webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · General
Not enough ratings
557 Chs

Chapter 3

"Nag-usap ba kayo ni Eiji sa garden?" tanong ni Monica kay Keira habang nag-aagahan sila. Ilang sandali na lang ay bibiyahe na rin sila ni Felipe pabalik sa rancho. Di niya inakalang tatanungin pa siya nito tungkol sa binata.

"Oo. Bigla na lang kasi siyang lumapit sa akin," aniya at ipinagpatuloy ang pagkain. "Gusto lang siguro niya ng kausap habang nagpapahangin."

She remembered Eiji's remark about being bored about the party. Monica won't like it. Especially if she had her eyes set on Eiji Romero.

"Ano naman ang pinagkwentuhan ninyo?"

"Stallion Riding Club," sagot niya. "Member daw siya noon. Nang malaman niyang interesado ako sa kabayo, tinanong niya ako kung gusto kong pumunta sa riding club."

"Isasama ka daw niya doon? Wag ka ngang ambisyosa," asik ni Monica at nakangising uminom ng orange juice. "Hindi ka basta-basta makakapasok doon. And I don't believe that Eiji would offer to take you there. He is one of the most prestigious members of the club. Hindi ang katulad mo lang ang yayayain niya sa riding club."

Nakagat niya ang labi. Sana ay di na lang siya kumibo tungkol sa pagyayaya sa kanya ni Eiji sa riding club. Tinawag pa siya ngayong ambisyosa. "Hindi naman ako interesado. Nabanggit ko lang sa iyo dahil pinag-usapan namin ni Eiji."

"Nagtatalo na naman ba kayong dalawa?" tanong ni Felipe na nagbabasa ng diyaryo. "Monica, paalis na lang itong pinsan mo pero inaaway mo pa."

"Nagtatanong lang ako, Pa." Bumaling ulit si Monica sa kanya. "Tell me, may nabanggit ba si Eiji tungkol sa akin?"

"Dumating ka na kaya naputol ang usapan namin. Siguro sa tagal ninyong magkasama kagabi, marami na siyang nasabi sa iyo."

Bahagyang lumungkot si Monica. "Mas matagal pa niyang kausap si Papa kaysa sa akin. Puro kabayo lang ang pinag-usapan nila. How come that everyone is more interested in horses than in me?"

Tinapik ni Felipe ang kamay nito. "That's not true, hija. I love you."

Monica beamed a little. "Pa, how about you? What do you think of Eiji?"

"He looks like a fine man to me. Marami na siyang accomplishments kahit bata pa lang siya. Any woman would be lucky to have him," anang si Felipe at humigop ng kape. Nakita niya ang paghanga nito kay Eiji.

"He is my dream man, Pa. You'll see. One of these days, yayayain din niya akong pumunta sa Stallion Riding Club," kinikilig na sabi ni Monica.

Nagtaka siya. Bakit niyaya na siya ni Eiji at si Monica ay hindi pa?

Habang bumibiyahe pauwi ay tahimik lang siya. Ang tanging nasa isip lang niya ay ang mukha ni Eiji Romero. She would never meet someone like him again. Babalik na siya sa mundo ng mga lalaking parang lalaki rin ang tingin sa kanya. At malamang ay wala na rin siyang maririnig na tatawag sa kanyang maganda. Mami-miss niya ang salitang iyon.

"Bakit ka nangingiti, Keira?" untag sa kanya ni Felipe.

"Wala po. Naisip ko lang po na makakabalik na ako sa rancho, tiyak na makakahinga na ako nang maluwag," palusot niya.

"Iba kasi ang ngiti mo. Mukhang hindi ang rancho o ang mga kabayo ang iniisip mo. Sino ba iyan? Iyon bang bisita ni Monica na si Eiji Romero?"

"Uncle, kapag narinig kayo ni Monica magagalit iyon."

"Wala dito si Monica. Tayo lang dalawa ang makakarinig. Hindi rin niya malalaman ang pag-uusapan natin. Si Eiji ba?"

Ipinikit niya ang mga mata. "Bakit ko isipin ang Eiji na iyon? Saglit lang po kaming nag-usap."

"Saglit nga lang pero niyaya ka na niya doon sa riding club. Hindi kaya may gusto siya sa iyo?"

Tumawa siya nang pagak. "Imposible pong magustuhan niya ako. Mas bagay po sila ni Monica. Saka hindi na kami magkikita ulit."

Naisip niya ang pangako ni Eiji na dadalawin siya nito. Hindi ito mag-aaksaya na pumunta ng rancho para sa kanya. Isa lang parte ng magandang pangarap si Eiji Romero.

"OKAY, Patience! Walk up slowly," malumanay na utos ni Keira sa kabayong tine-train habang inaakay ito sa steps. The filly took baby steps. Pero maya maya pa ay nakababa na ito sa maliit na burol na ginawa nila para maging bahagi ng training ground. She clicked her tongue, a sign that Patience did the right thing.

Sa sumunod na pag-ulit nila sa obstacle ay wala na silang naging problema. She gave the horse some carrots as a treat when they left the paddocks. Tapos na ang training nila ni Patience at ibang kabayo na gagamit ng paddocks.

"Hanga talaga kami sa iyo, Keira," wika ni Tibor. Isa ito sa mga tauhan nila sa rancho. Tinulungan siya nito sa pagbabalik kay Patience sa kuwadra. "Noong unang dating ni Patience dito, nangangagat at tinatakbuhan kami. Sa iyo lang umamo."

"Lahat nga kami gumulong sa inis diyan," sabi naman ni Taboy.

"Yes. Matigas ang ulo niya. Kailangan maging pasensiyosa pagdating sa mga kabayo. Iba iba rin ang ugali nila. Pero oras na makita nila kung sino ang boss, sumusunod sila," paliwanag niya.

Tinapik siya sa balikat ni Taboy. "Kaya nga ikaw ang bosing namin dito."

Mataas ang paggalang sa kanya ng mga tauhan. Noong una ay inakala ng mga ito na hindi siya makakatagal sa pagiging horse trainer. Pero nang napapasunod na niya ang mga kabayong di mapasunod ng mga ito, nakuha na niya ang tiwala at respeto ng mga ito. Isang bagay nga lang ang binalewala ng mga ito. Hindi babae ang tingin ng mga ito sa kanila. She was one of the tough boys.

She could punch and kick better than any mean guy. Kapag nga may away ang mga ito ay hinahayaan siya ng Uncle niya na umawat sa mga ito dahil boses pa lang niya ay nanginginig na ang mga ito. Mahigpit ang patakaran nila sa rancho tungkol sa mga away. Mahigpit siyang magpatupad ng mga patakarang iyon.

"Bosing, wala ka bang nakilalang lalaki sa party ni Ma'am Monica?" tanong ni Tibor. "Di ba marami siyang kilalang guwapong lalaki doon?"

"Wala, eh! Wala akong hilig na magsasama sa party kaya lumabas na lang ako." Di na lang niya binanggit ang tungkol kay Eiji. Kundi siya kakantiyawan ng mga ito, baka sabihan pa siyang ambisyosa.

"Paano ka magkaka-boyfriend niyan, Bosing?" tanong ni Taboy.

"Kung tayo nga takot kay Bosing Keira, lalo siguro ang mga lalaki sa Maynila. Saka maraming magaganda doon. Iyong kasing-sexy ni Ma'am Monica. Tiyak na iyon ang pagkakaguluhan ng mga lalaki," anang si Tigor.

"Eh kung si Bosing Keira kaya ang mag-bestida?" tanong ni Taboy sabay tumawa kasabay ni Tigor. "Baka gunaw na ang mundo noon."

Gusto na niyang pag-umpugin ang dalawa. Kung mag-usap kasi ang mga ito ay parang wala siya doon. Nasanay na siya. Ganoon ang mga lalaki doon. Minsan ay gusto siyang pikunin. Pero kapag napikon siya, talo siya.

Sinitsitan niya ang mga ito. "Kung kayo kaya ang pagsuutin ko ng bestida." Inabot niya ang chart. "May mga kabayong naka-schedule na dalhin sa horse pool. Asikasuhin ninyo."

Sa kanya nga nakatingin ang mga ito subalit di pinapansin ang sinasabi niya. O mas tamang sabihin na sa bandang likuran niya nakatingin ang mga ito.

"Yes, Sir? Ano pong kailangan nila?" tanong ni Taboy.

"Hinahanap ko si Keira."