webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
721 Chs

Chapter 483

Halos matigalgal ang nasabing nakaputing roba na lalaki sa hindi kalayuan dahil mukhang naetsapwera laanmg siya sa mga oras na ito. Halatang nagkakainitan na sa pagitan ng misteryosong babae at matandang lalaki na alam niyang hindi taga-rito ang mga ito.

"Hindi mo ako kakayanin Binibini sa kasalukuyan mong lakas. Alam ko ang takot mo na siyang papatay sa'yo unti-unti hehehe!" Sambit ng matandang lalaki habang may umalpas na hindi mabilang na kulay puting paro-paro sa paligid nito patungo sa misteryosong babae.

Nanghilakbot ang nakaputing robang lalaki sa sumunod na pangyayari dahil parang tumagos lamang ang mga kulay puting paro-paro sa nasabing atake maging ang matandang lalaki ay ganon rin ngunit ramdam ng saksing ito na totoo ang matandang lalaki na iyon na kinakalaban ng misteryosong babae.

"Hindi!!! Bakit hindi kita matamaan. Ilayo mo sakin ang mga iyan!" Parang baliw na sambit ng nasabing misteryosong babae habang unti-unti itong pinalibutan ng mga puting paro-paro.

Maya-maya pa ay natahimik ito at parang tulala habang makikitang hindi ito gumagalaw sa pwesto nito. Misteryosong nawala rin ang mga lumilipad na paro-paro sa hangin matapos nitong palibutan ang misteryosong babaeng tila wala na sa ulirat.

Nakita ng saksing nakaputing roba na lalaki ang pangyayaring ito at hindi niya mapigilang makaramdam ng sobrang hilakbot lalo na sa nangyari sa misteryosong babae lalong-lalo na sa misteryosong matandang hukluban na katulad niya ay nakalutang sa himpapawid habang nakangiti pa itong nakatingin sa kaniya.

"Ano'ng ginawa mo sa kaniya Ginoo?! Bakit parang wala na akong masagap na consciousness mula sa misteryosong babaeng iyan?!" Labis na nagtatakang sambit ng nakaputing roba na lalaki habang kitang-kita kung paano ito naapektuhan sa nasaksihan nitont pangyayari. Tinapangan niya na lamang ang loob niya kung sakaling paslangin rin siya ng matandang huklubang ito na sa tingin niya ay sobrang lakas dahil sa abnormal na abilidad nito.

"Dahil winasak ko na ang consciousness nito sa loob ng isipan niya. Ang ganitong klaseng nilalang ang hindi ko dapat hahayaang humarang sa aking mga plano. Balaan mo ang Dou City na may malaking unos na darating sa hinaharap at paalalahanan mo ang Cosmic Dragon Institute na protektahan ang mga batang estudyante dahil kung sakaling hindi ako matuwa sa pangalawang pagkakataon ay ako mismo ang kikitil sa lahat ng buhay na madadatnan ko sa hinaharap rito. Hindi niyo naman siguro gugustuhing mangyari iyon hindi ba?!" Sambit ng matandang lalaking nakasuot ng maruming puting roba habang tila lumalalim ng lumalalim ang boses nito na animo'y nanggagaling ito sa pinakailalim ng lupa, nakakatakot at nakakapanindig-balahibo kung magsalita ito.

"O----opo m----masusunod p---po." Pautal-utal na sambit ng nakaputing roba na binata na halatang natatakot ito sa presensya ng matandang nilalang na ito na hindi niya alam kung maituturing niya pa itong tao dahil sa nakapangingilabot nitong ginawa kanina. Parang wala lamang ito kung paano nito winasak ang consciousness ng isang nilalang na nakaharap niya kanina.

Hindi niya maintindihan kung bakit sa pangalawang pagkakataon, ano'ng pangalawang pagkakataon?! Hindi siya tanga upang hindi malamang may naitanim na galit o inis ito sa Dou City ngunit wala siyang ideya kung ano ito at ayaw niyang magtagal pa rito.

Alam niyang sa mga ngiti ng matandang lalaking ito ay makikitang parang nauubusan na ito ng pasensya. Why Dou City offended this kind of creature? Hindi niya alam ngunit parang may gusto itong ipahiwatig ngunit ayaw niyang makialam pa at dapat niya itong isangguni sa kinauukulan kung ayaw niyang totohanin ng nilalang na ito ang kaniyang bantang alam niyang hindi ito nagbibiro.

"Paimbestigahan niyo na rin ang nilalang na ito dahil sigurado akong ikatutuwa ng Dou City ang kanilang masasaksihan hahahaha!" Sambit ng matandang hukluban at humalakhak pa ito ng pagkalakas-lakas na animo'y nsg-eecho pa ito sa pandinig ng binatang nakaharap sa gawi ng matandang lalaking nakasuot ng maruming puting roba.

Kasabay nito ay bigla na lamang naglaho na parang bula ang matandang hukluban na tila ba hindi man lang agad napansin ng binatang saksi sa mainit na sagupaan kanina ngunit halatang walang kalaban-laban ang misteryosong babaeng nakalutang pa rin sa ere.

Parang sakong bigas niya lamang itong binitbit sa balikat nito at mabilis na lumipad patungo sa direksyon kung saan patungo sa Dou City sentral na pook sa nasabing siyudad kung saan naroroon ang mga awtoridad.

Ayaw niyang mangyari ang pagbabantang iyon ng matandang lalaking nakasuot ng maruming puting roba na iyon. Isang malaking aral na ang nasaksihan niya kanina at siguro this time, siguradong totoo nga ang sinasabi nito na may malaking unos na darating sa Dou City sa hinaharap pero bakit nadamay ang Cosmic Dragon Institute sa sinabi ng matandang lalaking iyon?! Magkagayon pa man ay naniniwala siya sa sinabi ng matandang lalaking iyon dahil kung gusto siya nitong paslangin kanina pa ay ginawa na niya ito.

...

Sunod-sunod ang pagkapanalo ng batang si Li Xiaolong na sa lugar na ito ay kilala ang sarili niya bilang Little Devil.

Isa-isang pinatumba niya ang mga kalaban niyang walang kalaban-laban sa kaniya.

Isa siyang Early Purple Blood Realm Expert at ang mga nakalaban niya lamang ay mga Pulse Condensation Experts, Houtian Realm Experts at Xiantian Realm Experts na talagang hindi siya nahirapan sa mga ito.

Karamihan sa nakalaban niya ay mga bata pa talaga ngunit wala siyang nakuhang mga galaw na maaari niyang matutunan sana. Pero nakita naman ni Li Xiaolong na magagaling din ang mga ito at habang papatagal ay hindi siya kampante na mananalo lamang siya ng madali.

Ang susunod na laban niya ang ikasampong laban niya at ang makakalaban niya raw ayon kay Adhara ay isang Early Purple Blood Realm Expert daw. Walang masyadong detalye ngunit ito ang pinakahuling laban ni Li Xiaolong (Little Devil).

Talagang nakaramdam ng pinaghalong kaba at tuwa ang batang si Li Xiaolong dahil na rin sa panibagong labang maaari niyang pagdaanan.

Wala siyang balak na umatras dahil masasabi niyang magiging exciting ang labanang ito. Sino naman kaya ang lalabanan niya kung sakali?!

"Okay ka lang ba Xiaolong?! Pinoproblema mo ba ang huling laban mo?!" Tanong ni Pollux na halatang nagtataka ito. Hindi niya kasi alam kung bakit malalim na nag-iisip si Little Devil eh wala namang dapat ikabahala dahil alam niyang mananalo at mananalo ito.

Napabilib siya sa ipinapakitang husay ni Li Xiaolong sa labang iyon. Kahit na mahina ang mga nakalaban niya kanina sa siyam na rounds ay makikitang seryoso ito at hindi kampante. Malamang ay sineseryoso nito ang mga opponents nito.

"Okay lang ako Pollux. Masyado lang akong napagod sa laban kanina." Pagdadahilan na lamang ni Little Devil lalo na at mukhang nag-aalala sa kaniya ang isa sa mga kambal.