* * *
S A B R I N A
"Hello Carlos, saan ka na? Kanina pa'ko naka-park dito sa pinag-meryendahan ko. Baka paalisin na 'ko ng guard maya-maya."
"Sorry, Sab! Papunta na! Inaasikaso ko lang si Mavy."
Mavy? Sino 'yon?
"O sige dalian mo! Kailangan tayo mauuna sa venue, gaga ka!" I ended the call.
I sighed, uminom muna ako ng iced coffee. Pampakalma ko talaga ang kape. It's naturally refreshing for a busy day.
I closed my eyes and felt the surge of caffeine in my veins. Halos 30 minutes na 'ko dito. God, nasaan na ba 'yong gagong 'yon? Nagtext na sa'kin 'yong head ng event, hinahanap na kami. May mga contestants na napaaga rin. "Tangina Carlos papatayin kita 'pag 'di ka pa sumipot-"
May kumatok sa bintana ko. Scary putcha. Ito na pala ang gaga.
"Sorry, besh. Na-stress kaming lahat kay Mavy. Naiwan ko rin sa kabilang bahay 'yong tripod ko." sabi niya at inilagay sa passenger's seat gamit niya.
"Papatayin na sana kita kung hindi ka pa dumating."
"Gaga ka talaga! Sorry na nga e. Ngayon lang naman ako na-late," Sabi niya. Well, totoo naman.
Nilagay ko na sa drive ang kambyo. "Sa'yo 'yong isang iced coffee. 'Yong 'di pa bawas ha."
Nakita niya ito at ininom na agad. Halos nakalahati niya. "Huy! Easy lang kapag ikaw nagpalpitate..."
"Shit," nasamid siya at binalik sa drink holder 'yong kape. "Thank you."
Knowing Carlos, when he drinks too much coffee, he really palpitates. And for so may times in the past, manginginig kamay niya and it would be difficult for him to take pictures. Lahat magiging blurred. Good thing, I noticed he was drinking too fast.
"Drink water, Carlos. Para naman mahimasmasan ka." Sinunod niya ko. "Grabe anyari ba sa'yo?"
He gulped, "Si Mavy kasi natataranta kasi hindi niya mahanap 'yong cap na gagamitin nila mamaya. E, si Ate Malaya, 'yong kapatid niya. Inilipat sa ibang place. Ayun, ikot ikot nanaman ang kuya mo."
Natawa ako. Parang ako lang minsan, akala ko sa table ko nilagay 'yong camera ko, nakasabit lang pala sa leeg ko. Sabaw lang. "Ay so, kasali siya sa sasayaw? Sino pala 'yon si Mavy? Pinsan mo rin?"
Tumango siya, "Nagawa ng comics na pinsan. 'Yong lagi kong nababanggit sa'yo. 'Yung kinita ko sa Johanna's, bes."
Weh? Mavy pala name niya. Cute naman. Artist na dancer pa.
"Can't remember much, sorry." sabi ko at uminom muli ako ng iced coffee, "Pero ang taray ha? All out 'yang pinsan mo. May girlfriend na?"
Napatingin sa'kin si Carlos at ngumisi. Mang - aasar na naman 'to. "Ba't curious kaaaaa? Kala ko ba may inaantay ka?"
Fucking saw it coming.
"Masama ba magtanong? Shuta ka, huwag na nga." sagot ko.
As usual, tinawanan na naman ako ni gago. "Walang girlfriend 'yon. May inaantay rin."
Ah, taken pero hindi pa final. "Ah sige."
"Pogi 'yon." dagdag pa niya, nang - aasar na naman.
"Alam mo, kung gusto mo ko i-reto sa kaniya. You could've done that a long time ago."
"So trip mo nga makilala siya? Yieeee, ikaw ha!" kiniliti niya 'ko sa tagiliran.
"Gaga nagdr-drive ako! 'Pag ito nabangga ko, ikaw may kasalanan." sabi ko at tumawa na naman siya.
"Hoy, Matthew Carlos, am I a fucking clown para tumawa ka nang tumawa?"
"Bakit ba?! Pikon ka, gorl?" Napangiti na lang din ako. His laugh is contagious.
"Letche! Malapit na tayo umayos ka na."
Lumabas na kami ng kotse at pumasok muli sa De Vegas & Co. Grabe, ang laki talaga nito. Dali - dali akong pumunta sa event organizer.
"Hi! Ikaw po ba si Ate Hannah?" tanong ko sa isang babaeng may hawak na radio.
"Ay yes po! Anong pong name niyo?" lumapit siya sa isa pang babae na may hawak - hawak na listahan.
"Sabrina Madrid saka Carlos Evangelista." sagot ni Carlos.
Tinignan ni Ate Hannah ang listahan, "Ay! Kayo pala 'yong head photographers. Madrid Photo & Co. noh?"
Tumango ako. "Okay, Ma'am nandoon po sa 2nd floor 'yong contestant's waiting room. May dalawang teams na nagre-ready. Both of you could start with them. Hindi pa kasi tapos ayusin 'yong stage."
"Ay ganu'n po ba? Sige, thank you!" sabi ko.
"Ay! 'Yong gamit po pala namin sa'n puwede ilagay?" pahabol ni Carlos.
"Doon na lang sa tabi nu'ng videographer's station. May nagbabantay na team namin du'n." ngiti niya sa'min.
"Okay po! Thank you!" sabi ko at iniwan na namin si Ate Hannah.
Lumapit kami kung sa'n kami itinuro. Oh my gosh, may sarili kaming reservation! Dali - dali akong pumunta sa table. May free gift certificates kami ng café sa baba tapos ginawan nila kami ng press i.d.
"Ang yaman nila grabe!" sabi ko at isinuot agad ang press pass.
"Luh? Parang ikaw hindi ah?" pagtataray ni Carlos sa'kin.
"Gago ka ba? I'm not rich, my father is." I furrowed my eyebrows. Does he really think I own my money? Kung tutuusin puwedeng - puwede ubusin ni Papa pera ko sa bank account.
"Ito naman 'di mabiro." sabi niya at inilapag na ang mga gamit na'min, "Ano? Kain ba muna tayo o shoot na agad?"
"Shoot na muna! Pero ikaw, kain ka na muna kung gusto mo." sabi ko.
"Sige, kain muna 'ko. Kaya mo na 'yan ah?" tumango ako at umalis na siya.
I unpacked my things and wiped my lenses. Natutuwa talaga ako, nakaka-hype mag-take ng pictures. Even though some shots get blurred, iba pa rin talaga when you do what you love.
Dumeretso na'ko sa waiting room ng mga contestants and naabutan ko rin doon ang iba pang videographers.
* * *
"Ma'am Sabrina?" someone called me while I was taking pictures backstage.
"Po?" lumingon ako.
"Pinapa-request po nu'ng head na'min na kayo na raw po mag-picture sa audi. Mukhang hindi raw sisipot 'yong ibang photographers." sabi niya.
"Ganu'n ba? Sige po." sabi ko at sinundan siya sa loob ng Auditorium.
Tinext ko si Carlos kung nasaan siya. Either nanonood na 'to sa loob or kausap 'yong pinsan niya.
Nakapasok na kami at napangiti ako nang makita ko itsura sa loob. It's not your usual auditorium. Tinanggal nila 'yung seats sa gitna para magmukha talaga siyang rave party. Ang daming tao, maingay, kaniya kaniyang tarpauline at props para sa mga bet nilang groups, kaniya kaniyang usap din tungkol sa mga kakilala, crush, idol nila sa mga sasali. At 'yong stage, sobrang sleek ng design- black with rainbow colored accents. Kung sabagay, Psytrance yong theme nila. It kind of reminds me of Jabbawockeez. May neon lights pa na sumasayaw sa stage at strobe lights na dumadaan-daan sa mga tao.
Sumiksik ako sa gathered crowd sa gitna. Baka makakuha ako ng iilang candid shots. Na-excite ako lalo.
God, I miss going to events.
Mostly kasi ng nata-trabaho ko ngayon are photoshoots sa magazines or mga products. Kumbaga, pang advertisement. Blessing na siguro 'yung mga mas exciting projects tulad nung sa rally sa park na para sa isang school paper. Bihira talaga kami ku'nin for events, kasal or debut parties. Kaya lahat nitong nakikita ko? It's a breath of fresh air. Mas nagaganahan akong mag-picture.
"DE VEGAS BUILDING LET ME HEAR YOU SCREAM!" biglang naghiyawan ang mga tao, napatakip na lang ako ng tenga sa sobrang lakas ng sigaw nila.
Nag-vibrate phone ko at nagreply na si Carlos.
***
Matthew Carlos
Sa'n ka??
Sa loob na sa may reserved seats. Lapit ka rito
***
I cupped my left hand above my eyes kasi medyo nakakasilaw talaga. Puro strobe light at spotlight, ang ingay ng stereo, kung kani-kaninong pabango naamoy ko. It makes me a bit dizzy. I shouldered my way out of the crowd habang kinakapa 'yung dinadaanan gamit ang paa ko. I sighed heavily nang makaahon at makapaglakad nang maayos sa gilid. Naglakad lakad ako while looking around. Until I saw a hand flinging around from afar.
Nag-vibrate muli phone ko,
***
Matthew Carlos
Ako ung kumakaway nakita na kita
***
I squinted nang buksan nila ang ibang LED lights ng audi, pero mas naaninag ko si Carlos. Buti naman, jusko mabubulag lahat ng tao rito.
Sa bandang harapan nakapuwesto si Carlos, kausap niya ang isang babae.
Naglakad siya papunta sa'kin. "Uy, Sab! Dito tayo kumuha, malapit."
Paikot ikot lang kami sa may gilid habang nagsasalita ang emcee. I sprint around to get the perfect angle for every shot; 'yong audience, 'yong stage, 'yong emcee. Habang chinecheck ko isa - isa, may isang babaeng lumapit kay Carlos.
"Nag-text sa'kin si Mavy, una raw sila." bungad niya kay Carlos.
"Nakakakaba naman 'yon," sagot ni Carlos. "Nga pala, Ate Malaya- si Sab, kasama ko." hinila ni Carlos ang ponytail ko.
"Aray puta!" sabi ko at napatingin kay Ate Malaya."Hi po!"
Inabot niya ang kamay niya, "Hello rin! Pasensyahan mo na 'tong pinsan ko ha? Siraulo rin 'yan e."
"Grabe hater ka, 'te!" sagot ni Carlos, "Ba't pa naging Malaya pangalan mo e, kahit kailan hindi mo naman ako hinahayaang maging malaya."
Binatukan ko siya, "Huy gaga ka! Mas matanda 'yan sa'yo, baliw ka talaga!"
Natawa si Ate Malaya, "Hayaan mo na, Sab. Sanay na'ko sa gagong 'yan."
"Ang duga niyo naman..." minasahe niya ulo niya, "Two against one, grabe kayo. Asan na ba si Mavy?"
Nagkatinginan kami ni Ate Malaya at natawa na lang kami parehas. Mukhang makakasundo ko siya.
"ARE YOU READY!" I flinched as the speakers boomed. Nagsigawan ang mga tao.
"Sila Mavy na 'yan! Balik na'ko du'n!" sigaw ni Ate Malaya dahil sobrang ingay ng mga tao.
Tumango kami parehas at bumalik na si Ate sa kaniyang upuan. "Kabilaan tayo, Sab." aya sa'kin ni Carlos, "Du'n ka kumuha." Tinuro niya ang kabilang dulo sa baba ng stage.
Naglakad na ako at biglang-
"Ay!" Napatili ako nang namatay lahat ng ilaw. May spotlight na bumagasak sa gitna ng stage. Dahan akong naglakad papunta sa dulo at nagsimula nang mag-cheer ang mga tao.
"GO MAVY WE LOVE YOU! PINSAN KO 'YAN! GALINGAN NIYO BANDANA!!" nangingibabaw sina Carlos at ate Malaya.
Asan kaya doon si Mavy?
"AND NOW WE WELCOME THE FIRST GROUP, BANDANA BEATS!" A rough bass tone began, along with a slow, sexy snare beat.
I watched them as they did a couple of isolation steps. There were eight of them on stage. May babae and may lalaki, and as proof sa kanilang group name, may white bandana sila sa leeg, 'yong iba ay na sa kamay. They were also wearing neon red and black caps.
Nagulat na naman ako sa cheer ng mga tao nang magsimula silang maghiwa-hiwalay nang mabilisan at sabay - sabay nag-pop and lock. Ang angas! Inangat ko ang camera ko and I started taking pictures. Fuck, their facial expressions are lit! Finocus ko sa isang lalaki na nasa gitna, his facial expressions are in line with the music. Hindi mo matukoy kung naka-drugs sila o mga robot. Some subtle smirks are made and I realize something...
Nakakuha ako ng two-to-five shots sa lalaking nasa gitna. Ang pogi niya, ang angas, ang sexy. Pinagmamasdan ko lang mga galaw niya. Sobrang swabe. Sino kaya 'yon? Kung mas malinaw lang sana mata ko-teka, zoom in na lang natin sa camera!
Natawa ako sa naisip ko. Napansin yata ito ni Carlos, "Nananaig na naman ka-hornyhan mo!"
"Gago! I'm not horny, just attracted..." napangisi na lang ako. Kasi, totoo naman.
"Si Mavy yata 'yong nakikita mo." sabi niya and on cue, lahat sila bumagsak sa lapag bukod sa isang tao-si kuyang pogi na laging na sa gitna.
Napatingin ako sa kaniya sa stage, sobrang... wow.
Is it just me but male dancers really get my attention?
"Oh, baka matunaw."
Tinignan ko nang masama si Carlos, tinaas ko middle finger ko.
"Gaga ka, pinsan ko 'yang pinagpapantansyahan mo." dagdag pa niya.
Nanlaki mga mata ko at nakita kong ngumisi si Carlos, narinig ko rin ang pag-cheer ni Ate Malaya. So, siya 'yong laging kinekuwento ni Carlos? Itong gwapong at suwabeng lalaking 'to si Mavy na pinsan ni Carlos? Na isa ring comic artist? Oh my fucking gosh.
I looked back again on stage and ako lang ba? Or he's staring right at me. Oh my god.
Ngumiti siya at nagbago na ng puwesto. Tila bumilis tibok ng puso ko. He realy just feels all too familiar. Grabe, ang pogi niya.
"Hoy, Mikaela Sabrina! Hindi ka na kumuha ng pictures diyan. Lunod ka na, gorl?"
Hinampas ko si Carlos at isinantabi na lang ang naiisip ko kay Mavy. Nandito ako para mag-trabaho, hindi para lumandi. I took a deep breath and just focused on the other members of the group. Pero, hindi ko talaga maiwasan na siya ku'nan ko.
Natapos ang ilan pang mga grupo at medyo nawala na sa isipan ko si Mavy. Pero, nais ko pa rin talagang makilala siya. Lalo na't pinsan naman siya ni Carlos.
Lumabas kami ni Carlos para kunin ang iba pa naming mga gamit. Pumila na rin ako para sa food stubs dahil gutom na'ko. Nakakangalay rin kasi kumuha ng mga pictures. It's not just pure clicking. Dapat inaalay mo buong puso mo sa mga ginagawa mo.
"Uy, may kape!" sabi ko at dumeretso sa isang coffee machine.
"Hinay - hinay lang, besh. Nagkape ka na kanina ah?" sinundan ako ni Carlos.
"Pake mo ba," sabi ko at humigop ng kape. "Coffee runs in my goddamn veins, babe."
Natawa siya nang kinindatan ko siya. "Panget mo."
"Panget mo rin."
Bumalik na kami sa loob ng Auditorium dahil patapos na raw. Inaantay na lang 'yong final score sa judges. Tumabi ulit kami kay Ate Malaya, "Sana manalo tayo." aniya.
"Oo nga e, pero magagaling din 'yong Limasawa Boys." sagot ni Carlos.
"All right folks! The long wait is over. The final scores are now in my hand!" the emcee said and once again, the crowd cheered.
All the contestants got on stage. The drum roll was heard, "THIRD RUNNER UP goes to..."
"ROLLING BLAZERS!"
"May dalawa pa, sana tayo na..." sigaw ni Carlos dahil mas malakas ang hiyaw ng mga tao. Pinicturan ko ang third runner up.
"Next category. SECOND RUNNER UP!" nanahimik muli ang mga tao, "Ready na ba kayo... LIMASAWA BOYS!"
"DESERVE!" napasigaw rin ako dahil nagustuhan ko rin pag-perform nila kanina.
"LAST BUT NOT THE LEAST..." the emcee said," THE CHAMPIONS, SINO SA TINGIN NIYO?"
Drum roll. Lahat nagsigawan nang kanila-kanilang mga gustong grupo. Obviously, chine-cheer ko 'yung chine-cheer din nila Carlos. Sobrang nakakaakit sila panoorin, kahit ang sakit sa mata nu'ng ilaw, madadala ka sa mga expressions nila, lalong lalo na mga dance moves nila.
Mukha akong gagang nakikisigaw.
"BANDANA! BANDANA! BANDANA!"
"THE CHAMPIONS FOR THIS YEAR'S PSYTRANCE DANCE CONTEST IS..." dead beat.
"BANDANA BEATS!"
Napasigaw kaming lahat at napatalon sa saya. Nagyakapan kami ni Carlos dahil magaling naman talaga kasi. Sobrang deserve nila manalo! Buti na lang walang nag-sabotahe sa kanila.
Dali - dali kaming pumunta ni Carlos sa gitna para kuhanan sila ng litrato. Maski sila, hindi sila makapaniwala na nanalo sila. You can see it in their eyes how badly they wanted to win; how they did their best and ito na, nakuha nila kung ano nararapat sa kanila. Nakaka-proud. Kahit hindi ko sila kakilala.
Nagpaalam na ang emcee at bumaba na ang mga contestants.
Pinahawak sa'kin ni Carlos bag niya. Nilapitan at niyakap niya si Mavy, "Congrats, pare! Ang galing mo!"
Mas nakita ko nang malapitan si Mavy. Parang nakita ko na siya dati? In fairness, mas guwapo siya sa malapitan.
"Thank you sa support! Nasaan si Ate?" tanong niya at bigla siyang niyakap ni Ate Malaya sa likod.
Ang saya naman nilang pamilya.
Sana ako rin, 'no? Masaya. Ang suwerte niya kasi may pinsan at kapatid siyang naka-suporta sa kaniya. Even without his parents around, masaya pa rin siya. Unlike me, all fame, power, and riches around, hindi naman masaya. Nasa sa'yo talaga kung paano mo paiikutin buhay mo.
Even the smallest and simplest things make you happy.
"Uy! Na-starstruck ka yata sa pinsan ko?" kalabit sa'kin ni Carlos.
"Gago." sabi ko, tinignan ko ulit si Mavy. "Ang galing niya talaga kanina. Pasabi congrats."
"Ikaw na kaya! Teka, tawagin ko." umalis agad si Carlos at kinabahan ako.
"Hoy! Huwag na-" biglang may tumawag sa'kin from behind.
"Mikaela Sabrina..."
Putangina, ikaw na naman.
Hinarap ko siya. "Why the fuck are you here?"
"Oh, I'm sorry. Haven't you known? I'm a sponsor." ngisi niya.
Stupid motherfucker. "Leave me alone."
Naglakad ako palayo pero hinila niya ang braso, "Let go, Ely." I warned him.
"Ain't happening, darling." sabi niya at hinila ako palabas.
Hindi ako makapiglas dahil hawak - hawak ko ang gamit namin ni Carlos. Kapit na kapit din ang kamay ni Ely sa braso ko, hindi ako makasigaw dahil ayokong gumawa ng eksena.
"Ano ba! Tangina, bitawin mo 'ko!" sabi ko at pilit iniaalis ang kamay ko.
Hindi niya ko pinapansin. "Puta ka, hindi pa ba sapat pagsumbong mo kay Papa!"
Tumigil siya sa paglalakad at napadpad kami sa isang secluded na corridor. Kinuha niya ang parehas na balikat ko, "Tangina mo bitawin mo'ko, Ely or else..."
"Or else what? Roast me in the balls again? Not this time," sabi niya at ni-lock niya ko sa pagitan ng katawan niya at ng pader. "I'm not letting you move a muscle. Gusto mo wasakin ko 'to?"
Tinuro niya ang camera na nakasabit sa leeg ko maski ang bag ni Carlos. He knew I can never let my camera get broken. "Now that I've got your attention..."
"Puwede bang tigilan mo na'ko! Ano bang gusto mo!" sinigawan ko siya. Hindi ako magpapatinag sa gagong 'to. Sisirain mo camera ko? Go!
Natawa lang siya sa sinabi ko which made me more pissed off.
"Uulitin ko, Elias..." Tinignan ko siya ng deretso sa kaniyang mga mata.
"What the fuck do you want?"