webnovel

Stuck Inside the Haunted House with Ten Bad Boys

Maxi_Minnie · Sci-fi
Not enough ratings
23 Chs

Chapter 11: Venice's Past

VENICE

Masayang masaya ako ngayon dahil napasa-akin na si Kent.

Kawawang Mixxia.

Actually, medyo maganda naman talaga si Mixxia. Pero mas maganda ako. Alam ko namang nahihiya lang ang mga boys na lumapit sa akin dahil hindi nila maabot ang beauty ko.

Andito kaming lahat sa sala ngayon upang hintayin ang almusal pati na ang utos ni Miss A.

Inutusan ko si Mixxia na magluto dahil bagay sa kaniya maging maid.

"Uy Kent hindi mo sinasabi, kayo na pala ni Venice." Nakangiting sabi ni Josh.

Narinig naming may nabasag sa kusina. Dali-daling pumunta si Kent para tignan iyon.

Masakit.

Bakit ba palagi nalang si Mixxia? Bakit hindi nalang ako? Bakit ba palagi nalang akong nasa choices pero hindi ako ang pinipili?

Naaalala ko na naman siya. Si Jake.

"Flowers for you my love." Nakangiting bati sa akin ni Jake.

"Uy pare! Nakauwi ka na pala dito sa Pinas. Hindi mo man lang sinabi." Nakangiting bati ni Kent sa kaniya.

Ako, si Jake, Kent, Von, at Sam ay magkababata. Sila Migs, Arthur, Josh, Vince, Daniel, Ace at Mark naman ay nakilala namin nung elementary.

Masaya kaming lahat non, at tinuring nila akong nakababatang kapatid. Pero nung dumating si Mixxia, nakalimutan na nila ako.

Hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa ginawa ni Jake. Iniwan niya ako. Iniwan niya kaming lahat. Umalis siya nang hindi nagpapaalam. Wala ni miski isa sa amin ang nakakaalam kung nasaan siya.

"I will never leave you Venice. I love you, forever." Bulong sakin ni Jake at niyakap niya ako ng mahigpit.

Naniwala ako. Nagtiwala ako. Nasasaktan rin ako.

Nagseselos ako kay Mixxia. Dahil nasa kaniya lahat ng atensyon nila na dating nasa akin.

Feeling ko wala nang natira para sa akin.

Nakatitig ako ngayon kay Kent habang ginagamit niya ang sugat ni Mixxia. Halatang-halata sa kaniya na nag-aalala siya.

"Ehem."

Napatingin kaming lahat sa nagsalita. Pangatlong mission na to, may 22 pa kaming dapat tapusin. Ang gusto ko lang ay matapos na ito, pagkatapos non ay aalis na ako sa bansa pag nakalabas na kami sa bahay na to.

"Dahil naaawa ako sa inyo, at may puso pa rin ako. Babawasan ko ang mission na gagawin niyo. Sa ngayon ay magpahinga muna kayo. Huwag kayong magpasalamat sa akin. Mas gusto ko kayong makitang nahihirapan." Napabuntong hininga si Miss A.

"Ipinahanda ko ang pool at garden. Pwede kayong magsaya doon. Take note, huwag kayong magtangkang tumakas kung ayaw niyong magbago ang isip ko." Dagdag niya.

Sino kaya si Miss A?

Sino kaya ang may pakana nang lahat ng to? Bakit kelangan kami pa ang magkakasama dito? Dahil ba kami ang highest section?

Nung araw na pumasok si Mixxia ay absent ako. Dalawa lang kaming babae na nandoon dahil kami lang ang nakapasa sa entrance exam for the highest section. Siguro may galit sa amin ang may pakana nito.

"Di ba sinabi kong 25 ang mission na gagawin niyo? Ngayon ay 15 nalang. Uulitin ko, huwag kayong magpasalamat sa akin. Rest well today and Good luck para sa mission niyo bukas." Seryosong sabi ni Miss A saka biglang naglaho.

Kaagad akong umakyat sa kwarto at wala na kong balak na makisaya pa.

I just wanted to cry. Kahit walang mag-comfort sa akin.

Ini-lock ko ang pintuan sa kwarto. Kinuha ko ang earphones ko at pinatugtog ang kantang iniiwasan kong pakinggan.

Doon sa 'Keys to Fears' mission namin, naisip ko kung saan talaga ako takot.

Takot ako mag-let go.

Tinitigan ko ang mga pictures namin ni Jake.

Kumusta na kaya siya? Iniisip rin ba niya ako?

Hindi ko na mapigilan ang luha ko.

Music playing: My all by Mariah Carey.

"Venice!"

Lumingon ako at nakita ko ang nag-iisang lalaking nagpatibok ng puso ko.

"Jake..." Agad akong lumapit sa kaniya at yinakap siya nang mahigpit.

Tumingin siya sa akin ng seryoso at walang emosyon.

"Hello, my love kumain ka na ba?" Nakangiting bati ko.

"I'm sorry Venice. Ayoko sana sabihin sayo ito kasi gusto ko dahan-dahanin."

"My love, I can't understand... What do you mean?"

"It's over Venice..."

"H-huh? Paano? Jake? Masaya lang tayo kahapon di ba? Sabi mo noon hindi mo ko iiwan. Jake hindi magandang biro yan!" Pinilit Kong ngumiti at tumawa sa harap niya.

"No Venice... I'm sorry. But I can't stay with you anymore..."

"Bakit nga Jake? May nagawa ba ako? May nasabi ba ko sayo? Nasaktan ba kita? Ano? Please...wag mo kong iiwan Jake..." Bumuhos ang mga luha ko. Lumuhod ako sa kaniya at nagmakaawa.

"No, Venice. Stand up. Don't cry, it's not your fault."

"May mahal ka bang iba?"

"Wala. Ikaw lang ang babaeng minahal ko."

"Then why?! Bakit kailangan mo pa akong Iwan?! Jake... Nag-promise tayo sa isa't-isa. Nakalimutan mo na ba ha?"

He hugged me tight. So tight. I hugged him back. Like it's the last hug na ibibigay niya.

Bumuhos ang malakas na ulan. Wala kaming payong. Nababasa na kami but I can't let him go.

Bumitaw siya. At tumakbo papalayo.

Iniwan niya ko.

Ilang araw akong nagkulong sa kwarto. Walang gana kumain, at hindi ako nakapasok sa school. Ang hirap.

Binisita ako nila Kent Pero I pushed them away. I didn't talk, nor eat or drink anything.

Then one day, nakatanggap ako ng balita.

Patay na si Jake.

Humagulgol ako ng sobrang lakas.

'Bakit hindi mo sinabi? Bakit nilihim mo? Akala ko ba no secrets Jake?!'

Parang gusto ko nalang mamatay, para makasama ko na si Jake.

So I drank pills. Na-overdose ako. When I woke up, I saw Kent at mga kaibigan ko. Hinayaan nila ako umiyak ng umiyak at ipinaliwanag sa akin kung bakit ayaw ni Jake na sabihin sa akin. Iniabot sa akin ni Kent ang letter na isinulat ni Jake.

My darling Venice,

I want you to know that you're so special to me. Sapat na sa akin na nakasama ka at nabigyan ako ng pagkakataon na mahal in ka. Alam kong hindi na rin ako magtatagal. May malubha akong sakit. I did my best para hindi niyo mahalata. Nag-warning ang doctor noon sa pwedeng nangyari, Pero ayoko na maging malungkot ka at araw-araw na isipin yun kahit kasama mo pa ako. Babantayan kita lagi kahit nasa heaven na ako, kaya huwag kang natatakot. Hindi ka pababayaan nila Kent. Stay safe and take care my love. Until we meet again. Mahal na mahal kita.

Jake <3

Pinunasan ko ang luha ko. Three years na Jake, pero ikaw pa rin ang nasa puso ko. Umaasa pa rin ako na sana buhay ka. Na sana panaginip lang lahat.

Tinupi ko ang papel at isiniksik sa case ng cellphone ko. Pinilit kong matulog upang makalimutan ang lahat kahit panandalian lang.

'I love you Jake... Forever.'