webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · General
Not enough ratings
557 Chs

Chapter 16

"Reichen! Reichen! Ibalik mo sa amin si Reichen!"

Umagang-umaga ay nagkukulumpunan na sa harap ng gate ng Artemis Equestrian Center ang mga fans ni Reichen. Iyon ang unang araw ni Reichen para magturo ng dressage lesson sa riding school. Mukhang di lang ang mga estudyante nito ang naghanda para sa araw na iyon kundi maging mga miyembro ng kulto nito.

Nasa guard post siya at nagbigay ng instructions sa mga guwardiya. Inutusan na niyang sa back gate ng riding school padaanin ang mga estudyante.

"Ma'am, baka po pwede na makipag-cooperate po kayo sa amin. Nakakaabala po kayo sa business ng riding school," malumanay na pakiusap ng head ng security niya sa tumatayong head ng rally.

Namaywang si Wencie Valdez, ang dating contestant sa isang reality show na na-disqualify. Sikat ito dahil sa pagiging flirt nito at pagiging palengkera. Mahilig itong dumikit sa pangalan ng mga celebrities para sumikat. Pati pala kay Reichen ay gusto rin nitong madikit ang pangalan.

"Kami ang nakakaabala? Karapatan namin na mag-rally dito. Hindi kami aalis hangga't hindi ibinabalik sa amin si Reichen," sigaw nito. "Hino-hostage ng babaeng iyan si Reichen!"

"Wala po si Sir Reichen dito," paliwanag ng security head. "Kung gusto po ninyo, puntahan po ninyo siya sa Stallion Riding Club."

"Hindi! Nandito siya! Alam naming nandito siya. Reichen, we will rescue you!" sigaw muli ni Wencie. "We'll take you away from that witch."

"Ano daw? Witch ka daw?" anang si Miles. Di kasi magsisimula ang lesson hangga't wala pa si Reichen kaya naman nakiusyoso na rin ito at mga kagrupo nito sa guard post. "Mas mukha nga siyang witch, no? Goddess ka kaya."

"Goddess?" usal niya.

"Oo. Iyon ang sinasabi sa amin ni Reichen," wika ni Jemaikha. "Kaya huwag mong ibibigay si Reichen sa mga babaeng iyan. Sayang ang kaguwapuhan niya."

"Mabuti pang ako ang humarap sa kanila," sabi niya.

"Hindi ka nila pakikinggan," sabi ni Jaerrelin. "Paano, dumating na ang mga estudyante ko. May ite-train pa ako para sa Asian Grand Prix."

"Once this is over, I will visit you as well," wika niya. Unti unti na niyang nakikita ang bunga ng pagsisikap nila sa riding school. Isa isa na nilang naisasabak sa mga international competition ang mga estudyante niya.

Ang isyu lang kay Reichen ang nagpapasakit ng ulo niya. May maganda namang idinudulot sa image ng riding school ang pagiging dressage master nito. Di lang niya gusto na tangay-tangay nito ang mga fans nito pagpunta sa riding school.

"Nasaan na ba ang lalaking iyon?" tanong niya. "Siya dapat ang dressage master pero siya pa ang late."

"Baka naman nagpapa-guwapo siya," hula ni Quincy. "Banidoso ang mga lalaking iyon lalo na't alam nilang may mga babaeng makakakita sa kanila."

"Kahit naman hindi siya maligo dudumugin pa rin siya ng mga babaeng iyan. Siya lang naman ang makakapagpaalis sa mga fans niya. Kapag dumating talaga ang lalaking iyon, makakatikim siya ng sermon sa akin," banta niya.

Napapitlag siya nang may humalik sa pisngi niya. "Good morning!" Mabilis niyang nakuyom ang palad at awtomatikong sumuntok ang kamao niya sa sobrang gulat. Mabilis na nakaiwas si Reichen. "Umagang-umaga, mainit ang ulo mo."

Namaywang siya. "Saan ka galing? Dapat kanina ka pa nandito. Nauna pa ang mga estudyante mo sa iyo."

"Proceed to the dressage arena, ladies," malambing na utos ni Reichen. "Susunod na ako. Mag-uusap lang kami ni Goddess."

"Magaling ang ilag ninyo, Master Reichen. Pagbutihan pa ninyo," wika ni Miles at naghagikgikan ang mga kasama nito.

"Sorry kung na-late ako. Hindi naman ako pwedeng humarap sa iyo nang hindi naligo, hindi nagpabango, hindi…."

Naipadyak niya ang paa. "Wala naman akong pakialam kung nagpa-spa ka pa ng isang oras o kahit di ka pa naligo ng isang linggo. Basta paalisin mo ang mga fans mo diyan sa gate. Naabala ang klase ng mga estudyante natin."

"Nandiyan na naman sila?"

Dali-daling lumabas ng gate si Reichen. Naghiwayan agad ang mga fans nito. "Nandito na si Reichen! Babalik na siya sa atin!" tuwang-tuwang sabi ng mga babae.

Itinaas ni Reichen ang mga kamay. "Girls, nandito ba kayo para suportahan ako sa first day ko as dressage master ng riding school? Thank you!"

"Hindi!" sabay-sabay na sagot ng mga babae.

Yumakap si Wencie dito. "No. We will take you back from that witch. Wala siyang karapatan na I-detain ka dito sa amazon's lair."

Tumaas ang kilay niya habang nakasandig sa post ng mas maliit na gate. Sanay na siyang tawaging amazon's lair ang riding school niya. Pero di niya gusto ang pagyakap-yakap ni Wencie kay Reichen. Parang gusto niya itong patamaan ng riding boots sa mukha. Nakakainis! Nasisira ang araw niya.

Pilit na ngumiti si Reichen subalit tuluyan na itong di nakangiti nang makitang nakasimangot siya. Dali-dali nitong tinanggal ang pagkakayakap ni Wencie. "Sorry. Mali yata ang impression ninyo. Naging dressage master ako ng riding school dahil ako mismo ang nagkusa. Saskia didn't force me to come here."

"She is taking you away from us!" sigaw ng isa pang babae.

"That's not true. Nang maging dressage master ako ng riding school, mas madali para sa inyo na dalawin ako. Di tulad sa Stallion Riding Club na di ninyo ako basta-basta makikita. Hindi ba mas maganda iyon?" paliwanag ni Reichen. Sumang-ayon naman ang iba subalit ang iba ay nagprotesta.

"We won't forgive her!" mariing wika ni Wencie. "Sinaktan ka niya."

"Iyon ba?" Natatawang lumapit sa kanya si Reichen at inakbayan siya. "Ganoon lang kami magmahalan ni Saskia."

Nanlaki ang mata niya. "Anong nagmamahalan? Hindi kita kaano-ano. Saka huwag mo nga akong akbayan," aniya at pumiksi.

Lalo siya nitong kinabig palapit. "Huwag ka na lang kumontra."

Gusto niyang sakalin si Reichen. Masama na kasi ang tingin sa kanya ng mga fans nito lalo na si Wencie. Parang anumang oras ay susugurin na siya.

"Do you like her?" tanong ni Wencie.

"Susundan-sundan ko ba siya kung hindi?" ganting-tanong ni Reichen.

"Ah, si Reichen pala ang sumusunod sa kanya. Akala ko si Saskia," sabi ng isang babae. "Maganda na, magaling pa sa horse sports. Bagay sila ni Reichen."

"Oo nga. Kaya siguro na-in love siya," sabi ng isa pa.

"May fan's club na ba ang love team ninyo?" tanong ng isang babae.

Hello, guys! My story is not locked. Pero sana po ambunan nila ng gifts kahit paano kung napasaya naman po sila ng kwento.

Sa mga nagbibigay lagi lalo na si Ganda, maraming thank you!!!

Sofia_PHRcreators' thoughts