webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 642

Masusing binaybay ni Wong Ming ang rutang dinaraanan niya.

Ramdam niya ang tila mga matang nakatingin sa direksyon niya.

Dahil sa talas ng mga paningin niya maging ng pakiramdam niya ay sigurado siyang may nakabuntot sa kaniya kanina pa.

Tatlong nilalang ang mga ito at sigurado siyang napansin na rin ng mga ito na alam na nito na sinusundan siya ng mga ito dahil sa biglaang pagbago ng ruta niya.

Dinoble na rin ni Wong Ming ang bilis ng paglalakbay niya. Ramdam niya kasing mas bumilis rin at agresibo ang mga kilos ng mga nakasunod sa kaniya.

Rinig na rinig niya ang bigat ng pagtapak ng mga ito sa mga sangang nadaraanan niya at paglangitngit ng mga puno sa hindi malamang dahilan.

Nakaramdam ng panganib si Wong Ming. Halos nasa limitasyon na ng pagtakbo ang ginawa niya at pagtatalon-talon niya sa mga puno ngunit parang ang lapit lamang ng agwat ng mga ito sa kaniya.

Natitiyak siyang mataas ng higit hamak ang cultivation level ng mga ito sa kaniya.

Napansin niya ring tila huminto ang mga nakasunod sa kaniyang tatlong mga nilalang ngunit ramdam pa rin ni Wong Ming ang panganib na tila nakasunod sa kaniya.

Namilog ang mga mata niya ng makaramdam ng kakaibang panganib dahil sa enerhiyang nagmumula sa itaas. Doon niya napansing nagsagawa pala ang mga ito ng pambihirang skill.

Dito ay nakita niya ang isang anyo ng kakaibang itim na aninong tila eskeleton na may hawak na pakurbang espada.

Nanlaki pa lalo ang mga mata ni Wong Ming nang malakas itong tumungo sa kaniya at nagpakawala ng mararahas na mga atake.

BANG! BANG! BANG!

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong nangaputol at sumabog ang buong lugar na kinaroroonan niya.

Hindi makapaniwala si Wong Ming sa nangyayaring ito. Hindi na nga niya alam kung saan na siya patungo at mas lalong hindi niya inaasahang sinusundan pala siya ng tatlong malalakas na nilalang na ito.

Lumipad sa itaas ang tatlong nilalang habang nakasuot ng itim na mga maluluwang na cloak. Mapapansin ang kakaibang itim na enerhiyang nagmumula sa bawat isa sa mga ito.

"Ikaw nga, hindi ko aakalaing buhay ang isang Little Devil ng langgam na siyudad na pinagmulan mo!" Turan ng unang nilalang na lumutang sa ere habang nakatingin sa kapaligirang pinagtamaan nito ng pambihirang mga atake nila.

"Siya yung nangungunang batang nais pumasok sa Dou City hindi ba?!" Patanong na saad ng nasabing nilalang na nakasuot ng maluwang na cloak.

"Li Clan ang pinagmulan niya ngunit matagal ko na sanang tiniris ang angkang iyon. Pagbabayaran mo ang ginawa mo sakin bata!" Sambit ng baritonong boses habang masasabing punong-puno ng poot ang bawat salitang binibitawan nito.

Pamilyar kay Wong Ming ang boses ng huling nagsabi ng angkan niya.

Dito lamang napagtanto ni Wong Ming na Little Devil rin ang ginamit niyang pangalan sa trial na ito.

Alam ni Wong Ming na wala siyang pagpipilian kundi labanan ang mga ito at magkaalamanan na.

Masyadong mapanganib para sa kaniya dahil sa restrictions niya ngunit hindi niya papayagan ang sarili niyang mag-imbak ng kaaway para sa pagsisimula ng trial. Alam ni Wong Ming na hindi pa nagsisimula ang trial sa mga oras na ito kung kaya't natitiyak niyang tatapusin niya ang problemang ito sa lugar ring ito. Nakalihis ang direksyong ito kaya alam niyang mas magiging mapanganib kung hahayaan niyang mabuhay ang mga ito sa ikaapat na trial at baka mabulilyaso pa ang pagbabalak niyang makapasok sa Flaming Sun Guild. Yun ang hindi papayagan ni Wong Ming.

Masyadong malayo pa rito ang lugar na iyon idagdag pang mas lumayo pa siya dahil sa tatlong nilalang na gusto siyang habulin.

Mabilis na lumutang si Wong Ming sa ere habang nakatingin sa direksyon ng tatlong nilalang na nakasuot ng maluluwang na mga cloak. Parang mga kulto ang mga ito sa kaanyuan nila.

"Ikaw pala Mahal na prinsipe ng DATING SKY FLAME KINGDOM. Hindi ko aakalaing umaalingasaw ang baho ng pagkatao mo sa lugar na ito." Sarkastikong wika ni Wong Ming habang mayroong kakaibang ngising namuo sa bibig nito.

Bumalik na ang mga alaala niya kung kaya't natitiyak niyang ang mismong kaharap niya ay ang dating Crowned Prince ng nawasak na kaharian ng Sky Flame Kingdom na siyang sakop ng lupain ng Li Clan.

Hindi niya makakalimutan ang napakasamang nilalang na ito at nagawa pang makipagtransaksyon sa mortal na kaaway ng Dou City, ang Red Skull Alliance.

Mabuti na lamang at nakasuot siya ng Jade Mask at hindi siya matutukoy kaagad ng kalaban niya ang mismong mukha niya.

"At talagang napakasarkastiko mo binata! Hindi ko aakalaing sa harap ng panganib ay mukhang mayabang ka pa rin hehehe!" Malademonyong sambit ng isang nakasuot na cloak.

"Kahit na wasak na ang kaharian niyo ay naghahasik ka pa rin ng lagim rito hahahaha!" Ganti ring saad ni Wong Ming upang asarin ang nasabing dating Crowned Prince ng Sky Flame Kingdom.

Naging seryoso at tila mas lumakas ang awra ng isa sa mga nilalang na naka-cloak na walang iba kundi ang dating crowned prince. Hindi niya makakalimutan ang tagpong iyon nang huli niyang masilayan ang napakasamang nilalang na ito.

Alam niyang sa trial na ito ay siguradong hindi niya mapapaslang ito ng tuluyan ngunit kailangan niyang talunin ang tatlong nilalang na ito sa lalong madaling panahon.

"Ginagalit mo talaga ako pesting bata ka! Ngayon na sobrang lakas ko na ay siguradong titirisin kita ng buhay!" Galit na galit na saad ng dating crowned prince.

Nagsimula ng dumilim ang paligid lalong-lalo ja sa kinaroroonan ng tatlong nilalang na miyembro ng Red Skull Alliance.

Lumitaw muli sa pangalawang pagkakataon ang dambuhalang anino ng isang skeleton na may hawak na pakurbang espadang malaki.

Bigla nagpakawala ng atake ang dambuhalang skeleton sa kinaroroonan ni Wong Ming ngunit mabilis na lumitaw sa kinaroroonan ni Wong Ming ang sariling gawa nitong halberd.

TCH!

Kitang-kita ni Wong Ming kung paano'ng nawasak sa isang iglap ang nasabing sandata niya at tumalsik siya sa malayo.

BANG! BANG! BANG!

Rinig na rinig ang pagtalsik ni Wong Ming sa kalupaan lalong-lalo na kung paanong bumaon ang katawan nito sa lupa.

"Yan, yan ang kayabangang ayaw na ayaw ko sa'yo Little Devil. Kung naging maamomg tuta ka lamang ay hindi sana kita paghihigantihan at mauuwi sa ganito! Hindi sayang ang pagpatay ko sa mga pinuno ng angkang pinagmulan mo para mahanap kita hahaha!" Malademonyong turan ng dating crowned prince habang may nakakalokong ngisi ang mga ito.

Rinig na rinig naman ni Wong Ming ang lahat ng mga sinabing ito ng dating crowned prince. Alam na niya ngayong hindi na nag-eexist pa ang Li Clan dahil wala na pala ang angkan niya.

Hindi siya tanga upang malamang wala na rin ang Organisasyong minsang nagsilbing tahanan niya ng binuo niya ito kasama ang mga pinuno ng Li Clan.

Napakasama talaga ng dating crowned prince st hindi ito nagbago. Tunay ngang matagal mamatay ang mga masasamang mga damo at isa na roon ang dating crowned prince ng nawasak na kaharian ng Sky Flame Kingdom.