webnovel

Chapter 8 Part 2

Chapter 8 – Part Two

Axel Valerie De Guzman ~

Sumunod naman ay yung familiar nya.

" My name is Andre Montecillo, a Thunderbird – under Legendary Category din! "

Ito naman yung tipong direct to the point na kaagad, yung napakaikling magsalita pero nandoon na kaagad yung thought! Hindi ka na magtatanong pa.

" Napakaikli mo talagang magsalita no, buti na lang talaga at mabango yang hininga mo, hindi bumabaho! "

Singit ni Ana dito na sinagot nya lang ng isang ngiti, at ito pa pala, sya yung type sa outside world na pang boy next door ang datingan pero syempre mas gwapo pa rin yung familiar ko no! Hehehe.

" Shut up! Okay? "

Natahimik naman yung dalawa dahil sa sinabi ng isa pang babae na sa tingin ko ay yung susunod na magpapakilala sa akin.

" My name is Alaina McDevon, a dream manipulator under the Common Category in Manipulation! I can only control intangible things! "

Maikli nya ring paliwanag, pero bet ko rin sya, yung pa – mysterious type!

" Then, ako naman si Alfonse Marcus Guevarra! Her familiar, I am a Hydra, then, ganun din, my creature type is under Legendary! "

Tinandaan ko muna ang bawat isa sa kanila bago ako tumayo upang pumunta ng rest room, pero pinigilan ako ni Ax.

" Mamaya ka na mag – cr! "

" Naiihi na ako eh! "

Hindi ako nito pinansin sa halip ay nakigaya rin sa mga kasamahan nyang nakapikit na ngayon at palingon – lingon kung saan!

" Bahala kayo dyan, basta ako iihi na! Hindi ko na talaga kaya, so – "

" Earth Shield! "

Hindi ko na naituloy pa ang dapat kong sasabihin ng bigla na lang sumabog ang buong gusali kung saan naroon kami, buti na lang at nakagawa kaagad ng pangharang si Alex upang hindi kami masaktang lahat! Ngunit hindi pa doon natatapos ang lahat dahil may kung anong mga nilalang na gawa sa parang putik ang naglalakad patungo sa direksyon namin ng bigla na lang –

" Vacuum! "

Pag - atake ni Ana sa mga ito dahilan para higupin sila ng parang black hole sa likuran nila, ngunit may kung anong pwersa ang umatake sa amin dahilan para tumilapon kaming lahat! Shet, parang nabalian pa yata ako!?

Dahan – dahan akong tumayo mula sa pagkakatilapon upang tingnan kung maayos lang ba ang lagay nila ngunit ganoon na lang ang gulat ko ng makitang napapalibutan ako ng mga halimaw at wala na silang lahat sa tabi ko!

Masama ito ngunit agad rin itong napawi ng bigla na lang uminit ang buo kong katawan, para akong sinisilaban ng apoy! Hindi ko alam kung anong meron sa katawan ko at parang bigla na lang itong nagkaroon ng sariling buhay dahil kusang kumilos ang buo kong katawan at lumaban sa mga ito ngunit hindi sa paraang kayang gawin ng ibang tamer kundi sa pisikalang laban!

Para akong nakakulong sa kung saan dahil napapanood ko ang bawat kilos ng katawan ko!

" Leave us our way! Kami ng bahala dito, just watch and don't forget the style of fight that I will taught you in the right time! "

Bigla na lang akong nahintuan sa panonood sa mga nangyayari ng marinig ko ang boses na iyon, parang kasing edad ko lang din ang nagsalita! But still, kinilabutan pa rin ako dahil malalim ang boses nya kaysa sa akin at parang kilalang – kilala nya na talaga ako!

" Why don't you use the light ability Avin? You're using physical attacks kahit alam mong hindi tumatalab yan sa mga ganyang uri ng nilalang? "

Isa pang boses ang narinig ko, pero mas maliit ito kumpara sa nauna! Parang galing sa bata, ang liit!

" You know that I can't do that again! Pwedeng malaman ng lahat ang sikreto nya at ito pa ang ikapahamak nya, isa pa, he may lost consciousness about the happenings that might help him to adjust his self from us! "

Saad naman ng nauna ngunit mas madiin na ito kumpara sa una nyang tonong ginamit.

" Okay lang yun, atleast, we protect him! "

Sa sinabi nyang iyon, bigla na lang akong nakaramdam ng pagkahilo at doon na rin ako tuluyang nawalan ng malay!

Allyson Marissa Anderson ~

*Reality*

Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nauubos ang mga taong putik sa loob ng plaza, maging kami ay nahihirapan ng talunin ang mga ito, kung hindi sana nakatakas ang babaeng iyon! That bitch!

" Sa likod mo! "

Mabilis akong tumalon papaitaas dahil sa sigaw ni Alai sa harapan ko, ngunit ganoon na lang ang gulat ko ng makitang bigla na lang syang magsuka ng dugo!

0_0

Hindi!

" Alaina! "

Sigaw ko dahilan para mapunta sa amin ang atensyon ng iba ko pang mga kasamahan, mabilis akong bumaba upang maprotektahan sya ngunit naunahan ako ni Alfonse – familiar nya – na makarating sa kinaroronan nya!

" Alaina! Alaina! "

Pagtawag nya ng makababa ako, gumawa na rin ako ng isang napakalaking harang sa paligid naming tatlo upang hindi na makapasok pa ang ibang halimaw sa loob namin!

" Alaina! Gumising ka, f*ck! "

Hinawakan ko sa balikat si Al upang sabihing huminahon sya ngunit iba ang ipinakita nya sa aking ekspresyon! Nakakatakot, nakakapangilabot!

Hindi! He's out of control, mabilis akong lumayo sa kanya kaya't nasira ang ginawa kong pangharang sa mga kalaban ngunit hindi ito naging dahilan para makalapit sila sa kanilang dalawa, he is in rage now! Alam kong ilang sandali pa ay mabubuo na ang totoong kapangyarihan nila! But, being in that state may kill them! I need to help him!

Ana Villegas ~

Natigil ako sa ginagawa kong mga vacuums ng dahil sa isang pwersang minsan ko lang maramdaman! Hindi ito maaari.

Ganoon na lang ang gulat ko ng bigla na lang lumindol ng pagkalakas – lakas kasabay ng malakas na hangin galing sa likurang bahagi ko.

No!

" Yuko! "

Hindi pa ako nakakabawi ng bigla na lang akong pwersahang mapayuko dahil sa lakas ng familiar ko – Ace.

" Pag sinabi kong yumuko ka, yumuko ka! Hindi yung tutunganga ka pa! Paano na lang kung natamaan ka ng buntot ni Al! Edi ngayon, patay ka na – "

" Oo na! Ako na yung bobo! Pero, anong magagawa ko!? Nasasaktan ako sa nakikita ko! "

Hindi ko na napigilan pa ang umiyak, dahil sa sinapit ni Al! He is now in his Extreme Ability State, oo, alam naman naming lahat na kaya namin itong gawin! But the fact, na hindi sya ang kumukontrol sa sarili nya, yun ang delikado!

" Sshh, sorry! Wag kang mag – alala, kami ng bahala sa kanya, okay? Ang gawin mo, lumapit ka sa iba pang mga tamer malapit sa area ng plaza fountain! Nandoon na rin si Alex, she is now a healer dahil mas marami doon ang sugatan! May mga professor na din doon! Mali – "

" Aaahhhh! "

Isang malakas na sigaw ang pumutol sa dapat sana ay sasabihin ko, kasunod nito ang pagbabalik anyo ni Al at ang pagbagsak nya sa lupa!

Mabilis naman kaming nakalapit sa kanya ngunit agad din kaming napatigil sa pagtulong sa kanya dahil sa isang nakakasilaw na liwanag!

End of Chapter 8 – Part 2

“True friendship comes when the silence between two people is comfortable.”

– David Tyson

Vote the parts. Comment below. Follow me.

Facebook: Raf Saludes Casauran

Twitter: @Vindexia

Tumblr: @Vindexia

Vindexiacreators' thoughts