webnovel

Chapter 1

*alarm clock ringing*

Naalimpungatan ako sa ingay ng alarm clock ko. Anong oras na ba? Parang napaka-aga pa ahh---

Nakakatamad pang bumangon eh. Haaayyss... Inabot ko na lang ang phone ko na nasa side table, atsaka pinatay ang alarm. At syempre, humiga para bumalik ulit sa tulog. Ayaw ko ng pumasok. Wala na nga akong maayos na tulog, pagod na pagod na pagod pa ako.

--After 15mins--

*alarm clock ringing*

Eh! ---------

"Pwede bang 'wag na lang pumasok?" iritang tanong ko habang pinapatay ang alarm ng cellphone ko. Humiga na ulit ako sa kama para bumalik sa tulog, nagtalukbong ng kumot. Pero napapansin kong papalit-palit na ako ng posisyon sa paghiga at hindi na makabalik pa sa tulog. Bumangon na lang ako at padabog na tumayo.

"Kahit naman ayaw kong pumasok, kailangan ko pa din pumasok." Habang nag-uunat ako ay napalingon ako sa kalendaryo na nasa likod ng pintong kwarto ko. Nakita ko pang nakabilog ang number 8. Haaaayyysss... Ilang buwan na rin pala ang nakalipas.

Ilang minuto na siguro akong nakatulala, nang maalala ko na may pasok nga pala ako.

Kinuha ko agad ang phone ko at nagbasa ng messages sa group chat namin. Baka may updates sa schedule eh, tapos biglang off ko pala at pumasok ako eh di sayang sa pamasahe di ba? Habang nag-iiscroll ako ay napindot ko ang back dahilan para mabasa ang private message ng TL ko.

" Hey Als! Approved ang 3days leave mo, plus dikit 'to sa off mo. So, 5 days ka'ng makakapagpahinga. It's your time to take care of yourself. You don't have to update me where you are going, just ping me 4 hours before your shift next week, then we can talk about what we can do with your scores, okay? Enjoy!' "

Wait. OMG!! Approved ang leaves ko! Waaah!! Mababaw na kung mababaw pero parang achievement na kapag na-approve ang leave ko sa trabaho. Lalo pa at sa call center ako nagtatrabaho.

Nagreply na ako sa TL ko atsaka bumalik sa kama.

I'm Aliyah Ziel Ortiz. At sa pagka-ganda-ganda ng pangalan ko, Als pa ang napiling nickname ng mga ka-trabaho ko sakin. I dunno why, bakit ganun pa ang pseudo ko sa kanila. Mukha ba akong school? HAHA. Pero simula ng magtrabaho ako as a call center agent, parang wala na akong inisip kundi ang magtrabaho ng magtrabaho. Hindi ko na din nagagawa ang mga ginagawa ko dati. Every rest days ko naman wala na lang din ako balak gawin kundi ang magbawi sa tulog. Pero sa totoo lang umiiwas lang din naman talaga ako na maisip pa yung bagay na yun.

Past 30mins, simula ng ma-approve ang leave ko, hindi na ako makakabalik pa sa tulog. Makabili na nga lang ng makakain. After ko maghilamos, kumuha na ako ng hoodie at jogging pants. Ilang kanto lang naman layo ng 7/11 dito kaya okay na 'to.

---

"Lasagna? Baked Mac? Giniling nalang kaya?" Hirap naman pumili ng makakain. Siguro sampung minuto pa nagtatalo ang tiyan at utak ko para mag-decide kung alin ba talaga ang kakainin ko. Sunod ko ng kinuha ang iba ko pang bibilhin. Nasa cashier na ako para makabayad nang makaramdam ako ulit ng antok. Ano kaya ang magandang gawin sa 5days na wala akong pasok? Pasok na lang kaya ako ulit? Wag na lang pala, ang hirap mapapayag ng mga boss na magleave kahit isang araw lang kaya susulitin ko na talaga 'to.

"Miss, yung bayad nyo ho, may iba pang bumibili hindi lang ikaw." OMG!

"Hala! Sorry po! Ito na ang bayad." Nag-space out nanaman ako. Lumabas na ako ng store at sa totoo lang, nakakahiya!

----

Sa paglalakad ko pabalik sa apartment ay may nakita akong isang coffee shop. Parang wala naman akong nadaanang bukas na shop kanina ah? Baka hindi ko lang napansin? Habang palapit ako sa shop ay napansin kong may mga customers pa sila, nasa pinto na ako at nakita kong halos lahat ng customers nila may hawak na libro. Napalingon ako sa bandang gilid ng shop at may mga libro. Biglang nagningning ang mata ko. Bakit hindi ko alam na may ganitong shop na malapit sa apartment ko? Eh di sana nakakatambay ako every day off.

At hindi ko na nga napigilan ang sarili kong hindi matuwa, pumasok agad ako sa loob nito. Hindi ko na din napansin ang gutom ko dahil sa pagka-aliw sa shop na ito. Ang cozy ng lugar na 'to. Nakakarelax and at the same time, amoy libro! Humuhugis puso ang mga mata ko. Syempre hindi na nga ako nagpatumpik-tumpik pa, nagpunta ako agad sa side na puro libro. Bukas nga dito ako magpupunta para tumambay. Nag-umpisa na akong maghanap ng libro na magandang basahin para bukas ay may mababasa ako agad. Shelves are being categorized by genre, so it'd be easier for you to find a book you wanted to read. Nang mahanap ko na ang Mystery/Thriller section ay agad ko na itong pinuntahan. Sa paghahanap ko ng librong babasahin ay nakarating ako malapit sa katabi nitong shelf, Fantasy section. Maraming magagandang libro pero wala akong mapili na pwedeng mabasa. Siguro babalik na lang ako bukas baka may ilabas pa silang bagong book.

Aalis na sana ako pero may nahagip ang mata ko na parang umilaw. Kaya tiningnan ko ng mabuti yung side kung saan ko naaninag yung lumiwanag pero wala naman. Baka reflection lang ng ilaw. Siguro nga ay gutom na din ako at kung anu-ano ang napapansin ko.

Palabas na ako ng shop pero hindi pa din ako mapakali kaya bumalik ako sa shelf at hinanap ang libro. Pagpunta ko sa side kung sa'n ko unang napansin yung nagliwanag na libro, kinuha ko ito. Hardbound book sya at may disensyong rusted gold vines sa gilid at apat na fleur de lis sa gitna as a book cover. Nang buklatin ko ito ay walang print ang first 3 pages. Pero wala ding print ang sumunod na mga pahina. Bakit naman nila nilagay ito dito kung wala namang nakasulat? Ibinalik ko na lang ito sa bookshelf, at nag-order na lang ng Iced Caramel Macchiato para hindi naman nakakahiya na nagtagal ako dito tapos hindi man lang ako oorder.

Matapos kong mag-order ay bumalik na ako sa apartment ko at nagsimulang kumain. Bumalik na din ako sa kwarto ko para matulog.

----

*alarm clock ringing*

Naalimpungatan ako sa ingay ng alarm clock ko. Teka? Wala naman akong pasok ngayon ah. Inaabot ko ang phone ko sa side table. Nag-set ba ako ng alarm bago matulog kanina? Nakakapagtaka man pero pilit kong kinakapa kung saan man yung maingay sa side table dahil ang bigat pa ng mata ko para dumilat, nahawakan ko na yung phone ko. Pinatay ko na ang alarm at ilalapag na sana ang phone nang biglang lumiwanag. Inaaninag kung saan ito galing, pero bigla na lang nawala. Napabangon ako ng wala sa oras para malaman kung ano iyon.

Libro? Napalingon ako sa bintana ng kwarto at madilim pa, ibig sabihin madaling araw palang. Kinuha ko agad ang cellphone ko para tingnan ang oras. 2:17AM palang? Sa pagkakatanda ko 2AM ako natulog eh.

Napatakbo ako papuntang kusina. Naroon pa din ang kalat sa lamesa. Pero wala yung cup na ininuman ko ng Macchiato sa lamesa at sa basurahan. Pagbalik ko sa kwarto at hihiga sana sa kama nang mapansin ko ang librong naka-patong sa side table, at kung hindi ako nagkakamali, eh ito ang librong nakita ko sa coffee shop kanina. Bakit nandito to? Hindi naman kita dinala pauwi ah. Sinuri ko itong muli at mayroon ng print ang bawat pahina nito.

"Tales of Arya?"

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note: Hi everyone! Thank you for dropping by. I know I'm not as good as your favorite author but I hope we could get along and I hope you enjoy reading TOA. Sorry for any grammatical errors and typos, will fix it later.

***This story is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any resemblance to real persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved. No parts of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author. Plagiarism is a crime.***