webnovel

SOON TO BE DELETED

Date started: March 2018 Date completed: September 1,2018 Language: Tagalog/English HIGHEST RANK ACHIEVED: #1 IN HELL (8/12/22) HIGHEST RANK ACHIEVED: #2 IN HELL (8/5/22) HIGHEST RANK ACHIEVED: #3 IN HELL (8/4/22) --- Trigger Warning: Brutal and violent scenes ahead. Not for the weak heart ---

3IE · Teen
Not enough ratings
53 Chs

♥ CHAPTER 50 ♥

(Final Chapter)

♔ Syden's POV ♔

Umalis na ako kaagad sa room na 'yon. Baka magbago pa ang isip ni Clyde at ano pang gawin nila sa'kin. Habang naglalakad ako sa hallway, napansin kong mas lalong gumrabe ang kalagayan ng eskwela. Kahit saang banda ka tumingin, may pinapahirapan at may nagpapahirap. Tinotorture ang mga mahihina, wala silang magawa kundi umiyak na lang. Lumala ang kalagayan ng bawat estudyante, may dugo kahit saan. Sa ganitong panahon, pwedeng may manorture sa'yo kada oras. Gusto ko man silang tulungan pero may mas mahalagang bagay pa akong dapat na pagtuunan ng pansin.

Kailangan kong makausap sila Raven dahil may binabalak na masama and Phantoms Sinners laban sa kanila.

Nagmadali akong pumunta sa lugar kung saan sila nagiistay. Although ayaw kong makita yung leader nila, mas mahalaga sa'kin yung kaligtasan ni Raven. Pagkarating ko doon, nakita ko si Dave, nakasandal sa tabi ng pintuan habang nagyoyosi. Nang makita niya ako, nginitian ko siya.

Ito yung isang bagay na hindi ko maintindihan.

Itinapon niya yung yosi niya at inapakan 'yon, pagkatapos tinignan niya ako ng masama. Napaatras ako dahil sa ginawa niyang 'yon.

Yun ang unang beses na natakot ako sa kanya, sa mga tingin niya.

Palangiti siya pero hindi niya ako nginitian. Sa halip, tinignan niya ako ng masama at pumasok siya sa loob.

Galit ba siya? Dahil ba sa nagawa ko kanina dahil sa galit ko sa leader nila?

Kahit natakot ako sa tingin niya, nagmadali pa rin akong pumasok sa loob. Pagkapasok ko doon, nakita ko si Dave na nakasandal sa may tapat ng bintana. Nakita ko si Dustin kaya nilapitan ko siya.

Napahawak ako sa braso niya dahil hindi ako mapakali na baka may mangyaring masama sa kanila,  "Pwede ba tayong mag-usap? May importante lang akon-" hindi pa man ako natatapos sa pagsasalita, inialis ni Dustin yung pagkakahawak ko sa braso niya at mukhang galit siya.

"Pwede ba. Kung tungkol lang d'yan ang sasabihin mo. Huwag munang ituloy" parang nagpipigil siya ng galit dahil halata naman sa tono ng pananalita niya.

Ano ba talagang problema nila?

"G-gusto ko lang naman kayong tulunga- " -S

"Huwag ka na lang magpanggap na gusto mong tumulong kung sa huli, ilalaglag mo rin kami" sambit ni Dave.

Napatingin ako sa kanya at nagtaka ako.

"A-ako? Nagpapanggap? Teka lang! Ano bang pinagsasabi niyo? Ano ibig mong sabihin na...ilalaglag ko kayo?" kanina pa ako hindi mapakali kakaisip kung anong problema nila.

Hindi sila nagsalita at nanatili lang silang tahimik, ni hindi nga nila ako tinitignan. Nakita kong kakapasok lang ni Carson at halatang galit din siya.

Siya pa talaga yung galit ngayon.

Nagdalawang-isip muna ako kung lalapitan ko ba siya o hindi. Pero kanino ko pa ba sasabihin yung gusto kong sabihin kung ayaw naman makinig nina Dave at Dustin. Wala rin naman si Raven dito. Nilapitan ko siya pero hindi niya ako pinansin at nilampasan niya ako.

"Ano ba talagang problema niyo?" sigaw ko.

Napahinto siya sa paglalakad at hinarapan ako, "Sigurado ka ba talagang hindi mo alam kung ano yung problema?" sabay ngisi ni Carson habang nakatingin sa'kin.

Hindi ko na talaga maintindihan kung anong sinasabi nila.

"A-ano bang problema?" tanong ko.

"Better get out of here. Baka kung ano pang magawa namin sa'yo" sabay tingin ng masama sa akin.

Ano ba talagang pinagsasabi nila? Naguguluhan na ako.

Kaya ba sila ganito ngayon dahil sa ginawa kong paglalayas?

Nabigla ako sa mga pinagsasasabi nila kaya medyo natulala ako kakaisip. Pero narinig kong bumukas ulit ang pintuan. Pagkatingin ko don, nakita ko  Raven. Kaya nagkaroon ako ng pag-asa para sabihin sa kanya na may binabalak na masama si Clyde.

Nilapitan ko agad si Raven kaya napatingin siya sa akin, "Raven, may kailangan akong sabihin sa inyo" pahayag ko sa kanya.

"Sy, habang maaga pa. Please, huwag munang ituloy yung binabalak mo kung ayaw mong mapahamak" sabi niya.

Napapikit ako ng ilang beses dahil sa sinabi niya. Ano bang sinasabi niyang binabalak? Hindi ko na talaga sila maintindihan. Gusto ko lang naman silang tulungan.

Hindi naman pwedeng ganito, kailangan kong malaman kung ano ba talagang problema.

"Ano bang problema? Ba't ganyan kayo?" sabi ko habang tinitignan sila isa-isa. Pero walang sumasagot sa tanong ko kaya nainis ako.

"Hindi ko naman maintindihan kung anong pinagsasabi niyo. Gusto ko lang naman kayong tulungan. Kung galit kayo sa'kin, sorry na" -S

"Tulungan?" sambit ni Dustin kaya napatingin ako sa kanya.

"Yung ginawa mo kasama sila, sasabihin mo gusto mo kaming tulungan?!" galit niyang sabi habang papalapit siya sa akin.

Napaatras ako ng konti ng makita ko yung nag-aalab niyang mukha papalapit sa akin.

"W-what do you mean?" mahinhin kong sabi.

Tinignan niya ako ng sobrang sama, "We trusted you. But we never expected na gagawin mo 'to samin" pahayag niya.

"P-pwede ba...wala akong maintidihan sa mga pinagsasasabi niyo-" -S

"Bakit ba kasama mo yung mga Phantom Sinners kanina?" biglang tanong ni Carson kaya napatingin ako sa kanya.

Yun ba yung problema nila sa akin?

"Yan ba? Yan ba yung problema kaya nagkakaganyan kayo?" tinignan ko sila isa-isa at nakakatakot yung mga tingin nila sa'kin.

"Ano bang nangyari bakit kasama mo sila?" tanong ni Raven.

So galit sila all this time dahil nakita nilang kasama ko ang Phantom Sinners.

"Dahil ba sa sobrang galit mo sa akin kaya pinili mong pumanig sa kanila?" tanong naman ni Carson.

Bigla akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya, "Hindi ako tulad ng inaakala mo. I would never do such thing na ikakapahamak niyo kahit galit ako...at hindi ako pumanig sa kanila, hindi yon kagaya ng iniisip niyo"

"You don't need to explain" napatingin naman ako kay Dave na nanatili lang na nakayuko.

"You may leave now baka kung ano pang magawa namin sa'yo" sambit ni Carson.

Nagbibiro ba sila. Pinapaalis na nila ako. No, this is not right. They should know. Mali ang inaakala nila. I should explain kung ano talagang nangyari kung bakit ko kasama ang Phantom Sinners kanina.

"Then, let me explain. Oo kasama ko sila pero di 'yon katulad ng iniisip niyo. They forc-"

"Sy, itigil muna 'to pwede ba?!" nabigla ako nang sigawan ako ni Raven. Kaya kahit gusto kong mag-explain, walang salita na lumabas sa bibig ko.

I thought siya yung unang iintindi at makikinig sa'kin. But I can't believe na sinigawan niya ako. Hindi niya pa ako sinigawan before. Pero ngayon, natakot ako sa kanya, sa sinabi niya.

"Habang maaga pa, please lang. Umalis ka na" sabay turo niya sa pintuan.

Parang nanghina ako at kulang na lang hindi na ako makatayo ng maayos dahil sa nakita at narinig ko. Hindi na siya yung kakambal ko.

Ang sakit isipin na siya pa mismo yung magpapaalis sa akin. Napaluha na lang ako habang nakatingin sa kanya, siya naman, cold na nakatingin sa akin, "No. I won't leave. Wala naman akong ginawang masama kaya hindi ako aalis hangga't hindi kayo makikinig!" sigaw ko.

"Hindi mo kailangan mag-explain okay? Dahil hindi naman kami makikinig. Kami ang nagpatira sa'yo dito, kaya kami rin ang magpapalayas sa'yo!" galit na sabi ni Dave.

Bakit ba hindi nila ako pakinggan?! Pinagbibintangan nila ako sa isang bagay na hindi ko binalak na gawin.

"Umalis ka na pwede?!"

Hindi pa rin ako gumalaw sa kinatatayuan ko dahil hindi ko pa rin lubos na maisip kung bakit nagkaganito sila ng dahil sa kasama ko yung kalaban nila. Ayaw naman nilang makinig sa explanation ko.

Lumapit sa akin si Carson at kinaladkad niya ako palabas. Tinignan ko si Raven umaasang pipigilan niya si Carson pero tinignan niya lang ako.

Ang sakit! Ang sakit isipin na nagbago na siya. Na naging ganon na siya.

"Let me explain!" sigaw ko pero di pa rin tumigil si Carson sa pagkaladkad sa'kin palabas.

Binuksan niya yung pinto at tinulak niya ko palabas, "Get lost" sambit niya.

Tinignan ko siya ng masama habang umiiyak ako, "Sige, aalis na ako. Pero ibalik mo sa'kin yung kapatid ko"

Ngumisi lang siya, "Can't you see? Hinayaan niyang mapalayas ka dito so it means galit na din siya sa'yo" sambit niya sarcastically.

Tinapatan ko siya and this time di ko na mapigilan yung galit ko, "Nilason mo ang isip niya kaya nagkaganyan siya. Ibalik niyo siya sa akin!"

Nginitian niya lang ako ng masama at isasara na niya sana ang pintuan pero pinigilan ko siya, "Hanggang ngayon ba ginagantihan mo pa rin ako dahil sa kasalanan ko sayo kaya pinapahirapan mo ako? Ano pa bang kailangan kong gawin para mapatawad muna ako? Huwag muna akong pahirapan!"

Tinapatan niya ako at tinignan ako ng masama, "Gusto mo ba talagang malaman kung pano kita mapapatawad?...Kapag patay ka na" pabagsak niyang isinara ang pinto habang ako naman, natulala.

Kapag patay na ako?! Seriously??

Bakit hindi niya na lang ako patayin ngayon para matapos na yung problema niya? Hindi ko alam kung bakit masyado akong nasasaktan ngayon. Dahil ba sa sinabi niya?

Masyado na akong nagtiwala sa Black Vipers, pero sa huli, sila din pala ang isa sa mga hindi ko na dapat pagkatiwalaan. Nanghina nanaman ako ng pumatak ang luha ko. Naalala ko yung inasal ni Raven kanina, hindi ako makapaniwala sa kanya.

Tumakbo na lang ako ng mabilis papalayo sa lugar na 'yon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta gusto kong mapag-isa sa mga oras na'to. Si Raven na lang yung kaisa-isang taong pinagkakatiwalaan ko ng sobra, pero sa huli, iiwan niya rin pala ako. Ang laki na ng pinagbago niya magmula ng sumali siya sa grupong 'yon. Hindi na siya yung kakambal ko.

Hinayaan niya lang na kaladkarin ako palabas ni Carson. Ang sakit lang! Hindi ako makapaniwala na ganon ang mangyayari. Ang sakit isipin na mismo yung kapatid mo, tinalikuran ka na.

Tumigil ako sa pagtakbo habang umiiyak pa rin, gusto kong sumigaw pero di ko magawa. Umupo muna ako sa tabi para makapagisip-isip sa mga bagay na nangyari at pilit na hindi ko maintindihan. Kahit ilang beses na pagpunas sa mukha ang gawin ko,tuluy-tuloy pa rin ako sa pag-iyak.

Bakit ba mas pinili ni Raven 'yon? Iniwan niya ako. Nagbago siya.

Yun lang yung pumasok sa isip ko noong mga oras na 'yon. Paulit-ulit na bumabalik yung mga nangyari.

Pero hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko yung dahilan kung bakit nagalit sila sa akin, dahil nakita nilang kasama ko yung Phantoms Sinners kaya ang buong akala nila, kasabwat ko sila.

Naalala kong nakikipagsabwatan si Clyde sa akin para mapabagsak ang Black Vipers. Pero hindi ako pumayag sa gusto niya, kaya siguradong pati ako gagawan nila ng masama.

Parang bigla na lang akong kinabahan dahil don, nawala sa akin yung pagkagalit kila Raven dahil naisip ko na may balak ang Phantom Sinners sa kanila, kaya dapat kong sabihin sa kanila yon. Alam kong hindi sila makikinig sa akin pero dapat kong masabi sa kanila na may binabalak si Clyde.

Biglang akong kinabahan kaya tumakbo ako ng sobrang bilis para mapuntahan sila. Naramdaman kong nanginig ang buong katawan ko at nanlamig habang tumatakbo ako kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko.

Ng makarating ako don, hindi ko alam kung anong gagawin ko, nanigas ako sa kinatatayuan habang tinitignan sila. Pinilit kong gumalaw para makapagtago sa gilid at sumilip ako sa bintana.

Nanghina lahat sila dahil kinuryente sila. Si Carson, Raven, Dave at Dustin. Itinali sila ng Phantoms Sinners at kinaladkad palabas. Sinundan ko kung saan sila dadalhin. Halatang nanghihina silang apat kaya imposibleng makakalaban sila.

Nanatili pa rin akong nakasunod sa kanila kahit alam kong delikado.

Dinala sila sa isang court na medyo madilim at imposibleng may makakita o makarinig. Tumitingin pa rin ako sa paligid dahil baka may makakita sa akin. Tinulak sila Raven ng malakas kaya napaluhod sila.

Biglang naman dumating si Clyde at halatang tuwang-tuwa sa nakikita niya.

"Finally. Mapapabagsak na rin namin kayo" sambit niya habang tinitignan lang siya ng masama ng mga Black Vipers.

"Hindi niyo man lang ba kami lalabanan?! Akala ko bang malakas kayo?" sarcastic niyang sabi.

Paano naman sila makakalaban eh nakatali? Nag-iisip ba si Clyde?!

Isa sa mga member niya, inabutan siya ng tubo kaya kinabahan lalo ako. Alam ko na kung anong gagawin niya. Pero nanatili pa ring matapang ang mukha ng Black Vipers na parang walang kinakatakutan. Itinaas ni Clyde ang hawak niyang tubo at ipinalo yon kay Dustin. Napapikit na lang ako dahil hindi ko kayang makitang pinapahirapan sila. Pinalo niya ng paulit-ulit si Dustin ng tubo hanggang sa maglabas ito ng dugo mula sa bibig niya.

Pinipigilan kong marinig nila ang pag-iyak ko habang nagiisip ako kung paano ko sila matutulungan at kung kanino pwedeng humingi ng tulong.

"Patayin muna ako Clyde!. But not my friends or else I will kill you!" banta ni Carson sa kanya.

Natawa lang si Clyde sa kanya, "You will kill me?! Are you kidding?! Wala ka ngang magawa dba?" sabay palo niya kay Dave.

Halatang gustong sumigaw ni Dave at Dustin sa sakit pero pinipigilan nila. Si Carson naman halatang galit na galit kay Clyde.

Pinagpapalo ni Clyde si Dave hanggang sa maglabas din ito ng dugo mula sa bibig niya.

Pagkatapos niya kay Dave, nanghina ako dahil hinarapan niya si Raven. But this time, gusto ko ng umalis para humingi ng tulong dahil kumuha si Clyde ng nag-iinit na bakal.

Bago pa man ako makaalis narinig ko na ang pigil na pagsigaw ni Raven dahil sa pagkakapaso sa kanya kaya natigilan ako at napatingin sa kanya, kahit gaano ko pigilan ang pagiyak, hindi ko mapigilan kahit takpan ko ang bibig ko. Ang sakit!

Ang sakit na makita siyang pinapahirapan

Dahil natulala ako sa kinatatayuan ko, mukhang narinig ako ng member ni Clyde kaya napatingin siya sa direksyon ko. Nanlaki ang mata ko at tumakbo ako ng mabilis. Siguradong hahabulin niya ako.

Kahit gano kabilis ang pagtakbo ko, alam ko naman na mahahabol pa rin ako. Pero tumakbo pa rin ako, umaasang makakatakas. Habang tumatakbo ako, biglang may humawak sa akin at kinuryente ako kaya nanghina ako. Iginapos niya ako at kinaladkad papunta sa lugar kung nasan sila Raven.

"Boss, may isa pa dito!" sabay tulak niya sa akin sa harap ni Clyde. Napatingin ako kila Raven at halatang nabigla sila.

Si Clyde naman mukhang lalong natuwa sa nakita niya, "Syden, it's nice to see you again" pang-asar niya, tinignan ko lang siya ng masama.

"Sy, anong ginagawa mo dito?" napatingin ako kay Raven at ngumiti ako.

At least I am happy na kasama ko siya.

"Sinundan kita" sabay ngiti sa kanya habang naluluha ako.

Di ko pa rin kasi maiwasan na matakot.

Halatang nagulat silang lahat kung bakit nandito ako aa lugar na ito.

"Kung pumayag ka lang sana sa gusto ko, wala ka ngayon dito" sambit ni Clyde.

"Kahit pa ibalik mo ang oras, hindi ako papayag sa gusto mo!" sagot ko.

Habang tinitignan ko si Clyde, may kinuha siyang alambre at ngumisi sa akin. Napalunok ako ng unti-unti siyang lumapit sa akin.

"Kill me now Clyde while you still can! Huwag kang mandamay ng iba!" sigaw ni Carson.

"Gawin mo kung anong gusto mong gawin sa amin, but not her. Let her go!" malamig na sabi ni Dave.

Iniharap ako ni Clyde sa kanila at nakita kong nag-aapoy na ang mata nilang apat.

"Panoorin niyong malagutan ng hininga ang babaeng 'to"

Pinalibutan ni Clyde ng alambre ang leeg ko at sinikipan ito gamit ang kamay niya. Hindi ako makapagsalita at makahinga dahil sa ginawa niya. Nakita kong galit na galit na silang apat apat habang nakatingin sa akin, nakita ko rin na nagsasalita sila pero wala akong marinig. Hinahabol ko na lang yung paghinga ko dahil sa ilang segundo malalagutan nako. Pero bumalik lahat sa date ng bitawan ni Clyde ang alambre. Napaupo ako at napaubo ng maraming beses dahil don. Ang sakit ng lalamunan ko at ramdam ko pa rin ang pagsikip ng dibdib ko.

"Let her go!" Sigaw naman ni Raven.

"End this Clyde. Let's end this" sambit ni Carson.

"You're not like that Carson. Hindi ka ganyan, I know lalaban at lalaban ka whatever happens. You can't deceive me" banta naman ni Clyde.

"I won't deceive you, let them go. Kill me now, I won't fight back ,just let them go" pakiusap niya.

Napatingin kami lahat sa kanya at nagulat kami dahil sa sinabi niya.

Binitawan ni Clyde ang alambre at kumuha ulit ng tubo. Pinagpapalo niya si Carson at kagaya ng sinabi ni Carson, hindi siya lumaban.. Pero hindi sila tumupad sa usapan. Pinagpapalo silang apat ng tubo at ako naman, sinabunutan ako ng isa  at iniangat ang ulo ko, "Tignan mo at panoorin mong bumagsak ang Black Vipers!" nakakatakot ang boses niya at wala na akong mgawa para mailigtas sila.

Hinang-hina na silang apat at naliligo na sila sa sarili nilang dugo. Kahit anong oras pwede ng sumuko ang katawan nila.

Kinaladkad ni Clyde si Carson at pinaluhod sa harapan ng members niya kung saan makikita ng lahat.

"Hail, Phantom Sinners! Tignan niyo kung paano bumagsak ang leader ng Black Vipers! " sigaw niya, natigilan ang lahat at napatingin sa direksyon nilang dalawa.

Nabigla naman sila Raven at gusto nilang tulungan si Carson pero hindi narin kaya ng katawan nila. Kumuha siya ng malapad na tubo at nakatalikod sa kanya si Carson habang nakaluhod ito.

Itinaas niya ang hawak niyang tubo at nagsalita siya, "It was a nice friendship, Dean!"

Biglang nagslow-mo ang lahat at bumalik sa akin ang sinabi ni Carson. Nasira ang grupo niya dahil sa akin, gusto kong bumawi sa kanya.

, "Gusto mo ba talagang malaman kung pano kita mapapatawad?...Kapag patay ka na"

Pagkapalo ni Clyde ng tubo kay , tumayo ako at itinulak si Carson kasabay ng pagpalo ni Clyde ng tubo sa ulo ko. Naramdaman ko ang sakit at hapdi na parang dumudugo ang utak ko. Napatingin silang apat sa akin at halatang gulat na gulat sila.

Tinignan ko si Carson habang naluluha ako pero sa huli, nginitian ko siya, "Forgive me ,please"

Hindi siya makapaniwala sa ginawa ko pero...

Masaya nakong makabawi sa kanya.

"Years ago, you experienced the bloody years of Chained School. Welcome dear students of PS, Prison School has just ended. Alam kong at this moment gulat na gulat na kayo. Prison School is out. It's the new version of Chained School. Welcome to Curse Academy, where existence of rules is out"

kasabay non, naramdaman kong may tumulo mula sa ulo ko at unti -unti na akong nanlamig at bumagsak.

The end...