webnovel

Talk Back and You're Dead!

Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang karibal niya sa academics na si Audrey. Pero nagulo ang buhay niya nang makilala niya si TOP, isang notorious na gang leader sa lugar nila. At dahil sa isang pagkakamali na dapat niyang pag-bayaran, masasangkot siya sa maraming gulo. Makabalik pa kaya sa dati niyang buhay si Samantha o habangbuhay na siyang masasama sa gulo na dala ni TOP?

AlesanaMarie · Urban
Not enough ratings
126 Chs

Chapter Six-Three

Pumasok na ako sa bahay namin. Naisahan ako ni TOP dun ah! Inabutan ko ang tatlo na nasa living room. May sinusulat sila sa papel. Essay yata. Ngayon ko lang sila nakitang ganito ah. Seryoso at tahimik. Creepy.

"Ano'ng meron?" tanong ko at sinilip ang ginagawa nila.

"Sshh..." - China

"Busy ah!" sabi ko.

"Sshh Sam!" - Michie

"Seryoso na ba yan?"

"Quiet! Busy kami Sam! Bulag ka ba?" - China

"Oo nga! Busy kami! Hindi lang ikaw ang busy sa mundong ito with your boyfriend! Kami rin busy!" - Maggie

"Uhh..." nag-isip si Michie. "Teka ano nga pala yung sasabihin ko?" May kinuha syang crumpled paper at binasa tapos nilukot ulit.

Don't tell me naglalaro na naman sila?

"Tama! Busy din kami ngayon Sammy kaya mamaya ka na lang namin kakausapin. Kasi wala kaming time ngayon makipag-usap dahil nga sa busy talaga kami" - Michie

"Okaaay," siningkitan ko ang mga mata ko para mabasa ang sinusulat nila.

'Hindi na po kami mag-iingay sa klase. Hindi na po kami kakain ng chichirya habang nasa chemistry lab. Hindi na po kami matutulog sa History class. Hindi na po kami magkokopyahan ng sagot sa math quiz.'

EH?

"SAMMY!!!" sigaw nila at tinakpan ang ginagawa nila.

"Wushuu! Kayo talaga!" sabi ko at umalis na.

Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko. Sakto na tumunog ang cellphone ko pagkaupo ko sa kama.

"Hello?" sagot ko.

[Sam. Si JG to]

"Hey! Napatawag ka? Hindi ka busy ngayon? Wow!"

[Hahaha! Hindi pa ngayon, may one week akong pahinga dahil sa World Tour. May itatanong lang kasi ako. Naabala ba kita?]

"That's good! Wala naman akong ginagawa ngayon. Ano ba 'yung itatanong mo?"

[May gagawin ka ba sa Sabado?] tanong nya na medyo hopeful.

"Wala naman akong naaalala na gagawin sa sabado. Bakit?"

[Oh! Uhm wanna hang out with me then? Tagal na kasi natin hindi nakakapag-usap nang matagal palaging short conversations lang at sa telepono. Alam mo na. Katulad ng dati?]

"Of course! Katulad ng dati! So, ako nalang ulit ang pupunta sa bahay nyo para matulungan ka sa susuotin mo. Hahaha!"

[Hahaha! Thank you Sam! Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko kapag wala ka.]

"Hahaha! You're my friend. Hindi mo kailangan magpasalamat."

[. . . .]

"JG? Still there?"

[Huh? Ah. Oo. Magkita nalang tayo sa Sabado?]

"Yep!"

[Okay. Goodnight Sam.]

"Goodnight JG!"

[Aishite imasu]

"Huh?"

*Doodoodoo*

Napatingin ako sa cellphone ko. Ano raw?