webnovel

B Grade Exam?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi pa nagdidilim ang langit habang makikita sa kalye ang sariwang dugo mula sa mga halimaw na halos bumalot sa buong kalye. Nakuha ng dahan-dahang lumalapag na fighter jet ang atensyon ng mga fighters na nasa ibaba nito. Ang huling beses na nakakita si Luo Feng ng isang fighter jet na kagaya nito ay noong nanalasa ang isang grade 3 rat tide.

"Anong ginagawa ng isang fighter jet dito at bakit ito tumigil sa harapan natin? Sino naman kaya ang kailangan nila?" punong-puno ng suspetsang sinabi ni Luo Feng.

Tahimik namang nag-usap ang mga ibang fighters sa tabi niya.

"Isang fighter jet?"

"Ang fighter jet ba na ito ay mula sa military o isa itong personal aircraft ng isang wargod?"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter