webnovel

Atty. Isabelle Gonzales

Napapanood sa malaking screen sa labas ng mall ang ulat sa isang aksidenteng naganap sa matarik na bangin sa Bulacan. Hindi ito pinapansin ng mga taong nagdaraan. Ngunit bigla silang napahinto nang i-anunsyo ng babaeng nagbabalita ang pangalan ng taong nakasakay sa sasakyan.

"Ang sasakyan ay pagmamay-ari ni Atty. Isabelle Gonzales." Tinuran ng nagbabalita.

Samantala, sa isang cafeteria ngumisi ang babaeng may hawak na diaryo habang naririnig sa buong cafeteria ang balita sa pagkamatay ng isang abogada.

"Mission accomplished." Turan ng babae habang nakikipag-usap sa kanyang telepono.

Nang papalapit na ang waitress upang tanungin kung may dagdag pa ay bigla na lamang siyang tumayo na ikinagulat bahagya ng waitress. Pagkaalis ay nilingon lamang siya nito habang papasok sa kanyang kotse. Nakasuot ito ng balot na damit na kulay itim, sumbrero at sunglasses. Mapagkakamalan itong high profile na tao sa kanyang asta.

***

"Atty. Torres, nabalitaan mo na ba?" Lumapit ang babaeng assistant sa isang lalaking nakaupo sa kanyang opisina.

"Ang?" Busy siyang sumagot sa babaeng bumukas sa kanyang pinto.

"Patay na po pala si Atty. Gonzales." Pamamalita niya.

Nahulog ang panga ng binata sa narinig.

"How come?"At biglang nagbago ang ihip ng hangin.

Upang maniwala ang abogado, binuksan ng sekretarya ang TV. Nakita ng binata sa screen ang headline. Patay na nga ang abogadaong kanyang katunggali sa mga kaso. Oo. Siya at si Atty. Gonzales ay matagal ng magkaribal sa larangan ng batas. Kahit nong sila pa man ay kapwa mag-aaral pa lamang. Kapwa sila mahusay at madiskarte sa kani-kanilang hinahawakang kaso. Ngunit, pagdating kay Atty. Gonzales ay mistulang talunan ito sa kanya. Dahil iba ang angking galing ng babaeng abogada. Walang kasong hindi niya naipapanalo. Kaya nga hindi na rin nakapagtataka na maraming nagtangka sa buhay ng dalaga.

"This can't be." Nanlumo siyang umupo sa sofa. Bagaman, magkaribal sila sa trabaho ay itinuring niya pa ring kaibigan ang dalaga. At kahit sino, sa isang mahusay at tapat na tao tulad ni Atty. Gonazales. Lahat ay magluluksa.

"Car accident ang ikinamatay niya?" Tanong nito sa sarili. Hindi kumbinsido ang lalaki sa tinuturan ng balita.

"O murder?"At biglang nanlaki ang mga mata nito.

Ang kanyang sekretarya noon ay nakatingin lamang sa kanya. Pati man siya ay nalulungkot din sa narinig. Isang mabuting tao si Isabelle. Marami mang galit sa kanya ito ay dahil ginagawa niya ang pantay na hustisya para sa lahat. Babaeng hindi mababayaran ang propesyon.

***

Halos himatayin si Don Falcon nang marinig ang balita sa kanyang nag-iisang apo. Maagang naulila si Isabelle at tanging ang kanyang mga lolo at lola na lamang ang nagisnan niya. Mayamang angkan ang Gonzales sa Tagaytay.

"Robert, magtungo tayo sa hospital kung saan dinala si Isabelle." Utos ng matanda.

Naiiyak pati ang kanyang asawa sa sinapit ng kanilang apo.

"Sinabi ko na nga lang na wag mag-aabogada si Isabelle. Dahil matutulad lamang siya sa kanyang ama." Tumutulo ang luha ni Teressa, ang lola ni Isabelle.

Makalipas ang dalawang oras na pagbiyahe ay naroon na sila.

Nanginginig ang tuhod ni Doña Teressa na makita ang bangkay ng apo.

"Mamita" Tawag ni Leila, ang apo niya sa kanyang kapatid.

"Leila, nandito ka?" Medyo gulat ang mag-asawa na makita ang pinsan ni Isabelle.

"May sasabihin po ako. Pero pwede bang doon tayo sa walang makakarinig sa atin?" Seryosong saad ni Leila.

"Sige."Kunot-noo ang matandang lalaki.

Nagtungo sila sa ligtas na Lugar at nag-usap silang tatlo. Nang matapos silang mag-usap ay lumabas ang dalawang matandang wala ng bakas na lungkot sa kanila.

Iniutos ng mag-asawang matanda na magdaos ng burol para sa kanilang apo.

"Mamita, mauna na po ako. Mag-iingat kayo. Ang bilin ko po sa inyo wag niyong kalimutan." Seryosong wika ni Leila. Nagmasid-masid muna siya sa kanyang paligid bago ito tuluyang nilisan ang lugar.

This is my first time writing. Hope you'll like it.

Daoist2S3GuScreators' thoughts