webnovel

Ang Pabuyang Umaabot sa Kalawakan

Editor: LiberReverieGroup

"Search!" utos ng babaeng may buhok na kulay blonde.

"Opo."

Isang napakalaking holographic map ang lumabas sa harap ng lalaking nakasuot ng black suit. Sa gitna ng mapang ito ay mayroong makikita na isang red dot. Ito ang lokasyon ng anak nilang si Li Wei.

Anim na maliliit na dots ang makikita sa 100 mile radius mula sa lokasyon ni Li Wei. "Mayroong anim na advanced level warlord fighters sa 100 mile radius mula sa posisyon ng inyong anak!"

"Imbestigahan mo silang lahat at ipakita mo ang mga layo nila mula kay Li Wei," nanlalamig na utos ni Li Yao.

BEEP BEEP~ bahagyang nagvibrate ang hologram ng dalawang beses at matapos nito ay nagpakita ang hologram ng napakaraming impormasyon tungkol sa mga fighters na iyon.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com