat ko. At mabilis kong itinapat sa kanyang mukha ang pepper spray!

*SSSHHHH!!!*

"AAAHH!!!" sigaw ng creepy stalker habang tumatakbo ng paikot-ikot habang nakatakip ang dalawang kamay sa mukha.

*BOINK*

Dahil sa hindi pagtingin sa direksyon na tinatakbuhan nabunggo sya sa poste ng ilaw at napahiga sa sahig. Kawawa naman. None of my business. Kasalanan naman nya kaya sya nasaktan. Nag-patuloy na ako sa paglakad.

Lakad~ Lakad~ Lakad~

Hinto~

Lingon~

May napansin lang ako. Same blouse, same skirt. Pareho kami ng suot na uniform.

Takbo Pabalik~

Poke~ Poke~ Poke~

Kinuha ko ang stick na galing sa isang nabaling sanga ng puno. Pinoke ko ang nakadapang babae. Nakadapa sya kaya hindi ko makita ang mukha. Hmm.

Poke~ Poke~ Poke~

"S-Sam... S-Sa... mmy," tawag ng babae.

EHHHH?! Parang kilala ko to ah! Hinawakan ko ang balikat nya at inikot para makita ang mukha nya.

"MICHIE?!"

"H-Hello. Sammy. Hehe!"

Kung may sakit lang siguro ako sa puso malamang inatake na ako! ANG PULA NG MGA MATA NYA!! BAMPIRA?! NEW BORN?! KASAMA KAYA SYA SA MGA NEW BORN NA GINAWA NI VICTORIA SA ECLIPSE?!

"WAAH! Sammy hindi ako makakita! Ang mata ko! WAAAH!" umupo sya sa sahig.

Mabuti at walang sasakyan na dumadaan dito. Nasa may kalsada kasi kami.

"Bakit mo ba kasi ako sinusundan?! Napagkamalan tuloy kitang kidnapper o serial killer at rapist!"

"Sammy naman gusto ko lang naman ihatid ka. Baka kasi may masamang mangyari sa'yo." Kinukusot nya ang mga mata nya.

"Bakit mo naman ako inaalala? Kaya ko ang sarili ko. At ang isa pa hindi ba may curfew ang dorm nyo? Dapat eight nang gabi nasa dorm na."

"Oo nga pala! WAAHH! Nakalimutan ko!" tumayo sya bigla at dahil dun.

*BOINK*

"AAHH!!" sigaw namin pareho.

Tumama kasi ang ulo nya sa baba ko. Nakayuko kasi ako sa kanya. Hawak ko ang baba ko at hawak naman nya ang ulo nya.

"ANO KA BA?! MAG-INGAT KA NGA! SA'YO AKO NAPAPAHAMAK EH!!"

"S-Sorry Sammy." malapit na syang maiyak.

Kinokonsensya pa ako.

"Sige na, bumalik ka na sa dorm at baka mapagsarahan ka pa. Uuwi na ako."

"O-Okay!

Bahala ka na nga, malaki ka na. Hindi ka naman siguro mapapahamak. Lumakad na ako pauwi. Nakarating na ako sa bahay. Sinalubong ako ni manang, kasama ko sa bahay.

Kumain. Naligo. Nag-brush ng teeth. Gumawa ng mga assignments. Nahiga sa kama. Papatulog na sana ako nang may kumaluskos. Kasabay non namatay ang ilaw. HUH?! BrownOut?!

*Eeengkk!*

May ingay na nanggagaling sa bintana sa veranda. May veranda kasi sa kwarto ko at may double glass door.

Teka ano kaya yun? Dahan-dahan akong tumayo mula sa kama. Pero hindi ako lumapit sa bintana.

*Eeeenggkk!*

Ayan na naman ang tunog na yan. Parang may matulis na bagay ang kumukuskos sa bintana.

Matilos na bagay? Hindi kaya, matulis na kuko ng halimaw 'yun?! Bilog ba ang buwan ngayon?! WEREWOLF?! JACOB BLACK?! *gulp* Baka kainin nya ako. Van Helsing!!

*Eeeenggckk!*

Pero pano kung hindi pala werewolf kundi si Freddy?! Hindi pala Twilight kundi A Nightmare On Elm Street?! Teka! Nakatulog ba ako?! Oh No! Baka chop-chopin nya ako habang tulog!

"FREDDY HINDI KA TOTOO!" sigaw ko sa may bintana habang nanginginig sa isang sulok. Hindi ako makatakbo sa sobrang takot.

Silence~

No Signs of Movement~

Silence~

Phew! Wala na. Siguro sanga lang yun ng puno na kumuskos sa bintana o kaya si Muning. Si Muning talaga oh. Grabeh natakot ako doon ah. Mai-check nga, baka nasa labas si Muning at hindi makapasok. Pumunta ako sa bintana at hinawi ang kurtina.

Nasa may veranda...

Nakatayo ang isang...

Babaeng maputla...

Mahaba ang buhok...

At mukhang biktima ng isang malagim na kamatayan...

"T-Tulu...ngan mo a-ako... Tulong..."

Hindi ako makagalaw. Isang kaluluwa na humihingi ng tulong?! Sa kanyang pagkamatay?!

"AAAAHHH!!" sigaw ko sa sobrang takot. Hindi ako namamalikmata! Totoo na may Sadako look-alike sa veranda ko!

*thump.thump.thump*

Humakbang sya palapit sa two-door-glass-window ko. Yung lakad nya SUPER CREEPY!! SADAKO-like!! Nanginginig pa sya habang naglalakad.

*eeennggckk!*

NO! Nasa window ko na sya ngayon at nakahawak ang dalawang kamay nya sa bintana! Parang gusto nyang buksan!

"Tu...lungan m-mo ak-ko..." ungol nya. NAKATINGIN SYA SA'KIN HABANG KINAKALMOT ANG GLASS DOOR!!

"AAAHHCKK! AYOKO! TAKOT AKO SA MULTO! AAAHCKK!!"

"B-Buk...san mo toh... Saaaam..." nanginginig ang boses nya.

Nag-tindigan ang balahibo ko! Goosebumps! Alam nya ang pangalan ko?!

"A-AYOKO!! UMALIS KA NA!!" tumakbo ako palabas ng kwarto pero dahil hindi ko makita ang dinaraanan ko nabunggo ako sa pinto at napahiga.

Ang ilong ko!

"Saaaamm..."

*Click!*

Bumukas ang bintana at pumasok si Sadako!!

"AAAAHH! LUMAYO KA SA'KIN!! MANANG HELP!!" sigaw ko.

Nakasandal ako sa pintuan at hindi makagalaw. Nasa sahig na ngayon si Sadako at gumagapang palapit sakin. GUMAGAPANG SYA!

"Saaamm... B-Bakit... ka s-sumisigaw...? *crawls* N-Natatakot k-ka ba sa dilim? *crawls* H-Hwag kang m-mag-alala sasamahan kitaaa..." sabi nya habang gumagapang sa sahig.

"AAAHHCKK!! SADAKO LAYUAN MO AKO!! AAAHH!!"

*Tag*

"H-Hehe... *cough.cough* Huli kaaa..." sabi nya habang hawak ang isang paa ko.

Ang kamay nya, sobrang lamig! Ice-cold skin! The Cold One?! Vampire? NO! GHOST!! <(>0<)>; NO!! I'M GONNA DIE! I'M GONNA DIE! I'M GONNA DIE!!!

"AAAAHHCKK!! BITAWAN MO AKO!!"

"H-Hwag k-ka nang m-matakot Saaam... *cough.cough* H-Hindi k-kita iiwan... Dito l-lang ako sa tabi mo... H-Hehehe... *cough.cough.*"

"MOOMMMYYY!! AAAHHCKK!!"

"H-Hehe..." tawa nya.

AAAAAAHHH!!

Nag-on na ulit ang ilaw. Napatingin ako kay Sadako. Hindi parin sya nawawala at hawak parin nya ang paa ko.

*cough.cough*

Teka kailan pa nagkaron ng ubo si Sadako?

"S-Saam *cough.cough* T-Tulungan mo *cough.cough* a-ako," ungol nya.

Bigla nyang inangat ang ulo nya at tumingin sa'kin.

"I-IKAW NA NAMAN?! PANO KA NAKARATING DITO?! SINUNDAN MO NA NAMAN AKO?!"

(-__-) (_ _) (-__-) *nods*

"Bakit ka nananakot?!"

(-__-") ("-__-) (-__-") *shakes.head*

Tumayo na ako mula sa sahig. Kaasar! Tinakot pa ako ng babaeng ito akala ko talaga multo na. Binitawan nya na ang paa ko pero nakahiga parin sya sa sahig. Ano namang drama ang ginagawa nito?

"Michie, pwede ba tumayo ka na dyan?"

Umubo sya.

"Michie?"

Umubo sya nang mas malakas.

Lumuhod ako sa tabi nya at tinignan sya. Nakapikit ang mga mata nya at parang nahihirapan syang huminga. Hinawakan ko ang braso nya pero mabilis ko rin tinanggal. Sobrang init ng katawan nya! Hindi kaya may sakit to?!