webnovel

SOON TO BE DELETED 2

Date started: September 2,2018 Date finished: May 29,2019 --- Trigger Warning: Brutal and violent scenes ahead. Not for the weak heart ---

3IE · Teen
Not enough ratings
80 Chs

♥ CHAPTER 79 ♥

✿ Raven's POV ✿

Pagkagising pa lang namin sa umagang 'to, alam ko na na walang magbabago. Hindi pa rin naman kasi namin makalimutan lahat ng nangyari kagabi. All our efforts were useless. Pagkagising ko, dumiretso ako kaagad sa kusina para mag-almusal. Ang buong akala ko, ako lang ang kakain ngayong umaga pero nadatnan ko lahat ng kasama ko na tahimik na kumakain maliban kay Syden na siguradong tulog pa. Kumuha na ako ng aalmusalin at umupo kasama sila na patuloy pa rin sa pagkain. Sa ngayon habang kumakain kami, hindi kami nag-uusap at magmula ng pumasok si Dean kagabi sa kwarto niya. Nagsipasok na rin kami sa mga kwarto namin para magpahinga at magmula noon, hindi rin kami naguusap-usap hanggang ngayon. 

Habang tahimik kaming kumakain, biglang dumating si Syden kaya natigilan kaming lahat sa pagkain at napatingin sa kanya. Tinignan niya kami isa-isa pero hindi ko magawang makatingin sa kanya ng diretso. Sa mga oras na 'to, hindi ko muna siya kayang tignan at kausapin dahil sa nangyari. Hindi man magandang sabihin, pero nakakaramdam ako ng galit sa kanya. Naging tahimik muna ang paligid at tila tumigil ang oras dahil natigilan kaming lahat sa pagkain habang nakatayo siya sa harapan namin. Tumayo kaming lahat at isa-isa silang nag-alisan at kahit gusto ko siyang kausapin, pare-parehong mainit ang mga ulo namin kaya sa tingin ko hindi pa ito ang tamang oras para magusap-usap kami. We all need time para makapagmove-on sa nangyari. 

Patuloy akong naglakad para bumalik sa kwarto ko, pero bago ko pa man maisara ang pinto, nakita ko si Syden na mukhang nawalan ng gana para mag-almusal kaya lumabas siya ng Black House. Lalabas na sana ako para sundan siya pero tumapat si Dustin sa pintuan kaya natigilan ako at napatingin sa kanya, "I'm sorry" sambit nito na ipinagtaka ko.

"For what bro?" tanong ko sa kanya habang nakalagay ang mga kamay nito sa kanyang bulsa. 

"Nasaktan ko ang kapatid mo last night to stop her na kulitin si Dean. I was just afraid na baka hindi makapagpigil si Dean at anong magawa niya sa kapatid mo that's why I did such thing to her para tumigil na siya. But I swear...hindi ko ginustong gawin 'yon" sambit nito. Alam kong galit din siya kay Syden but my sister doesn't even know kung paano siya pahalagahan at protektahan ng grupo na iniisip pa rin ng mga members ang kapakanan niya. Of course it's not okay for me na nasaktan siya physically, lahat naman kami nasaktan emotionally but I understand that Dustin did it para lang hindi siya lalong masaktan kay Dean. 

"It's okay. I understand" sambit ko dito kaya tumango na lang ito  at ngumiti pagkatapos ay bumalik na rin sa kwarto niya. Sumilip ako sa may pintuan palabas ng Black House at naisipan kong sundan si Syden para naman mabantayan ko siya dahil baka kung anong mangyari sa kanya. Isinara ko ang pintuan ng kwarto ko at tuluyan ng lumabas ng Black House. 

Napansin kong tinitignan nito ang paligid habang naglalakad siya. At sa mga ganitong oras, alam kong nasasaktan siya kaya siguradong gusto niyang mapag-isa. Patuloy pa rin ako sa pagsunod sa kanya habang naninigurado ako na hindi niya ako makikita. Ngunit biglang may humila sa kanya sa pinakasulok kaya nagmadali ako para lapitan siya, natigilan na lang ulit ako at nagtago ng makilala ko ang lalaking kasama niya. 

"Blake?" bulong ko sa sarili ko habang masusing tinitignan kung si Blake nga ang lalaking 'yon. Pero hindi ako nagkakamali, siya nga. Bigla akong nakaramdam ng galit dahil muli kong nakita ang lalaking minsan ng nanakit sa kakambal ko. Hindi nito alam kung gaano nasaktan si Syden sa biglaang pag-iwas niya ng walang dahilan tapos ngayon, bigla siyang darating! Dati ko pa alam, na kahit wala na silang koneksyon sa isat-isa, may nararamdaman pa rin si Syden para sa lalaking 'yon. 

Habang nakatago ako dito, patuloy pa rin ako sa pagsilip sa kanilang dalawa at nakita ko ang itsura ni Syden na parang naiirita na siya habang kausap ang ex niya. Just in case na saktan ni Blake ang kakambal ko, hindi ako magdadalawang-isip na sugurin siya.

Bigla na lang hinila ng lalaking 'yon si Syden kaya sinundan ko pa rin sila. Nakita ko kung gaano naiinis ang kapatid ko sa lalaking 'yon kaya pinilit niyang tumigil sa paglalakad na dahilan para tumigil na din si Blake sa paglalakad. Hindi ko naririnig ang usapan nila pero alam kong nagtatalo sila kaya sa tingin ko, kailangan ko ng sugurin si Blake. Bago pa man ako makalapit sa kanila, nakita kong dahan-dahang binitawan ni Blake ang kamay ni Syden kaya muli akong natigilan at nagtago lalo na nung napansin ko na sumunod na rin sa kanya si Syden. 

Naglakad ulit sila hanggang sa pumasok sila sa loob ng building, masyadong maraming tao at siguradong pag-uusapan nila ako once na makita ako ng mga estudyante lalo na't kasama ako sa grupo. At baka malaman pa ni Syden na nakasunod ako sa kanya kaya binalak ko na lang na hintayin silang lumabas habang nakatago pa rin ako. 

...

Pagkatapos  ng ilang minutong paghihintay, nakita kong lumabas na sa building na 'yon ang kakambal ko kaya nagmadali akong bumalik sa Black House dahil baka makita niya pa ako. Pero bigla na lang akong napaisip tungkol kay Blake. I think it's better kung kakausapin ko ang kapatid ko tungkol sa ex niya. Ayaw ko ng masaktan ulit siya dahil sa lalaking 'yon. Ang I think....that guy was the reason kung bakit hindi siya nakapunta kagabi. Bigla ko na lang naalala ang sinabi sa amin ni Nash kagabi, the only guy that Syden wants to kiss is none other than her ex. So maybe, Blake was the guy na nakita ni Dean na kahalikan ni Syden kagabi. Napangisi na lang ako when a thought came into my mind. Marunong din pala sa timing ang lalaking 'yon. 

Sumandal ako sa pader habang hinihintay ko siya dahil base sa daan na tinatahak niya kanina, pabalik siya dito. Hindi rin naman natagalan ang paghihintay ko dahil dumating na siya kaya nagsalita na ako dahil alam ko naman na hindi niya ako mapapansin, "So nandito pala talaga siya?" napatingin ito sa akin kaya nginisian ko siya at alam kong nagulat siya sa biglaang pagsulpot ko. 

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin ng may pagtataka.

"Following you" maikling sagot ko at kitang-kita ko sa itsura nito na nag-uumpisa na siyang magalit.

"Kailangan ba talaga kahit saan ako pumunta dapat alam mo? Can't you give me some privacy?!" sagot nito sa akin kaya tumayo ako ng maayos at galit na tumingin sa kanya. I knew it, "Nagkakaganyan ka nanaman dahil sa kanya?" tanong ko dito. Lalo pa itong nagalit habang nakatingin sa akin at tinalikuran niya ako para bumalik sa Black House kaya sinundan ko siya. Pabagsak niyang binuksan ang pintuan kaya bigla ko siyang hinila at iniharap sa akin, "Huwag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita!" sigaw ko dito.

"Bakit?! Kailangan ba kahit saan ako pumunta dapat alam mo?!" she doesn't even know kung bakit ko siya sinusundan. Nakita nanaman niya ang lalaking 'yon kaya nagkakaganyan nanaman siya. Sinusundan ko siya dahil ayaw kong saktan nanaman siya ng lalaking 'yon. At kung sakaling may gawing masama sa kanya, maipagtatanggol ko siya!

"I'm just protecting you- " hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita kaya natigilan ako. 

"Protecting me from what?!"

"From him, akala ko kung sinong lalaki ang kasama mo kagabi, pero yung ex mo lang pala! It's Blake right?! Tell me, gusto mo pa ba siya?!" alam kong hindi niya sasagutin ang tanong ko pero kahit ganon, alam kong gusto niya pa rin ang lalaking 'yon. Napansin kong nagulat siya at natahimik dahil sa sinabi ko, "H-how did you know- " this time, siya naman ang hindi ko pinatapos sa pagsasalita, "I'm asking you kung gusto mo pa ba siya because Dean...saw you and him kissing at the club last night. The reason kung bakit hindi ka nakapunta!" pahayag ko na mas lalo niya pang ikinatahimik.

Natulala ito habang nakatingin sa akin hanggang sa dumating ang buong grupo at sigurado akong narinig nila ang pagsisigawan namin, "What is this all about?" tanong ni Dean na halos kakapasok lang nila kaya napatingin sa kanya si Syden at napansin kong pinipilit nitong magsalita habang nanginginig, "You...saw us...kissing. I-it's just an accident" pahayag nito habang nakatingin kay Dean.

"Accidentally, you kissed each other. Wow, I'm impressed" sagot naman ni Dean sa kanya. Nagkatinginan na lang ako at ang ibang members. At times like this, parehong mainit ang ulo nila, paniguradong magbabangayan silang dalawa. 

"So what are you saying now?! I did not want to kiss him. He kissed me first- "

"But you kissed him back. Tapos sasabihin mo, aksidente lang ang nangyari. I saw it! Nakita ko kung paano kayo maghalikan. Looks like you enjoyed it!" sagot ni Dean sa kanya. 

"Hindi ko ginusto 'yon! I couldn't leave them dahil bago pa lang sila dito- "

"Okay lang sa akin kung sinamahan mo sila kaya hindi ka nakapunta. Okay lang sa akin na ayaw mong pumunta. Pero alam mo kung anong hindi okay?! Yung hindi ka nakapunta just because you were busy flirting with him. And that's what hurts the most!" nabanggit rin naman ni Nash kagabi na bukod kay Blake, may kasama pa sila ni Syden.

"Then sorry, I know it's my fault!"

"Yesterday was supposed to be a special day for us both but you ruined it"

"Special day for the both of us?" sambit ni Syden bago ito tumigil at muling nagsalita ulit, "Bakit? Sinabi ko bang gawin mong espesyal ang gabing 'yon para sa akin? Para sa atin? Kung hindi man ako nakapunta then sorry" mula ng marinig ko 'yon, nakaramdam nanaman ako ng galit sa kanya at gustung-gusto ko ng takpan ang bibig niya. Wala siyang alam kung anong klasing preparation ang ginawa ng buong grupo lalo na si Dean para lang sa kanya. 

Napansin namin na unti-unting napayuko si Dean na halos hindi na namin makita kung anong itsura niya pagkatapos sabihin ni Syden 'yon. Alam naming nasaktan siya, nasasaktan siya at masasaktan pa siya lalo, "Fine, if that's what you want, so be it" sambit nito at dahan-dahang tumingala. Nakita namin kung paano sila magtitigan ni Syden na kulang na lang magpatayan na silang dalawa. Bigla na lang umalis si Syden at pumunta sa kwarto niya kaya umalis na rin si Dean para bumalik sa kwarto niya at naiwan kaming lahat na nagtitinginan. 

Magmula kagabi hanggang kaninang umaga, I couldn't talk to my sister kasi hiyang-hiya ako sa buong grupo lalo na kay Dean Carson. Ginawa nila ang lahat at sila ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, ligtas pa rin kami ni Syden pero minsanan niya lang sinaktan si Dean kaya pati ang buong grupo, nasaktan na rin dahil nasayang lahat ng pagod at effort nila tapos makikita lang nila siyang may kahalikan. Hiyang-hiya ako kay Dean at sa ibang members kaya hindi ko sila magawang kausapin. Gusto ko rin namang kausapin ng maayos ang kakambal ko, pero nagagalit ako sa kanya dahil sa mga ginawa niya at ginagawa niya ngayon. 

Pinuntahan ko siya sa kwarto niya at sakto namang binuksan nito ang pinto at lumabas siya. Hindi na lang ako makapaniwalang magbabalak siyang lumayas dahil sa bitbit nitong bag, "Lalayas ka? Bakit? Don't tell me sasama ka sa kanya?" tanong ko dito at hindi makapaniwala habang tinitignan ang bitbit niyang bag. 

"I have my choices! You can't just decide how I will spend my life!" sagot nito.

"Remember what he did to you. Niloloko ka lang niya! Hindi ka pa ba nagtanda?!" simula ng saktan siya ng lalaking 'yon, wala na akong tiwala sa ex niya. Minsan na siyang sinaktan, gugustuhin niya bang masaktan pa ulit?

"I know but he offered me freedom to live my life and he deserves second chance because he won't control my life like what you are doing now!" Wow! so she thinks I am controlling her when I am just doing what's best for her.

"So you believed him?! He deceived you once but I won't let it twice- "

"Shut up! Since you became a Viper, naging ganyan ka na. Nagbago ka!" at eto naman ang pinupunto niya ngayon. My sister needs a lesson. Masakit man sa akin but I need to do it hanggang sa magising siya sa katotohanan na lolokohin lang siya ng lalaking 'yon. Gusto niyang lumayas? Fine, pagbibigyan ko siya!

"I'm just protecting you! Kung ayaw mong protektahan ka namin, sige!" hinawakan ko ang kamay nito, kinaladkad ko siya at itinulak papalabas ng Black House. Total 'yon naman ang gusto niya, "Umalis ka na dito at huwag na huwag kang aasang tutulungan ka namin. Even if they kill you, I don't care! Gusto mong sumama sa kanya?! GO ON! I WON'T STOP YOU! Pero huwag na huwag kang magsisisi sa desisyon mo!" pagkatapos kong sabihin 'yon, pabagsak kong isinara ang pinto. Hindi ako masaya sa ginawa ko, pero 'yon lang ang paraan para magising siya sa katotohanan na sasaktan lang siya ulit ng lalaking 'yon. 

Tinalikuran ko na ang pintuan para bumalik sa kwarto ko pero nakita ko ang ibang members na nakatingin sa akin, "Sigurado ka bang hahayaan mo siyang umalis?" tanong ni Dave sa akin.

"It's the only way for her to realize na mali ang inaakala niyang tama. That guy will only hurt her" pagkatapos kong sabihin 'yon ay bumalik na ako sa kwarto ko. 

We all have different reasons kung bakit halos hindi na kami naguusap-usap. Okay lang kay Dean na ayaw pumunta ni Syden at may sinamahan siyang kaibigan sa club, pero nasaktan siya ng makita niyang may kahalikan na iba ang kakambal ko habang abala siya sa paghahanap dito dahil hindi nakapunta si Sy sa rooftop. Hindi namin siya masisisi kung bakit galit na galit siya kay Syden dahil sobra na ang pagmamahal niya rito. Hindi ko rin naman kinakausap ang mga members dahil nahihiya ako sa kanila at kay Dean dahil sa ginawa ni Syden. Ang mga members naman, tahimik lang din lalo na't nasaktan ang leader namin at dahil doon nasaktan din sila sa nanyari lalo na't kasama kaming lahat sa preparation. Pero sa kaso naming lahat, oo galit kaming lahat kay Syden at nasasaktan kami dahil sa nangyari sa leader namin. Pero nagsisisi kami dahil kung sinundo namin si Syden noong gabing 'yon, hindi sana napunta sa iba ang atensyon niya. 

Iba ang pinag-aawayan ng grupo at ni Syden. Pero iba rin ang pinag-aawayan namin ngayon. May kanya-kanya kaming mga rason kung bakit kami nagkakaganito.

But for now, hindi ko muna babantayan ang kakambal ko, marunong naman siyang dumepensa kahit papaano. We just need to show her na hindi namin siya sasamahan sa kahit na anong laban dahil mali ang desisyong pinili niya. 

To be continued...