Matalim ang tingin ni Jemaikha nang lingunin ang babae. It was Hiro's moment of glory. Ibang babae ang nagtsi-cheer sa boyfriend niya at nagpapahayag ng pagmamahal dito.
Yumukod ang binata sa direksyon nito at ngumiti. Parang gusto nang mag-walkout ni Jemaikha sa inis pero nanatili siya sa kinatatayuan. "Hiro!" tawag niya dito.
Nanlaki ang mata nito. Halatang nagulat na makita siya. "Jemaikha! Nakita mo ba ang tira ko?"
Tumango siya at niyakap ito. "Nice shot."
"Ano palang ginagawa mo dito? Akala ko nasa kina Cherie kayo."
Lumunok siya. "D-Dinaanan ko 'yung notes na hihiramin kay Mavy. Dumaan lang talaga ako tapos nandito ka pala. Sinong kasama?" inosente niyang tanong.
"Si…"
Nakarinig na sila ng komosyon sa spectator area bago pa ito makasagot. "Anong sinasabi mo na walang kwentang archery ang ginawa ni Hiro?" angil ni Shobe.
"Totoo naman. Bago pa siya matira ng kalaban, patay na siya. His form is bad."
"Wala kang alam sa Japanese kyudo kung ganoon. Alam mo ba kung gaano kabigat ang bow na gamit niya? Saka di naman makikipaggiyerahan si Hiro. Kyujutsu na kapag panggiyera na archery. Kyudo is an art which means "the way of the bow." Saka anong pangit ang form ni Hiro? Nasa 5th Dan na si Hiro. Alam mo 'yung fifth dan? Baka akala mo makatira lang ang pana 'yung kyudo na iyan."
"Hold this." Pinahawakan ni Hiro sa kanya ang yumi bow nito at saka tumakbo sa spectator area para saklolohan si Shobe na napapaaway na. "Shobe, that's enough! Hindi ka pwedeng gumawa ng gulo dito. Baka ma-ban tayo pareho."
"Bakit tayo ang iba-ban? Ikaw ang nilalait ng lalaking iyan. Ipinagtatanggol lang kita," depensa ni Shobe at dinuro pa ang lalaki.
Hinawakan ni Hiro ang braso nito at inakay palayo. "That's enough."
"Alam mo naman na basta ikaw ipagtatanggol ko lagi," sabi ni Shobe at yumakap sa baywang ng lalaki.
Humigpit ang pagkakahawak ni Jemaikha sa yumi bow ni Hiro. Sinasamantala ni Shobe ang pagkakataon na makadikit sa boyfriend niya. Akala siguro nito ay wala siya doon. Pero paano naman si Hiro na hinahayaan lang si Shobe na magdidikt dito kahit naroon siya?
Ano siya dito? Tagahawak ng bow nito? Alalay? Paano pala kung di siya dumating? Wala siyang kamalay-malay sa nangyayari. Sasabihin ba ni Hiro na magkasama ang mga ito? Ni di nga sinasagot ang text niya.
"Let's eat out. There's this new Japanese restaurant... Where is my bow?" tanong ng babae.
"Hello, Shobe. Nasa akin ang bow mo," sabi niya at inabot sa babae ang pana nito.
Tumaas ang kilay nito. "Nandito pala ang tutor mo. Alalay na rin ba natin siya ngayon?"
"That's not a nice joke. She's my girlfriend," giit ni Hiro at inalis ang pagkakayakap ni Shobe sa baywang nito. Mariin namang nagdikit ang labi ni Shobe. Akala nito ay maiinsulto siya nito.
"Dumaan lang ako. Di ko alam na nandito pala kayo. Uuwi na rin ako," sabi ni Jemaikha sa mababang boses. Hindi niya alam kung dapat siyang umalis at iwan si Hiro kay Shobe. Hindi kasi niya alam kung ano ang dapat niyang ikilos. Ayaw niyang maging possessive na girlfriend. Pero baka masabihan siyang praning ni Hiro sa huli at pagtalunan pa nila.
"I am sorry, Shobe. Let's eat out next time," sabi ni Hiro.
"Why not now?" nagtataka pang tanong ng babae.
"Ihahatid ko si Jemaikha."
"Hindi na," tanggi ng dalaga.
"Ihahatid kita," giit nito. "Okay lang ba, Shobe. Walang kasama si Jemaikha pauwi. Nandiyan na ba ang service mo?"
PIlit na ngumiti ang babae kahit na bakas ang pagkadismaya sa mukha nito. "Ipapatawag ko na lang. Siguro naman pwede mo akong ihatid sa kotse mo?"
"Of course." Nakasunod lang si Jemaikha sa mga ito at hinayaang mag-usap hanggang makarating sa harap ng archery range. "Sana may natutunan ka sa lesson."
"Of course. You are a great tutor. Ja nee, Hiro-chan!" sabi ng babae at nag-flying kiss pa sa binata bago sumakay ng kotse.
"Gusto mo ng halo-halo? Mainit ngayon," alok ni Hiro sa kanya nang naglalakad sila papunta sa jeepney stop.
"Bakit di ka sumama kay Shobe?" tanong ni Jemaikha.
"Nandito ka."
"At kung wala ako?"
"Uuwi rin ako matapos ang lesson niya. Look. Are you jealous?" nag-aalala nitong tanong.
"May dapat ba akong ipagselos?"
"Wala. Tumawag sa akin mother ni Shobe. Nakatanggap daw siya ng yumi bow para sa birthday niya. Nalaman niya na marunong ako na mag-archery. Japanese archery to be exact. I can't just say no. Iyon lang daw ang regalo ko kay Shobe dahil di ako pumunta sa birthday niya last week. Ikaw ang kasama ko noon. Bumabawi lang ako. Mabait ang pamilya sa akin. And besides, behave naman si Shobe. She is just naturally flirty," paliwanag ng binata.
"Hindi ako nagseselos. Pero ang alam ko lang kasi kanina pa ako nagte-text sa ito pero di ka nagre-reply. Tapos makikita kita dito sa archery range kasama siya. At kung makalingkis siya sa iyo, parang sawa."
"You are my girlfriend. Hindi siya," giit ng lalaki at hinawakan ang kamay niya.
"Pero bakit di ko alam na magaling ka sa Japanese archery? May 5th dan pa siyang nalalaman. Kanina parang tanga ako habang ipinagtatanggol ka niya sa nanlalait sa iyo. Ang dami niyang alam tungkol sa iyo pero akong girlfriend mo nakanganga. Ano pa ba ang sinesekreto mo sa akin?"
"It is not exactly a secret. Hindi lang natin napag-uusapan."
"Pero importante iyon sa iyo. Ni minsan di mo nabanggit sa akin ang Kyudo. O sa palagay mo masyadong sagrado para sa iyo o high class para maintindihan ko?"
Napamaang ang binata. "Kailan pa naging isyu kung may kaya ang pamilya ko sa Japan o di pareho ang estado natin sa buhay? Did I ever make you feel inferior?"
"Hindi ikaw ang problema, Hiro. Ako. Kapag tayong dalawa lang pakiramdam ko ikaw ang nag-a-adjust para sa akin. Kaya mong mamuhay nang simple. Pero kapag kasama mo na ang mga kaibigan mo, hindi ko alam kung paano makaka-relate sa mga usapan ninyo. Hindi ko alam kung paano makaka-relate sa mga napuntahan ninyo sa ibang bansa na sa internet ko lang nakikita at sa magazines. Tapos di ko magawang ma-appreciate ang galing mo sa Kyudo kasi di mo alam na marunong ka. Ni hindi kita maipagtatanggol sa mga lalait sa iyo. Ang sakit lang no'n." Yumuko siya at napahikbi. "Anong klaseng girlfriend ba ako? I want to be the girl you deserve, Hiro."
Hinawakan nito ang ibabaw ng ulo niya at isinandig sa dibdib nito. "You don't have to do anything, Jemaikha. You are the girl I deserve. Nagustuhan kita dahil sa pagiging simple mo. Pero di ko naman gusto na iparamdam sa iyo na may kulang sa iyo. I should have told you about my kyudo skills. I want to share it to you. Pero di ko naman na iyon nagagawa. Matagal na dahil nandito ako sa PIlipinas at busy na ako sa pag-aaral. Nang mag-request si Shobe na turuan ko siya, masaya lang ako na isalin sa kanya ang nalalaman ko."
"Pero alam niya 'yung ranking mo sa kyudo," aniya at pinahid ang luha ng likod ng palad.
Inilabas nito ang panyo sa bulsa at pinunasan ang mukha niya. "Nakanood daw siya ng documentary ng kyudo at nabanggit siguro ni Mama sa nanay niya. Kasama iyon sa napag-usapan nila nang ayusin ang pagre-rent ng unit nila. Para lang patunayan na disiplinado akong estudyante. Ayoko na sanang maging big deal ito sa atin."
"Big deal lang sa akin na may mga di pa ako alam tungkol sa iyo na alam ng ibang babae na alam kong may gusto sa iyo. Sabihin mo sa akin kung mali na maramdaman ko ito. Masakit lang kasi."
Kinintalan nito ng halik ang ibabaw ng noo niya. "I hope you are free next Sunday. I want you to know me better."