webnovel

SOMEONE'S SPECIAL

'Family should love each other' pero paano kung isa sa pinakamamahal mo ang sisira sa salitang 'pamilya'. May darating at meron ding aalis. Ano kaya ang mangyayari sa buhay ni amira? Lalaban ba siya o hahayaan silang abusuhin siya?

Deeeeym7 · Teen
Not enough ratings
71 Chs

CHAPTER 2

AMIRA'S POV

Naglilinis ako ngayon sa sala dahil wala akong magawa.

"Ang tagal naman mag ala-una!" sabi ko habang pinapagpag ang mga unan sa sofa. Paniguradong ala-una pa yun darating kaya mamaya na ako gagalaw.

"Ano po miss? May pupuntahan po kayo ngayon? Ipapaalam lang po namin to kay madam elisa"

"HA?! Ano?!" mabilis akong lumapit kay yaya habang umiiling "Ano kasi hinihintay ko mag 1 para makapag lunch na ako"

"Pero miss amira alas dose po ang lunch time niyo. Nagugutom na po ba kayo? Gusto niyo po paghandaan namin kayo?" umiling ulit ako at pilit na tumawa.

"Hindi wag na talaga!" hindi naman nila ako pinakinggan at nagmamadali lang na pumunta sa kusina.

*Sigh* maglilinis na nga lang ako. Wala talaga akong magawa! Wala naman kasi akong trabaho kaya wala talaga akong magawa dito. Ayoko naman sa kompanya.

Wala pa rin akong gustong gawin sa buhay ko! Aaminin kong nakaasa lang ako sa kanila kaya sakit lang sa ulo ang binibigay ko

*Sigh* at least may contribution din.

"Wooow ang laki dito" napatingin ako sa babaeng may dalang malaking bag. Nakasuot ng mataas na palda at mukhang galing pa sa probinsya.

"Ang trabaho mo dito ay linisin ang mga nakakalat sa paligid, pagsilbihan ang mga amo at sundin sila. Wala kang tiyak na amo sa mga smith kaya kung sino man sa kanila ang magutos sayo gawin at sundin mo" sabi ni nanay habang nakatayo sa harap ko. Tinitignan ko lang sila dahil wala akong magawa. Bored life nga ako diba!?

"Ahh so kayo po diba yung head ng mga katulong dito? Susunod din po ba ako sayo?" palipat lipat lang ang tingin ko sa kanila.

Papá didn't picked a wrong head here. Mabait at maasikaso si nanay. Nagrequest pa nga ako noon na sa akin na lang siya kaso kay tita elisa na daw para alam niyo na age to age hehe.

"Hindi naman sa ganoon, bawat katulong dito may kanya kanyang gawain kaya wala tayong karapatan na magutos ng kapwa natin. Ang gawin lang natin ay sundin ang utos ng mga smith"

"Ahhh pwede po ako maglibot libot mamaya?"

"Siguraduhin mo lang hija na may kasama kang nagtatrabaho na dito dahil sagrado ang bawat lugar lalo na sa taas"

"Opo opo" lumingon yung babae sa akin kaya medyo nagulat pa ako nang lumapit siya at tinabi ang unan na hawak ko "Siya po? Pwede ko isama? Mukhang tapos naman po siya sa paglilinis---"

"Siya nga pala ang isa sa mga smith. Tawagin mo siyang miss amira. May dalawa pa siyang nakakatandang kapatid. Sina sir ethan at miss zaira. Si miss zaira ay bihira lang na tumira dito dahil sa palaging busy sa trabaho at minsan lang umuuwi ng pilipinas. Si sir ethan naman ay bihira lang din umuwi kahit nandito siya sa pilipinas dahil may tinutuluyan na siya. Huwag kang magalala ipapakita ko ang mga litrato nilang lahat para hindi ulit mangyari ang ganito" nagulat yung babae at agad na yumuko sa akin.

"Ay ma'am ay este miss amira pala. Pasensya na po bago lang ako kaya hindi ko kayo nakilala agad, naglilinis po kasi kayo kaya akala ko katulong rin" tinignan ko muna si nanay na nakatingin lang sa amin.

"Ayos lang" sabi ko at sinundan lang sila ng tingin nang hilahin na siya ni nanay palayo.

"Mahigpit kong pinagbabawal dito na maglinis ang mga may-ari!" nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni tita elisa habang bumababa sa hagdan.

"Tita wala po kasi akong magawa" hindi na siya nagsalita at pumunta lang sa may pinto. Maya maya pa may kasama na siyang dalawang babae papasok kaya tumabi ako.

"Wow your house is really quite big!"

"Elisa you really picked a high wealthy man!" nagtawanan lang sila kaya tatalikod na sana ako nang tawagin ako nung isa.

"Hey! Can you bring us a juice? Yung hindi masyadong malamig ha" hindi nagsalita si tita at palihim lang na sumenyas sa akin na umalis.

Pumunta na ako sa kusina at sinabihan ang mga yaya ko. Malapit ng magala-una kaya aalis na ako!

Patakbo akong pumunta sa kwarto kaya narinig ko pang sinita ako ni tita.

*Craaaack* gulat kong tinignan ang vase na hinulog ko.

"Ano yun?!"

"Sa kwarto yun ni miss amira!"

"Puntahan na natin!!" napangiti ako at sumilip sa bintana nang mawala na ang mga pinabantayan ni tita sa labas. Alam talaga niya saan ako pwedeng dadaan kaya halos lahat nilagyan niya ng bantay. So ito ang solution ko.

"Bestfriend dali na!" atat na sabi ni bea sa kabilang pader. Tumango na ako at mabilis na bumaba sa pader.

"Yes! We succeed!" masayang sabi ko at hinila siya palayo. Tumatawa lang kami kasi bagong tagumpay na naman! Nakatakas ako! "Dali na! Sobrang bored na ako sa loob!"

"Let's go!"

***

"Hmm how many ex boyfriend you had?" tinignan ko lang si bestfriend na binabasa yung papel na kinuha niya sa fishbowl.

Nandito kami sa 'Questioneat' para siyang maliit na shop tapos ang cucute ng mga design. Ang kakaiba dito halos napuno na ang lugar nang fishbowl habang may mga questions na nakalagay doon "Hmm sampu"

"Ay kapal! Sige nga sabihin mo! Name it!" tumikhim siya at maarteng tinapon ulit sa bowl ang maliit na papel.

"Hmp I can't remember na" sabi niya at maarte ding ininom ang fruit shake.

"HAHAHAHA ako na nga" ginulo ko na ang loob ng bowl at pinakiramdaman ang mga papel. Trip ko eh! "Hmmm did you already pooped WITHOUT a toilet bowl? Ay grabe! Anong klaseng question to!"

"HAHAHAHA ano amira? Saan ba yun? Noong camping natin?"

"Wala nuh! Kadiri ka!" kumain na lang ulit kami at hindi na nagbalak pang bumunot.

Sabagay malapit na nga naming maubos ang isang fishbowl.

"Miss amira. We are ordered by madam elisa to take you home immediately" mabilis kaming napatayo ni bestfriend nang hilahin nila kami.

Nagkatinginan na lang kami at hinayaan silang ipasok sa kotse.

"Hays nahuli pa" bulong ni bestfriend. Nagulat kami nang may pumagitna sa aming dalawa. Hays!

Nakarating na kami sa bahay kaya nagpaalam na agad si bea. Ang sama hindi man lang nila hinatid!

Hinila na naman ulit ako nang mga lalake at dinala kay tita na prenteng nakaupo sa sala.

"You really never learned a lesson! How many times do we have to tell you that you are not allowed to go out unless we told you or we are with you! Remember how cruel the business world is! Do you want to give your father a problem just because you keep on disobeying us?! Maaari kang mapahamak sa labas kaya hindi lang ang sarili mo ang mahihirapan pati din kami" yumuko lang ako sa sinabi ni tita.

I am aware.

"P-pero bakit sina a-ate at kuya n-nakakalabas nang m-malaya?"

"Look at yourself! Do you think you can handle yourself outside?! Paano kung may maisipan ka at mas makakapahamak lang sa ating lahat?! You have a problem! Kung ipapakita mo lang sa amin na maayos kang tao babago lahat to! Gayahin mo nga ang mga kapatid mo na hindi pinapahiya ang angkan natin!" tumango na lang ako.

Sina kuya at ate tinatawag siyang mom pero ako hindi. Hindi ko feel tsaka hinihigpitan akooo~

"Weird amira. Alam ko na yan. Ano pang kakaiba sa akin? Psh! Ginagawa ko lang naman ang kadalasang ginagawa ng mga normal na tao"

"What? Did you said something?"

"Wala po tita" nilampasan na niya ako at umakyat na sa taas.

Tinignan ko naman si nathalie na nakangising lumabas mula sa function room.

"HAHAHA you look so funny! Takas takas pa kasi akala mo naman prinsesa!" nagflip hair pa siya. Nagmake face lang ako at bumagsak sa sofa. Nakatayo lang sa tabi sina yaya.

Actually sa aming magkakapatid ako lang ang may yaya, specific na yaya talaga at apat pa, ewan ko ba kay papá nagaalala lang ata sa akin.

*criiiing* phone call na naman? Bagot kong sinagot iyon at umayos pa ng higa.

"Come at my office tomorrow! I don't want to wait! So hurry!"

"Yes ate" binaba ko na at tumingin sa taas.

I feel like I don't belong to this world. Charot! I am still blessed because I have kuya, papá and a family. That's enough for me to give them-- headaches hahahaha.