Umalis sila sa dojo at bumalik sa realidad mula sa virtual universe network.
Makikitang mabigat ang pakiramdan ni Luo Feng at ng kanyang mga kinakapatid sa loob ng control room ng kanilang spaceship.
"Ang napakawalang awang kalawakan na ito!" Hindi na naiwasan pang mapamura si Thunder God.
Nanatili namang tahimik si Luo Feng.
"Hayaan niyo na, wala na ring magagawa ang pagmumura natin sa mga bagay na ito," iling ni Hong sa kanyang ulo. "Kung mayroon liwanag ay mayroon ding kadiliman, hindi mawawala ang kumpetisyon hangga't mayroong lakas at mga levels. Maging sa isang maliit na planetang kagaya ng Earth ay mayroong mga mamamatay tao, mga prostitutes, sinungaling, magnanakaw, mga politikong nababahiran ng kurapsiyon, mga manloloko at iba pa. Ano bang klase ng mga tao ang wala tayo? Paano pa kaya sa walang katapusang kalawakan."
Support your favorite authors and translators in webnovel.com