15 Chapter 15: Makikipagcooperate Ako

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Umatake kayo! Umatake kayo ng sabay sabay!" Galit na galit na sinabi ni Zhang Hao Bai habang kumakaway sa dalawa niyang bodyguard. Pulang pula na ang kulay ng mukha nito.

Tinangka ng Luo Feng na ito na dungisan siya sa kanyang teritoryo sa pagatake nito sa kanyang bodyguards

Magingat kayo! Mabigat ang sipa niyan!" sabi ng matabang bodyguard na nasa sahig habang nihinahawakan ang kanyang sikmura sa dalawang kasamahan nito. Tumulo din ang kaunting dugo sa gilid ng kanyang bibig at hindi siya agad na nakabangon matapos tumalsik sa sipa ni Luo Feng.

"Sa tingin mo ay kaya mo na ang mga buto mo bata huh?" Mabilis na tumakbo ang bodyguard na nagngangalang Wang kasama ang isa pa nilang kasamahan upang sagupain si Luo Feng. Nag ingat na sila ng maigi matapos nilang makita ang lakas ni Luo Feng nang sipain nito ang mataba nilang kasamahan. Kasabay nito ay mabilis na tumakbo si Luo Feng papunta sa kaniyang ama pero bago pa man ito makapagsabi ng anumang salita ay sumigaw ang ama nito na "Ayos lang ako Feng, Sa likod mo!"

Nang biglang bumulaga sa kaniya ang dalawang bodyguard sa kaliwa't kanan at kahit si Zhang Hao Bai ay nakikita niyang papalapit na rin sa kaniya.

Silang tatlo nang sabay sabay!

"Hmph!" Sabi ni Luo Feng habang nakatingin gamit ang dulo ng mga mata nito. Matapos nito ay mabilis na umikot ang kanyang katawan habang nakaakma ang kanyang kanang braso na para bang hugis ng isang blade na mabagsik na humahawi sa mga matatamaan nito.

[HU!]

Gumawa ng napakalakas na puwersa ng hangin ang kanyang braso sa madadaanan nitong mga lugar.

"Hindi ito maganda" sabi ng bodyguard na nagngangalang Wang. Nagiba bigla ang mukha nito at tinangkang salagin ang paparating na suntok ni Luo Feng gamit ang kanyang parehong braso.

[PENG!] Ang tunog ng impact na maririnig nang magdikit ang kanilang mga braso.

Napakalakas na tumama ng blade ni Luo Feng sa dalawang braso ng bodyguard na nagngangalang Wang.

Naramdaman ng bodyguard na nagngangalang Wang na para bang humiwalay na sa kanya ang dalawa niyang mga braso. Namanhid ang mga ito sa tindi nang sakit na kanyang naramdaman nang tamaan ito ng suntok ni Luo Feng. Matapos nito ay bumagsak ang mga braso nito na para bang isang lantang gulay at sumigaw siya ng "Nabali ang kanang braso ko!"

"Ano!?" Gulat na gulat na tanong ni Zhang Hao Bai na naghahanda na sa kanyang pagatake kay Luo Feng. Ang kanyang mga bodyguard ay mga elite member din ng dojo of limits. Dapat ay mayroon lamang silang magkakapantay na lakas dahil pare pareho lamang silang mga elite member. At kahit na anong gawin niya noon ay hinding hindi niya kayang baliin ang napakatigas na braso ng bodyguard niyang si Wang na isa ring elite member.

"Hindi to maganda!" Naparalisa na rin ang bodyguard niyang nagngangalang Wang, kaya ang natitira na lamang sa kanilang tatlo ay ang matangkad na bodyguard ni Zhang Hao Bai sa kaliwa. Nanggigil siya at nasorpresa nang makita niya ang sinapit ng dalawa niyang kasamahan.

Nagngitngit ang mga ngipin ng bodyguard na nakasuot ng itim, umungol ito at sumipa kasabay ng mabilis na suntok na kasing bilis ng isang kidlat.

[WHOOSH! WHOOSH!]

Napakaliksi ng katawan ni Luo Feng, kaya naman napakadali nitong nailagan ang dalawang magkasabay na atake na papalapit sa kaniya. Matapos nito ay gumanti siya gamit ang kanyang napakalakas na chop.

Itinaas niya sa ere ang kanyang kanang kamay at umatake. Ang kanyang chop ay parang isang matalim na kutsilyo!

"Napakabilis noon" hindi na ito kayang mailagan ng bodyguard na nakaitim, kaya isinalag na lamang nito ang kanyang mga kamay sa napakabilis na atake ni Luo Feng. Agad na nagngitngit ang mga ngipin nito sa sobrang sakit noong tumama na sa kanya ang atake ni Luo Feng! At pagkatapos ay nabalot ito ng takot nang matapos ang atakeng iyon ni Luo Feng.

[DON!]

Namanhid din ang mga braso ng matangkad na bodyguard na para bang pinalambot nito ang napakatigas niyang mga braso. Pero hindi nawala ang momentum nang atake ni Luo Feng matapos nitong tamaan ang mga braso ng bodyguard. At dahil dito ay tumama ang mga braso nito sa kanyang mga braso at napalugod ito sa lupa.

"Paano iyong naging posible?" Tanong ni Zhang Hao Bai sa kanyang sarili at napatigil ito sa inihahanda niyang lihim na pagatake kay Luo Feng.

Ang tatlong mga malalakas na bodyguard ni Zhang Hao bai: Isa ang mahigpit na nakakapit sa kaniyang sikmura habang sinusubukang tumayo, ang isa naman ay may baling braso at ang isa naman ay nakaluhod na sa lupa dahil lamang sa isang chop.

"Zhang Hao Bai!" Sigaw ni Luo Feng habang nagliliyab ang mga mata nito na para bang mangangain siya ng tao.

"Anong kalokohan tong pinagagagawa mo Luo Feng!" sigaw ni Zhang Hao Bai habang mabilis na humakbang ng dalawang beses paatras "Bahay ko ito! Ang lakas din ng loob mo na pasukin ako rito at saktan ang mga tao ko na parang isang aroganteng uhaw sa dugo!"

"Sino ka para saktan at sipa sipain ang papa ko!" sigaw ni Luo Feng habang naglalabasan nang parang mga bulate ang mga ugat nito sa buong katawan at mahigpit nitong isinasara ang kanyang mga kamao.

"Yung ama mo? Ni hindi ko nga alam kung sino ang ama mo kaya paanong mangyayari na binugbog…." Sabi ni Zhang Hao Bai at bigla itong napatingin sa tatlong trabahador na punong puno ng marka nang sapatos sa kanilang buong katawan. Naintindihan na niya kung bakit bigla bigla na lamang pinasok ni Luo Feng ang kaniyang bahay at nagsimulang atakihin ang kanyang mga bodyguard.

Tumingin si Zhang Hao Bai kay Luo Feng na mukha nang mangangain ng tao at sumigaw ng: "Binabalaan kita Luo Feng! Tumi—"

[PENG!]

Malakas at mabilis na sinipa ni Luo Feng si Zhang Hao Bai sa kanyang sikmura na nagresulta sa pagtalsik nito sa lupa habang namumula ang buong mukha nito sa sakit.

"Binabalaan mo mukha mo!" Sabi ni Luo Feng habang dinadakma niya si Zhang Hao Bai sa kanyang kuwelyo at itinaas niya ito sa ere.

"Ikaw, ikaw….." Sinubukang magsalita ni Zhang Hao Bai pero nasasakal ito sa pagkakahawak ni Luo Feng sa kanyang kuwelyo habang nakalutang ito sa ere. Hirap na hirap na siyang huminga kung kaya ay hindi na ito makapagsalita.

"Ibaba mo na ang may ari ng bahay na ito ngayon din!"

Sabi ng isang galit na galit na boses na nanggaling sa malayo. Isang grupo ng mga armadong bodyguards ang makikitang nagmamadaling pumunta sa bahay ni Zhang Hao Bai. Natural lamang na punong puno ng mga camera ang buong sky garden sector upang malaman ng mga bantay nito kung may kaguluhan nang nagaganap sa loob. Dito rin nakatira ang mga importanteng tao sa lipunan kaya ganoon na lang kahigpit ang seguridad sa loob nito.

Mabilis silang pumunta sa bahay at tumawag na ng pulis.

Noong makita ni Luo Feng ang mga papalapit na mga guwardiya ay suminghal ito sa mukha ni Zhang Hao Bai at saka ito tinapon sa lupa na para bang isang basura. Bumagsak si Zhang Hao Bai sa madamong bahagi ng kaniyang bakuran na nagpakulay berde sa iba't ibang bahagi ng kaniyang damit.

"Ok lang po ba kayo pa?" Sabi ni Luo Feng matapos nitong maglakad papunta sa tabi ni Luo Hong Guo.

"Kaunting mga gasgas lang ito anak, wala lang ito" sabi ni Luo Hong Guo habang nakatingin sa tatlong bodyguard na nakasalampak sa lupa at ang dumadaing sa sakit na si Zhang Hao Bai. "Paanong hindi mo nakontrol ang iyong lakas Feng. Nakasisiguro akong malaki ang babayaran natin nito sa pampaospital nila dahil sa pambubugbog mo nang husto sa kanila. Maari ka pa nilang kasuhan sa ginawa mo"

"Oo nga Feng, nasobrahan ka ata sa ginawa mo" Dagdag ng isa pang trabahador.

"Nagkakamali kayo, magaling ang ginawa mo bata. Hindi na naging maganda ang tingin sa amin ng mga taong katulad niya kaya nararapat lamang silang turuan ng leksyon" Galit na galit na sinabi ng matangkad na trabahador.

Kilalang kilala ng mga guwardiya ng sector ang mga mayayamang pamilya na nakatira rito. Alam nilang ang tatlong bodyguard ng pamilya Zhang ay mga elite members sa dojo. At ngayon na nakita nilang nakasalampak ito sa lupa at puno ng bugbog ay hindi nila magawang hamunin si Luo Feng.

At kahit bayaran ka pa nila nang malaki bilang isang bodyguard, walang sinuman ang gugustuhin na magpabugbog hanggang sa mabali ang iyong mga buto kagaya ng tatlong bodyguards na iyon.

[WEeeee~~~WOoooo~~~]

At biglang isang tunog ang maririnig na nanggagaling sa sirena ng sasakyan ng pulis. Ang lahat ay lumingon habang mabilis na pumarada ang police car sa harap ng bahay ni Zhang Hao Bai. Mabilis naman na nagbabaan ang mga pulis na sakay nito.

"Nandito na ang mga pulis!" Mabilis na tumabi ang mga guwardiya sa daraanan ng mga ito.

"Nandito na ang mga pulis, hindi ito maganda" Nasurpresa sina Luo Hong Guo at ang mga kasama nito nang mgakita nila ang paparating na mga pulis. Matapos nito ay bigla niyang hinila si Luo Feng sa isang tabi at sinabing "Nabugbog mo sila Feng kaya magkakaroon ka talaga ng problema pagdating mo sa presinto. Pero huwag kang magalala, hahanap agad ako ng abogado."

"Pumasa po ako sa prospective fighter exam pa" mahinang sagot ni Luo Feng sa kanyang ama.

Agad na nakahinga nang maluwag si Luo Hong Guo noong marinig niya ang sagot na iyong ng kaniyang anak: "Talaga anak? Magaling kung ganoon. At dahil pumasa ka na sa exam Feng, sigurado ako na wala nang karapatan ang mga pulis na iyan na ikulong ka.

Ang mga prospective fighter ay maituturing nang mga fighters pagkatapos nilang sumailalim sa fighter combat exam. At kapag nakapasa na ang pangangatawan ng mga ito ay maari na silang magsanay ng kani kanilang mga genetic energy.

Kaya base sa mga rules ng bansa---

At kapag nasangkot sa kaso ang isang prospective fighter, ang security agency ng city ang hahawak sa mga kaso nito. Ang Jiang-Nan city ay may sarili nitong security agency na nangangahulugang wala nang karapatan ang mga pangkaraniwang pulis na magkulong ng isang figher o isang prospective fighter.

"Pero kailangan pa pong aprubahan ang pagpasa ko ng mga nakatataas. Ilanga raw pa ang bibilangin bago dumating ang mga documento ng pagiging prospective fighter ko po sa bahay at mailagay po iyon sa records ng Jiang-Nan" mahinang sabi ni Luo Feng "Kaya ayon po sa batas, hindi pa po ako isang prospective fighter ngayon. Mangyayari lang po iyon sa loob ng ilang araw kapag opisyal nang nailagay sa records ko po ang pagiging prospective fighter ko!"

Magigng isa lamang prospective fighter si Luo Feng kapag narecord na ito sa kaniyang public profile.

"At kung magkakaproblema po sa akin sa loob ng ilang araw na ito. Tatawagan ko po ang dojo of limits para sila po ang magpatunay na pumasa po ako sa prospective fighter exam. Pagkatapos po noon ay puwede na po akong makauwi sa atin" sabi ni Luo Feng "At kung wala naman pong problema ay hindi na po natin dapat pahirapan ang mga sarili natin. Ilang araw lang naman po ang ilalagi ko sa presinto at matapos noon ay hindi na po ako maaaring lumagi doon kahit na gustuhin ko man po."

Tumango si Luo Hong Guo sa sinabi ng kanyang anak.

"Luo Feng!" sigaw ng isa sa mga pulis na papalapit sa kanila "Pinasok mo ang bahay ng isang pribadong sibilyan at nagawa mo pang saktan ang mga tauhan nito! Lumakad ka na, sasama ka sa amn sa presinto"

"Mga kaibigan kong pulis makikipagcooperate po ako sa inyo" sabi ng nakangiting si Luo Feng habang naglalakad siya papunta sa mga ito "Halika na po, pero hindi po ako sigurado na magkakasiya po tayong lahat sa police car na dala dala ninyo.

Nataranta ang dalawang pulis nang marinig nila ito.

"Huwag kayong magalala, may sarili akong sasakyan" sabi ni Zhang Hao Bai matapos nitong lumingon sa apat na pulis "Uncle Liu, inatake po niya ako kasama ng mga bodyguards ko po, nasaksihan po naming lahat iyon.

"Dalhin niyo silang lahat"

Utos ng pulis na tinawag niyang uncle Liu

"Luo Feng" sabi ni Zhang Hao Bai habang gigil na gigil itong nakatingin kay Luo Feng. Napakalaki ng hinanakit nito sa kanyang puso. Ang galit na nararamdaman niya ngayon ay nakadagdag sa galit na naramdaman niya tatlong taon na ang nakalilipas sa isang pangyayari sa dojo na kung saan binugbog siya ni Luo Feng ng husto kasama ng dalawa niya pang kaibigan "Hindi ka na makakaligtas ngayon kahit ni kamatayan. Ang lakas ng loob mong saktan ako pati ang mga tao ko nang matindi. Maiaangat namin ito sa korte para makulong ka ng ilang taon. Tingnan natin ang pagiging arogante mo sa kulungan!"

Ngumiti lamang si Luo Feng habang naglalakad ito papunta sa police car kasama ng mga pulis.

avataravatar
Next chapter