webnovel

1

Mabilis akong tumakbo kasama ang mga ibang nurse at doctor habang tulak tulak ang stretcher.

Bago pa man ako makapasok sa loob ay inayos ko muna ang buhok ko. Mabilis kong itinali ang buhok ko at nagayos

"Prepare everything we need." I said to the attending nurse while scrubbing my hand.

As soon as I got myself done, I immediately went inside with my hands in front of my chest. Lumapit ang isang nurse sakin at sinuot ang lab gown, ganon din ang isa, sinuot naman ang gloves sa mga kamay ko.

Nakataas pa rin ang kamay ko, iniiwasan na may mahawakan habang naglalakad ako palapit sa table.

"The bp is nomal," the anesthesiologist said. Tumango lang ako at kinuha na ang pang sterilize.

The brown liquid slowly wrapped the cold skin of my patient.

"Scalpel." hiniwa ko ng kaunti ang balat nya kung saan ito tinamaan ng bala. There are other layers that we had to attend before we were able to find the exact location of the bullet.

It was near the liver.

"Twizer" iniabot ito sakin at dahan dahan kong kinuha ang bala sa loob niya halos takot na may matamaan.

~~

Ramdam ko ang pagod nang dahan dahan akong naginat. Buti na lang at natapos agad ang operasyon.

Iniisip ko kung uuwi muna ako at maglinis ng katawan o magstay na lang dito

"Doc may nagpadala po sainyo" sabi ni Elaine

"What's that?" I asked

"Hindi ko po alam e." Ngumiti ako sa kaniya at iniabot sa akin ang hindi kalakihang envelop.

Nang makalabas siya ay umupo ako sa swivel chair ko at binuksan ang envelop.

It's a letter and a picture. I smiled. He's very sweet.

"Good morning baby

Please don't stress yourself too much , papakasanalan pa kita diba. You know how much I love you. Don't worry if you already have an eye bags. I will still love you no matter what.

I love you baby

Marcus"

Basa ko sa sulat at tinignan ang pictures.

Picture niya iyon at picture naming dalawa.

I am Ayesha Lopez and Marcus?

Marcus is my fiance. We're both busy with our career kaya bihira lang kaming magkita. Ganoon pa man we still manage to have time for each other. Gaya ng ganito. Kahit na mag 30 na kami ay may mga love letters pa rin kami sa isa't isa.

Kinuha ko ang extra frame ko at inilagay duon ang picture niya. He's really handsome. Almost perfect. Every girl's dream.

Binukas ko ang drawer ko at kinuha duon ang box na naglalaman ng love letters na binigay sa akin ni Marcus.

Nang maitabi ko iyon ay binalik ko na sa drawer.

Naginat inat ako dahil sa antok ko. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Stressed na stressed ang itsura ko. Naka messy bun ako at naka surgical uniform pa.

"Omygosh" isang napakalaking teddy bear ang pumapasok sa office ko.

"Goodmorning" lumusot ang mukha ni Marcus sa may pagitan ng katawan at braso ng bear. Parang naka akbay ito sa kaniya. Agad akong napangiti ng makita ko siya.

He really love to surprise me. Kaya agad agad akong tumayo at nilapitan siya.

"Goodmorning" malambing kong sabi

"How are you baby? Tired?" He asked

"Ah yes kanina pero ngayon wala na" sabi kong ganon. I heard him chuckled at iniupo ang malaking bear sa sofa at siya ay naupo sa tabi non. Agad akong lumapit sa kaniya at tumayo sa harap niya.

"Walang gaanong work?" I asked

Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak ako. Napaupo ako sa lap niya. He hug me tight and sniff my scent.

"Wala masyado. Natapos ko kahapon yung ibang proposal kaya free ako hanggang tanghali" bulong niya sa akin. Umayos ako nang pagkakaupo at umukbay sa kaniya. Kaya magkatapat ang mukha namin. Pinagmasdan ko ang mukha niya. He looks stress din.

"You're stressing yourself too much" I said to him.

"Make me not please baby" he pleaded habang nakapikit pa rin.

Pinagmasdan ko ang gwapo niyang mukha.

Makinis na mukha. Mapula at hindi ganoong kakapal na labi. Matangos na ilong, mahabang pilik mata at katamtamang kapal ng kaniyang kilay.

Tinanggal ko ang pagkaka akbay sa kaniya at hinawakan siya sa pisngi.

I gave him a peak.

Then I saw him smiled.

He hug me more tight.

How I love this man.

"I love you baby" he whisper

"I love you more" I whisper too

"I.." medyo lumuwag ang pagkakayakap niya. Hindi ko yun pinansin

Nang tanggalin niya ang isang kamay niya ay napatingin ako sa kaniya.

Pinagpapawisan siya at namumutla

"Baby" mahinang sabi ko at tumayo sa pagkakaupo sa lap niya.

Napahawak siya sa dibdib niya

"Aaaaaahhh" sigaw niya habang mukhang nahihirapang nakahawak sa dibdib niya. Nanlamig ang kamay ko at mabilis na lumapit sa table ko at pinindot ang intercom ko.

"yes po doc?" Sagot ni Louisa

"I need an emergency. Now sa room ko dalian niyo" sigaw ko at agad na lumapit kay Marcus.

Nanginginig ang kamay ko pero hindi ko iyon pinansin at tinulungan tumayo si Marcus

"Baby hold on. Lalabas tayo ng office ko" nanginginig din ang boses ko. Iniakbay ko siya sa akin at dahan dahan na inaangat siya.

Ramdam ko ang paglandas ng luha ko palabas sa mga mata ko. Pagewang gewang kaming lumabas ng kwarto ngunit paglabas namin ay nahimatay na si Marcus kaya pareho kaming bumagsak.

"Baby baby. Marcus wake up. Omygod Marcus Marcus" I tap his face

Umiiyak na sabi ko. Kinapkap ko ang pantalon na suot niya at kinuha ang crllphone niya para tawagan ang mommy niya.

Nang marinig ko na ang boses ni Louisa ay agad akong tumayo

Nang makalapit sila kasama ang ibang nurse ay tinulungan ko silang iniangat si Marcus at ihiga sa stretcher.

Mabilis ang naging pagkilos namin at dinala siya sa emergency room.

Nang hihina akong napa upo sa labas ng emergency room. Nanginginig ang kamay ko at idinial ang number ng mommy niya

[Hello baby] bungad ng mom niya

"Tita" panimula ko

[Oh hello Ayesha dear. Wait are you crying?] nagaalalang tanong niya

"Tita nasa emergency room po si Marcus. Bigla na lang pong sumakit ang dibdib niya at hinimatay" pag amin ko

[What? Omygod. Wait me there iha papunta na ako] tapos ay binaba na niya iyon. Iyak ako ng iyak.

God, please not Marcus.

Maya maya ay dumating na si Tita Mariela

"Iha wala pa rin ba?" Tanong niya umiling lang ako at niyakap niya ako.

"Tita may heart problem po ba si Marcus?" Tanong ko

"Wala pero.." naluluhang sabi niya

"Pero ano po?" I asked

"Pero in our family disease namin yan na baka namana niya sa akin" I hug her back at saktong lumabas ang kapwa ko doctor

"Doc and Mrs we need to have a heart transplant as soon as possible" diretsong sabi niya

"What?" Halos isigaw na sabi ni Tita

"Can I see the chart please?" I asked

"Saglit lang po Doc" sabi niya at pumasok ulit don

Napaupo si Tita at maya maya lang ay dumating na ang doctor at iniabot sa akin ang chart.

Habang binabasa ko iyon ay dumating si Brent.

Si Brent Gozon ay bestfriend ni Marcus

"I heard what happen to Marcus" he said at dinaluhan si Tita

"We badly need a heart" sabi ko.

"Yes Doc. Kailangan po agad makapag perform ng heart transplant" sabi ng doctor

"Tita and Brent I'll just go in my office. Tatawag lang ako sa mga kakilala ko na pwede natin mapag kuhanan ng puso" sabi ko at agad na tumalikod

"No need Ayesha" napahinto ako at lumingon kay Brent

"We need it Brent nari---" he cut me out

"He already had" he said

"What are you trying to say?" I asked

"Nadiagnosed na siya three months ago about his heart. Nang nalaman niya iyon ay agad siyang humanap ng puso dahil sinabe sa kaniya na kapag hindi nadala ng gamot ay magpeperform ng heart trans plant. Last week naka hanap kami and bukas din namin makukuha ang puso" pagpapaliwanag niya

"Bakit hindi niya sinabe?" Umiiyak na tanong ko

"Ayaw niyang magalala kayo. Kahit sakin ay hindi niya sinabe pero habang nasa shop kami noon ay bigla siyang inatake ayun yung panahong nasa America ka para irepresent ang ospital na ito" sabi niya pa

Magsasalita sana ako kasi biglang nagsalita yung isa pang doctor

"Doc,Sir, and Ma'am nailipat no po namin si Sir sa isang private room. Doc pamonitor na lang po baka po kasi biglang umatake" tumango lamang ako

"Tita let's go na po" sabi ko kay Tita at inalalayan namin siya ni Brent papunta sa kwarto ni Marcus.

Pagpasok namin ay nanduon siya at nakahiga maraming aparato ang nakasaksak sa kaniya.

Agad na lumapit si Tita kay Marcus at hinawakan ito sa kamay habang hinahaplos ang mukha nito.

"Tita we need to have a heart trans plant as soon as possible. We can't risk him" mahinang sabi ko sapat para marinig nila

"Yes Ayesha please. Save my son. " sabi niya habang nakatingin pa rin kay Marcus

"Brent please make sure na dito ididiretso ang puso. Bukas na bukas. We still need to perform few tests on the heart. We need to assure na safe at walang problema ang puso. Para kinabukasan o pagtapos ng mga tests at nakuha na ang result we will perform an immediate trans plant" he nodded at kinuha ang cellular phone niya.

"Tita ipapaayos ko po muna ang mga kakailanganin namin para sa magiging operasyon niya." Sabi ko. Tumango lamang siya at iniwan ko na sila duon.

Lumabas ako ng room ni Marcus at agad na nilapitan si Louisa

"Louisa bukas may darating na puso it's for Marcus. Make sure to run some few test. Give me an immediate report at ipahanda mo ang kakailanganin para sa heart trans plant" sabi ko

"Yes Doc" she said at agad na tumakbo. Naglakad ako papunta sa office ko

Pagpasok ko ay nakita ko ang dala dala niyang teddy bear.

Umupo ako sa tabi non at niyakap yon.

Hindi ko na napigilan at tumulo nanaman ang luha ko. Paano kung hindi maging successful ang operasyon ko sa kaniya? Hindi ko kakayanin kung mawawala siya sakin. Hindi ko kaya. Mahal ba mahal ko siya. Pero hindi, kailangan maging successful ang operasyon niya. Agad aking tumayo at pumasok sa bathroom ko dito. Agad akong naghilamos at tinignan ang repleksyon ko sa salamin. Nilugay ko ang buhok ko at sinuklay iyon. Nang matapos ay itinali ko ulit yon kagaya ng tali ko kanina. I sighed bago lumabas ng bath room at ng office ko.

"Louisa hand me my schedule please" nakangiti kong sabi

"Ay eto po Doc" sabi niya at iniabot ang planner niya

"Tatlo lamang ang pasyente ko?" I asked

"Opo. Yung iba po naka pending kung tatanggapin niyo po ba o hindi" sabi niya

"Reject it please." Sabi ko

"pero bawal po iyon doc" she said

"I mean hand them to the other doctors. Yung case ni Mr. Chua kausapin mo ang pamilya sabihin mo ay ililipat iyan kay Agoncillo. Tapos itong kay Ms Angeles kausapin mo din ang pamilya at kamo ay ilipat ito kay Demeza. Ako na ang kakausao doon sa dalawang doctor. Tapos itong kay Mendez under observation na lamang ito diba?" Tuloy tuloy na sabi ki

"Opo. Pero madidischarge na po siya bukas" tumango tango ako

"Pagka discharge niya wag ka nang tatanggap ng pasyente sa akin" sabi ko at agad na tumalikod.

Habang naglalakad ako ay idinial ko ang number ni Agoncillo

"Hello Doc" panimula ko

[Yes Doc bakit po?] He asked

"Hingi sana ako ng pabor kung ayos lang" diretsong sabi ko

[A ganun po ba? Ano po ba yon?] Sabi niya

"May isang pasyente kasi akong hindi ko mahahandle ililipat ko sana sayo kung ayos lang?" Mahinhin kong sabi

[Anong case po ba niyan?] He asked

"Under observation na lang ito. Kakatapos lang ng surgery niya. Two weeks observation na lang siya tapos ay kung maganda ang lagayay pwedeng idischarge" pagpapaliwanag ko

[Sige po Doc. Under observation na lang naman po pala iyan] sabi niya.

Nagpasalamat ako sa kaniya at ibinaba na iyon sunod kong tinawagan si Demeza para humingi din ng pabor. Tinanggap niya rin naman iyon.

Pagpasok ko ng room ni Marcus ay si Brent na lamang ang nandoon

"Asan si Tita?" I asked

"Umuwi muna siya. Aayusin niya yung sa mga gamit ni Marcus at sa proposal plan na ipepresent niya sana ngayon" napatango tango ako at umupo sa silya sa gilid ng kama niya. Hinawakan ko ang kamay niya

"Kung gusto mo Brent umuwi ka muna. Ako na ang magbabantay sa kaniya" sabi ko

"Okay lang ba? May meeting pa kasi akong pupuntahan" alanganing sabi niya

"Go, I can handle this" Then I smiled weakly

"Don't smile ang pangit e" napanguso ako sa kaniya

"Sama mo" sabi ko at tinawanan niya lang ako

"Osya babalika ako mamayang alasyete. Alam kong mamimiss ako ng bestfriend ko" pagbibiro pa niya

"Sige lang. Ingat sila sayo" pagbibiro ko pa.

Nang makalabas siya ay kami na lang ni Marcus ang naiwan dito sa room. Hawak ko ang kamay niya habang pinagmamasdan siya.

"Baby fight for us please" I said and kiss his hand. Hindi ko maiwasan hindi umiyak kapag pinagmamasdan ko ang mukha niya. Kaya pala stress na stress ang itsura niya. Dahil pala duon yon.

I kiss his lips and for all I know I fel asleep.