webnovel

Ang Ganwu Universe Country

Editor: LiberReverieGroup

Makikita sa tabi ng villa ni Luo Feng sa Nine Star Bay ng Black Dragon Mountain Island ang isang villa na gawa sa kahoy. Pumasok at umakyat si Luo Feng sa loob ng three storey villa na ito, agad na nagsara ang pinto nitong gawa sa salamin.

"Creak!" Tinulak ni Luo Feng pabukas ang pinto at pumasok.

Isa itong kuwartong may laki na hindi bababa sa 100 square feet, makikita sa loob nito ang iilang computer desks na kinalalagyan ng tig-iisang laptop. Makikita sa harap ng bawat laptop ang isang taong nagtatype gamit ang mga virtual keyboards at tumitingin ng mga impormasyon. Mayroong nasa 21 na tauhan ang makikita sa loob ng kuwartong ito.

Makikita sa pinakamalapit na upuan sa likurang bahagi ng kuwarto ang isang napakalaking lamesang pinagtatypan ng isang taong kamukhang kamukha ni Luo Feng. Mas payat nga lang ito kaysa sa kanya.

"Kuya!" sigaw ng nagugulat na si Luo Hua.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com