webnovel

Ang Space Beast Alliance Sanctuary

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Wu, mukhang hindi mo pa kilala kung sino ako." Nagpatuloy sa pagsasalita ang boses nito "Ako nga pala si Flame Star Master ng Space Beast Alliance. Nasa loob lang ako ng isa pang original star kanina, at agad akong nagpunta rito dahil naisip kong nagawa ng Northern Territory Alliance na atakihin ang isa aking mga kalahi, matapos ko itong marinig sa usapan ng ibang mga hindi mapapantayang nilalang na nagmula sa Northern Territory Alliance."

"Maraming salamat po, Flame Star Master." Buong galang na sumagot ang Golden Horned Beast habang niyuyuko ang kaniyang ulo.

"Hindi mo na ako kailangan pang pasalamatan." Sabi ng boses "Kawawang nilalang. Hindi ka pa ba talaga nakakabalik? Kahit kailan?"

"Hindi na po." Sabi ng Golden Horned Beast "Magisa lang po akong naglakbay mula noong ipanganak ako sa kalawakan, kaya hindi pa po ako nakakabalik sa Space Beast Alliance."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter