webnovel

SOMEONE'S SPECIAL

'Family should love each other' pero paano kung isa sa pinakamamahal mo ang sisira sa salitang 'pamilya'. May darating at meron ding aalis. Ano kaya ang mangyayari sa buhay ni amira? Lalaban ba siya o hahayaan silang abusuhin siya?

Deeeeym7 · Teen
Not enough ratings
71 Chs

CHAPTER 26

AMIRA'S POV

Naglalakad na ako ngayon pauwi habang hawak ang touch lamp na binili ko. Humiram pa ako ng pera kanina kay manong guard sa labas ng subdivision tsaka dumiretso agad sa mall para bilhan ng ganito si mr.linc.

Naghanap pa ako ng katulad ng snow ball niya kaso wala talaga kaya bumili ako ng touch lamp na rose ang disenyo, kaseng laki lang ito ng kamay ko kaya ang cute tignan.

Wala naman sana akong balak na magmall kaya lang hindi ko alam anong address ng bahay nina bea kaya binilhan ko na lang si mr.linc ng pamalit sa nahulog ko. Baka yun ang dahilan ba't pa siya nagalit.

*pup* napangiti ako nang umilaw ang lamp nang hawakan ko sa may stem, ang ganda talaga! Buti ako ang pinakamaagang pumunta ng mall at kakalabas lang ng product na to! Swerte!!

*beeeep*

"AHHHH!!" nagulat ako nang may dumaang motor bike sa tabi.

"Huwag kang gumalaw!!" hinawakan ko ng mabuti ang touch lamp habang ang isang kamay ay nakahawak sa siko kong natamaan nila.

"Sumama ka na lang sa amin miss!" umatras ako nang bumaba ang angkas ng motor at lumapit sa akin.

"S-sino kayo ah?!" tanong ko at tinignan sila ng mabuti. Pareho silang nakamask pero yung isa na nagmamaneho ay may helmet pa. Parang pamilyar ang katawan niya? Tinignan ko pa siya ng mabuti kaya humarap siya sa kabilang direksyon "Wala akong pera!! Sa iba na lang kayo!!"

"Sumama ka na kung ayaw mong masaktan! Wala ka na din namang magagawa pa!!!" tumakbo ako palayo pero nahawakan agad nung nakahelmet ang braso ko.

"AH bitawan mo ko!!" nagsimula na akong umiyak dahil sa takot.

"Hawakan mo siya ng mabuti!" sigaw nung nakamask lang.

"I don't have money! Let me go! I need to go home! Please! My step mom will get more mad if I will give them another problem!" hinampas ko yung humahawak sa akin pero parang hindi naman siya natitinag sa ginagawa ko. I DON'T WANT TO GO OUT AGAAAAIN!!

"Tumahimik ka!" may dumating na pulang sasakyan kaya hihingi sana ako ng tulong nang lumabas yung nagmaneho at binuksan pa ang likod, magkasabwat sila!!!

"Put her here" tumingala ako nang may humawak sa touch lamp. Umilaw yun dahil pareho kaming nakahawak sa stem nito. Kukunin niya sana kaya umiling ako at hinigpitan ang paghawak doon.

"Tulooong!!!" tinignan ko yung nakahelmet at pilit na inalis ang kamay niya sa akin. Hinawakan ko ang dibdib ko at ginaanan ang sarili.

"Ano--"

"Tulong. M-may sakit ako sa puso!! T-tulong!!" umiiyak lang ako at tuluyan ng umupo. Huminga ako ng malalim at umarte pa na sobrang nasasaktan kaya nabitawan niya ako sa braso.

"May sakit pala sa puso to!" sigaw nung nasa kotse kanina. Nilakasan ko pa ang pagiyak at hinanda ang sarili.

"Ipasok mo na!!" kinuha ko na ang pagkakataon na yun para tumayo at tumakbo palayo.

"HUUUYY!!!"

"Bakit mo binitawan?!" tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa makarating ako sa bahay. Agad naman nila akong pinagbuksan ng gate.

"Miss saan po kayo galing?!" gulat na tanong ng security guard. Hindi ako sumagot at umiiyak lang na tinungo ang tree house.

LINC'S POV

Nakatulala lang ako habang tinitignan siyang nawawala na sa paningin ko. She's sick? I should ask beatrice about this. Hindi pwedeng may mangyaring masama sa kanya dahil hindi pa namin nakuha ang kailangan namin.

"I need to go" sabi ko at aalis na sana nang hawakan ako ni jayson.

"Bakit mo binitawan?! Naisahan tayo linc! Ito na sana ang pagkakataon natin!" nakatingin lang ako sa kanya. Tinanggal ko ang helmet at inalis ang kamay niya.

"We can do it next time"

"Next time? Ewan ko na lang sa next time linc!"

"Mauudlot din ang plano natin kung aatakehin yun!!" sumakay na siya sa motor kaya nilagay ko sa loob ng kotse ang helmet.

"Jay he's right there's still next time. Linc alamin mo muna ang target natin baka mabulilyaso pa tayo sa susunod" tumango lang ako pagkatapos kong magpalit ng tshirt. I was a bit nervous when she stared at me. D-did she recognized me? Sinadya kong maghelmet para hindi niya mapansin.

Napahawak ako sa earbud na suot ko dahil umingay yun. Tumingin lang ulit ako sa kanilang dalawa at tumakbo papunta sa mansyon.

"Sir pumasok na po siya" bungad sa akin ng guard.

Lumabas ako kaninang umaga para abangan siya. Tinawagan ko na rin yung dalawa dahil akala ko ito na ang pagkakataon. Hindi maganda ang lagay niya, may sakit siya ngayon. She looked really hurt when I stared at her.

"Where is she?"

AMIRA'S POV

*sip* tahimik lang akong umiiyak habang yakap ang malaking teddy. H-hindi na ako lalabas! Now I understand tita! Unang beses kong makaranas ng ganito! Nakakatakot pala talaga! Akala ko sa palabas lang nangyayari to!

*sip* narinig kong may unti unting tumutulo sa bubong kaya sumilip muna ako sa bintana.

"U-umuulan? Bad timing~" umayos ako ng upo at humarap sa bintana.

"I--got her" napalingon ako nang marinig ang boses ni mr.linc. Umupo siya sa harap ko kaya nakaramdam na ako ng seguridad.

"Mr.linc!"

"Miss amira what happened?" tumingala ako at hinila ang damit niya para gawing pamunas sa mukha ko.

"M-may*hik*masamang l-loob kanina s-sa labas" lumapit pa siya ng konti kaya yumakap na ako at mas naiyak. Naalala ko na naman ang nangyari kanina "Natatakot ako mr.linc! Hindi na ako lalabas mag-isa!"

"What happened to you? Did something happened? Are you okay?" sunod sunod na tanong niya kaya tumango ako.

"Umarte ako kanina kaya nakatakas ako mr.linc, so okay lang ako" mahinang sabi ko dahil natakpan ng balikat niya ang bibig ko.

"You tricked--them?" tumango ulit ako kaya humawak na siya sa magkabilang braso ko at nilayo ng konti.

"Bakit?"

"Where did you go?" dahil dun ay naalala ko na yung touch lamp. Kinuha ko yun at tinapat sa kanya.

"I-I *hik* went to the m-mall and b-bought this f-for you. I was a-about to go home mr.linc BUT THAT JERK ALMOST DESTROY THIS LAMP!! This was the only one left in the store" yumuko ako pero inangat niya ulit ang baba ko.

"P-per me?(for me?)" kunot noong tanong niya.

"N-nasira ko yung s-sayo diba? K-kaya papalitan ko s-sana yung snowball" nakatingin lang siya sa akin habang humihinga ng malalim "N-nangyari na to noon kay k-kuya at hinihingi ang ransom niya pero h-hindi ko alam na ganito p-pala k-katakot"

"I told you not to go out but you still did it" tumango lang ako habang pinupunasan niya gamit ang hintuturo ang pisngi ko.

"Please don't tell others especially papá. I-I don't want h-him to get worry about me~ AND TITA ELISA!"

"If I will accept this--will you stop crying?"

*pup* napatingin ako sa touch lamp na hinawakan niya kaya umilaw yun. Tumango ako. Kinuha na niya at nilagay muna sa tabi tsaka hinila ang braso ko.

"Is it painful?" tanong niya at sinimulang masahein ang siko ko. Saktong doon yung masakit kanina! Tumango ako at tumingin doon.

"Paano mo n-nalaman*hik*?"

"Hinahawakan mo to nung dumating ako"

"D-did I?"

***

Pabalik na kami ni mr.linc sa bahay dahil ngayon lang tumila ang ulan. Dumaan kami sa likod ng kusina kaya nagulat ako nang may mga tagapagluto na.

"Miss amira" bati sa akin ng isa sa kanila. Tymango lang ako at pumasok.

"Miss amira" nagulat ako nang lumapit sila pagkalabas ko ng kusina. Yung iba may inaakyat na gamit sa itaas.

"Ano pong meron?" tanong ko tsaka may inabot yung isa sa akin na papel.

"Pagaling na po si sir alejandro miss kaya pinapabalik ang gamit nina madam" nakaginhawa ako nang marinig ang magandang balita ni yaya.

"Is he going home now??!"

"Hindi pa ata ngayon madidischarge si sir miss"

"Ahhh okay but what is this?" binigyang pansin ko ulit ang papel at binuksan yun.

"Kay sir ace po galing"

Let's have a date tomorrow at *** -ace

Mas lalo akong napangiti nang mabasa ang sulat, handwritten pa ata!!

ETHAN'S POV

Nakaupo lang ako dito habang hinihimas ang noo ko. I can't stop thinking about zaira, hindi ako makapaniwalang pinatulan niya yung kaibigan ni amir na si bea.

Kinausap siya kanina ni papá kaya nung dumating si zai ayon biglang sinugod ng makalabas.

*totot* pinindot ko ang numero ng personal bodyguard ni zai pero ngayon kay amir na nakabantay.

He can help us. Alam kong may namamagitan sa kanila. Alam kong alam niya ang ginagawa ni zaira.

"Hello?"

"Sir ethan what do you want again?" sumandal ako sa upuan at humarap sa bintana.

Mas pinagkakatiwalaan ko pa siya kesa sa kinuha ni tita para kay amir, that's why I asked him to watch amira.

"Tell me the truth what are you planning with?"

"What do you mean?"

"With my sister, anong inutos niya sayo ngayon?"

"A-amira?"

"With zaira"

"Ahh--she asked me to look for bea"

"So this is what she's planning? Mukhang alam ko na ang iniisip mo zai" bulong ko sa sarili.

"Again?"

"Don't stop watching my sister"

"Okay"