webnovel

SOMEONE'S SPECIAL

'Family should love each other' pero paano kung isa sa pinakamamahal mo ang sisira sa salitang 'pamilya'. May darating at meron ding aalis. Ano kaya ang mangyayari sa buhay ni amira? Lalaban ba siya o hahayaan silang abusuhin siya?

Deeeeym7 · Teen
Not enough ratings
71 Chs

CHAPTER 15

LINC'S POV

"Kuya ate picture naman po" sabay kaming humarap ni miss amira sa mga babae habang nakatapat sa amin ang camera.

"Yiiie" rinig ko pa bago sila umalis. Patagal nang patagal padami na ang mga bisita kaya malapit na din akong mairita dahil padami din ang kumukuha sa amin ng litrato. They are disturbing us! Napatingin ako kay miss amira na nilalaro ang juice sa harap niya.

"I'll just get you some food" tumango siya kaya inayos ko muna ang damit at naglakad palayo. This is the great time to take her. Hindi na ako pwedeng magtagal sa bahay nila lalo na't narinig kong nagdududa na yung mga lalakeng kinuha ni madam elisa.

Pumunta muna ako sa madilim na lugar at tinawagan si jayson.

"Sa susunod mag-ingat kayo!" mahinang sigaw ko nang sagutin ni cj. Hindi ko inasahan na mahuli na NAMAN sila! Mga tanga! Hindi marunong mag-ingat! Good thing she always ignore what she saw!

Sumilip ako sa labas ng bintana at nakita ang puting van. Dyan na ako nagpalit kanina. Hindi ko na nagawang magpalit sa mansyon dahil dumating ang mga tao ni madam elisa. Binalikan namin yung sinabing vault pero natagalan lang kaming tatlo dahil hindi namin mabuksan.

"Sorry na bro! Akala naman kasi namin walang utak. Baka gawin mo na lang ang ginawa mo sa unang amo mo para mapadali tayo!" 

I bitterly laugh.

"Do you want me to quit this group? Huwag niyong ilipat sa akin ang kapalpakan ninyo"

"Hahaha" hindi ko alam ano pang sasabihin kaya pinatay ko na yun at kumuha na ng isang plato ng pagkain. Humarap ako sa mga tao para iwas hinala habang palihim na nilagay ang drug na binigay ni jayson kanina. I guess this will work.

AMIRA'S POV

"One more" napatingin ako kay mr.linc na may dala ng pagkain. Ngumiti ako sa kanya at hinalo ang palabok.

"Hmm looks delicious" sabi ko habang inaamoy yun. Sumubo ako ng konti pero may humawak sa braso ko kaya tumigil muna kami.

"Ate picture po" tinignan ko si mr.linc na mabilis akong hinawakan sa bewang at humarap sa camera.

Napalunok ako bigla dahil sa kaba. A-ang init ng kamay niya!!! Kinikilig na naman ako!! Bakit ba ganito?? Binanned ko na siya diba?? Bestfriend kaseee. Bigla siyang yumuko dahilan para magtama ang tingin namin.

*flash* nagulat ako kaya napatingin ako sa babaeng kumuha ng litrato. Nakatingin siya doon habang nakangiti. Wait hindi ako nakapaghanda baka tinatawanan niya ako at hindi ngumingiti!!! Lumapit siya sa amin kaya pilit akong ngumiti.

"Please delete it!!~"

"Ate magkaano ano po kayo?"

"Ah personal buddy siya ng ate ko" pagkasabi ko nun ay iniharap ako ni mr.linc sa mesa tsaka nilapit pa ang plato.

"Just finish that" kinuha ko ulit ang tinidor at pinaikot doon ang palabok.

"H-huh?" mabilis kong binaba ang tinidor nang mahilo ako bigla. Humawak ako ng mabuti sa gilid ng mesa.

"Are you okay?"

"Hmm" pilit akong tumango at napapikit na lang ng mariin. Biglang umingay ang paligid kaya yumuko ako.

"Gusto mo bang ihatid na kita sa inyo" tumingin ako sa kanya at pilit ulit na tumango. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at inalalayan na maglakad.

"S-sorry" sabi ko nang muntik na akong ma out of balance at saktong sa kanya papunta ang bigat ko. Hinawakan niya pa ako ng mabuti at bubuksan na sana ang pinto nang umilaw bigla sa direksyon namin.

"We are calling the prince and princess of the night to come here and participate in our game" tumigil kami at humarap doon. Tinignan ko ang mga tao na nakangiting tumingin sa amin habang pumalakpak. Hihilahin na sana ako ni mr.linc palabas nang may humila din sa aming dalawa.

"But you're not okay miss amira" mahinang sabi niya. Umiling lang ako at sumunod na sa humihila sa amin.

May mga pares na ang naghahanda pati sina ate zaira, nathalie at kuya ethan kasali din pero iba ang partner nila except kay kuya na si ate marg na fiance niya ang partner at ate zaira na si ace.

"Okay let's start!!" napatingin ako kay mr.linc na nakahawak pa rin sa braso ko. May lumapit ulit sa amin at inabutan kami ng balloon "All you have to do is to stay TOGETHER yiiieee"

"KYAAAAA"

"YIIIIIIIIEEEEEEE"

"Okay okay kung sino ang pinakamatagal na mapapanatili ang balloon sa specific part sa mukha ninyo ay yun ang panalo. Simple diba???"

"Kyaaaaaa!!!" naghiyawan ang mga tao tsaka nagsimula na silang mag countdown. Napatingin ulit ako kay mr.linc nang itapat niya sa akin ang balloon.

"Hurry up para matapos na" sabi niya kaya tumango lang ako at tinapat sa noo ko ang balloon habang siya sa bibig niya para hindi na siya mahirapang yumuko.

*insertmusic* naghihiyawan na ang mga tao habang kaming dalawa ay steady lang. Walang may balak na gumalaw. Patagalan lang diba? Hindi naman magalaw ang balloon kaya hindi na din namin kailangang gumalaw.

"What's happening?" pumikit ulit ako dahil pagtingin ko sa baba parang sumasayaw ang sahig

"Miss amira" hinawakan ni mr.linc ang braso ko pero nagulat ako nang dumiretso ang noo ko sa dibdib niya.

"Kyaaaa" nahihilo na talaga ako!!!! Nilibot ko ang tingin at nakita si kuya ethan. Naglakad ako palapit sa kanya pero pakiramdam ko matutumba ako sa magalaw na sahig.

"WHAT'S HAPPENING?!!" naiiyak na tanong ko. Tumigil na ang lahat pati ang music. Pinilit ko pang lumapit kay kuya pero napatid ko lang ang sarili.

"AHHHHHHHH!!"

*blag*

*CHCHKGKSH* may nahawakan ako pero hindi ako sigurado kung ano yun dahil nakadapa na ako.

*GAAAASP*

"AMIRA!!/NATHALIE!!!" may tumulong naman agad sa akin para iupo ako kaya napatingin na ako kay nathalie na napunit ang damit dahilan para halos makita na ang buong katawan niya---!!

"MOMMY!! AHHHHH!!!" napalunok ako at tumingin kay kuya habang tinatapik ng konti ang pisngi ko.

"Amir!! Are you okay?!" umiling ako at tumingin ulit kay nathalie na nagsimula ng umiyak.

"HOW COULD YOU DO THIS?!!!!"

"Dalhin niyo siya sa kotse!!!"

"Opo madam!"

"I'm sorry for this mess but you can go home now" narinig kong sabi ni tita elisa. Napatingin ako sa mga tao na isa isang naglakad palayo  habang tumatawa pa ang iba "And you!!! Let's talk at home"

***

"Tita!" umiiyak na tawag ko habang kinakaladkad ako paakyat ng hagdan sa harap ng main door.

"Mom let her go! She didn't mean it!" sigaw ni kuya. Habang bumabyahe kami kanina ay unti unti ng nawawala ang pagkahilo ko pero huli na lahat!

"Pinahiya niya ang kapatid niyo sa harap ng maraming tao dapat siyang maparusahan!!!" galit na sigaw ni tita.

Napasandal ako sa gilid dahil halos mahiga na ako sa pagkaladkad niya. Hinila niya ulit ako kaya muntikan na namang masubsob ang mukha ko sa hagdan. Inangat ko ang mukha ko pero sampal lang ang bumungad sa akin.

*PAAAAAAK*

"AMIR!!!"

"Mom you should stop this!!!" pakiusap ni kuya.

"Hayaan mo na yan kuya kasalanan din niya kung bakit naglasing" napatingin ako kay ate zaira na inalalayan pa ni mr.linc pababa ng kotse.

"Zai!"

"Para magtanda!!" nagtatalo na sila ni kuya. Mas lalo lang akong umiyak nang hilahin ako papasok ni tita.

"TITAAAA~ Hindi ko sinasadya!!!"

"I don't need your excuse! Nagawa mo na kaya pagbabayaran mo ngayon!" tinungo agad namin ang hagdan pababa ng bahay. Nang makarating na kami ay malakas niya akong tinulak papasok ng basement.

*blagblagblag* tumama pa ako sa mesa bago bumagsak sa sahig. Huli na talaga para magsisi!!

"Simula ngayon dito ka na matutulog!!!!"

*BLAG* malakas niyang sinara ang pinto kaya nataranta ako.

"AHHHHH!!! TITAAAA!! KUYAAAA !!!PAPÁ!!!"

"Mom this is not right!"

*blagblagblag* lumapit ako sa pinto at hinampas yun dahil sobrang hina na ng boses ang naririnig ko.

"Ito ang bagay sa kanya!!"

"T-tita nagmamakaawa ako! Wag niyo kong iwan dito!" sigaw ko at napahiga na dahil sumasakit na ang dibdib ko.

"Rule no. 20!! Bawal sa smith ang maglasing at ipahiya ang reputasyon natin!"

"Titaaaa I'm sorry!!!"