webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · General
Not enough ratings
557 Chs

Chapter 6

"WE'LL call you for the final interview."

"Thank you, Sir!" pasasalamat ni Jemaikha at kinamayan ang interviewer niya. Isa sa mga nakuha niya sa paghahanap ng trabaho sa Internet ay ang isang international online translation company.

Mga multi-national company at mayayamang indibidwal ang kliyente ng mga ito na nangangailangang magpa-translate mula sa simpleng sentences hanggang sa mga komplikadong dokumento sa iba't ibang lengguwahe. Sa palagay niya ay malaki ang bentahe niya na makukuha dahil na rin sa credentials niya. Maganda kasi ang recommendation na ibinigay sa kanya ng inalisang kompanya.

"Sana nga makuha ako. Ayokong mabakante nang matagal."

Ilang sandali na lang ang kayang I-sustain ng eardrums niya bago tuluyang sumabog. Maya't maya kasi siyang tinatalakan ng Tiya Vilma niya tungkol sa kawalan niya ng trabaho. Na dapat daw ay nagpakasal na lang siya kay Hiro.

"Magpapakasal lang ako kay Hiro kapag mayamang-mayaman na ako. Ako pa mismo ang magpo-propose sa kanya," taas-noo niyang sabi pagbukas ng elevator.

Napalunok siya nang si Hiro mismo ang bumungad sa kanya sa elevator. "Hi!"

"H-Hi!" alanganin niyang bati at bahagyang yumuko nang samahan ito sa elevator. Medyo marami ring tao ang sakay kaya naman wala siyang magagawa kundi tumayo mismo sa harapan nito.

Salamin ang harap ng pinto ng elevator kaya kitang-kita niya ang nasa likuran niya. May mga babae nang nagbubungisngisan sa likuran niya. Pinag-uusapan ng mga ito si Hiro. Hindi makakalimutan ang mukha nito sa sikat na commercial ng Stallion Shampoo and Conditioner. Naiilang tuloy siyang kausapin ito.

Sikat na sikat ang kumag kong ex-boyfriend. Kung yumaman man ako, anong guarantee na tatanggapin niya ang proposal ko? Mas marami nang babae ang naghahabol sa kanya. Mawalan man siya ng girlfriend, maraming nakapila.

Napakalapit ni Hiro sa kanya. He was standing at her back, their bodies almost touching. Naalala niya noong college sila. He loved to stand at her back and embrace her. Saka nito ibabaon ang mukha sa buhok niya. Pakiramdam niya ay diyosa siya ng kagandahan dahil doon.

Nang nang magsalubong ang tingin nila ni Hiro ay nakangiti ito sa kanya. "Nasisikipan ka?" tanong nito at inunat ang kamay sa pinto ng elevator.

Di siya naitutulak ng ibang mga tao na nasa likuran at nagigitgit. Di niya mapigilang ngumiti. He was always like that. Kapag tingin nito ay nagigitgit siya, lagi siyang binabakuran. Nginitian niya ito sa salamin ng elevator at ibinuka ang bibig. "A-ri-ga-tou," pasasalamat niya kahit na walang tunog.

Inilapit nito ang bibig sa tainga niya. "Dou itashimashite," walang anuman daw bulong nito.

It was a habit they couldn't break. Kapag gusto nilang sila lang ang magka-intindihan, nagsasalita sila ng Japanese. It was also like a game. Para daw lalo siyang matuto ng Nihonggo na paboritong lengguwahe na pinag-aralan niya.

Nang makarating sila sa ground floor ay inalalayan agad siya nito sa braso nang palabas na sila ng elevator. "Iyon ba ang girlfriend niya?" tanong ng isa sa dalawang babaeng nagbubungisngisan kanina.

"Malamang. Maganda ang buhok, eh!" anang isa pa. Nakasunod ang mga ito sa likuran nila ni Hiro kaya dinig na dinig niya.

"Pero hindi naman sila magkasama kanina, ah!"

"Pero sweet na sweet silang dalawa. Nakakainggit iyong girl."

Ang haba ng hair mo, Jemaikha! Kagandahan ka kasi. Walang kapintasan, isip-isip niya habang nakikinig sa usapan ng dalawa.

"I didn't expect to see you here," wika ni Hiro.

"Ikaw ba, anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

"I visited a friend. Remember Haku? His dad owns a construction company." Tumango siya nang maalala ang kaibigan nito. "Ikaw, anong ginagawa mo dito?"

"Interview," simpleng sagot lang niya.

"I see. Kung wala kang appointment for lunch, sama ka na lang sa akin."

Tumango ito at hinawakan ang kamay niya. Hindi na siya nagdalawang-isip na sumama. Makakapalag pa ba siya kung hawak na nito ang kamay niya? And once Hiro held her hand, she knew that he wouldn't let it go.

He parked his car in front of a seafood restaurant. "I will order for you," sabi nito. "Let's see if I can still remember the things you love."

"Sige nga," hamon niya dito.

"Seafood Piccata, Seafood paella, avocado juice…"

Nakatitig lang siya habang iniisa-isa ni Hiro ang lahat ng pagkain na gusto niya. "You got them right. Malakas talaga ang memory mo."

"So what is your interview all about?" bigla ay tanong nito.

"Uhmm… It's with an online translation company."

"Ipi-feature ba ninyo sila sa newspaper ninyo?"

Nakagat niya ang labi. "We folded up last month. Yesterday was my last day."

"What? What happened?"

"Nagkaroon ng problema ang ibang company ng boss namin sa Japan. So they have to close down the newspaper. Kapag ayos na daw ang problema saka babalik ang operation nila. So here I am. Looking for a new job," kwento niya.

He looked agitated. "Bakit hindi mo sinabi sa akin. Natulungan sana kita."

"I know you can help me. Pero kaya ko naman ito."

"Lagi kang ganyan. Lahat kinakaya mong mag-isa. Kapag kasama kita, pakiramdam ko wala akong silbi."

"Hiro, I don't want to be dependent to anybody."

"Yes. Even from a friend. When we broke up, you said that we are still friends. Na magtutulungan tayo kapag kinakailangan. But it's bullshit, right?"