Puno ng pag-aalala nitong hinawakan ang ulo niya. "Anata ga kizutsuite imasu? You hurt? Clinic? Doctor?"
Putol-putol ang intindi niya sa sinasabi nito dahil nakakatitig siya dito. Ang ganda ng mata. Kahit na titigan ko siya maghapon okay lang sa akin. Malambing pa ang boses kapag nagja-Japanese. Sarap pakinggan.
"Kisama!" usal nito.
Bigla siyang natauhan. "Hoy! Alam ko iyon. Mura iyon. Minumura mo ako?"
Halatang nagulat ang lalaki. "Iie. No."
"Kung nabangga kita, pwede naman akong mag-sorry. Wala lang maruhan. Diyan ka na." At saka lumangoy siya palayo dito. Sa inis niya dito ay di na niya ito kinausap ng Japanese kahit na marunong siya. Bahala ito kung di nito naintindihan. "Huwag siyang aasta-astang akala mo kung sino. Nasa Pilipinas siya. Ako ang batas dito," usal niya at umahon ng pool.
"Umahon ka agad?" tanong ni Diday na abala sa pakikipagkwentuhan sa isa pang yaya sa tabi ng pool.
"Oo. Wala na ako sa mood lumangoy. Sige."
Nagbanlaw na siya at di maiwasang uminit ang ulo kay Yamashita Treasure."Hmp! Guwapo na sana. Okay na. Nag-sorry na. Nangumusta pa kung nasaktan ako. Clinic daw saka doktor. Nagtatanong siguro kung gusto kong magpagamot." Kaso di siya nakasagot agad at nakatitig dito kaya siguro siya nito minura. "Sira ulo pa rin siya. Guwapo nga pero mumurahin naman ako. Gusto ko 'yung mamahalin ako siyempre. Aanhin ko naman ang guwapo? Kailangan ko ngayon kumita. Kiber ko sa kanya."
Wala naman siyang mapapala kung magpapa-cute siya sa lalaking iyon. Mabuti nga natauhan siya. Di siya ordinaryong teenager na may oras sa crush at boyfriend. May mga responsibilidad siya. Di lang sarili niya ang iintindihin niya kundi ang kapatid na si Robin. Nasa high school pa lang ito.
Ngayong tapos na ang raket niya sa pamilya ng mga Al Hamada, kailangan na niyang makahanap ng iba pang itu-tutor. Hindi niya kakayanin na mag-call center ngayon dahil ayaw din niyang maapektuhan ang pag-aaral niya. Mas malaking problema kapag nawala ang scholarship niya.
Paglabas ni Jemaikha sa shower room ay nasa waiting area si Yamashita Treasure at nakasuot ng white toweling robe. Napansin niya ang matipunong dibdib nito na makinis. Pababa sa flat abs nito na sumisilip sa V ng robe.
Iirapan sana niya ito at lalampasan pero nilapitan siya nito. "Miss..."
"What?" singhal niya sa lalaki.
"Ano... Goumen nasai. Sorry. I...." Parang humahanap pa ito ng tamang salita na sasabihin sa kanya.
But he got her at sorry. Mukha naman itong sinsero. Handa na siyang sabihin dito na pwede itong magsalita ng wikang Nihonggo dahil nakakaintindi naman siya. Baka naman expression lang nito ang kisama at di naman siya minumura.
Magsasalita pa lang si Jemaikha nang isang babae na nakasuot ng Aztec-printed two-piece bikini ang babae ang lumapit kay Yamashita Treasure at kumapit sa braso nito. Halos wala na itong itago dahil parang masikip ang bikini dito lalo na sa chest area. Blonde ang mahaba nitong buhok at namumutiktik ang make up kahit magsu-swimming.
^"Hiro-kun, nani ga anata ni sō nagaku o totte imasu ka? Soredewa, oyogu shite mimashou. (Hiro, what took you so long? Come, let's swim.)" Bakit daw natagalan ang lalaki at niyayaya itong mag-swimming na. Hinatak nito ang kamay ng lalaki na Hiro ang pangalan. At least, di na niya ito tatawaging Yamashita Treasure.
Di naman nagpahatak si Hiro. ^"Matte yo, Shobe-san. Watashitachiha hanashite imasu." Sandali lang daw sabi ng lalaki dahil kausap pa siya nito.
Matalim siyang tiningnan ng babae. "Di naman yata importante ang pinag-uusapan ninyo. Huwag mo nang abalahin ang boyfriend ko pwede?"
"Siya lumapit sa akin, Miss. Bakit sa akin ka nagagalit? Sa iyo na ang boyfriend mo." Binalingan niya si Hiro at bahagyang yumukod. "Shitshurei shimasu." Ibig sabihin ay parang kabastusan man pero magpapaalam na siya dahil di niya nagugustuhan ang takbo ng usapan.
"Miss, chotto matte kudasai!" Nagpapahintay sa kanya si Hiro.
Dali-dali siyang naglakad palayo at di na nilingon pa ang lalaki. Malamang ay di papayag ng girlfriend nito na makakalapit sa kanya. Okay na siya. Move on na siya. Ibuhol na lang ito ng girlfriend nitong maldita sa baywang nito. Hindi siya interested kay Yamashita Treasure.
What do you think of Hiro and Jemaikha's first meeting?
Give some love if may kilig feels.