webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · General
Not enough ratings
557 Chs

Chapter 25

"Talaga?" Bigla niyang naisip ang banta ni Reid sa kanya. Na ikukulong daw siya nito sa isang malayong lugar. They would make love until she bears his son. Ipinilig niya ang ulo. "Wala pa iyan sa isip ko."

"Kailan mo pa iisipin iyan, Doktora?" tanong ni Celestine. "Sayang ang genes. Sa dami ng guwapong umaaligid sa iyo, mamakyaw ka!"

Nagtaas ng kamay si Illyze. "Ako boto kay Kuya Reid!"

"I second the motion," sabi ni Jemaikha.

"What seems to be the commotion here?" tanong ni Reid na ikinagulat nilang lahat. Ugali na kasi nito na sumulpot na lang bigla at basta na lang mawawala.

"May meeting kaming mga girls, Kuya," sagot  ni Jenna Rose. "Para sa aming mga girls lang. Di ka pwedeng sumali."

"Kuya, tingnan mo ang picture ni Doc Tamara," sabi ni Illyze at ipinakita ang pictures nila ni Rhozell sa cellphone.

Tinitigan ni Reid ang picture. "Nanganak na pala ang kaibigan mo."

"Yes." She couldn't take her eyes off him. Bahagya kasing lumambot ang anyo nito. "Isn't she cute?"

"Bagay din pala sa iyo ang magkalong ng bata. Hindi iyong puro kabayo lang lagi ang kasama mo," sabi ni Reid at ibinalik ang cellphone sa kanya.

"Ikaw, Sir Reid? Bagay din kaya sa iyo na magkalong ng bata?" tanong ni Quincy. "When will you produce the Alleje heir?"

"I don't know."

Sa ilang sandali ay makahulugan ang tinging ibinigay nito sa kanya. Naiisip din ba nito ang tungkol sa pangako nito sa kanya? Mabilis niyang iniwas ang tingin. Kung magkakaanak ito, di siya ang pipiliin nitong ina ng bata. Malamang ay nasa malayo na siyang lugar noon at sinasagip ang mga hayop.

"Uuuyyy! Di nalalayo sa sagot ng isa diyan," tukso ni Miles.

"Sige, ituloy lang ninyo ang girl bonding ninyo," wika ni Reid at umalis.

Hinabol niya ito. "Sir Reid, wait!"

"What do you want? Nagmamadali ako."

"Pinapasabi lang ni Marlon kung pwede kayong maging ninong ni Rhozell."

"Bakit naman niya ako kukuning ninong? Di ba galit sa akin ang asawa niya?"

"He wants to thank you for helping him out. Kung di mo siya tinawagan, di sila magkakabalikan na mag-asawa. Buo ang pamilya nila."

"Titingnan ko," wika nito at naglakad palayo.

Bakit naging malamig na naman ito? A while ago, she thought that he also liked babies. O baka imahinasyon lang niya ang lahat.

TULOY-TULOY sa corner couch ng Rider's Verandah si Tamara. Sa halip ay um-order ay isinandal niya ang ulo sa sandalan at pumikit. It somehow gave her a little comfort. Isang linggo na siyang wala halos tulog at pahinga. It was the foaling season. Kabi-kabila ang mare na nanganganak. Gusto niyang personal na I-supervise. After all, they were the riding club member's precious possession.

Naramdaman niya na may tumatapik sa kamay niya. "Tamara, wake up."

Umungol siya at dahan-dahang idinilat ang mata. Nagulat siya nang makitang nakaupo sa katapat na couch si Reid. "O!" Pagtingin niya sa table ay puno na iyon ng pagkain. "Paano nagkaroon ng pagkain dito?" Ang tanda niya ay di pa siya umo-order. "Teka, naka-reserve ba sa iyo itong table?"

"No. Nakatulog ka. So I took the liberty of ordering dinner for us."

Natigagal siya. "Talaga? Um-order ka para sa akin?"

"Inaantok ka pa yata. This dinner is my treat. Hands on ka sa supervision sa foaling. Hindi ka na natutulog. And after this season, take a vacation. Ako rin ang bahalang sumagot kahit saan mo gusto."

Nakatitig lang siya dito habang hinihiwa nito ang mushroom steak na para sa kanya. Nananaginip nga yata siya. Hindi lang siya basta inilibre ni Reid at inasikaso habang dinner. Gusto pa nito na magkabasyon siya. "Hindi ka natatakot na tumakas ako at hindi na bumalik dito?"

"Saan ka naman pupunta na di kita masusundan?" Ibinalik nito ang plato ng mushroom steak sa harap niya. "Gusto mo subuan din kita?" tanong nito nang mapansin na di pa rin siya sumusubo.

"Sobrang bait mo yata sa akin ngayon."

Ibinaba nito ang tingin sa plato nito. "Huwag kung anu-ano ang napapansin mo. Kumain ka na lang."

Pareho silang tahimik ni Reid sa pagkain. Tulad niya ay pagod din ito sa dami ng activities sa riding club. Pero manaka-naka siya nitong inaasikaso at tinatanong ang gusto o kailangan niya. Di rin niya ito maintindihan minsan. May araw na di siya nito halos pinapansin. Titingnan lang siya nang matalim. Ngayon naman ay alagang-alaga siya nito. She appreciated it anyway. He made her feel important.

Nasa gitna sila ng pagkain nang tumawag sa kanya ang isa sa assistant niya. "Ma'am, we have an orphaned foal here. The mother rejected it."

May pagkakataon na nagiging ulila ang isang batang kabayo di lang dahil pagkamatay ng ina. Maaring di makapag-produce ng gatas ang ina o kaya naman ay ni-reject ito. May psychological impact sa mga hayop kasama na ang tao ang hirap ng panganganak. At iyon ang inaagapan niya.

"Get a stock from the colostrum bank. Parating na ako."

Colostrum was the first secretion from the mammary glands, which was rich in antibodies. Kailangan iyon ng mga bagong panganak na mammal tulad ng tao at kabayo. Sa mga pagkakataon na di iyon maibibigay ng ina, kailangan nila ng colostrum replacement na ibibigay sa foal.

"What happened?" tanong ni Reid nang uminom na siya ng tubig.

"Kailangan ako sa foaling area. One of the newborns is rejected by its mother. Pupunta ako doon," aniya at tumayo.

"Bakit pa? Nandoon naman ang mga assistant mo. They know what to do."

"Pero kailangang ako mismo ang nandoon kapag may ganoong problema. Pabayaan mo na silang magtrabaho. Just eat your dinner."

Umiling siya. "I am sorry. Thanks for the dinner anyway."

"Tamara, come back here! Finish your dinner first!" sigaw ni Reid.

Subalit di na niya inintindi pa ang pagtawag nito. Paglabas niya ay may kalakasan ang ulan. Isinuot niya ang hood ng parka niya at tumakbo papunta sa foaling area. That foal needed her. Kailangan nito ng kalinga at pagmamahal. Siya ang magiging ina nito.

NAALIMPUNGATAN si Tamara nang may humaplos sa buhok niya. "Hanggang dito ba naman sa foaling area natutulog ka," mahina ngunit galit na wika ni Reid.

Kinusot niya ang mata. "Sorry, Reid." Sa bangkita sa tapat ng foaling stall na siya nakatulog. "Anong ginagawa mo dito?"

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" ganting tanong nito.

"Binabantayan ko si Cookie." At itinuro niya ang bagong panganak na kabayo na natutulog sa stall.

"Cookie?" tanong ni Reid. "I don't think PJ will like that name."

"Wala siyang magagawa. Si Celestine ang nagpangalan sa kanya."

Hinaplos ulit nito ang buhok niya. He didn't look so mad at the moment. "You don't really have to stay here."

"I have to feed Cookie every two hours."

Gamit nila ang feeding bottle na sadyang ginawa para sa mga batang kabayo.

"Pwede namang turuan mo na siyang uminom sa bucket," suhestiyon nito.

"Cookie is still a baby."

"Daig mo pa ang may alagang bata. Why don't you just go home? May tauhan naman tayo na magtuturo sa kanyang uminom sa bucket. We also have a nursing  mare which could accommodate orphaned foals."

"Bukas na lang, ha? Di ko pa maiiwan si Cookie ngayon." The foal still needs a mother. At nangako siyang magiging ina nito kahit na sandali.

Ginagap nito ang kamay niya at inalalayang tumayo. "Gusto mo ba na buhatin pa kita."

"Huwag. Nahihilo ako." Nanlalambot siya. But she knew that Reid's effect on her had nothing to do with it. Nilalamig din kasi siya.

Sinalat nito ang noo niya. "Tamara, mainit ka. May lagnat ka."

Please support me on Patreon and you can read some of my unprinted books, books that are already out of print and not on ebook, and to be released stories.

Be a patron here:

https://www.patreon.com/filipinonovelist

Sofia_PHRcreators' thoughts