webnovel

Chapter Seven

It's been three days simula nung insidenteng nangyari kina Enzo at Dion. Tatlong araw na din na hindi nagpapakita sa akin si Enzo. I've been roaming around this beach resort just to find him and talk to him. Pakiramdam ko may mali akong nagawa sa kaniya, I wanna say sorry. Mukha namang walang balak humingi ng tawad si Dion sa kaniya.

And I know, hindi deserve ni Enzo ang nangyari. Wala naman siyang ginagawang masama.

Palagi ko din nakikita si Dion, minsan mag-isa siya or kasama niya si Joan. Nagtatama ang paningin namin pero hindi ko rin alam kung kaya ko pa ba siyang kausapin. After what he did to Enzo, mas nadagdagan ang dahilan ko kung bakit hindi ko pa siya dapat kausapin.

"Are you mad at him?" Joan asked me. Nakaupo kami ngayon sa buhanginan, wearing our cross cut beach dress. Hindi na kami nagdalang swimsuit, hindi rin naman kami lumalangoy. So, useless din.

"To whom?"

"Dion."

"A bit." I replied. Totoo naman, aaminin ko masama ang loob ko sa kaniya. Sino ba naman kasi ang matutuwa doon sa ginawa niya? Hindi man lang siya mag-sorry sa tao.

Tumango na lang si Joan. Nung magba-bandang alas tres na ng hapon ay nagpasya kaming magpicture picture. Okay naman na kaming dalawa. I mean, hindi ko na siya iniiwasan. Ano ba namang magagawa ko kung siya talaga 'yung gusto ni Dion 'di ba? In fact, ako pa nag-sorry sa kaniya. I even told her about Enzo.

She even said na bagay kami.

Dati rati, kay Dion niya ako shini-ship, but ngayon kay Enzo na.

"Enzo's a good guy, I couldn't doubt that." I said. Gusto ko munang alisin sa utak ko si Dion. I wanna talk about Enzo.

"Mukha naman. Bagay kaya kayo." Sabi pa niya nang nakangiti.

"Tigilan mo nga."

"What? Mukha nga din na gusto ka niya." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Kakakilala pa nga lang namin nung tao." Tsaka, imposible naman siguro na magustuhan niya ako.

She rolled her eyes on me. "Duh? Kaya nga may 'love at first sight' hindi ba?"

"Tsaka 'di ba sabi nila kapag may nawala sa buhay mo, may darating? What if siya na 'yung kapalit ni Jaycee?"

"Ayoko na muna.."

Kasi 'yung taong gusto ko, panigurado naman ako na ikaw 'yung gusto.

Gusto ko sanang sabihin sa kaniya pero pinili ko nalang tumahimik. Ayokong masira pa kami ni Joan dahil lang sa iisang lalaki.

Masiyado na kaming madaming pinagsamahan at napagdaanan ni Joan. Halos buong buhay ng isa't isa alam naming dalawa. Kaya hindi isang lalaki ang makakasira sa'min.

"Don't be afraid to love again. Keila, you're matured enough to handle all things. Hindi naman masama magmahal ulit, masasaktan ka syempre. Parte ng buhay 'yon. Ang sarap kaya mag-mahal at mahalin at the same time." Mahabang litanya nito habang nakatingin sa kawalan. She was smiling. I could see she's very happy.

And if Dion is the one who could make her happy, I'll let them be.

Wala naman akong karapatan para pigilan ang pag-iibigan ng dalawang tao. Besides, pareho ko silang kaibigan. Ang role ko dito ay maging masaya para sa kanilang dalawa, suportahan silang dalawa. Kahit pa masaktan ako.

--

Hanggang ngayon naiisip ko pa din 'yung pinag-usapan namin ni Joan. At hindi maalis sa isip ko 'yung sinabi ko sa kaniya. Handa nga ba ako sa magiging kahihinatnan ng desisyon ko? Kaya ko ba na maging masaya para sa kanila habang unti-unti akong nadudurog?

They say, if you really love someone, you'll set them free. Because that's the real essence of love. Seeing your loved ones happy, even if it's not because of you.

Kaya ko bang makita na masaya yung taong mahal ko sa piling ng kaibigan ko?

I shut my eyes off, trying to calm myself. Will history repeats itself again?

No.

Ayoko na.

Napamulat ako ng mata ng may tumapik sa balikat ko. "Hoy, ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Aileen, she's with Joy. Nakabalik na pala sila galing cr.

Nandito kami ngayon sa resto bar ng resort. Sumama na ako sa kanila since hindi ko makita si Joan. Naboboring din naman ako sa kwarto mag-isa.

Umorder sila ng alak. Nag-light beer nalang ako, hindi naman kasi ako mahilig uminom. I'd prefer wine rather than those hard liquiors. Isa pa, maganda pa sa lagay ko iyong wine since mababa ang dugo ko.

"Iniisip mo siguro si Kuya Dion 'no?" Joy asked me, she was wiggling her eyebrows up and down.

Kamag-anak niya si Dion. Mag-pinsang buo ang mommy nilang dalawa.

"Hindi 'no?"

"Asus, p'wede ba? Halata naman na inlove ka kay Kuya." Panunukso pa nito. Uminom nalang ako ng beer. Kailan ba ako mananalo dito? "Pero don't worry, boto naman ako sa'yo."

Nag-apir pa silang dalawa ni Aileen. Napailing na lang ako. Bakit ba ako sumama sa kanila?

"Someday, someone's gonna love me

The way, I wanted you need me

Someday, someone's gonna take your place.."

Sinabayan ko nalang 'yung tugtog. Isa 'to sa pinaka ayaw kong kanta. Feeling ko kahit hindi naman ako broken, nadadala ako.

"See? Masiyadong relate sa kanta." Saad pa ni Aileen.

Nginitian ko nalang sila. Ito 'yung mahirap sa lahat eh, magpanggap na masaya sa harap ng madaming tao kahit deep inside hindi mo na kaya.

Isa na ata ito sa mga special talent ko. Magkimkim ng lungkot at sakit.

"One day, I'll forget about you

You'll see, I won't even miss you.."

Ang sakit. Nasasaktan ako, pakiramdam ko para sa akin 'tong kanta na 'to. Every word is a knife, masiyadong masakit ang tama nito sa akin. Nagsimula nang mang-gilid ang luha ko. Damn, ayokong mag-breakdown dito.

Tumayo na ako at nagpaalam sa dalawa na magc-cr lang ako. They insisted na sasamahan daw nila ako pero sabi ko huwag na.

I lied. Hindi sa papuntang cr ang daan na tinahak ko. Dinala ako ng mga paa ko sa may roof top ng bar, kung saan kitang kita ang kagandahan ng buong beach resort.

A quiet place has been my comfort zone. Dito ako madalas pumupunta kapag may problema ako. Feeling ko kasi, ako lang 'yung nandito. Malayo ako sa problema, sa lahat. Pwede kong iiyak lahat. Nang walang makakapansin at makakakita sa akin.

No one will see my tears. No one will hear my sobs. No one will feel my pain.

I closed my eyes and spread out my arms. Embracing the wind, as if it feels what I'm going through.

I think about Dion. Hindi na siya nawala sa isip ko simula nung pag-uusap namin ni Joan. Tama ba 'yung naging desisyon ko? Na hayaan na lang silang dalawa?

As if naman kasing may magagawa pa ako.

Tears starts to stream down on my face. I wanted to shout, I wanted to release the pain I'm feeling, but I don't know how. Gusto kong maging masaya para sa kanilang dalawa. Gusto kong suportahan sila.

Pero ang sakit. Ang sakit sakit.

Pakiramdam ko hindi na titigil 'yung sakit sa puso ko.

Napatingin ako sa phone ko nang mag-vibrate ito. I received a message from Enzo. Napaayos ako bigla nang makita ko ang message niya. He wants to talk to me. Mabilis akong nag-type ng 'okay'.

I composed myself first. Ayokong humarap sa kaniya ng ganito ako. Isa pa, gusto ko rin siyang makausap.

Umalis na ako sa rooftop. Pababa na ako sa may pwesto namin kanina nang may marinig akong pamilyar na boses na nag-uusapㅡmore on, shouting.

"Kailan mo ba sasabihin sa kaniya 'yung totoo?!" I stopped when I heard Joan's voice.

"Hindi ba napag-usapan na natin 'to? Bakit ba kinukulit mo pa din ako?" I got shocked. It was Dion's.

Ano'ng pinag-aawayan nila? Bakit sila nagsisigawan?

"I've already told you about this, right? Everything's will be smooth according to the plan."

"Dion, nasasaktan na natin si Keila. Masiyado na siyang madaming pinagdadaanan." Joan's voice became soft. It sounded pleading.

"Ako na'ng bahala. All you need to do is cooperate with me. Nasaktan naman na natin si Keila. Ituloy nalang natin."

And then by that, napatutop ako at mabilis na tumakbo papuntang cr. Good thing walang tao, I immediately locked myself up in a cubicle. At doon, pinakawalan ko lahat ng sakit.

I felt betrayed.

Masakit pala talaga kapag ikaw na mismo nakasaksi ng katotohanan. Madudurog ka talaga.

"Ituloy nalang natin." Paulit ulit na nagr-replay sa utak ko 'yung sinabi ni Dion. Wala siyang pakialam na nasasaktan na ako. Wala siyang pakialam sa'kin.

I smiled bitterly. Ayoko na. Tama na. Pagod na ako. I have done enough. Pagod na 'kong umiyak ng umiyak. Feeling ko ubos na ubos na ako. Durog na durog na 'ko.

Do I really deserve this pain? Am I that bad?