webnovel

SOMEONE'S SPECIAL

'Family should love each other' pero paano kung isa sa pinakamamahal mo ang sisira sa salitang 'pamilya'. May darating at meron ding aalis. Ano kaya ang mangyayari sa buhay ni amira? Lalaban ba siya o hahayaan silang abusuhin siya?

Deeeeym7 · Teen
Not enough ratings
71 Chs

CHAPTER 23

ZAIRA'S POV

"100% will be given to me soon, very soon" tumingin ako sa kanya at ngumisi habang nakataas ang isang kilay. Mainggit ka ngayon mother!

"Hm I guess you already planned for your future?" nakangiting tanong niya.

We are in another room so papá can't hear us, I bought this just for the two of us. Sorry ka na lang step mom hahaha well she went to a right person, right person to ruin her for replacing my real mom AT walang sinuman ang pwedeng makatanggap nun kundi ako lang! Hindi ako papayag na mapupunta sa baliw na yun ang lahat.

"Of course mom! Can I ask something?"

"Hmm what is it?"

"Can you let my man watch that stupid magpapagood shot lang ako sa special child na yun" ininom ko ang wine sa tabi at pinagcross ang mga hita nang makita siya na parang may iniisip.

"I am not so sure anak, I need to secure her. Alam mo naman ang dami ng masasamang loob sa paligid" I deserve this victory! Walang mapupunta sayo mom hahaha!

"Buti pala nagbago ang isip ni papá at sa akin lahat ibibigay. Ano sa tingin mo mother?" ngumisi lang siya at ininom ang wine na inalok ko.

Nagulat nga ako sa reaksyon niya nung binalita kong sa akin mapupunta lahat. Noong isang araw narinig ko siyang tinanong si papá at buti walang sinabi.

For replacing mom, for treating that stupid become more stupid, sa kasamaan ng anak niya, she's the reason why kuya ethan didn't finish his studies. Pinalabas niya kay papá na nagaadict si kuya kaya dahil sa galit hindi niya pinatuloy si kuya--at sa lahat ng pinaghirapan ko sa kompanya. I deserve to get everything. I deserve an award.

"Good" tumayo na siya at lumabas na ng kwarto kaya agad kong sinagot ang tawag na kanina pa nagvavibrate sa bulsa ko.

"Hello?"

"Miss we found him"

"Good, you know what to do"

"Opo miss"

BEA'S POV

Nandito na naman ako sa hospital dahil pinapatawag ako ni tito. Nagtataka nga ako kung nalalaman ba ni amira ito dahil hindi ko pa siya nakita dito. Sabagay baka hinihigpitan na naman siya ng tita niyang ubod ng higpit!

"Tito magandang umaga po" napatingin ako kay miss zaira na nakaupo sa tabi ni tita at yumuko ng konti sa kanya.

"Papá what is she doing here?!" maarteng tanong niya. Hindi ko talaga alam saan siya nagmana eh ang bait naman ni amira LALO na ang kuya nila tsk tsk tsk.

"Anak lumabas ka muna" utos ni tito. Tumayo na si miss zaira habang tinitignan ako ng nakataas ang isang kilay AT hindi ko din alam bakit nasabi ni amira noon na may pagkamabait siya na kahit anong tingin ko maldita talaga. Lumabas na siya kaya humarap na ko kay tito.

"Tito"

"I'm sorry for disturbing you again. I just want to ask another favor"

"Kahit ano po tito" walang pagdadalawang isip na sabi ko.

"Alam kong malayo pa ang birthday ng anak kong si amira pero sana gusto ko ikaw magayos ng lahat tutal alam ko mas kilala mo siya kesa sa amin" ngumiti ako sa kanya at yumuko ulit.

"Wala pong problema tito basta po para kay amira"

"Aasahan ko yan" ilang minuto pa kaming naguusap ni tito ng mga bagay bagay pero halos lahat tungkol kay amira, hindi ko pa rin nasasabi na di na kami friendsT_T

"Maraming salamat po tito" paalam ko, may kailangan pa akong gagawin ngayon eh.

"Salamat din hija" lumabas na ako ng kwarto kaya agad akong sinalubong ni miss zaira.

"Ano ang pinagusapan niyo?" tanong niya habang nakacross arm, huminto ako saglit.

"Confidential po miss zaira" sagot ko at nilampasan na siya.

"By the way, I hope this will be the last that you'll visit papá" hindi ko siya pinansin at nagtuloy lang sa paglalakad. Alam KO paano siya painis lalo na si amira haha-- "Arrghgg!!"

AMIRA'S POV

"I think so ace" sabi ko habang nilalaro ang laman ng rice wine na inabot niya sa akin.

Nandito kami ngayon sa sala habang naguusap ng kung ano ano. I really felt his effort in bringing up topics para hindi kami maboring. Kanina pa kasi kami magkasama at nasa bahay lang kami.

"Hmm I will try to ask zaira if she would allow you" nakatingin lang ako sa kanya habang umiinit ang pisngi ko. Gusto ko ng manghampas sa kilig.

Sumilip ako ng kaunti kay mr.linc sa likod namin na kanina pa nagbabantay. Nakiusap ako dahil muntikan ng sumunod sunod ang mga minions kanina sa amin ni ace ko, mas better pa si mr.linc kasi sumusunod lang at hindi nakikisali.

"Really ace? Thanks" inakbayan niya ako kaya tumingin na lang ako sa labas ng bintana.

"Hmm I was thinking, if someday we'll work together in one company?"

"But I don't know what are the ethics or what we called that thing"

"That's why I am here amir" ngumiti siya kaya hinawakan ko ng mabuti ang baso dahil baka mabitawan ko yun ng wala sa oras "Hmm let's eat?"

"Okay" naglakad na kami papunta sa kusina habang napapatingin ako sa kamay na hinahawakan niya. I-Ilang araw na din. Grabe!! Swerte ko na!!

Sumenyas muna ako kay mr.linc na maghintay lang dito sa labas bago kami makapasok sa kusina.

"What do you want to eat? Hmm" tanong niya habang nagsusuot ng apron. Gwapoooo!!!

"P-paglulutuan mo ako? Seryoso ka talaga?" tumingin lang siya at ngumiti kaya mas uminit pa ang pisngi ko. Hindi pa ito nangyari sa buong buhay ko!! Kahit matagal na kaming magkakilala, ngayon lang kami ganito!! "K-kahit ano na lang"

"Masusunod" tumawa ako ng konti tsaka umupo lang sa stool habang pinagmamasdan ang likod niya. I want to fly!! Hindi ito panaginip at tama nga ata yung kasal na nasa isip ko!! That will be the best day for me!!!

Ilang minuto akong naghintay hanggang sa matapos na siya. Hinding hindi ako magsasawang tignan siya!! Mas naiinlove pa nga ata ako sa kanya!!

"Taste it" sabi niya at nilagay ang carbonara sa harap. Lumapit siya sa tabi ko tsaka sinandal ang isang siko at humarap sa akin. Ang l-l-l-l-lapit niyaaa!!!!

"H-huh?"

"I said taste it" tumawa siya ng kaunti dahil napansin niya atang titig na titig ako sa mukha niya!!!

"Ah!" kinuha ko ang tinidor at tinikman na. Hinawi pa niya ang buhok ko para hindi ko makain.

"How was it?" malambing na tanong niya. Ito ang gusto ko sa kanya!! Boyfriend material!! Tsaka kahit hindi naman gustong gusto ko pa rin siya!!!

"Hmm masarap~" parang ika--kumurap ako ng ilang beses dahil palapit na ang mukha niya sa akin. We did it once. YESTERDAY.

Flashback

"I can't keep this anymore amira" napatingin ako kay ace habang nakapatong ang braso sa likod ng sofa na nasa likod ko. Nanunuod kami ng palabas dahil wala na kaming ibang magawa.

"Ace?"

"I like you amira"

"Ace??" w-wala--wala akong masabi!!! Kyaaa!!

"I know you think that I am just using you but I was surprised when zaira mentioned that y-you like me too" lumunok ako at tumitig lang sa kanya. Sheyt buti pala binanggit yun ni ate!!! Ah!! gusto ko magtatalon sa kilig!!

"Ace???" n-nilapit niya ang mukha sa akin at h-hina--hina-hinalikan ako saglit sa l-l-l-labi!!! Kumurap ako ng ilang beses habang tinitignan siyang tumatawa.

End

"I knew it! Dito ko lang kayo makikita!!" mabilis akong lumayo kay ace bago pa maglapat ang mga labi namin. Gulat kaming humarap sa pinto.

"Dunkan what are you doing here?" takang tanong ko. Lumapit siya at tumingin pa saglit sa kamay ni ace na nakahawak sa likod ko.

"Did I miss something?" tanong niya habang palipat lipat ang tingin sa aming dalawa "Do you think I will let you ace?"

"Huli ka na" natatawang sabi ni ace tsaka hinila ako palabas ng kusina.

"Hindi ako papayag!" nagulat ako nang hilahin ni dunkan si ace palayo sa akin dahilan para mapaatras ako.

"What is your problem?!" mabilis niyang kinwelyuhan si dunkan kaya agad akong lumapit sa kanila para paghiwalayin.

"Tumigil nga kayo" nagpapalitan lang sila ng sama ng tingin.

"Kung ang iniisip mo ang mana na ipapasa kay amira huwag mo na siyang gamitin!" sigaw ni dunkan. Napatingin ako kay ace kaya hinawakan niya ang kamay ko at tinago sa likod niya.

"Think what you want to think but I am serious with amira, you don't know but I know to myself so stop" hindi ko alam kung kikiligin pa ba ako o hindi dahil ang sama talaga ng atmosphere nilang dalawa.

"Ano ba ace?! Si zaira na lang sayo!" naiiyak na sabi ni dunkan.

"You're crazy"

"Crazy?? Baka gusto mo sabihin ko?" binitawan niya sa kwelyo si dunkan. Humarap siya sa akin at hinawakan ang magkabilang kamay.

"He's crazy"

"I can make double effort for you amira, yung hindi pamana ang hinahangad"

"D-dunkan" napakamot ako sa batok. Hinila ulit ako ni ace palabas pero napatigil din agad kami nang may humawak pa sa isang kamay ko.

"Mr.linc?"

"I'm sorry but she's not allowed to go out. I was ordered" tinignan lang siya ni ace tapos sa akin. Hindi ko alam anong gagawin ko!!!

"Let's meet next time" tumango lang ako kaya hinawakan niya muna ang pisngi ko bago umalis. W-what was that all about?!! What happened?!!