webnovel

SOMEONE'S SPECIAL

'Family should love each other' pero paano kung isa sa pinakamamahal mo ang sisira sa salitang 'pamilya'. May darating at meron ding aalis. Ano kaya ang mangyayari sa buhay ni amira? Lalaban ba siya o hahayaan silang abusuhin siya?

Deeeeym7 · Teen
Not enough ratings
71 Chs

CHAPTER 16

ZAIRA'S POV

We are now heading to papá's room. Kuya ethan called him last night at nagsumbong!! I swear if something happens to him yung stupid na special na yun ang sisihin ko!! Hindi naman kami magkakaganito kung hindi dahil sa mental disabilities nun!! 

I don't know why papá keep on spoiling her even she didn't done anything to this family! Kami ni kuya ethan ang nagpapakahirap sa lahat para iahon at palaguin ang kompanya at sa baliw lang na yun mapupunta lahat??!

Napatingin ako kay L at kumapit sa braso niya tsaka sumabay sa paglalakad. We've been together for 5 months and he understand why I chose to keep our relationship as a secret. Not that really so called 'relationship' ahmm can we call it 'fling'? I have dunkan and I am still waiting when he'll going to wake up to his fvcking dream with that stupid special child tsk!

"Papá what do you want?" bungad ko nang makapasok kami. Bumitaw na ako kay L at tumabi kay kuya ethan na kanina pa nauna.

"Pinapatawag ko kayo dito dahil sa sinabi sa akin ng kuya mo" napatingin ako kay kuya at sinamaan lang siya ng tingin.

"What about it?? Wala naman akong kinalaman dun pero bakit ako pinapunta dito" hinawakan ni papá ang kamay ko kaya bored akong humarap sa kanya.

"Zaira she's your sister please at least show that to her. Matanda na ako kaya nabibilang na rin ang buhay ko"

"Papá don't say that" singit ni kuya. Huminga lang ako ng malalim at walang ganang tumingin sa ibang direksyon.

"I called you because I want to give a task for all of you. I revised the papers--"

"Really papá??!" napaayos ako ng tayo at gulat na tumingin sa kanya na medyo nakangiti. Ito na ata ang hinihintay ko "Seriously?! So ibig sabihin sa akin niyo na ibibigay?!"

"No, zaira" lumingon ako kay kuya ethan nang sumingit siya. Nawala agad ang ngiti ko dahil iba sa itsura nila ang gusto kong marinig "On her birthday we will give her the biggest gift she would have, the full 100% of papá's heritage"

"WHAAAAAAAT!???" nabitawan ko ang bag at napanganga sa gulat. They are crazy!!!

"BUT--"

"But what?!!" desperadang tanong ko. I really want to cry!! Sinasayang nila ang pera!! Mygad!!

"Kung sino ang pipiliin ni amira na ibigay ang lahat ng pamana ay tutuparin ni papá unless"

"Unless what again?!!"

"Unless she would change her mind and start to make her future better" napasinghap ako at humarap kay papá.

"Papá that's crazy!! What exactly you are planning to us?!!"

"I just want to settle my children's relationship before I leave this world"

"You are insane papá" napahawak sa bewang at suminghap. That b*llsh*t!!! Bakit nabuhay pa yun at pati kami naapektuhan!! Sana si mamá na lang ang nabuhay hindi siya!!!

"Basta ako I'm good with amir but I am not too desperate to get that hundred % of heritage" napatingin ako kay kuya at tinaas ang isang kilay. So wala pala akong kalaban dito---meron pa pala, yung madrastang natatago lang ang buntot kapag nasa paligid si papá but well I can handle it. Mom tinatawag ko pero di kami close!

"Okay son I know you were and thanks for this suggestion. I won't tell other unless zaira will do but not with amira. You can go back now" talagang wala akong pagsasabihan tungkol dito. Nakipagbeso na kami kay papá at lumabas na.

Sinadya ko munang mauna si kuya at lumapit kay L tsaka siya niyakap mula sa likod. Nilakbay ko ang mga kamay ko sa dibdib niya kaya napangiti ako. He possessed all ideal man which girls' are looking for.

"L you'll do everything for me, right?"

"Hmm" hindi siya gumalaw kaya nilagay ko ang pisngi ko sa likod ng balikat niya. I wore my high heels kaya halos mapantay ko na ang 5'9 height niya.

"You can watch her for me, right? Update me what and where she goes, just think this is your special mission. Tell her that I am worried that's why I let you guard her too" hindi siya sumagot kaya lumayo na ako at nauna ng maglakad.

AMIRA'S POV

Nakayakap lang ako sa tuhod ko habang tulalang nakatingin sa salamin. Hindi naman masyadong madilim dito dahil may maliit na bintana sa itaas kaya pumapasok kahit paano ang liwanag mula sa labas.

*cough* nakapagpalit na ako ng dress pantulog dahil dinalhan ako ni nanay kanina. Isang araw na akong nakakulong dito kaya magtatanghali na hinihintay ko lang ang hapunan ko.

*blag* napatingin ako sa pinto nang bumukas yun at bumungad sa akin si tita elisa.

"Follow me" sabi niya kaya nanginginig akong tumayo at sumunod sa kanya. Nilagnat na naman kasi ako. Buti nandyan talaga si nanay para palihim akong dalhan ng gamot.

Naglalakad na kami paakyat kaya nakikita ko na silang lahat na parang hinantay ako. Napapansin kong wala sina kuya, ate at si mr.linc.

"SUMUNOD KA!!" nagulat ako sa sigaw ni tita. Naglakad na ako palabas ng bahay.

"Hahahahaha bagay yan sayo" dinaanan ko lang si nathalie at napapapikit dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.

"Gusto ko labhan mo lahat yan dyan!!" tinulak ako ni tita sa balikat kaya muntik na akong matumba papunta sa baldeng puno ng mabibigat na kurtina.

"T-tita" tawag ko sa kanya dahil tirik na tirik ang araw tapos ito???? Paano ko malalabhan yan?! Baka mahospital lang ako nito!

"Kung gusto mong makabawi sundin mo ako!!! Labhan mo lahat yan gamit ang mga kamay mo!!" humarap siya sa mga katulong kaya napahawak lang ako sa braso. Hindi ko alam kung giginawin ba ako o hindi dahil sa sobrang init ng panahon "Kayo!! Hayaan niyo siyang maghirap!! MALIWANAG?!!"

"O-opo madam" pumasok na sila sa loob kaya nagpaiwan lang si nanay habang nilalagyan na ng tubig ang balde. Hindi ko alam kung mini pool pa to o balde dahil ang laki nito. Siguro pinasadya nila. Lumapit ako kay nanay at pinigilan siya.

"Ayos na ako nanay" nagpatuloy lang siya kaya tinulungan ko na lang siyang lagyan ng powder ang tubig.

*cough* humarap siya sa akin at chineck ang noo ko.

"Ayos ka na ng konti anak hindi ka na masyadong mainit" tumango lang ako kaya tinulungan niya na akong makaapak sa loob ng balde. We knew tita and she is really mean!! Sabi niya bawal kaming mga may-ari ang maglilinis???!

"Anak apakan mo lang yan para hindi masyadong masakit sa likod at kamay" tumango lang ulit ako at sinimulan ng apakan ang kurtina habang siya ang taga baliktad ng parteng naaapakan ko na. Paulit ulit naming ginagawa yun hanggang sa may dumating na sasakyan.

"Jusko!"

"Ahhhh!!" tatakbo na sana kami dahil dirediretso lang yun papunta sa amin. Sobrang konti na ang agwat sa balde para kami na ang susunod ni nanay! Nakita ko namang bumaba si mr.linc sa passenger's seat at binuksan ang likod.

"Anong hinaharangharang niyo dyan?!" galit na tanong ni ate nang makababa na.

Umalis na yung sasakyan kaya gumalaw ulit kami ni nanay. Iniwan niya si mr.linc at dumiretso na sa loob.

"YAYA TAWY!! COME HERE MAY IUUTOS AKO!!" sabay kaming napalingon sa loob nang tawagin ni tita si nanay. Ngumiti ako ng pilit sa harap niya at tumango.

"Ayos na po ako dito" mahinang sabi ko kaya nagdalawang isip pa siya.

"Ayokong iwan ka dito magisa anak! Kung nandito lang sana si bea para tulungan ka pero ngayon pa talaga nagbulakbol!"

"YAYA!!!"

"Anak tulungan mo siya" sabi niya kay mr.linc at pumasok na.

Napatingin naman ako sa kanya na pumunta sa tabi at kumuha ng tubig tsaka binasa muna ang mga paa bago umapak sa balde.

"Hahahaha" napatingin din ako kay nathalie nang lumabas ulit siya ng bahay at dumiretso sa hose.

"Ahh!!--" tumalikod ako sa kanya dahil binuksan niya yun at sa akin tinapat ang tubig. Basang basa na ako!!!

"Pasalamat ka pinaliguan kita haha see? Mabait pa rin ako sayo sa kabila ng ginawa mo!!" wala ng tubig ang tumatama sa akin kaya humarap na ako. Pinatay pala ni mr.linc. Tumingin ako kay nathalie na nakangisi lang at pumasok na ulit sa loob.

Hindi na ako nagsalita at bumalik na sa pag-apak ng mga kurtina. Ilang minuto naming ginagawa yun ng tahimik lang dahil walang may balak na magsalita sa amin.

*Cough* tumingala ako at tinakpan ng konti ang mukha sa araw na parang sinusunog na ako pero feeling ko nilalamig pa rin ako. Nahihiya ako kay mr.linc na nagpapainit dahil sa akin.

"Hay" napaupo na ako sa gilid ng balde dahil hindi ko na talaga kaya. Ang bigat ng pakiramdam ko, pakiramdam ko konti na lang makukumbulsyon na ako!!

Napatingin ulit ako kay mr.linc. Ginaya niya kasi yung ginawa ni nanay kanina na binabaliktad ang parteng naaapakan ko. Nagpatuloy lang siya kaya kinuha ko ang hose at binasa ang sarili ko. Hindi ko na alam, doble ang temperatura sa katawan ko, umiikot din ang paningin ko.

"42°c" sabi ko habang nakatutok pa rin sa akin ang hose. Tuluyan na akong umupo sa tubig kaya mabilis akong nilapitan ni Mr.linc.

"Anong nang--ang init mo!"