webnovel

Ang Tower of Trials

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Isusuot ko po ba ito?" Kinakabahang kinuha ni Luo Feng ang isa sa mga kukupas na blue helmet na nakapatong sa sofa at takang-taka na tumingin sa wargod na si Yang Hui "Isusuot ko po ba ito ng ganito Mr. Yang?"

"Gayahin mo ako!" tawa ni Yang Hui at matapos niyang isuot ang helmet ay umupo siya sa isa sa dalawang sofa sa loob ng kuwartong iyon, "Umupo ka na rin diyan sa sofa."

Masunuring umupo si Luo Feng sa sofa sa kanyang tabi. Napakakomportable at tamang tama lang ang sofa na iyon para sa isang tao.

Matapos nito ay seryosong sinabi ni Yang Hui na, "Papasok ang isipan mo sa isang virtual space sa oras na isuot mo ang iyong helmet mamaya. Kaya huwag kang magpanic. Heto, isuot mo na ang helmet!" Huminga ng malalim at isinuot ni Luo Feng ang helmet habang pinapanood ng wargod na si Yang Hui.

Isang virtual space? Matagal na niya itong nababasa sa mga sci-fi novels pero ito ang unang beses na makakaranas siya ng isang bagay na kagaya nito.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com