webnovel

Kabanata 7 (Atensyon)

Kabanata 7

Atensyon

"Oh! Mr. Tan, nandito ka pala? How are you doing?" tanong ng adviser namin noong Grade 12 na si Sir Esteban.

Siya ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng biglaang reunion. Magreretiro na kasi siya kaya inasikaso agad ni Leo nang malaman niya ito. Reunion slash farewell party na rin ito para kay Sir Esteban. Afterall, he was one of the best and memorable teachers we have encountered in High School.

"Good evening po, Sir! Okay naman po ako. Kayo po?" pagbati kong nakangiti.

"I'm good!" masayang pagbati niya rin. "Mukhang malalim iniisip mo aa. If you need someone to listen to you, I'm here, anak." Ngiting paalala niya.

Napangiti rin ako sa sinabi niya. Noon pa mang Senior High School na kami, ganito na talaga si Sir Esteban. Hindi siya nagsasawa sa amin kahit na pasaway ang mga kaklase ko at puro sakit sa ulo ang mga ginagawa. Hindi niya kami sinusukuan. Katunayan nga, iniintindi niya pa kami at laging pinapaalalahanan at pinapayuhan.

Teacher like him is rare to find. Once you have encountered someone like him, do not take his kindness for granted. Ang mga katulad niya ang masarap puntahan sa school kapag bumisita ka after mong maka-graduate. Kwentuhan ng mga masasayang alaala at kalokohan noong nag-aaral pa.

"Is love really hard to get?" seryoso kong tanong.

I heard his chuckle before answering my question.

"You know what, Theo, love comes in many forms. Pwedeng pagmamahal sa pamilya, kaibigan, sa alagang hayop at halaman, trabaho... you can find love anywhere. Even in simple things that you love and enjoy doing, you will find love and happiness in it."

"But sir, what I'm talking about is romantic love." Agaran kong sabi.

"Yes, I know. Iba ang kalakip na saya kapag kasama mo ang taong mahal mo. Eh paano kung wala kang karelasyon? Magpapatangay ka na lang ba parati sa lungkot? Of course hindi. Ang ibig ko lamang sabihin sa sinabi ko kanina, maaari ka pa rin namang maging masaya kahit wala kang romantic love. The happiest thing in this world cannot be bought by money, and that is love. Love is everywhere. Masyado kasi nating nililimitahan ang love sa romantic love. You are the one deciding everyday your choices in life. Your choice to happiness. Even though you do not have romantic love, you can choose to be happy. You make choices to be happy." Mahaba niyang paliwanag.

Napangiti ako sa sinabi niya. "Thank you, Sir. The best ka talaga."

"Anak, kung anomang gumugulo sa iyong isipan, ikaw at ikaw rin naman ang magdedesisyon. Ikaw pa rin ang kikilos to find your happiness. We always want to be happy and be loved, but the question is, do we really do everything to have it?"

Napatahimik ako sa sinabi ni Sir. Iba talaga ang kapag tinatawag ka ng guro mo na 'Anak'. Somehow, it makes me calm. Na-mimiss ko tuloy ang mga magulang ko.

Iba rin talaga ang mga payo ng mga guro. Minsan akala natin sa klase, puro sermon lang ang sinasabi nila. Pero at the end of the day, kaya nila tayo pinapagalitan ay dahil sa concerned lang sila sa atin. Ayaw nila tayong mapahamak at maligaw ng landas.

"You seem like you're an expert in love, Sir. Paturo naman." Biro ko sabay tawa na kanya rin namang sinabayan.

It feels comforting listening to his laugh na pati ako ay nahahawa na rin.

"I'm not an expert in love, anak. Let's just say, pinanday lang ako ng panahon. I've experienced the best and worst in love." Sagot niya sa akin. Nagulat ako sapagkat bigla siyang huminto na para bang may naaalala. Sumeryoso muli ang kanyang boses. "Did you know that I fell in love with my bestfriend when I am in College? He's a good catch actually that's why I did not handle well not to fall in love with him."

Nagulat ako sa sinabi niya. I did not expect that he will share sensitive things like this. Actually, Senior High School pa lang kami ay nakarating na rin sa amin ang balitang ganoon. Kaya daw walang asawa si Sir ay dahil bakla daw siya. There's nothing wrong from it kaya hindi namin iniintindi. Nakakagulat lang na sa kanya mismo nanggaling ang pagkumpirma.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya at inaantay ang pagdugtong niya sa sinasabi.

"I felt like he also fell in love with me that time. But syempre, magreretire na ako ngayon. So. That was ages ago. Iba pa ang society natin ngayon. Unlike now na unti-unti nang accepted ang same sex relationship..." paalala niya. Huminga siya nang malalim bago dinugtungan ang kwento. "After many years, saka ko lang nalaman na he was scared for his feelings for me. He's scared for what people may say about us, especially his family. That's why he did not pursue me. Ako naman, I was scared for saying how much he means to me, that I love him. Tatlo lang naman kasi ang pupuntahan niyan kung umamin ako sa kanya. Una, tanggapin niya ako at mahalin din. Pangalawa, malaman niyang mahal ko siya pero tanngihan niya ako at pagkakaibigan lang talaga. Pangatlo at ang pinakamasakit, malaman niyang mahal ko siya at maiilang siya kaya naman lalayuan niya ako."

Natahimik akong lalo sa kanyang sinabi. May punto ang mga kwento ni sir.

"Being gay in 1970's is hard. Full of discrimination. It feels like you need to achieve something great first before being accepted by the people around you. Kung wala kang narating, you will not get the respect that you deserve..."

Bakit kaya ganoon? Iyon naman talaga ang realidad ng buhay ng mga nasa ikatlong kasarian. Nakakalungkot na katotohanan.

"You know what anak, the biggest thing that I regretted so much in life was not telling him before graduation how I feel... that I love him. If you love someone, tell it to that person. Kung nahihiya ka, lakasan mo lang loob mo. Huwag mong hayaan na umikot sa utak mo na baka ma-reject. Ang mahalaga ay nasabi mo. Atleast wala kang panghihinayangan."

Tinamaan ako sa sinabi ni Sir. Nawala ako sa pag-iisip dahil dinugtungan niya agad ang sinabi niya.

"Noong nagkatrabaho na kami after graduation, hindi na kami gaanong nagkikita. Mahirap ang communication noon ee, unlike ngayon. And nalaman ko na lang na nagkapamilya na rin siya eventually." Malungkot niyang sambit.

"How did you know, Sir, that he felt the same way noong College po kayo?" kuryoso kong tanong.

"He said it to me before he died. I think nasa mid 30's na kami noon. Namatay siya sa sakit na cancer and he confessed his feelings to me bago siya malagutan ng hininga. Ang daming what ifs na umiikot sa utak ko. What if I confessed to him? What if we are together?"

"Wala po ba kayong ibang nagustuhan after niya?" tanong ko.

"He's the only person I have loved since College. Until now, siya pa rin talaga. Kung hindi niya sinabing I should continue my life, my love for teaching, baka matagal na akong nawalan ng pag-asang mabuhay. I put my love for him to my love for teaching. And I am happy because of it." Masaya niyang sabi. "Kaya ikaw anak, do not be like me. If you love someone, tell it to that person. Do not waste time anymore. These are the lessons I have learned in life and I am glad to share it with you."

Napag-isip ko ang sinabi ni Sir Esteban. Tama siya! Tayo ang gumagawa ng mga desisyon natin sa buhay. Tayo ang kikilos para maging masaya. I will refuse to be like him. Kung hindi niya nasabi sa taong mahal niya ang nararamdaman niya, puwes sa akin ay sasabihin ko.

Kung hindi man tanggapin ni Taiga ang pagmamahal ko, magmo-move on ako at hahanapin sa iba ang pag-ibig. Iyon ang bagay na hindi ginawa ni Sir Esteban. Hindi ko gagayahin ang nangyari sa kanya. Ang hindi umibig muli. Again, I refuse to be like him.

Papunta na akong bahay nina Taiga para sa double date namin kila Christiana at sa pinsan niya. Ang sabi sakin ni Christiana, magkita-kita na lang kami sa mall. Inalok ko pa nga ito na daanan sila ngunit ang sabi niya lang sa akin ay may pupuntahan pa sila.

Kanina pa ako tumatawag kay Taiga pero hindi niya pa rin sinasagot ang tawag ko. Kanina pa kumukunot ang noo ko dahil hindi niya pa rin sinasagot. Ala una na ng hapon ngayong Sabado. Malamig ang hapong ito dahil sa natatakpan ng ulap ang kalangitan.

Pabalibag kong nilagay sa passenger seat ang cellphone ko nang hindi pa rin niya sinasagot ang tawag. Huwag niyang sabihing nakalimutan niya? Pinaalala ko pa ito sa kanya kahapon pagkatapos naming mag-gym. Bubugbugin ko siya kapag inindian niya si Christiana. She's a nice girl. She will be good for him.

Nagpark ako sa harap ng bahay nina Taiga. Naabutan ko pa ang tatay niyang si Tito Rosbert na naninigarilyo sa kanilang bakuran.

"Tito, si Taiga po?" tanong ko pagkatapos magmano sa kanya.

"Nasa loob. Tulog pa. May lakad kayo?" sagot niyang nagpakunot ng noo ko.

"Opo sana." Tipid kong sagot. Tumango si Tito Rosbert at nagmuestra na puntahan na ang kanyang anak sa loob. Ilang beses na rin naman akong nakapunta rito kaya palagay ang loob sa akin ng papa ni Taiga.

"Gisingin ko lang po siya Tito nang makaalis na kami." Paalam ko.

"Oh sige, Theo. May pagkain nga pala dyan. Kumain muna kayo bago umalis."

"Sige po, salamat po."

Pumasok ako ng bahay nila at umakyat ng second floor. Dumako ako sa dulong bahagi at kinatok ang pinto. Kinatok ko ito nang kinatok ngunit walang sumasagot. Pinihit ko ang door knob at pumasok sa kanyang kwarto.

Nandoon si Taiga. Nakayakap sa kanyang unan habang sarap na sarap sa pagtulog. Nakasuot lang siya ng boxer shorts at walang pang-itaas. Hinawi ko ang kurtina para pumasok ang liwanag sa kwarto niya. Epektibo naman ito dahil kumunot ang kanyang noo at ngiwing napadilat dahil sa pagtama ng liwanag sa mukha niya.

"Wake up, sleepyhead. Male-late tayo sa lakad natin today!" sabi ko sa kanya habang niyuyugyog ang kanyang balikat.

Kinuha niya ang unang yakap niya kanina at inilagay niya sa kanyang mukha para hindi masilaw sa liwanag galing sa labas. Bumaba tuloy nang tuluyan ang kumot sa kanyang katawan kaya naman kitang-kita ang kanyang katawan. Pumoporma na ang mga muscles sa upper body niya dahil na rin sa paghihirap namin sa gym. May improvement na rin ang kanyang abs.

"Ano'ng lakad? Antok pa ako." Sagot niya.

"Pinaalalahanan kita kahapon 'di ba? Yung double date natin kila Christiana at sa pinsan niya. 3 pm pa naman yun kaya we still have time. Buti na lang maaga akong pumunta sa inyo. Kilala na kita na late gumigising tuwing weekends. Tsk! " Mahabang pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Five minutes."

Umupo ako sa kanang gilid niya at niyugyog ulit siya.

"Five minutes ka dyan. Sapakin kaya kita dyang gago ka. Don't tell me, paghihintayin natin ang mga babae doon sa meeting place? Mahiya ka naman, Taiga."

Tinanggal niya ang unan sa kanyang mukha at tumingin sa akin na para bang hindi makapaniwala. Hinila niya ang braso ko kaya naman napahiga ako sa kama. Idinantay niya ang kanyang kaliwang binti sa katawan ko para hindi ako makagalaw sa kanyang pagkakayap. Nakakulong din ang dalawa kong kamay sa dibdib niya kaya naman hindi ako makagalaw.

"Dami mong daldal. Give me five minutes." Tipid niyang sagot.

Napahinga ako nang malalim dahil alam kong hindi ako mananalo sa kanya. Tumingin ako sa relo ko at inorasan siya.

Nakikiliti ako sa kanyang hininga na tumatama sa tenga at mukha ko. For a person who comes from sleeping, he does not have a bad breath. I sniff on him and I think his bedroom scent is nice. I should ask him what are the things he is using before going to bed.

"Tapos na five minutes mo, gago! Payakap-yakap ka pa, ang baho-baho mo naman." Pagbibiro ko sa kanya.

Dumilat ang mata niya at kumunot ang makapal niyang kilay. Hiningahaan niya ang mukha ko kaya sa gulat ko, sinuntok ko siya sa tiyan niya. Napalundag siya sa kama sa sobrang sakit na nakuha sa akin.

"Mag-ayos ka na lang para makaalis na tayo. Ang baho ng hininga mo, nananapak!"

Tinawanan niya lang ako at dumiretso sa cr ng kanyang kwarto. Bumaba ako nagpunta sa sala. Doon ko na lang siya hihintayin. Ilang minuto lang ay bumaba na si Taiga na ang suot ay stylish sando, shorts, at rubber shoes.

"Sigurado ka bang iyan ang susuotin mo? That's a date, Taiga! What the hell, Bro!" inis kong sigaw sa kanya.

"I'm not interested to my date that's why I'm wearing this." Pagdadahilan niya.

"Kahit na! Atleast show some decency! Wear more presentable clothes."

Hindi ko na siya hinayaang magsalita at tinulak siya papanhik sa kanyang kwarto. He is wearing a dark jeans that's why I handed him his stripes long sleeves. I also let him wear his ankle boot from Timberland.

I am wearing dark blue elevated bomber jacket with a white polo inside paired with straight blue jeans and a white canvas sneaker.

Pinasuot ko na ito sa kanya at sabay na kaming bumaba. Dumiretso na kami sa dining table dahil nagugutom si Taiga. 'Di bale, mamayang alas tres pa naman ang usapan sa mall. Ang sabi ni Christiana, manonood muna kami ng sine bago pumunta sa fine dining restaurant na kanyang pina-reserve.

"Eat." Maikling alok ni Taiga nang maglagay siya ng kanin sa plato sa harap ko. Kumuha pa siya ng bowl para sandukan ako ng sinigang.

"Kakakain ko lang kaninang 11 am. Busog pa ako."

"Kapag hindi ka kumain, hindi ako sisipot."

"Bina-blackmail mo ba ako?" tanong ko.

He just shrug his shoulders to me. I eat what's in front of me to end our argument. I remind him about social etiquettes once we are in the venue. Baka mawala na naman sa mood si Taiga at masungitan ang kanyang date. He is always like this. Sometimes he can flirt around and sometimes he becomes moody especially kapag pinipilit sa isang bagay na ayaw niya.

Pagkatapos kumain, nag-toothbrush lang siya at umalis na rin kami. After thirty minutes of driving, we are already here at SM North EDSA. It's already 2:50 pm. I asked Taiga to text Christiana, but he's not in the mood to text her that's why I decided to call her.

"Christiana, we are here at the parking building. Where are you?"

"We are here at Cinema 1. May ticket na tayo. It's on me na aa. Let's buy some snacks na lang. We have 30 minutes left pa naman before the start of the movie."

"Okay. Wait for us there. See you!"

Nag-park ako nang maayos at lumabas na kami ng kotse. Dumiretso kami ng Cinema 1 ni Taiga at nakita ko na si Christiana. She looks beautiful wearing her pencil skirt with a cute shirt tuck in her waist. She's wearing light make up just to enhance her features. Her hair is in Trendy Center-Parted Sliced Bob. Mukhang pinaghandaan niya talaga ito at dumaan pa sa salon. Overall, she looks great.

Beside Christiana is a girl who has a slight resemblance to her. Ito yata ang pinsan niyang makaka-date ko. She's wearing a knee-length dress. Ang kanyang makintab at kaunting kulot na buhok ay nakabagsak lang sa kanyang likod.

"Nice haircut, Christiana." Masayang puri ko. Bumeso siya sa akin at kay Taiga. Hindi nakalagpas sa paningin ko ang pagkawit ng kanyang mga kamay sa siko ni Taiga.

"Thanks, Theo!" pasasalamat niya. Inaantay niya siguro ang pagpuri ni Taiga ngunit hindi nagsalita ang kaibigan ko. Tahimik lang itong nakikinig sa amin na para bang bored.

"And by the way, Theo. This is my cousin I told you last time. Theo, this is Steffi Jennica Mendoza. You can call her, Steffi. And Steffi, this is Theo, my classmate in some of my subjects in UP." Pagpapakilala niya.

Nakipagkamay ako sa kanya nang nakangiti. Ngumiti rin siya sa akin at nakipagkilala.

"This is my d-date, Steffi. This is Taiga." Kinakabahang pagpapakilala ni Christiana.

Nakipagkamay si Taiga kay Steffi at tipid lamang na ngiti ang ibinigay ng kaibigan ko. Nagkaayaan na kami na bumili ng popcorn at drinks. Naglabas ako ng pera ngunit si Taiga na ang nagbayad nito. Inunahan niya ako sa pagbabayad nang kinukuha ko na ang wallet sa bulsa ng jeans ko. Hindi na ako nakipagtalo sa kanya at lumapit na kami sa mga babaeng kasama namin.

"Ano pala'ng papanoorin natin?" tanong ko kay Christiana.

"I hope it's Iron Man 2?" biglaang sagot ni Taiga.

Nag-alinlangan sa pagsagot si Christiana. "T-The Twilight Saga: Eclipse. If you want we can watch it also later, Taiga." Tumango pa ako sa kanya na okay lang ang napili niyang pelikula. "Or we can resched another date so we can watch it?" Dagdag pa niya.

"Nah! That's alright. Let's get inside so we can call it a day." Walang gana niyang sagot.

Nabigla ako sa inasal ng kaibigan ko. Lumapit ako kay Christiana at tinapik siya sa kanyang likuran. "Wala lang sa mood si Taiga today. Pagpasensyahan mo na siya, Christiana. Hayaan mo, kausapin ko siya."

"No need for you to do that, Theo. I understand. If you really like someone, you can accept even his mood swings. Malay mo tine-test niya lang ako!" she said it with amusement in her voice.

Napailing na lang ako sa kanyang sinabi. Ngumiti ako kay Steffi na tahimik lang na nanonood sa amin. Sumunod na si Christiana kay Taiga kaya naman iginiya ko na rin si Steffi papasok ng cinema.

Madilim sa loob dahil pinapalabas ang ilang trailer ng mga pelikulang ipapalabas sa mga susunod na buwan. Inaalalayan ko si Steffi sa paglalakad dahil sa balcony pa ang upuan para sa amin. Aninag ko pa naman si Taiga na nauuna pa na maglakad kaysa sa kanyang date. Wala nga talaga sa mood ang gago. Ayaw magpaka-gentleman ngayon.

"Ouch!" nasasaktang bulalas ni Christiana nang mapatid sa hagdan. Agad namang nag-abot ng kanyang kamay si Taiga para umalalay.

Nagpasalamat si Christiana at umupo na rin sa upuan. Nasa gitnang bahagi kami ng balcony. Ako ang nasa left at katabi ko sa right si Steffi. Katabi naman ni Steffi ang pinsan niyang si Christiana at nasa dulo si Taiga. Napapagitnaan naming magkaibigan ang mga ka-date namin.

Tahimik lang kaming dalawa ni Steffi na kumakain at umiinom habang nanonood. Paminsan-minsan ay tumitingin ako kina Taiga at Christiana. Minsan pa nga ay nahuhuli ako ni Steffi na napapatingin din sa dalawa. Nginingitian ko na lang siya kapag nahuhuli niya ako.

Nang mapadako muli ang tingin ko sa dalawa, nakita kong nakasandig pakanan si Christiana kay Taiga. Nakahawak siya sa dalawang siko niya. Nilalamig siya bunga na rin sa aircon sa loob ng cinema.

"Christiana, do you like to wear my jacket?" alok ko sa kanya.

Napatingin siya sa akin ngunit pansin ko ang pagdapo ng kanyang tingin sa pinsan niya. Nakuha rin namin ang atensyon ni Taiga.

"Nilalamig din kasi ako, Theo. Puwede bang sa'kin mo na lang ibigay 'yang jacket mo? I'm sure, hindi naman pababayaan ni Taiga si Christiana. He can simply put his arm around my cousin to give warm." Suhestiyon ni Steffi.

"C-Cous, para kang tanga dyan." Nauutal na balik ni Christiana.

Agad ko namang ibinigay ang jacket ko kay Steffi at kanya naman itong isinuot. Dumako ang mga mata ko kay Christiana na nilalamig na talaga sapagkat may nginig na siyang nadarama. Sumenyas ako kay Taiga na gawin ang sinabi ni Steffi. Nang hindi niya ginawa, sinamaan ko siya ng tingin. Napailing na lang siya at sumuko na rin naman.

Hindi ko na muling pinadako ang mata ko sa dalawa at hindi inintindi kung ano mang naiisip at nararamdaman ko. Nadadala na yata ako sa eksena mula sa pelikula. Isinampa ko ang kanang braso ko sa upuan ni Steffi at nginitian siya. Dinig ko pa ang bulungan nina Taiga at Steffi na pinag-uusapan ang kwento ng pelikula.

Matapos manood, dumiretso na kami sa fine dining restaurant sa labas ng mall na pina-reserve ni Christiana. Malapit lang ito sa mall kaya naman mabilis lang ang biyahe. Nasa front seat si Steffi at nasa likod naman si Christiana na nakakapit sa siko ni Taiga. Noong una pa nga dire-diretsong pumasok si Taiga sa front seat pero pinigilan ko siya at si Steffi ang inaya ko sa tabi ko. Walang siyang nagawa kung hindi ang maupo sa likod kasama ni Christiana.

Nasa harap ko si Steffi samantalang nakahiwalay naman ang table nina Taiga at Christiana, malayo ng kaunti para hindi namin dinig masyado ang kanilang pinag-uusapan.

"Ganyan ka ba talaga katahimik? Sorry... Hindi rin ako gaanong madaldal. I hope hindi ka nabo-bored sa akin." Pagpapaumanhin ko kay Steffi.

"Ano ka ba! Ganito lang talaga ako. Observant at first sa mga bagong kakilala at kapag nagtagal na, nagiging madaldal na ako. And besides, hindi talaga tayo makakapagkuwentuhan kung nasa loob tayo ng cinema. Ang tagal ko kayang inantay na mapanood ang Twilight! Hindi na rin kita inistorbo sa pagmamaneho dahil ka-chat ko rin mga blockmates ko about sa case study namin." Masiglang pagdadahilan niya.

"Buti naman. If you won't mind, ano'ng degree program mo and saan ka nag-aaral?" tanong ko.

"HRM sa LPU sa Intramuros. Ang layo sa UP di ba?" sagot niya habang tumatawa. "Maganda kasing mag-aral dun kasi magkakaroon na sila ng sariling hotel."

Napatingin naman ako sa dalawang nasa kabilang table. Hindi nag-uusap ang dalawa. Si Christiana lang ang nagsasalita samantalang tango lang ang isinasagot ni Taiga.

Bumalik ang tingin ko kay Steffi. Nakatingin din pala siya sa akin habang nakataas ang kilay.

"I-I'm just checking them. Kanina pa kasi wala sa mood yung kaibigan ko."

"I wouldn't mind kung magselos ka sa dalawa. Kung pagselosan mo si Christiana para kay Taiga!" masaya niyang sambit habang nakahawak pa sa dalawa niyang kamay na nasa dibdib niya.

"W-What?"

"Alam mo unang tingin ko palang sa inyong dalawang magkaibigan, bagay na bagay kayo. Ang guwapo niyo parehas! Ganitong-ganito yung napapanood kong BL Series sa Thailand ee. Bestfriends tapos magkakadevelopan din sa dulo! Kyaaah!" kinikilig niya pang sabi.

Kumunot ang noo ko at may kabang tumawa sa kanyang sinabi.

"Seriously? Ganyan ang iniisip mo kanina pa?"

"Oo! Minsan nga iniisip ko na baka kaya wala sa mood si Taiga dahil ikaw naman talaga ang gusto niyang maka-date. Pero syempre, hindi naman kita naaamoy... Baka hindi pa. Charot!" pagbibiro niya habang natatawa.

"By the way, ano yung BL Series?" paglilihis kong tanong sa kanya.

"Boys Love Series! Sikat na sikat yun sa Thailand. Parehong lalaki ang main character at magka-love interest. Nood ka rin! Mag-eenjoy ka, promise!" Pagpapaliwanag niya.

"W-What? Don't tell me... ano ka?" pag-aalangan kong tanong kay Steffi.

"Of course not! Nanonood lang part na agad ng LGBT? Hindi ba puwedeng open-minded lang ako at sumusuporta lang? Love knows no gender noh! At isa pa, nakakasawa na rin kasi ang manood ng teleserye ng mga straight, paulit-ulit. Mas kinikilig ako sa mga pinapanood kong BL." Sabi niya. Tumingin pa siya sa akin at humawak sa kamay ko. "Pero seriously Theo, if given a chance, do you see yourself being with Taiga? Having a relationship with him?"

Napailing pa ako sa kanya habang may hilaw na ngiti sa kanya. "You are weird!" sabi ko pa at tinawanan siya.

"Ako ang date mo tapos nirereto mo ako sa iba? Sa kaibigan ko pa? Sa lalaki pa? I'm straight!" mabilis kong wika kay Steffi.

"Sayang naman... I'm sorry pero mas kinikilig ako na maisip at makita kayong dalawa na magkasama kaysa sa magkasama tayo. And besides, napilitan lang din ako dito para suportahan ang kalandian ng pinsan ko." Sagot niyang natatawa pa.

Natawa na rin ako sa sinagot niya. Aside from being observant, she's honest at the same time. She could be talkative once she's used to your presence.

"Aray aa. I am being nice to you and yet you are saying to me na napipilitan ka lang. Sana man lang nag-sugarcoat ka man lang!" asar ko sa kanya.

Pinalo niya pa ako braso ko. "Tapos nananakit ka pa!" asar kong muli sa kanya na siyang ikinatawa naming dalawa.

Dumating na ang order namin kaya naman natigil ang nakakatawang kwentuhan namin. Napatingin muli ako sa dalawa na tahimik namang kumakain.

Ilang sandali pa, narinig ko ang tili ng isang babae.

"Taiga!" sigaw ni Phoemela na gulat na gulat na makita si Taiga.

Bumeso si Phoemela kay Taiga ngunit irap naman ang iginawad nito kay Christiana. Ilang sandali lang, tumayo si Taiga at lumipat sa table ni Phoemela. Magkatabi ang dalawa sa apatan na table.

Naiwan sa table ang nakayukong si Christiana. Lumingon ito sa masayang nagkukwentuhang si Taiga at Phoemela. Tumingin din siya sa amin ni Steffi. I felt sorry for Christiana. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi ko na sana pinilit si Taiga na i-date si Christiana. She's too nice to be treated like this.

Lumapit ng table sa amin si Christiana at inilipat ang kayang upuan sa table namin ni Steffi. Malungkot ang kanyang mga mata habang lumilingon sa nagtatawanang si Phoemela at Taiga. Napakagago talaga ni Taiga. Hindi ako makapaniwalang masasaksihan ko ang pagiging gago niya.

"Panget ba ako, Theo? Shit! Nagse-self pity ako? Really?" sambit ni Christiana. May tumulo pang luha sa mga mata niya na agad naman niyang pinahid.

"Hey! Don't be like that." Pang-alo ko sa kanya habang tinatapik ko pa ang kanyang likod. Niyakap ko pa siya para kumalma.

"Bakit ganoon? Ang cold niya sa akin pero pagdating kay Phoemela ang saya-saya nilang nag-uusap. Haaay!" napabuntong hininga pa siya. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko sa kanya. "Hayaan mo na nga. Hindi ako susuko noh! I really like Taiga talaga. Hindi ako magpapatalo kay Phoemela! Papatunayan kong mas daig ng maganda ang malandi!" determinado niyang sagot.

Tumawa naman si Steffi sa sinabi ng pinsan. "Go, cous! Kaya mo 'yan! Paabangan na ba natin mamaya? Saan ba dumadaan 'yang babaeng yan nang mapabugbog?"

Natawa na lang ako sa sinabi ni Steffi. Hinayaan ko na lang na mag-usap ang magpinsan. Kahit papaano, gumaan na rin ang pakiramdam ni Christiana nang dahil sa pinsan niyang aktibo kung magkwento.

Dumako ang mga mata ko kila Taiga at Phoemela. Nang mapatingin si Taiga, sinamaan ko siya ng tingin. Pasuplado niya lang na ibinalik ang tingin sa kausap niyang si Phoemela.

Ilang sandali pa, nagpaalam na rin sa akin ang magpinsang si Steffi at Christiana. Tumawag na raw ang daddy ni Christiana na magsusundo sa kanila. Binayaran ko ang bill naming lahat bago tumayo para ihatid sila sa labas. Nagpaalam din ang dalawa kay Taiga na busy sa pakikipag-usap kay Phoemela.

Nagkusa na akong maghatid sa magpinsan dahil kung pipilitin ko pa si Taiga na maghatid sa kanila, baka ano pa ang gawin niyang eksena. Habang nakatingin ako sa glass window ng restaurant, sinusubuan ng dessert ni Phoemela si Taiga. Kumunot ang noo ko at iniharang ko ang katawan ko para hindi makita ni Christiana. Quota na siya sa heartbreak nang dahil sa insensitive kong kaibigan.

"Thank you Theo for this. Kahit na medyo hindi maganda ang kinalabasan ng date namin ni Taiga, I really appreciate your help." Yumakap siya sa akin matapos niyang sabihin iyon. "Don't feel sad sa akin aa. Huwag mong sisihin ang sarili mo. I will be okay, I promise! Goodnight and see you sa school on Monday!"

Tango lang ang nasabi ko sa kanya na may pilit na ngiti sa labi. I felt guilty for Christiana!

Pumasok na siya sa kotse samantalang naiwan naman sa tabi ko si Steffi.

"Goodnight, Theo! Nice meeting you!"

"Goodnight!" tipid kong paalam sabay beso sa kanya.

"Yung sinabi ko Theo aa. BL in real life, please! Kayong dalawa ni Taiga!" masayang wika niya. Natawa na lang kaming dalawa sa sinabi niya. Yumakap pa siya sa akin.

"Ewan ko sa'yo!" tanging nasabi ko sa kanya.

Pumasok na rin siya pagkatapos. Kumaway pa akong muli sa kanila at inantay na makaalis ang kotse bago bumalik sa loob ng restaurant.

Pumunta akong table nina Taiga at Phoemela. Napahinto sila sa tawanan nang dumating ako. Pinatong ko ang kamay ko sa balikat ni Taiga bago nagsalita.

"Alis na ako, sabay ka ba o mauna na ako?" tanong ko sa kanya.

"Sabay na ako." Sagot niya at tumayo na rin. Nagpaalam na ako kay Phoemela at tumalikod.

"Sa'kin ka na lang kaya sumabay, you can go to my place if you want. Let's have a hot and steamy night..." aya naman ni Phoemela. Hindi ko na narinig ang iba pa niyang sinabi dahil dire-diretso ang paglalakad ko.

Kung ayaw niyang sumabay ehdi huwag. Mabuti pa nga at ituloy nila ni Phoemela ang pagkukwentuhan sa condo. Mukhang bitin pa ang kwentuhan nila at gawin na rin nila ang alok ni Phoemela!

Pumasok ako ng kotse at pinaandar ang makina. Ilang saglit lang ay kumatok si Taiga sa pinto ng kotse ko. Kung masama lang akong kaibigan, iniwan ko na siya. Pinagbuksan ko siya ng pinto at pumasok na rin naman agad siya.

"Bakit hindi ka sumama kay Phoemela? Nagawa mo ngang iwanan si Christiana para sa kanya tapos ngayon uuwi ka? Napakagago mo, Taiga! Iniwan mo yung date mo sa table para kay Phoemela?" hindi makapaniwalang singhal ko sa kanya.

Tahimik lang naman siya kaya hindi ko na nadugtungan pa ang sinabi ko. Ayoko na rin namang dugtungan dahil baka ano pa ang masabi kong hindi maganda at mag-away lang kaming magkaibigan.

Nakarating na rin kami sa bahay nila Taiga. Inihinto ko ang kotse ko pero hindi pa siya umaalis. Diretso lang siyang nakatingin na para bang malalim ang iniisip.

"Kung hindi mo talaga gusto si Christiana at harapan mo lang naman siyang gagaguhin, sabihin mo na agad para hindi na siya umasa!" I said in a loud voice.

"Tingin mo hindi ko sinabi sa kanya 'yan kanina? I told her I am not interested to her pero mapilit siya!"

"Kaya ba si Phoemela ang nilapitan mo? Kasi mas gusto mo siya kaysa kay Christiana? Taiga, konting manners naman!"

"Ginawa ko 'yun para hindi na siya umasa. Ikaw na rin nagsabi 'di ba? Kung kulang sa salita, ehdi idaan sa gawa!"

"Pero hindi sa ganoong paraan!"

"Then tell me kung paano! Tutal ikaw naman ang magaling sa mga ganyang pangre-reject!" sigaw niya. Natahimik naman ako. Hindi ko na binigyan ng ibang kahulugan ang sinabi niya.

"I like Christiana for you, Taiga. She's better than Phoemela. Walang maidudulot na maganda ang pagbibigay mo ng atensyon kay Phoemela." Sagot ko nang mahinahon sabay tingin sa kanya.

Tumawa lang si Taiga sa sinabi ko na para bang hindi makapaniwala. Nanatili naman akong seryosong nakatingin sa kanya. Ilang sandali pa, inalis niya ang kanyang seatbelt at nagsalita.

"You do not have a say who's worthy of my attention... kung sino ang bagay sa akin at dapat kong piliin."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Mali ba ako? Para naman sa kanya ang ginagawa ko.

"Alam mo, Theo! Alam mo kung sino talaga ang gusto ko pero nagbubulag-bulagan ka lang!" binuksan niya ang pinto bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. "You do not look like a heartbreaker but you are acting like one!"