webnovel

Sunshine After The Rain (Tagalog)

Si Dianna Alfonso, dalawampu't dalawang taon gulang. isang dalagang nangarap na maging kinder garden teacher. na nagawa niya naman dahil nagtapos siya sa kursong bachelor of early childhood education. ang kanyang ama na si Nicandro ay Isang principal sa private school na pagma-may Ari nito.  Ito rin ang may-ari ng Alfonso Sweets na isang bakery shop na negosyo pa ng magulang nito. Sampung taon gulang siya nang maghiwalay ang mga magulang niya. Lumaki siya sa poder ng kanyang ama kasama ang Lola Salome niya. Ang kanyang Ina ay nanirahan na sa palawan kasama ang bago nitong binuong pamilya.  Ganoon man nangyari sa pamilya niya, Mahal pa rin niya ang mga magulang niya. Hindi natigil ang komyunikasyon nila ng kanyang ina at patuloy pa rin nagpalitan ng mensahe sa messanger. At ngayon, hindi niya iniisip na nagkawatak-watak ang pamilya niya. Sa halip, iniisip niya na lang na mas lalong lumaki ang pamilya niya. Kahit konserbatibo at tradisyonal ang ama ni Dianna, hindi ito nagpakita sa kanya ng lungkot nang mag-asawang muli ang Ina niya. Hindi man lang ito nagtaas ng kilay. Ginawa nito iyon para sa kanya. Basta para sa kanya, na anak nito ay bulag-bulagan sa sariling damdamin. Ganoon siya nito kamahal. Wala na rin itong magagawa sa kinasapitan ng relasyon nito sa Ina niya. alam nito na gusto niya din maging isang guro kaya binigay sa kanya ang trabaho bilang day care teacher sa private school nito. Nakilala niya si Charles, na pamangkin ng kasosyo ng kanyang ama. Isang guro rin.  Anong mangyayari kapag nagsama sila? ano ang gagawin nila sa oras na malaman na nasa peligro ang private school na tinayo ng kanyang ama?

Marionna_Lee · Urban
Not enough ratings
1 Chs

CHAPTER ONE

CHAPTER ONE

KATATAPOS lang ng panahon ng tag-init.

Si Dianna Alfonso, dlawampu't walong taon gulang. Graduate ng kolehiyo sa kursong Bachelor of Early Childhood Education.

Anak siya ni Nicandro Alfonso at Meryl Lopez. Pero bata pa lang siya ay hiwalay na ang mga ito. 

lumaki siya sa poder ng kanyang ama kasama ang Lola Salome niya.

Ang Ina niya ay nakatira na sa palawan kasama ang half sister niya na si Airene. Anak ng Ina niya sa bago nitong asawa.

Mahilig rin siyang magsulat ng kwento bilang libangan niya kapag wala siyang ginagawa.

Sa weekdays naman, abala siya sa bakery nila kapag umaga. at sa hapon naman siya nagtuturo sa private school ng ama niya bilang kindergarten teacher.

may kasosyo ang ama niya sa private school nito. si Ignacio. Matalik itong kaibigan ng ama niya.

Sa edad na bente siete ay hindi pa siya nagkaroon ng nobyo. hindi niya pa nakilala ang lalakeng magpapatibok sa puso niya.

Isang Araw, kauuwi lang ni Dianna galing sa bakery shop. Nadatnan niya ang ama na nakaupo sa silya ng hapag kainan. Nakasoot ng salamin at binabasa ang hawak na papel. sa tabi nito ay puting sobre. may dumating sigurong sulat.

kaya hindi muna siya lumapit dahil baka maabala niya pa ito.

Nang matapos ito ay tinupi nito ang papel at binalik sa sobre.

Maya-maya ay bumuntong hininga ito habang hinuhubad ang soot na salamin pang mata. Rumehistro sa mukha nito ang pag-aalala. Parang pinagsakluban ito ng langit at lupa. Mukhang hindi maganda ang nabasa nito.

Saka na siya kumilos papalapit dito. 

"Mano po, Pa." kinuha niya ang kamay nito at nagmano. 

"O, Dianna, Anak." anito na nagulat. "Ang aga mo ngayon."

"Maaga po natapos gawain sa Bakery , wala na pong masyadong aasikasuhin sa bakery ni Lola. Ano po nangyari? okay lang po kayo?" nag-aalalang tanong niya.

bumuntong hininga ulit ito. "Sa kasamaang palad, may masamang balita. nagpadala ng sulat ang banko. Gusto na nilang kunin ang banko kung hindi pa tayo nakabayad sa utang ko sa kanila. Binigyan na lang ako ng tatlong buwan palugit para makabayad."

Nakaramdam ng lungkot si Dianna dahil sa nabalitaan. Lungkot dahil dumating sa ganoon sitwasyon ang private school nila. Mahal iyon ng papa niya. naging buhay nito iyon. 

kung hindi lang dumating ang covid-19 ay malamang nabayaran na nila ang utang nila sa banko.

Kumuha siya ng silya at umupo sa doon sa tabi nito.

Hinawakan ang palad ng papa niya.

"Huwag kayo mag-alala papa, malalampasan din natin ang problemang 'yan. Gagawa tayo ng paraan." aniya para hindi na ito gaanong mag-alala pa.

Hahanap siya ng paraan para hindi makuha ng banko ang private school nila.

******

Si Charles, 30 years old. Pangalawang anak ng Isa sa mayaman angkan sa bansa na may-ari ng Davidson Chain of Hotels.

Graduate sa kursong bachelor of early childhood education at business management.

Pala-kaibigan at mabait si Charles.

Malapit siya sa kanyang abuela na si Mauricia na pumanaw na limang taon na ang nakakaraan.

Nang pumanaw ito ay kaka-graduate niya lang sa kolehiyo.

Nag desisyon siyang tulungan naman ang Lolo Octavio niya sa private school na pagma-may ari nito. Na pinangako niya sa kanyang Lola Mauricia na gagawin niya bago ito namaalam.

Sa edad na treinta'y anyos, may naging karelasyon din siya.

Si Thylane na apo ng mayor sa kanilang lungsod. Tinapos niya ang tatlong taon relasyon niya kay Thylane.

Dapat lang na tapusin na niya ang relasyon dito dahil hindi naman siya nito tinuring na boyfriend. Dahil anak mayaman nga siya, ginagawa lang siyang palamuti sa mga social gatherings na pinupuntahan nila.

Ang mga magulang niya naman ay retired na at ini-enjoy ang buhay. iniwan sa kanila na mga anak nito ang responsibilidad sa mga negosyo ng mga ito.

Nang oras na iyon ay nasa library ng ADA Academy si Charles. abala sa pag print ng litrato ni Ella na isa sa mga estudyante niya.

tumunog ang kanyang cellphone tanda na may tumatawag.

saglit niyang iniwan ang ginagawa at kinuha ang cellphone. Ang Lolo Octavio niya ang tumatawag. Sinagot niya agad ang tawag nito.

" 'Lo, bakit po?" sagot niya.

"Charles, umuwi ka muna ngayon rito sa mansiyon. may kailangan tayo pag-usapan. may malaking problemang dumating." 

Wala siyang nagawa kundi iwan muna ang ginagawa.