S o l
"Kumusta?"
"Ayun, nag-breakdown na naman ako kagabi." Muli kong narinig ang tinis ng boses niya. Masarap man sa tenga, pero nag - alala ako sa sinabi niya.
Nilanghap niya ang simoy ng hangin, sumipa-sipa sa swing na inuupuan, at inilibot ang mga mata sa damuhan. Medyo liblib ang bahaging ito ng park, malayo sa tao, malayo sa lahat. Kung minsan ay may mga naglalakad na matatanda, o naliligaw na hayop, pero hindi naman kami ginagambala. Sapat ang lilim para hindi matirikan ng araw. Sapat din ang lawak para klaro pa ring matanaw ang langit. Nakakakalma, kaya rin siguro dito niya lagi gusto.
Binuksan niya ang bag niya at naglabas ng dalawang pares ng shades. Inabot niya sa'kin 'yung isa, "Suot mo 'yan mamaya kapag titignan mo na 'yung eclipse. Masama raw tignan 'yun without protection." Tinitigan ko lang siya habang kinukuha ito.
"Bakit ka nag-breakdown? May maitutulong ba ako?"
"Just be here. All I need is company. There's this kid at school na nangungulit. E hindi ko nga kailangan ng tao. God, boys are annoying." Dahan niyang binubuklat ang salamin niya.
"Grabe naman 'to."
"Except you, Sol. Sorry. We've just met pero... you're the only one who sat with me through all of my shit." Natawa ako, partida iwas din ako sa mga tao. Sana lang masabi ko sa kaniya kung bakit. "And to think, we've only exchanged fake names."
Nginitian ko lang siya. "May kaniya-kaniya tayong dahilan, Luna."
"I know. Mas comfortable din akong ganito. Tapos ayon, I've said it last Wednesday, right?" Sinuot na niya ang salamin. Gumaya ako.
Nanginginig ba siya? "Na sa sabado—na bukas na nga 'yung flight mo?"
Bumuntong hininga siya. Nakita kong gumalaw nang kaunti ang ulo niya, na parang sinubukan niyang tumango, ngunit tumunganga lang siya sa kawalan ng langit. Ako naman, tumunganga sa kaniya.
"The grass looks fresh. Sa lapag nga 'ko uupo." Pumunta siya sa may tabi ng swing na kinauupuan namin. Nang 'di tinatanggal ang mga mata sa kaniya, sumunod ako, naglatag ng panyo sa tabi niya at naupo.
Sa marahang pagbalot ng anino ng buwan sa araw, dahan - dahan kong inilubog ang mga palad at daliri ko sa damuhang kinauupuan namin. Ang lamig.
Ninamnam ko ang mga huling sulyap namin sa isa't isa bago siya lumayo, ang kayumanggi niyang buhok, mestisang balat na lalong pumapalya dahil sa madalas niyang pagkukulong at pagsasariliーang manipis niyang hulma, mga matang bilugan at napakalalim, mga matang sa isang linggo naming pagkakakilala, lumunod na sa akin. Bigla kong naramdaman 'yung lupa sa kuko ko.
Teka. Makapag alcohol nga. Dali dali kong pinahid sa magkabilang kamay, sabay punas sa pantalon. Walang pantal, walang namumula, pero parang kating - kati ako. Tinitigan niya lang ako, mukhang irita ang mga mata.
Hala, ano kaya iniisip niya?
* * *
L u n a
Umingay lalo 'yung mga naiisip ko as I stared at the skyーmy heavy breathing starts again. Pinaalala ko na naman 'yung flight, pinaalala ko na naman 'yung paglayo ko. I'm leaving the only person who understands. What if wala akong makausap nang ganito du'n? Magsosolo na naman ako? Feeling ko magbe-breakdown na naman ako. Ba't ba ganito? I came here to clear my mind and spend the last mome—what the fuck? Ang likot na naman ni Sol.
"Nag-aalcohol ka na naman? Panlimang alcohol mo na 'yan since we got here."
"Sorry, di ko rin namamalayan minsan, e." I laughed at him. Irritating, pero aliw siya.
"Look, nilatag mo pa 'yung hanky mo sa damuhan e naka-denim ka nga. Tapos parang ang sweaty tignan ng beanie mo, dark red pa. Hindi ka ba naiinitan?" Lagi niyang suot 'yung beanie, ang init kaya sa pakiramdam nu'n.
"E baka madumi 'yung lapag, e. Tapos itong beanie, espesyal kasi sa'kin 'to."
"Oo nga pala," I chuckled. "Weird mo."
Ngumisi lang siya then, dead air.
I still can't feel my chest, arms, and face. God, ba't ako nag-palpitate bigla? Medyo na-trigger yata ako when we talked about my flight. Sana 'di niya pansing nagshe-shake 'yung kamay ko.
Kahit papaano nakakatulong 'tong dead air. It's peaceful, pero awkward. Then, nagsalita siya.
"Grabe 'tong nakaraang linggo na 'to. Hindi mo alam kung gaano ka nakatulong sa akin. Pagkatapos nito, mukhang wala na naman akong makakausap."
"Same. Wala ka bang ibang kaibigan?"
"Wala ako masiyadong ka-close sa school namin. Bagong lipat lang ako dito, 'di ba?"
"Well, have you tried making friends?"
"Para saan? Iniisip ko baka palipatin na naman kami ni Tatay, eh. Tapos ayon, sakto. Sabi niya nga kagabi, matapos lang 'tong school year na 'to. Maghahanap na naman siya ng bahay."
Ang odd talaga nu'n. Pati tuloy school niya, nadadamay. Paano pag college na? Ang fishy ng Papa niya, parang strikto rin. I hope his family isn't as dysfunctional as mine.
"Lipat na naman? Sol, how come you keep changing addresses?"
There should be a specific reason why, he just won't say it.
* * *
S o l
Nanahimik ako at tumingin lang sa kaniya. "Basta."
"You sure you don't want to open up? Baka matulungan kita makipag socialize?"
Napa - iling ako, "Eto na naman si miss congeniality pero walang kaibigan."
"Grabe siya, iba naman 'yun. Dad's kind of urging me to be this public figure. Kaso, may trust issues na rin ako. Most people just want my influence, connections. That's why they want to get close. At the end of the day, 'yun na lang sila, connection lang. You're different, though. Simula nung nagkakilala tayo last Monday, all you tried to do was help me get through my problems. Sinamahan mo 'ko, without asking for anything, not even my real name."
"Nahihiya rin kasi ako makipagkilala talaga. Pero oo, gusto ko lang din naman tumulong, napaparamdam mo sa'king may silbi ako. Na may nakakapansin ng mga ginagawa ko. Sapat na siguro 'yun."
"For now, at least."
Tumango ako. "Sana nga for now lang. Basta, balik ka dito, ha."
Ngumiti siya. "Why won't I? Oo nga pala." Nilabas niya ang isang kuwintas sa kaniyang bulsa. Isang kuwintas na kalahating buwan at kalahating araw. Kulay ginto ang araw at kulay pilak naman ang buwan, pinigtas niya ito at nahiwalay ang dalawa.
"Ito o..." inabot niya sa'kin ang kalahating buwan.
"Para sa'n to?" kinuha ko sa kaniya ang kalahating kuwintas.
"Just so we have a memory of each other. Baka in time, magkita uli tayo. And by then, maybe we're well enough to show who we really are."
"Hala! Baka ang tagal na nu'n. Makikilala mo pa ba ako?"
Pa'no na lang kung lapitan ko siya ta's sasapakin niya 'ko kasi hindi niya 'ko kilala? o baka hindi na niya ko pansinin kasi mayaman na siya ta's baka ako hindi pa rin maayos ang kalagayan ng pamilya ko?
* * *
L u n a
I noticed his hands slowly fidgeting again. He's not calm. Hinawakan ko siya sa balikat and smiled, "That's why binibigay ko sa'yo 'to..."
"... babalik tayo parehas sa park na 'to. Just make it visible ta's sabihin nating makita ko. Malalaman ko na, ikaw na 'yon." Ngumiti siya sa'kin.
"Pero... mahigit 10 years ka mag - aaral sa US, 'di ba? Baka magbabago itsura natin tapos 'di pa natin alam pangalan ng isa't isa. Tapos, hindi mo na talaga ako makikilala."
I shook his shoulder. "Kaya nga simula ngayon... sa eclipse na 'yon oh!" tumuro ako sa langit. "Ako ang iyong Luna at ikaw ang aking Sol. Kaya na sa'yo ang buwan, at na sa'kin ang araw. Kasi balang araw—"
"magkikita tayo muli..." Ayan, gets mo naman pala. "kelan ka babalik? 'Wag mo ko kakalimutan ah? Magco-collab pa tayo."
I chuckled. "Oo naman. Antayin mo 'ko ah? Babalik ako. Basta ingatan mo 'yang necklace na 'yan kasi 'yan lang ang memory nating dalawa." Tumayo ako at hinila siya. "Sige na, aalis na'ko. Thanks for helping me pull myself together, Sol. 'Pag nagkita tayo ulit, saka ko na sasabihin pangalan ko."
He smiled at me and I hugged him, "Mag - iingat ka rin... Luna."
Then, I walked away from him without even looking back.
- - -