"EMREI, hindi mo naman ako kailangang samahan sa factory ni Ninong Fidel," sabi ni Marist. "Medyo mainit doon. Pwede namang mamaya na lang tayo magkita pagkagaling ko sa Laguna."
May usapan silang magde-date nang araw na iyon. Ang akala niya pupuntahan siya nito nang bandang gabi. Nagulat siya nang alas singko pa lang nang umaga ay sinundo na siya nito.
"Sabi ni Connie mamimili ka pa daw ng paninda mong bag matapos kang magpasa ng designs mo. Baka kailangan mo ng tagabitbit."
Naka-long sleeve polo at trousers pa rin ito. It was less formal than business suit but he carried it same elegance nonetheless. Kahit yata pagsuutin ito ng basahan ay parang prinsipe pa rin ang dating nito. He still had that same air around him. "Hindi bagay sa iyo ang maging tagabitbit. Saka kaya ko na iyon."
"From now on, hindi na ako papayag magbitbit ka nang mabigat."
Isinandal niya ang ulo sa headrest at itinuon ang mata sa daan. Nagsisimula nang kumalat ang liwanag habang nasa C-5 sila. "Bakit? Dahil galing na ako sa Stallion Riding Club at makakasama na ang designs ng bag ko sa fashion show ng sikat na designer? Wala namang naiba sa akin. Well, aside sa positive side na hindi ko na ikinakahon ang mga katulad mong mayayaman. Pero di ko pa rin iaalis sa akin na magtinda ng bag. Marami pa ring naghahanap ng bag sa kakilala ko. At gusto ko na ako mismo ang namimili dito sa pabrika. Gusto ko pa rin sumakay ng bus."
"Gusto mo pa ring makipagpatintero sa sasakyan," dagdag nito. "Hindi ko naman inaalis na gawin mo ang dati mong ginagawa. Siguro nga mas gusto mo pa rin na magpautang ng paninda mo kaysa makita ang mga gawa ko sa mall."
Tumawa siya. Iyon kasi ang sabi ni Jenna Rose. Oras na lumabas na ang gawa niya sa fashion show nito ay mailalagay na sa boutique nito ang gawa niya. Inaayos na ang kontrata ng ninong niya bilang manufacturer at ni Jenna bilang boutique owner ang concessionaire contract. Iniisip na nga rin ng ninong niya na magkaroon ng mga bag sa mas mababang presyo tulad ng dati niyang benta. Gusto kasi niya na mabili pa rin ng simpleng tao ang mga gawa niya. Subalit may mga design na eksklusibo lang para sa boutique ni Jenna Rose at iyon ang mahal.
"Basta. Kahit na magka-fashion show pa o mapunta sa mall ang gawa ko, gusto ko pa ring mamili dito at maningil ng pautang."
"Nag-aalala lang ako kung gagawin mo ulit iyon. Paano kung may kaskaserong driver na makahagip sa iyo."
"Ikaw lang naman ang kaskaserong driver na makakahagip sa akin, Emrei. Kung sinu-sino kasing babae ang humahalik sa iyo habang nagmamaneho ka," aniya at inirapan ito. Nainis siya nang maisip si Mimi.
"Uy, inirapan niya ako. Nagseselos ka, no?" tukso nito.
Nagulat siya. "Umirap ba ako?"
"Oo. Don't worry. Hindi na kung sinu-sinong babae lang ang hahalik sa akin habang nagmamaneho ako. Ikaw na lang."
Tinitigan niya ito. Natuwa siya sa ideya na iyon. Na parang eksklusibong siya lang ang pwedeng humalik dito. "Ayoko ngang halikan ka. Baka mamaya bumangga pa tayo. Mahal ko pa ang buhay ko."
Nagtaka siya nang bigla nitong itigil ang sasakyan sa tabi ng daan. "'Yan. Hindi na ako nagmamaneho. You can kiss me now," anito at pumikit.
She was amazed as she stared at him. Hindi siya ang klase ng babae na hahalik sa lalaki. Pero parang nakaka-tempt. Emrei has nice lips. As if it could promise heaven out of a kiss.
Huminga siya nang malalim. Kahit anong promise pa iyon, wala naman siyang alam sa paghalik. Saka kailangan niyang mag-concentrate sa araw na iyon dahil importante ang pag-uusapan nila ng Ninong Fidel niya. Baka mawala siya sa sarili.
Tinapik niya ang pisngi nito. "Mamaya ka na mag-joke. Marami pa akong gagawin. Saka nakakahiya kapag may nakakita atin."
"I don't really mind if you are the one who will kiss me. Hindi man ako mahilig sa public display of affection, gusto pa rin na may time na ipagmalaki sa lahat ang babaeng gusto ko. Keep that in mind." At nagmaneho ulit ito.
Pasulyap-sulyap siya dito habang nagmamaneho. He liked her. Parang gusto niyang tampalin ang sarili para tiyaking di lang siya nananaginip. She didn't know that it feels so good to feel wanted. Dati kasi ay wala siyang pakialam kahit na may lalaki pang dumating sa buhay niya. But with Emrei, everything mattered.
TAPOS na ang meeting nila ng Ninong Fidel niya. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa production ng bago niyang design para maisama sa fashion show ni Jenna Rose na gaganapin mismo sa Stallion Riding Club. Puro mayayaman at may sinasabi ang imbitado. Gawa kasi sa local materials ang theme ng fashion show kaya naman sinusubukan pa niyang mag-research ng local materials na isasama sa bag niya.
Nagtaka siya nang di makita si Emrei. "Nasaan na iyong kasama ko?"
"Nasa weaving department kasama si Nilo, Marist," turo sa kanya ng isa sa mga trabahador na pinagtanungan niya.
"Salamat," aniya at naglakad papunta sa weaving department. Iniwan niya si Emrei kay Nilo para di ito mainip. Sabi niya ay mag-field trip muna ito. "Hindi kaya na-bore ang lalaking iyon?"
Pagpasok sa weaving department ay si Nilo ang sumalubong sa kanya. "Marist, ayun ang kasama mo," anito at itinuro si Emre.
Nasa gilid ito at naglalala ng bag. "O, bakit nakigulo ka dito?"
"Huwag kang magulo. Hindi ako makapag-concentrate dito."
Hindi ordinaryong paglala ang ginagawa nito dahil iniikid pa nito ang hibla ng abaka kaya parang nagkaroon ng butas-butas. "That is nice. Pwede ko ba iyang I-incorporate sa design ko?" excited niyang tanong.
"Nakikigulo daw ako pero nagustuhan naman ang gawa ko."
"Nagtampo ka naman agad. Ililibre na lang kita ng lunch pagkatapos kong mamili ng bag na ibebenta ko."
"Anong kakainin natin?" excited nitong tanong.
"Nakatikim ka na ba ng buko pie?"
Gusto ko rin ng buko pie.
Don't forget to comment, vote, and rate this chapter.