webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
721 Chs

Chapter 590

Mabilis ang paglalakbay ni Wong Ming patungo sa nasabing nawasak na siyudad. Halos tanaw na niya ang tila naglalakihang mga nawasak na imprastraktura ng mga sinaunang gusaling gawa sa matitibay na mga bato. Kakaiba ngunit nakakamanghang tingnan ang tila mga istilo ng gusaling hindi makikita sa panahong kinabibilangan nila ngayon. Halatang matitibay ang mga materyales na ginamit rito.

Pansin ni Wong Ming na ang mga lugar na nadadaanan niya ay may mga Mint Tree na masasabi ni Wong Ming na kakaiba ang punong ito. Kung di siya nagkakamali ay isang uri ito ng pambihirang puno na kada ikalimampong taon ito kung mamunga. Isang vitality fruit kung ituring ang nasabing bunga nito na kayang gumamot ng pangkaraniwang sakit o sugat.

Ito nga rin ang dahilan kung bakit matagal na namayani ang nawasak na siyudad ng Mint City ngunit misteryoso lamang itong nabura sa mapa sa panahong nakalilipas.

Sa ngayon ay maituturing na pagmamay-ari o sakop na ito ng Red City na siyang mauunawaan naman lalo pa't ito ang may malaking pwersa malapit sa naburang Mint City.

Maya-maya pa ay natigilan si Wong Ming. Nakaramdam siya ng kakaibang awra ng isang nilalang.

Hindi alam ni Wong Ming kung ano'ng klaseng nilalang ang tila papalapit sa pwesto niya ngunit hindi niya mahanap kung saan ang lokasyon nito.

Nabahala si Wong Ming lalo pa't sigurado siyang hindi ito isang pangkaraniwang nilalang lamang.

Isa sa dahilan kasi kung bakit walang gustong nagbabalak na galugarin ang nasabing lugar ng Mint City dahil sa kakaibang bantay ng lugar na ito. Ang nawasak na siyudad na ito ay hindi pa rin mapasok-pasok dahil na rin sa gumagalang mga kakaibang pwersang nagpipigil sa lahat na matuklasan ang sikretong pinagkakaloob sa nasabing siyudad.

Walang nagawa si Wong Ming kundi ang magbagong anyo bilang isang Ice Demon.

Sa isang iglap ay tumalas bigla ang paningin niya maging ang ibang senses niya sa katawan. His eyes completely went blank habang makikitang naging malikot ang paningin niya sa kakaibang nilalang na nakasubaybay sa kaniya na handang sugurin siya.

Nagulat si Wong Ming nang biglang nakita niya ang kakaibang nilalang sa hindi kalayuan. Hindi isa o dalawa kundi napakaraming mga kakaibang nilalang.

"Ice Demon Wolves?! Hindi... Ang mga pambihirang lobong ito ay hindi tunay at masasabi ko na isang Ice Demon Wolf Formation Array ang nasabing may gawa nito." Seryosong sambit ni Wong Ming sa kaniyang sariling isipan lamang.

Hindi niya maipagkakailang ang nasabing mga pambihirang lobong naririto ay bunga lamang ng ilusyon sa loob ng formation array na ito.

Ilusyon man kung ituring ngunit maaari kang mapaslang sa loob ng formation array dahil hindi ilusyon ang maaaring mapala mo kung sakaling makagat o madale ka ng mga matatalas na kuko ng mga halimaw na lobong naririto.

Mabilis na iwinala ni Wong Ming ang sariling transpormasyon niya lalo pa't hindi naman niya kailangang ganoon makipaglaban dahil maaaring maubos ang lakas niya dahil lamang sa formation array na ito na may pambihirang ilusyon ng mga Ice Demon Wolf.

Kitang-kita niya ang dambuhalang kaanyuan ng mga Ice Demon Wolves habang mabilis na pumunta ang mga ito patungo sa kaniya. Kung hindi siya nagkakamali ay magiging mapangahas ang mga ito at maaari siyang mapaslang kung hindi siya makakaiwas sa mga atake ng mga ito.

Hindi iwinala ni Wong Ming ang abilidad niya bilang isang Ice Demon habang ang mata nito ay kagaya ng isang tunay na Ice Demon, malamig ngunit makikita ang labis na emosyon habang nakatingin sa gawi ng mga naglalakihang mga Ice Demon Wolves na nasa harapan niya lamang.

Ang kamay ni Wong Ming ay bilang nagbago habang makikitang unti-unting tumubo ang naghahabaang mga kuko maging ang mga kaliskis sa kaniyang mga kamay.

Tahimik ngunit mabibilis na sumusugod ang mga Ice Demon Wolves sa gawi ni Wong Ming at mabilis na sinalubong ni Wong Ming ang papasugod na mga Ice Demon Wolves.

Sa isang iglap ay nakalapit si Wong Ming at isang ang mabangis na kaanyuan ng Ice Demon Wolf.

Walang pag-alinlangang tinusok ni Wong Ming ang sarili niyang mga naghahabaan at nagtatalimang kuko patungo sa halimaw na ito.

BANG!

Tumunog ang tila ay parang nabasag na bagay nang mapinsala ni Wong Ming ng malala ang nasabing halimaw at sumabog ito ng malakas na parang nabasag na salamin.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Walang pag-aalinlangan na sinugod ni Wong Ming ang ilan pang mga Ice Demon Wolves at hindi naman nabigo si Wong Ming na isa-isahin ang mga ito.

BANG! BANG! BANG!

Kagaya ng naunang Ice Demon Wolf ay napinsala at sumabog ng malakas ang marami pang mga Ice Demon Wolves na siyang ikinasiya ni Wong Ming.

"Napakadali naman palang matalo ang mga Ice Demon Wolves na ito na gawa ng nasabing Formation Array. Hindi ko aakalaing hindi man lang ako pinagpawisan sa ginawa kong mga pag-atake hehehe!" Malakas na sambit ni Wong Ming sa sarili niya habang tumawa pa ng malakas.

Naglakad na si Wong Ming nang mabilis habang makikitang wala siyang pakialam sa nasabing banta ng formation array na ito. Para sa kaniya ay wala man lang kahirap-hirap niyang natalo ang mga Ice Demon Wolves na hindi naman totoong nag-eexist at ilusyon lamang ito.

Hindi naman mapigilan ni Wong Ming na makaramdam ng kasiyahan ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay bigla lamang siyang nakarinig ng napakatinis na tunog na parang gawa ng mga nagbabanggaang bagay mula sa likuran niya.

Nagulat naman si Wong Ming nang makita ng dalawang mata niya ang tila pagbuo ng mga nagkapira-pirasong mga bahagi ng Ice Demon Wolves. Tila hindi naman makapaniwala si Wong Ming sa kaniyang nasaksihan.

"Paano'ng nangyari ito? Hindi naman siguro ito malaking kalokohan hindi ba? Isa pa ay matagal ng nawasak ang lungsod ngunit hindi man lang nasira ang Formation Array na ito!" Seryosong sambit ni Wong Ming habang kitang-kita ang magkahalong emosyon sa mukha nito.

Ilang segundo lamang ang nakalilipas ay nabuo bigla ang kaanyuan ng mga Ice Demon Wolves na parang wala man lang bakas ng pagkasira o pagkapinsalang ginawa ni Wong Ming.

Hindi naman pinanghinaan ng loob si Wong Ming at desidido siyang pinsalain at paslangin ang mga Ice Demon Wolves na ito. Naniniwala siyang mapapaslang niya ito hindi lamang sa unamg pagkakataon kundi sa pangalawang pagkakataon ay magagawa niya rin ito.